PROLOGUE

1523 Words
"Bella Dawn Madrigal!" Kaagad akong napatayo ng biglang may sumigaw sa pangalan ko. Habang inaayos ang aking sarili, napatingin ako sa medyo may edad na babae na naglalakad papunta sa direksyon ko. Pinunasan ko ang laway na nasa gilid ng aking mga labi, hindi ko napansin na nakaidlip na pala ako sa paghihintay. "This is very disappointing!" inihagis niya ang dala niyang folder sa aking lamesa. Napatingin naman ang mga coworkers ko sa direksyon namin. "Ikaw ang isa sa mga magagaling kong writer sa team, pero anong nangyari?" nakapamewang niyang sambit. Nakayuko lang ako habang nagsesermon siya. Kahit anong paliwanag ang gawin ko, wala naman ding makakaintindi sa'kin. "Are you listening Ms. Madrigal?!" walang gana akong tumango sa kanya habang nakayuko. "Fix this ASAP kung hindi, mapipilitan akong sesantehin ka." Tumalikod na si Mrs. Consas at naglakad pabalik sa office niya. Kaagd naman nagsibalikan sa mga pwesto nila ang mga kasamahan ko sa department. Kinuha ang folder na inihagis niya kanina at umupo sa pwesto ko kanina, habang binubuklat ko ang laman ne'to hindi ko maiwasang mapaluha. Bigla akong napalingon sa taong nagbigay sa'kin ng panyo, tumingala ako sa direksyon niya at nakita ko ang isang matangkad na lalake at nakasuot ng salamin. "Mababasa ang mga gawa mo kapag hindi ka tumigil sa pag-iyak," mas lalo tuloy akong napaluha sa sinabi niya. Kinuha ko 'yon at nagpasalamat sa kanya. "Labas tayo mamaya?" sambit niya sa'kin. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Pass muna ako Luc, marami pa akong babayaran eh--" "My treat," hindi na ako tumanggi pa para hindi na humaba ang usapan naming dalawa. Si Lucas lang ata ang palaging kumakausap sa'kin ngayon dito, simula nong nagkandaleche-leche ang mga gawa ko, unti-unti na rin nababawasan ang kaibigan ko dito sa department. Ewan kung dapat bang kaibigan ang tawag sa kanila, tinuturi lang naman nila akong kaibigan kapag nasa taas ako. Pero kapag nasa baba katulad ngayon, nawawala sila. ***** Tapos na ang working hours namin ni Luc kaya nasa labas na kami ngayon. Matagal-tagal na rin mula nung huli kong pamamasyal. Kung kailan akala ko okay na ang lahat, sunod-sunod naman akong dinadalaw ng mga problema. Akala ko kung makapagtapos na ako at may desenteng trabaho maaayos na ang lahat, hindi pa pala. Subalit, mas nadagdagan pa nga ang mga iyon. "Huy okay ka lang? Sobrang lalim naman ng iniisip mo ngayon," pagpukaw ni Luc sa aking atensyon. "Naisip ko lang, kung masesesante man ako pano na ang kapatid ko? Si papa? May sakit siya ngayon, kailangan niya ng pang maintenance. Ang kapatid ko naman nag-aaral pa, hindi naman siya pwedeng huminto dahil obligasyon kong paaralin siya," mahabang wika ko sa kanya. Inakbayan niya ako at ginulo ang aking buhok. "Wag ka ngang nega diyan, hindi ka masesesante. Ano bang sabi ni Mrs. Consas tungkol sa gawa mo?" tanong niya sa'kin. Kinuha ko naman mula sa bag ko ang folder atsaka ito binigay sa kanya. "Masyado raw predictable ang gawa ko, may mga scenes na boring, ang mga character halos walang development throughout the story. I tried my very best to work things out Luc but it wasn't just enough," I explained with a hint of exhaustion in my voice. Tinignan naman niya ako sa mata na may awa. "I know you've been through a lot, Bella." Napayuko ako at nag-iwas ng tingin sa sinabi niya. Ayokong umiyak na naman sa harap niya. I admit that I'm such a weak person, masyado akong emosyonal at madali lang akong mabasa. Madali lang rin makita ang kahinaan ko, kaya siguro ako nagkakaganito. I need to be stronger, tougher, and more independent if I want to overcome these problems in my life. Hindi pwede ako sumuko, ngayon na lang ba? Kung kailan nandito na ako? "Pwede ko ba hingin to muna sa'yo?" napatingin uli ako sa direksyon ni Luc. "I'll read the whole story first and let you know my feedback afterward. Tumatanggap ka ba ng suggestions?" biglang nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "N-Nagbibiro ka ba?" "Mukha ba akong nagbibiro sa'yo?" seryoso niyang sambit habang inaayos ang salamin niya, he even tilt his head to the side. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit, hindi ko ma explain ang nasa loob ko. Sobrang saya ko ngayon! "Thank you! Thank you Luc!-- Eh teka, diba may ginagawa ka rin ngayon? Hindi ba nakakaabala sa'yo?" "Oo pero patapos na rin 'yon. Don't worry next week ipapasa ko na 'yon kay Mrs. Consas and after that, yung gawa mo naman," he said and smiled at me. Hindi ko tuloy maiwasang mapaluha sa sinabi niya. "Sometimes, you have to seek help, Bella. Kung hindi mo kaya, nandito naman ako para tulungan ka. Kahit gaano pa yan kaliit o kalaki, tutulungan kita." Tumango ako na parang bata sa sinabi niya. Even if I'm in amidst of problems, may tao talagang ipapadama sa'yo na hindi ka nag-iisa. And in my case, that's Lucas. Napakapa ako sa suot kong trousers ng biglang magvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller's name at nakadisplay doon ang pangalan ng aking kapatid. *Beatrice Calling* I accepted the call, baka kasi may ipapabili tong school requirements. "Bea, napatawag ka?" [Ate...] biglang nagbago ang ihip ng hangin ng marinig kong umiiyak siya sa kabilang linya. "B-Bea? Anong nangyari diyan?" kumakalabog na ang puso ko sa sobrang nerbiyos. Kitang-kita naman sa mukha ni Luc ang pagkalito. [Si papa ate, sinugod namin siya sa ospital nahihirapan na siyang huminga] halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi niya. Buti nalang kaagad akong inalalayan ni Lucas. "S-Saang ospital kayo ngayon?" [Sa Augustus Medical Hospital ate] "Papunta na ako," kaagad kong nilingon ni Lucas at sinabi sa kanya na kailangan ko ng umalis papuntang ospital. Gusto naman niyang sumama, kaya hindi na lang ako pumalag pa. Hindi ako mapakali habang nasa biyahe kami ni Luc, napapansin ko naman na panay tingin siya sa direksyon ko habang nagdadrive. "Relax Bella, nanginginig ka," sambit ni Lucas na ikinatingin ko sa kanyang direksyon. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa ibabaw kamay ko. I tried to inhale deeply para mabawasan ang pag-aalala ko. I silently cursed at the back of my head when we got stuck in traffic. Rush hour nga pala ngayon, mas lalo tuloy akong hindi mapakali. "Hey, hey, hey." Napatingin ako sa direksyon niya. Lucas cupped both of my cheeks to calm me down. "Bella look, kung hindi ka hihinahon baka pati ikaw isugod sa ER gusto mo ba yon?" I shake my head from side to side so he let go of me. When the red light turned green, Luc suddenly step on the accelerator. "We'll make it on time okay? Trust me," he said without looking in my direction. Diyos ko, sana walang masamang mangyari sa ama ko, hindi ko pa kaya. ***** "Ate! Ate!" kaagad kong sinugod ng yakap ang kapatid ko ng makita ko siya sa bungad ng ER. "Nasan si papa?!" naghi-hysterical kong tanong sa kanya pero wala akong makuhang sagot dahil sunod-sunod na rin siyang umiiyak. Agad kong nilapitan ang isang hospital bed dito sa loob na may nagkukumpulang mga nurse at doctor. Nakita ko ang isang lalakeng doctor na umalis mula doon kaya walang pag-alinlangan kong hinawi ang ilang nurse. "Papa!" sigaw ko ng makita ko ang aking ama na nilagyan na ng oxygen mask. "Miss, hayaan po natin si doc na gawin ang trabaho niya," sambit ng isang nurse habang pinapalayo ako. "Bella." Naramdaman ko ang yakap ni Lucas mula sa aking likuran at hinihila ako papalayo. Iyak ako ng iyak habang nakatingin sa aking ama na walang malay. Pilit kong inaalis ang kamay ni Lucas na nakapalupot sa'kin, ngunit hindi ko yun magawa. Dumaan ang ilang segundo at kaagad lumapit sa'min ang isang doctor. "Doc, kumusta na po ang kalagayan ng aking ama? Okay na po ba siya?" sunod-sunod kong tanong. "Hija, nag flat line ang iyong ama kanina," halos tinakasan ako ng dugo sa sinabi niya. "but luckily, one of our private doctors rushed in and revived him," he continued. "S-So doc, ano na po ang condition ng aking ama? S-Stable na ba siya?" tanong ko ulit. "Yes, he is, pero kailangan pa siyang suriin ng mabuti para hindi na 'to maulit pa." Tumango naman ako bilang tugon sa sinabi niya. "Salamat po doc, maraming salamat po." Ngumiti naman sa'kin ang medyo may na edad na doktor sa akin. "Huwag ka sa'kin magpasalamat hija. The doctor who deserve that gratitude is the one who revived your father, I shall go" sabi niya at nagpaalam na sa'min. Niyakap ko ang aking nakababatang kapatid at hinalikan ang kanyang ulo. Naramandaman ko naman ang paghaplos ni Lucas sa aking likod. "Magiging maayos din ang lahat" rinig kong sabi ni Luc. Nilingon ko siya at binigyan ng maliit na ngiti sa labi. Napunta ang aking atensyon sa nakatalikod na doktor na nasa lobby. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang doktor na umalis kanina mula sa nagkukumpulang grupo ng mga nurse na ina-assist ang medyo may edad na doktor. Is he the private doctor that the other doctor mentioned? If he is, then I need to thank him personally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD