Chapter 4: Deja Vu

2393 Words
Bella's POV Naglalakad ako sa tabi ng kalsada at hindi inalintana ang namumugto kong mga mata. Ring ng ring ang cellphone ko kanina kaya tinanggalan ko ito ng sim. Alam kong nag-aalala na ang dalawa kong kaibigan sa'kin pero gusto ko munang mapag-isa ngayon. Hindi ko inakalang sa loob ng halos dalawang taon, hindi man lang niya ako sinabihan na may ibang babae pala siyang balak pakasalan. Sana hindi na lang siya pumasok sa buhay ko, sana hindi nalang niya inaksaya ang halos dalawang taon ko sa kanya, at sana hindi ko nalang siya binigyan ng pagkakataon noon.  I wished I never opened my heart for that man. Sa ilang minuto kong paglalakad, naisipan kong puntahan ang isang lugar kung saan ako palaging pumupunta sa tuwing gusto kong mapag-isa. Isang lugar na espesyal sa'kin. Pumara ako ng taxi at sinabi sa driver ang eksatong lugar kung saan ako balak na pumunta. Habang nasa biyahe na ako, pilit kong ina-alala ang mga masasayang ala-ala namin ni Lucas.  Sa loob ng halos dalawang taon, minahal ba talaga ako nang taong 'yon? Kahit ni isang araw naging totoo kaya siya sa'kin?  Sa dinami-raming "mahal kita" na sinabi niya, alin kaya doon ang totoo at alin ang hindi?  Napapikit ako at tuluyang sinandal ang aking ulo sa upuan ng taxi. I never expected my first relationship will end like this. It's horrible, tragic, and devastating. Will someone save me from this agony? Will someone mend all my open wounds? "Ma'am, andito na po tayo." Napadilat ako ng bigla akong tawagin ni manong driver. Hindi ko napansin na nakaidlip pala ako sa gitna ng biyahe. Ibinigay ko na sa kanya ang bayad atsaka bumaba. Bahagya akong nag-unat habang nakatingin sa paligid. Kahit ilang taon na ang nakakalipas, maganda parin ang lugar na'to. Halatang inaalagan talaga ng mga taga rito. Tumawid ako sa kabila kung saan makikita ang isang malawak na parke.  Puno ito ng mga matataas na puno, may mga bench naman na ilang metro ang pagitan sa kasunod na upuan, at mayroong mga lamp post na nagsisilbing liwanag sa lugar na 'to kada gabi. Malamig ang simoy ng hangin kahit tirik na tirik ang araw, hindi mo talaga mararamdaman ang init kapag nandito ka. Napatingin ako sa gitnang parte ng lugar kung saan makikita ang palaruan. Kaagad akong napangiti ng may maalala akong isang masaya na alaala. This place will always be my favorite spot for it had a huge contribution during my childhood days, as far as I can remember. "Ate, gusto niyo po ba ng lobo?" Napalingon ako sa batang biglang nagsalita sa aking gilid. Napatingin ako sa dala niyang mga lobo, sari-sari ang mga kulay ne'to at ang iba naman ay may mga desenyo.  "Kukunin ko 'yong pulang lobo," ani ko habang nakangiti sa kanya. May bigla akong naalala sa mga lobong ito. "How much are all of them?" I almost drop my wallet as I heard a very cold baritone voice. Napalunok ako ng biglang humangin at tinangay ang ilang hibla ng aking buhok.  "Po?" wika ng batang lalake habang nakatingala sa taong nasa likuran ko.  "Magkano 'yan lahat?" paguulit niya sa salitang tagalog. Biglang lumaki ang ngiti ng bata atsaka binilang ang dala niyang lobo. "Sampung piso po kada isa at may labindalawang lobo pa po akong dala, kaya 120 po lahat," ani ng bata. "Magaling ka sa math." Nilapitan ng matangkad na lalake ang bata atsaka ginulo ang buhok ne'to. Lumuhod siya upang magpantay ang kanilang tingin atsaka kinuha ang kanyang wallet para bigyan ng pera ang bata. Hinugot niya ang isang 500 pesos at binigay sa batang lalake. "Kunin mo 'to at umuwi na sa inyo," ani niya. Kitang-kita naman sa ekspresyon ng bata ang pagkagulat at pagdadalawang isip na tanggapin ang malaking kantidad ng pera. "P-Pero 120 lang naman po lahat." Napayuko siya kaya kinuha nong lalake ang kanyang maliit na kamay atsaka binigay ang pera.  "Kukunin ko na 'tong mga lobo mo ha?" Tumayo ang lalake atsaka kinuha sa bata ang isang dosenang lobo mula sa kanyang kamay. Napangiti na lang ang batang lalake atsaka tumakbo habang kumakaway sa matangkad na lalake.  "Hey, where do you think you're going?" Napahinto ako sa paglalakad palayo ng biglang magsalita ang lalake sa aking likuran. Nagdadalawang-isip akong lumingon sa kanyang direksyon pero sa huli nilingon ko pa'rin siya. "A-Ako ba ang tinutukoy mo?" sabi ko atsaka tinuro ang aking sarili. Naglakad siya papalapit sa'kin atsaka huminto ng ilang pulgada lang ang layo sa'kin. I can't help but to get intimidated by this man. His presence, his aura, the way he stare, it looks like everything was just subdued by him. Bigla niyang inalok sa'kin ang mga lobo na ikinagulat ko ng bahagya. "You want the red balloon, right?"ani niya habang nakatingin sa'kin ng deretso at walang ekspresyon ang mga mata.  "Nako! Okay lang ako, sayo na 'yan," sambit ko habang nakangiti sa kanya pero halatang pilit naman ang mga 'yon. Mas mabuti pa siguro 'yon kesa ang bigla nalang akong nakahandusay dito sa lupa.  Wala naman sa pisikal niyang anyo at sa gwapo niyang mukha ang kumatay ng inosenteng buhay sa ganitong oras. Sadyang nakapaseryoso lang talaga niyang tignan sa sitwasyon na'to, o baka ito na talaga ang hitsura niya. Hindi mo kasi maitukoy kung gusto niya bang makipagkaibigan o maghamon ng away. Bigla niyang kinuha ang isa kong kamay atsaka ibinigay sa'kin ang lahat ng lobo. The moment he touched me, I felt an uncommon feeling that suddenly electrify my whole body. I was mystified for a few seconds of my life.  Nakatulala ako ng ilang segundo bago ko napagtanto na wala na siya sa aking harapan. A wave of memory suddenly occupied my mind. The action that he did was so familiar and I don't have any idea where that came from.  Kaagad akong lumingon sa aking likuran at nakita ko siyang nakapamulsang naglakad papalayo sa'kin.  "Sandali la--," hindi ko na natapos ang gusto 'kong sabihin ng bigla akong mawalan ng balanse. Napasapo ako sa aking ulo sa sobrang sakit atsaka nabitawan ang mga dala kong lobo.  I crashed my body onto the ground and let darkness consumes me. Naglalaro ako sa isang sand box dito sa isang parke na palagi kong pinupuntahan kada linggo pagkatapos naming magsimba nina mama at papa. "Huwag kang masyadong lumayo anak ha?" rinig kong sigaw ni mama sa di kalayuan. Nilingon ko siya na nasa ilalim ng isang malaking puno kasama ang aking ama na nagpipicnic.  "Opo!" ani ko habang nakangiti at kumakaway sa kanya.  Wala pang masyadong mga bata ang nandito kaya mag-isa lang akong naglalaro dito sa sand box. Ang iba nag si-slide, nagsi-seesaw, at kung ano-ano pa. Nilagyan ko ng mga buhangin ang isang maliit na timba atsaka ito binaliktad. Tuwang-tuwa ako ng makitang napakaperpekto ne'to. "Ah mataba! Antaba-taba mo naman! Malakas ka sigurong kumain, parang baboy." Napalingon ako sa isang direksyon kung saan may maingay.  "Mataba! Mataba! Mataba!" May nakita akong batang lalake na nakaupo sa isang swing at nakayuko habang pinapalibutan ng ilang mga batang lalake na kasing edad lang din namin. Pinagpag ko ang suot kong bestida atsaka naglakad papalapit sa kanilang direksyon. "Hoy!" Sigaw ko sa mga batang lalake. "Huwag niyo nga siyang tuksohin!" Ani ko habang nagmamarcha papunta sa kanila. Nilingon naman ako nila atsaka tinignan mula ulo hanggang paa.  Tinulak ko ang isang batang lalake atsaka nagpatuloy na naglakad papalapit sa batang lalake na tinutukso nila. Nakayuko parin siya at may dalang pulang lobo, hindi inalinta ang mga nangtutukso sa kanya. "Ayos ka lang?" Mahinang tanong ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon pero tumango lang siya. Humigit ako ng isang malalim na hininga atsaka tinignan ang lalake kanina, tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang tumukso sa kanya?" Maangas kong tanong sa kanya. Matangkad akong babae ikukumpara sa mga kaedad kong bata ngayon kaya medyo napatingala siya sa'kin. "Oo bakit, aangal ka?" "Pano kong, oo?" Nilapitan ko siya atsaka kinuwelyohan. Nanlaki ang kanyang mga mata at napaatras naman ang mga kasama niya.  "B-Bitawan mo'ko!" Nauutal niyang sambit. Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak ng kanyang kwelyo na mas ikinasigaw niya. "Bitawan mo'ko sabi! Bitawa--" bigla ko siyang binitawan na ikinaupo niya sa lupa. "Ang lakas ng loob mong tuksohin siyang mataba eh ikaw nga sobrang payat. Payatot!" Tukso ko rin sa kanya pabalik. Kaagad siyang napatayo atsaka napaatras ng ilang hakbang. Akmang susuntokin ko siya ng bigla siyang kumaripas ng takbo. "Huwag ka nang babalik pa rito!" sigaw ko. Napangisi ako sa ginawa ko atsaka nilingon ang batang lalake sa swing. Nakatingin na siya sa'kin ng deretso kaya ningitian ko siya. "Bago ka lang ba rito?" tanong ko sa kanya, ngayon ko lang kasi siya nakita. Tumango lang siya sa'kin, halatang nahihiya. "Mula ngayon, kaibigan mo na ako ha?" Nabigla siya sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasang mapahiya rin. "Ah k-kase, bago lang din kami rito t-tsaka wala pakong kaibigan dito." Napakamot ako sa aking leeg. Bigla siyang tumayo atsaka inilahad sa'kin ang dala niyang pulang lobo. "S-Salamat sa ginawa mo k-kanina, sayo na 'tong l-lobo ko," ani niya habang nakayuko parin. Napangiti ako sa sinabi niya. "Ayos lang 'yon, itago mo lang yang lobo m--" nagulat ako ng bigla niyang kunin ang aking kamay atsaka binigay ang lobo. As I open my eyes, the omnipresent smell of antiseptic welcomes me that triggers some of my memories way back then. I roamed my eyes to this perfectly ordinary hospital room, I didn't sense any danger around that made me feel relieved.  "Bella, buhay ka!" kaagad akong sinugod ng yakap ni Eric. "Sira ka talaga," sambit ni Macey habang napailing sa gilid at nakakrus ang mga braso.  "Shuta kang babae ka! Pinag-alala mo kami ng bonggang-bongga mula pa kanina," ani ni Eric. Matipid ko siyang ningitian atsaka hinawakan ang kanya kamay at humingi ng paumanhin. "Hindi niyo ba sinabihan sina Papa na nandito ako?" tanong ko sa kanila atsaka nilingon rin si Macey sa likuran ni Eric. "Alam namin na ayaw mo silang mag-alala kaya hindi namin 'yan ginawa," sagot ni Macey na ikinagaan ng aking pakiramdam. "Ano ba ang nangyari Bella?" tanong niya at umupo sa may paanan ko. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang pagkasabik na malaman ang rason kung bakit ako nandito. Walang pag-aalinlangan kong ikinuwento sa kanila ang nangyari mula simula. Sa pagkaalam ko na may ibang babaeng balak pakasalan si Lucas hanggang sa bigla akong nawalan ng malay. "At 'yon na ang nangyari," wika ko.  Inaasahan ko ang matindi nilang reaksyon pagkatapos, ngunit hindi iyon ang nangyari. Nanatili silang dalawa na kalmado at nakatingin lang sa akin.  "Wala kayong sasabihin?" may halong pagtataka kong tanong. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa kong kaibigan. Bumuga ng hangin si Eric bago niya ibinuka ang kanyang bibig. "Bella, bilang mga kaibigan mo, nasasaktan din kaming makita ka sa ganyang klaseng sitwasyon. A girl like you doesn't deserve to be treated that way. Magkita lang kami nang EX boyfriend mo na 'yan at gawin niya ulit sa'yo 'yong ginawa niya kanina, hindi ako magdadalawang isip na magpakalalake kapag umabot sa ganya," seryoso pero kalmado niyang sambit.  Biglang pumalakpak si Macey, kaya sabay kaming napalingon sa kanya. "Kung hindi mo lang ako kaibigan at hindi kita kilala, iisipin ko talagang masarap kang ikama," wika niya na ikinangiwi ko. "Yuck! Maghunosdili ka nga Maria Macey! Napakabantot mong pakinggan," ani ni Eric atsaka umirap.  "Baka nakalimutan mong bisexual ako? I can eat V and D at the same time." Nilingon ko si Eric at halos hindi na maipinta ang kanyang mukha. Halata namang binibiro lang ni Macey si Eric, kaya hindi ko rin maiwasang mapatawa ng bahagya sa kanilang dalawa. "Tumahimik ka at baka masampal kitang bruha ka," sabay kaming napatawa ni Macey sa reaksyon ni Eric. Kahit kailan talaga 'tong dalawang 'to. Biglang naputol ang aming kasiyahan ng may kumatok sa pinto. Sabay kaming napalingon doon at niluwa ang isang matangkad na lalake na may suot na lab coat at stetoscope sa kanyang leeg. Our eyes automatically met when he entered the room. I felt the same thing the moment I encountered this man earlier. Uncommon feeling. In just an instant, I felt a shiver down to my spine as his eyes stare at mine deeply. Parang sa isang tingin lang, kaya na niyang makuha ang lahat ng medical statistics ko.  Wait, he's a doctor? "Fafa na fafa." Bulong ni Eric sa akin. Napakurap naman ako sa ginawa niya, kung hindi pa niya ginawa 'yon hindi ko malalaman na kanina pa pala ako nakatutok sa doctor na biglang pumasok.  "I'm Dr. Seiberg, and I'm here to check on you. How are you feeling?" Napakurap pa ako ng ilang ulit ng magsalita siya. "A-Ano, ayos naman ako Doc," ani ko atsaka tumingin sa ibang direksyon. Napansin ko naman na tumingin siya nina Eric at Macey. "I need to perform several check-ups on the patient, will you please leave the room for a moment?" He sincerely said.  Kaagad namang sumunod ang dalawa atsaka lumabas, hindi nakatakas sa'kin ang panandaliang pagsulyap ni Eric sa doctor. Kahit kailan talaga, makakita lang ng gwapo, solve na ang araw ng baklang 'yon. P-Pero teka, kailangan ba talaga silang lumabas? "Yes, unfortunately, they need to leave for me to do my job well." Napastraight ako ng upo ng bigla siyang magsalita sa gilid ko. Kailan pa siya nakarating diyan?! At bakit alam niya ang nasa isip ko?! "Based on your slightly puffed eyes, you cried a few hours ago that might be caused by a certain problem that left a huge impact on yourself," sabi niya habang kinukuhaan ako ng BP. "This problem that you encountered might tackle about knowing something you never expected, or..." Tumunog ang digital blood pressure monitor kaya tinanggal na niya ito. "You lose someone dearly into your life," ani niya na ikinakunot ng aking noo. Tiningnan niya ang resulta ng BP atsaka kumuha ng isang maliit na flashlight. "I'm not pertaining to 'death', what I mean is... What do you call this?" taka ko na siyang tinignan ng ilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang baba na tila nag-iisip. Ano bang meron sa doktor na 'to? "Ah... A heartbreak," ani niya atsaka deretso akong tinignan sa mata. Bigla akong nakaramdam ng lamig sa mga titig niya, bakit ba ganito nalang ang impact niya sa'kin?  Sino ba talaga ang lalakeng 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD