Chapter 14: Overnight

2101 Words
Bella's POV "Sir, ready na po si Miss Sforza," sabay kaming napalingon sa lalakeng kakarating lang sa gilid ni RIjanyl. "Sige, I'll be there in a second," ani niya kaya tuluyan ng umalis ang lalaki at nagtungo pabalik sa set. Napatingin ako uli sa gawi ni Rijanyl at kitang-kita parin sa kanyang mga mata ang saya. "I gotta go," he said which makes me nod in response. "See you around the set," he continued and smiled. He waved his hands at me before walking away while holding his camera. Nakita ko naman ang dalawang babae kanina na grabe makatingin sa akin ngayon. It seems like they were throwing daggers at me the way they stare in my direction. Luh, inaano ko ba sila? Hindi ko na lang inalintana ang mga tingin nila sa'kin na tila ba sinasaksak ako ng ilang beses dahil sa mga matutulis nilang mga tingin. Deretso lang akong naglakad pabalik sa tent ni Althea, nakasalubong ko pa si Olga na dala-dala ang susunod na susuotin ni Althea sa shoot. "Kailangan mo ba ng tulong?" ani ko na kaagad naman niyang tinaggihan. "Nako, okay lang. Magaan lang naman 'to," sabi niya habang nakangiti. "Ikaw? Saan ang punta mo?" tanong niya sa'kin. "Ah, babalik ako sa tent kasi may inutos sa'kin si Althea," ani ko. Tumango naman siya ng ilang beses atsaka kumaway sa'kin para pumunta pabalik sa set. As I am heading to Althea's tent, I can't help but think about the sudden interaction with Rijanyl earlier. Hindi ko alam na siya pala ang magiging photographer ni Althea sa shoot ngayon. Siguro ilang beses na rin niyang napagsilbihan ang company ni Althea dahil base sa dalawang babae kanina, mukhang hindi naman ito ang unang beses na nakita nila siya. Nang makapasok na ako sa loob, kaagad kong hinanap ang bag ni Althea at hinalungkat ang cellphone niya sa loob. Pagbukas ko ng cellphone, wala nga itong passcode. Kaagad akong nagsswipe ng screen at hinanap ang messages niya. Nang nasa inbox na ako, clinick ko ang may pangalang 'Dad' na nakaregister sa phone niya at tinype sa screen ang mga katagang sinabi niya kanina. After pressing the button 'send', I was about to click the 'home' button when someone texted her. From: 'Do NOT reply this MAN' Are you serious? Why aren't you texting me back. Yan ang nakalagay sa upper part ng screen... Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa nakikita ko ngayon. Bigla na naman nag pop-up ang panibagong message galing parin sa parehong sender. From: 'Do NOT reply this MAN' I'm trying to reach for you, pero palagi mo kong iniiwasan. Cmon T, communicate with--- Yan na lang ang inabot ng maliit na box na nakadisplay sa upper part ng screen. Alam kong mali tong ginagawa ko dahil hanggang ngayon nakikibasa parin ako sa mga messages na nagpa-pop up. From: 'Do NOT reply this MAN' I know this is about the party, I'm so sorry if I didn't invite you that night. Nanlaki ang mga mata ko, kaya ba bigla na lang naging ganoon si Althea kahapon? Na parang sinuklaban ng langit at lupa ang hitsura niya sa office kahapon ng umaga. Puyat na puyat siya at halatang walang tulog. Muntikan ko nang maihulog ang cellphone ng bigla itong nagring. Do NOT reply this MAN is calling... Shit. s**t. s**t. Bigla akong nataranta, palingo-lingo ako sa paligid habang kumakalabog ng husto ang aking dibdib. Nanginginig ang kamay ko at sa kasamaang palad, napindot ko ang green button. Mukha akong tinakasan ng dugo ng aksidente kong masagot ang tawag. [Althea! Thank God, you finally answer the pho--] Wala sa isip kong binaba kaagad ang tawag. Mariasentisima! Ano ba tong nagawa ko ngayon! Nanginig ang mga kamay kong ibinalik kaagad ang cellphone sa loob ng bag ni Althea. Sht! I'm doomed! I need to take the consequences of my actions. I need to tell Althea what I just did. Fck! Nasabunot ko ang aking buhok habang pabalik-balik ang lakad ko rito sa loob. I am biting my nail thumb right now while walking the pace back and forth, I always do this every time I did something guilty. "Bella!" "Ay malaking tit*!" Napatingin ako sa taong biglang pumasok sa loob. Kaagad na napatawa si Olga habang nakahawak sa kanyang tiyan. Halos