Bella's POV
Pinanliitan ko siya ng mata pagkatapos niyang magsalita. Sino ba siya sa akala niya? He's here to perform his job and not to criticize his patient's personal life.
"Pinalabas mo ba ang mga kaibigan ko para magawa mo ng maayos ang trabaho mo bilang doktor? O para maayos mo akong husgahan?" ani ko. I am trying to fight his cold stares at me, and good thing he broke the connection first.
"Your blood pressure is normal so I conclude that you're not hypertensive," he said while writing something on a piece of a pad. "You're not also dehydrated, since I don't see any symptoms of dry eyes and..."
Huminto siya sa pagsasalita at sa pagsusulat atsaka tinignan ako ng deretso. Bumaba ang kanyang paningin sa aking mga labi na ikinagulat ko ng bahagya.
"Lips," ani niya atsaka bumalik ulit sa pagsusulat. Napaiwas ako ng tingin atsaka napalunok.
Kailangan pa ba talaga niyang gawin 'yon?
"You are experiencing fatigue, so I suggest you take a rest and avoid yourself being overstressed. Taking vitamins or eating foods high in B12 will also help you to recover fast and prevent this kind of situation again." Nakikinig lang ako sa lahat ng sinabi niya habang nakamasid sa ginagawa niyang pagsusulat.
"Pwede na kitang i-discharge ngayon," sambit niya atsaka ibinalik ang kanyang ballpen sa bulsa ng kanyang lab coat.
"You didn't answer my questions earlier doctor," wika ko kahit may bahid ng nerbiyos ang tono ng aking pagsasalita. He completely turned his body and faced me. Hindi kasi maganda ang ginawa niya kanina, kung palagi niya 'yong gagawin sa ilang mga pasyente niya, paniguradong mawiweirdohan sila sa kanya.
Plus, digging into your patient's personal life isn't right. Wala siya sa posiyon para gawin 'yon. I heard him heave a heavy sigh and walk in my direction.
"Ms. Madrigal, I didn't intend to hurt your ego but I am just stating my observations and was trying to prove if my conclusions were right--"
"Wala ka sa posisyon para gawin 'yon. Your job is to take care of your patients and not to treat them as an unsolved crime to test your deducing skills because the last time I check, you're not a detective. Right, doctor?" I cut him off.
Namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig naming dalawa. After a few seconds of staring at each other's soul, a smirk suddenly plastered on his face that made me raised my eyebrows.
"I was impressed," he said while rubbing his chin. Bigla siyang umupo sa paanan ko atsaka inayos ang suot niyang lab coat bago ako tinignan.
"You're right, I'm not a detective and I am fully aware of that but I caught you off guard that moment. Am I right, Ms. Madrigal?" he said and tilt his head on the other side. Nagulat naman ako sa mga katagang sinabi niya at napalunok.
"Anyway, a simple thank you from you will do after rushing you to this hospital," ani niya atsaka tumayo at naglakad papalapit sa pinto. Hindi na siya nag-abalang lumingon pa at deretso ng lumabas sa kwarto.
Ilang sandali lang at pumasok silang Macey at Eric sa loob. Abot hanggang tainga ang ngiti ng bakla at dali-dali akong nilapitan.
"Nakuha mo ba ang pangalan nong doktor?" ani niya na ikinairap ko. Inuna pa talaga niyang itanong sa'kin ang pangalan nong lalakeng 'yon kesa sa sitwasyon ko. Kahit kailan talaga 'tong si Eric.
"Hindi, atsaka wala akong pakialam sa kanya."
"Ay? Mood swings?" sabi niya atsaka napahawak sa kanyang dibdib. "Hoy, hindi kasi 'yan ang issue dito. Sobrang landi mo talaga kahit saan ka ilagay," sambit ni Macey kay Eric atsaka nilapitan ako.
"Pwede ka na raw ma discharge sabi nong doktor kanina." Tumango ako sa kanya atsaka bahagyang ngumiti. Kailangan ko nang makauwi samin dahil mag-gagabi na, hindi ko pa naman natawagan sina Beatrice kanina, kaya baka nag-alala na sila.
Nang makalabas na kami sa kwarto at pumunta sa lobby upang magbayad, biglang nag-iba ng daan sina Macey at Eric dahil kailangan daw nilang gumamit ng banyo bago kami umalis. Hindi raw kasi sila lumabas sa kwarto ng ilang oras kanina dahil sa paghihintay na magising ako. At hindi rin sila nakapagcr kanina habang chinecheck ako dahil baka raw kailangan kaagad sila sa loob.
Sinabihan nalang nila ako na mauna sa parking pagkatapos kong magbayad. Nang matapos na akong makapagbayad ng bills, ngayon ko lang napagtanto na nasa parehong ospital lang din pala ako dinala kung saan sinugod si papa noon, dalawang taon na ang nakakalipas.
"I'm sorry miss! I'm so sorry." Nagulat ako ng bigla nalang may bumangga sa'kin habang may kinukuha ako sa bag. Buti nalang kaagad akong nasalo nong lalake dahil kung hindi bumagsak na ako sa sahig.
"Pasensya ka na talaga, hindi kaagad kita napansin," ani niya kaya napatingin ako sa kanya ng deretso. Nagsalubong ang aking kilay ng makita ang napakapamilyar niyang mukha, ganon din ang reaksyon niya.
Kaagad na sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi atsaka ako tinuro. "Ikaw 'yong babaeng nagpasalamat sa'kin dalawang taon na ang nakakalipas, tama?" ani niya. Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Siya nga 'yon! Ang private doctor na nagrevive kay papa.
"Hindi kita makakalimutan dahil halos lumuhod ka na noon habang nagpapasalamat," sabi niya atsaka mahinang napatawa. Kaagad naman akong nahiya sa sinabi niya.
"And it was my first time bringing someone back to life, kaya hinding-hindi ko talaga 'yon makakalimutan," pagpapatuloy niya atsaka ngumiti sa'kin.
"By the way, I'm Dr. Hunter Melendez. I didn't formally introduce myself to you that time." Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa'kin, kaya tinanggap ko iyon at nakipagkamay sa kanya.
"Ako naman si Bella Dawn Madrigal," sambit ko habang nakangiti sa kanya.
"It's nice seeing you again after 2 years, Bella,"
"It's nice seeing you too again, Doctor," sinuklian niya ako ng isang malapad na ngiti. Sana ganito lahat ng doktor, hindi katulad nong doktor kanina na mukhang pasan-pasan ang buong problema ng mundo. Kung ikukumpara ang doktor na nag check sa'kin kanina, sobrang layo ng personalidad niya kay Dr. Melendez.
"I have to go, I need to do more rounds as what my chief ordered me." Napakamot naman siya sa likod ng kanyang leeg atsaka tumingin sa'kin.
"See you when I see you, Bella," sambit niya atsaka kumaway sa'kin. Kumaway din ako sa kanya pabalik atsaka naglakad na ulit palabas ng ospital.
"ATE!" bungad ni Bea sa'kin. Nagmano siya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi, hindi ko naman maiwasang mapangiti sa ginawa niya kahit araw-araw niya 'tong gawin sa'kin sa tuwing uuwi ako ng bahay. Hindi lang nakakaumay.
"Pa, andito na si ate!" tawag niya sa aking ama. Lumabas naman si papa mula sa kusina na may dala-dalang mangkok sa kamay.
"Mano po, pa," sambit ko atsaka kinuha ang kanyang isang kamay at nagmano.
"Tamang-tama ang dating mo anak, tapos na akong magluto," nakangiti niyang wika habang nakatingin sakin. Kaagad ko namang tinignan si Bea na naglalagay ng mga plato sa lamesa.
"Oh, teka lang ate, ba't ganyan ang tingin mo sa'kin? Sinabihan ko na 'yan si papa kanina na ako na ang magluluto pero ayaw niya talagang lumabas ng kusina." Napalingon ulit ako kay papa at napabuntong hininga.
"Papa naman, sana hinayaan mo na lang si Bea ang gumawa ng mga ganyang bagay dahi--"
"Bella, hayaan mo naman akong may magawa dito sa loob. Hindi na nga ako pwedeng lumabas dahil baka kung mapano ako diba? Kaya hayaan niyo nalang ako kahit sa maliit na gawaing bahay man lang," mahabang sambit ni papa atsaka umupo.
"Hindi ako mamamatay sa pagluluto lang," pagpapatuloy niya.
"Papa naman! Huwag ka ngang magsabi ng ganyan," inis kong sambit na ikinatawa niya ng bahagya.
"Bakit? Totoo naman ah, ang gaan lang kayang magluto. Oh siya, kumain na nga tayo baka lumamig pa 'tong mangkok na niluto ko," nakangiting sambit ni papa kaya umupo na rin ako atsaka sabay kami na nagdasal.
Masaya kaming kumakain at naguusap sa sa hapagkainan. Ito ang pinakapaborito kong gawin kasama nila, ang kumain at magkwentohan.
"Ate, kamusta naman ang araw mo? 'Yong pagstay mo kina ate Macey at kuya Eric, okay lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Bea sa'kin. I was taken back for a split second because they have no idea of what happened today, and they musn't know about it. Lalong-lalo na si papa, ayoko siyang mag-alala ng sobra.
I untucked my hair to cover my ears and drink a glass of water before answering her. "Okay naman ako, maayos ang araw ko ngayon. Salamat sa pagtatanong, bunsoo," nakangiti kong sambit sa kanya.
"At dahil diyan, may load ka sa'kin ng buong buwaan," sambit ko atsaka tinaas-baba ang aking isang kilay.
"Talaga?!" she exclaimed happily. Pumalakpak pa siya sa tuwa na ikinatawa ko ng bahagya. Masaya ako dahil masaya rin siya.
Ito ang isa sa mga katangian ni Bea na gustong-gusto ko, kahit gaano pa yan ka liit na bagay, matutuwa na siya. She really know how to appreaciate little things in life, and that what makes her such a great person.
"Wala na 'yang bawian ate ha?" Tumango ako sa kanya habang nakangiti. I can't stop adoring this young lady in front of me.
Nang matapos na kaming kumain, niligpit na ni Bea ang hapagkainan atsaka dumiretso sa kusina para hugasan ang mga ginamit mga plato, baso, atsaka kubyertos. Napailing nalang ako habang nakatingin sa kusina kung saan hindi mabura-bura ang mga ngiti sa labi ng aking kapatid.
"Bella, anak." Napalingon ako sa direksyon ni papa ng bigla niya akong tawagin. Kaagad ko naman siyang nilapitan at umupo sa kanyang tabi dito sa sala ng maliit naming tahanan.
"Pa, may kailangan ho kayo? 'Yong gamot niyo po? Kukunin ko na po ba?" sunog-sunod kong tanong sa kanya pero hindi niya ako sinagot na ikinapagtataka ko.
"May problema ho ba kayo, pa?" may pag-aalala kong tanong sa kanya.
"Alam kong may pinagdadaanan ka, hinding-hindi mo ito maitatago sa'kin. Kilalang-kilala na kita, Bella," sambit niya atsaka ako ningitian. Pero ang ngiting 'yon may bahid ng lungkot at pag-aalala.
Napabuntong hininga ako atsaka sumandal sa balikat ng aking ama. Maingat naman niyang kinapa ang aking ulo atsaka sinuklayan ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri bago hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
"Kung ano man 'yan, alam kong malalagpasan mo rin 'yan. Ikaw pa? Sobrang tapang mo kaya, bata ka palang sobrang tatag mo na anak. Pero palagi mong tatandaan na nandito lang palagi si papa sa tabi mo."
Hindi ko maiwasang mapaluha sa sinabi niya. Kahit kailan hindi ko talaga maitatago mula kay papa ang totoo kong nararamdaman o pinagdadanaan sa buhay. Kahit saang anggulo pa 'yang tignan, mahuhuli at mahuhuli talaga ako ni papa na nagsisinungaling.
"Lucas and I already broke up."
Napapikit na naman ako ng bigla kong maalala ang nangyari kanina. Hindi ko kayang sabihin ni papa ang buong naganap kanina. Maybe, letting him know that Lucas and I broke up is already enough. Baka kasi ano pa ang magiging reaksyon ni papa kapag nalaman niyang engaged na pala si Lucas sa iba habang kami pa.
"People really do come and go. Hindi kasi lahat marunong manatili, pero alam kong may rason ang lahat ng bagay. Some people will be in your life as a lesson and some are blessings. Just focus on the people who know how to stay because they were the ones who are worth all of your time and effort," ani niya na ikinatingin ko sa kanya ng deretso.
Ngumiti sa'kin ang aking ama kaya kaagad ko siyang niyakap. My father isn't good at comforting with words before, but now, he totally made an impact on me.
Palagi kasing wala si papa sa bahay noon kasi sobrang busy niya sa trabaho at pamamalakad ng sarili niyang construction firm, kaya si mama ang palagi kong takbohan noon sa tuwing may problema ako.
And my father's right, there's no permanent thing in this world. Ang tanging karapat-dapat bigyan ng oras at panahon ay 'yong mga taong laging nandiyan hanggang sa huli...
And Lucas isn't part of it.