mamula na ang kanyang mukha at mangiyak-ngiyak siyang napatingin sa'kin. "Sana ol, malake," ani niya habang nakangiting aso. "Olga naman eh! Ba't ba kasi sumusulpot ka na lang bigla?" medyo may inis kong tanong sa kanya habang nakahawak sa aking dibdib. Naghaharumento parin ang t***k ng puso ko dahil sa nagawa ko kanina. Idagdag mo pa ang panggugulat na ginawa ni Olga ngayon. "Chill ka lang, napakanerbiyosa naman ne'to. Kape pa," wika niya na ikinabuga ko ng hangin. "Oh, ba't pawis na pawis ka? Hindi naman mainit ah, mukhang aambon na nga anong minuto mula ngayon," pagpapatuloy niya. Kaagad akong lumapit sa kanyang direksyon at napahawak sa magkabila niyang balikat. "I did something wrong," ani ko na ikinasalubong ng kanyang dalawang kilay. "I answered someone's call in Althea's phone na hindi ko dapat ginawa." Nanlaki ang dalawang mata ni Olga sa sinabi ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa rekasyon niya. "Sht! What should we do now? M-Masesesante ba tay--" "No! Labas ka rito, wala kang ginawang masama," I said cutting her off. Kitang-kita naman sa mga mata ni Olga ang pag-aalala sa akin. "Kaya nga pala ako andito dahil hinahanap kang Miss A," sabi niya na halos pabulong na. Napalunok ako atsaka tuluyang lumabas sa tent. Ramdam ko namang nakasunod sa akin si Olga habang nakayuko. If I might get fired today, then it just serves me right for invading someone else's business. Habang papalapit ako sa direksyon ni Althea, mas lalong kumalabog ang puso ko na tila ba gusto netong lumabas mula sa aking katawan. Napahinga ako ng malalim ng napako ang tingin ni Althea sa'kin. "Nakasend ka na ba ng text message ni Dad?" tanong niya sa'kin. Nagsalubong ang kanyang kilay ng inabot ng ilang segundo bago ako nakasagot. "O-Opo," nauutal kong sambit. "Are you okay? It seems like you're not in your normal state." Nakakunot ang mga noo niyang sabi. "A-Althea, kasi may nagawa ako--" "Miss Sforza! Aren't we going to finish the photo shoot today?" Nabaling ang atensyon ni Althea sa lalaking biglang sumigaw mula sa tent kung saan nakalagay lahat ng mga kagamitan niya sa pagkukuha ng litrato. Even his team were there. "Yes! We won't, we'll continue first thing in the morning. I already called my assistant earlier to contact the resort manager and prepare our rooms for tonight. We'll stay here over the night instead of travelling back and forth," Althea said and fixed her long hair. Nakita ko namang tumango-tango si Rijanyl sa di kalayuan habang nililigpit ng team niya ang ilang gamit. "What did you say again, Bella?" she asked, looking straight in my face once again. Tumikhim muna ako bago tuluyang sinabi sa kanya ang lahat-lahat mula sa simula. Pinagpapawisan ang mga kamay ko at hindi ko magawang tumingin ng deretso sa kanyang mga mata habang nagsasalita. Nang matapos ko nang ipaliwanag ang sarili ko, yumuko ako at humingi ng paumanhin. Pero ganon nalang ang gulat ko ng marinig ko siyang tumawa ng malakas. Sobrang lakas na akala mo naman ay nagjo-joke ako. Katulad na katulad sa ginawa ni Olga kanina ang pagtawa ni Althea ngayon. Napakapit pa siya sa isang balikat ko habang nakahawak sa tiyan. T-Teka, ano ba ang nangyayari? I'm expecting her to slap me or shout at me after what I just did. Pero heto, tinawanan lang ako. Nang matapos na siya sa kakatawa, tinignan niya ako na may malawak na ngiti. "What you just did was so good!" says Althea, "hanging up his phone call is such a great move!" she continued while grinning from ear to ear. "P-Pero, hindi mo ako sesesantehin?" tanong ko sa kanya. "And why would I?" she said while raising both of her eyebrows. "It serves him right," ani niya atsaka hinawa ang buhok. She clung to my arms and happily marched back to her tent. Okay? What just happened? ***** Nagsimula na ngang umulan kaya nagsipasok na kami sa loob ng hotel dito sa resort. Medyo marami-rami rin kaming naka check-in dito, pero lahat ng rooms ay bayad na ni Althea para sa buong production team. Maximum of 4 persons every room dito, kaya ang mga kasama ko ay sina Olga, Beverly, at Akisha. Ngayon ko lang sila nakilala at ganon na din si Olga sa kanila pero ganon pa man, we managed to talk each other like we already knew. We have the whole day to finish this photoshoot and return immediately to our respective places we called home but because of the weather, we have to stay until tomorrow morning. "Kung alam ko lang na magse-stay tayo dito over the night, edi sana dinala ko ang swimsuit ko," nakangusong sambit ni Beverly sa gilid. Napatawa naman si Akisha sa gilid atsaka binuksan ang kanyang maliit na maleta. "Magdadalawang taon na akong kabilang sa prodction team ni Miss A, at hindi talaga maiiwasan na may ganitong sitwasyon sa gitna ng photoshoot," ani niya atsaka tuluyan na ngang binuksan ang kanyang maleta sa sahig. "Behold..." si Akisha 'yan. Tumambad sa amin ang samut-saring mga bikini sa loob ng kanyang maleta. May neon green, royal blue, wine red, black, at puting bikini. Lahat 'yon makikita talaga ang kaluluwa mo, tsaka yung panty niya halos thong cut sa likod. "At dahil diyan, makakapag night swimming na tayo mamaya," nakangising sambit ni Akisha habang nakakrus ang mga braso. Nagkatinginan kaming apat, at kitang-kita talaga sa mukha ni Beverly ang saya. Pareho naman kaming napalunok ni Olga at sabay na napatingin muli sa mga bikini sa loob. ***** "Bella, bilisan mo na sa loob! Mag-aalas otso na ng gabi, hanggang 10 lang ang pool nila dito," sambit ni Olga sa labas ng banyo. Lahat sila nakabihis na at ako na lang ang kanilang hinihintay. Kanina naman ay nakakain na rin kami ng hapunan sa isang buffet dinner sa restaurant ng hotel resort na ito. Kahit pagdating sa mga putahe napakasosyal tignan. Nakakhiya tuloy lunukin ang mga pagkain na 'yon. "Bell!" "Andiyan na!" sigaw ko pabalik at tinignan ang sarili sa salamin ng huling beses. Napalunok ako dahil ngayon lang ako nakakasuot ng ganitong damit. Sa tuwing maliligo kasi kami ng pamilya ko noon sa dagat o sa pool ay 'yong rashguard lang talaga ang sinusuot ko atsaka shorts. Kinuha ko ang tuwalyang nakasakbit sa aking balikat atsaka ito tinakip sa aking katawan bago tuluyang pinihit ang door knob ng cr atsaka lumabas. Sabay silang napatingin sa direksyon ko at bumagsak ang mga balikat ng makitang nakatapis ako ng tuwalya. Kulay puting bikini ang sinuot ni Olga atsaka isang see-through cardigan. Si Beverly naman ay 'yong kulay neon green habang kulay itim naman ang kay Akisha. "Bella, tanggalin mo yang tuwalya. Hindi ka pa nababasa," ani ni Olga. Napalunok ako atsaka napakamot sa ulo. "Nako! Wag na lang, tatanggalin ko lang 'to kapag nasa pool na tay--" Hindi ko na natapos ang sinabi ko ng biglang kinuha ni Beverly ang tuwalya na ikinagulat ko. "That's much bette--Omayghad!" nakangangang sambit ni Beverly habang nakatingin sa aking hinaharap. Paniguradong pulang-pula ang mukha ko ngayon, kasing pula ng suot kong bikini ngayon. "Ang laki naman, natural ba 'yan?" manghang-manghang tanong ni Beverly atsaka lumapit sa'kin at sinundot ang joga ko. "A-Ano ba Beverly!" ani ko atsaka tinakpan ang aking dibdib. "Natural nga, malambot eh." sambit niya at tumango-tango pa. Sobrang pula ko na talaga ngayon! "Ganda naman pala ng kawatan mo, Bella! Yan ang klase ng katawan na dapat ipaglandakan! Be confident! Ganun!" ani ni Akisha sa gilid habang nakataas noo. "No doubt Miss A wanted you to be her model," Olga said and approached in my direction. And because of what she said, I saw the two ladies form their mouth in a letter 'o'. Bewilderment was written all over their faces as they stare at me. "Miss A offered you to become her model?!" Beverly exclaimed. Mahina akong napatango sa tanong niya. "OMG! How lucky!" she said. "Pero kung sabagay, being a model really suits you. Matangkad kang babae at makurba ang iyong katawan," she continued and smiled at me. "Go for it girl! You shouldn't miss any opportunity! I am really looking forward to see you on a runway," Akisha said. Hindi ko naman maitago ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sinabi nila. They're trying to boost up my confidence that I, myself, struggled with for a very long time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD