Chapter 13: Mr. Photographer

1523 Words
Bella's POV "Dalian niyo na ang pagseset-up! Aabutan tayo dito ng ulan!" sigaw nong manager sa isang set dito. Nasa Paraiso de Villamor na kami ngayon at naghahanda para sa photoshoot ni Althea para sa kanyang cover magazine na ila-launch next month. "Miss A, these are your chosen outfits for this day's photoshoot," rinig kong sambit naman ni Olga sa may malaking tent kung saan nakaupo at naghihintay si Althea. Napatingin naman siya sa dalawang malalaking rack na puno ng damit. "That's perfect, thanks Olga," she said ang sipped her juice. She was pampered by her make-up artist and stylist right now while observing the set-up happening. It's good to finally observe that she's in her normal state right now. Kahapon kasi mukha siyang puyat at stress. Pagkapasok ko pa sa office niya, medyo nagulat ako kasi ibang-iba ang aura niya kahapon kung ikukumpara noong isang araw. Maaga naman siyang umalis sa kompanya noong gabing 'yon, kaya ganon na lang ang pagkabigla namin ni Olga ng makita naming mukhang buong gabi siyang nagpuyat at hindi natulog. Ano kaya ang nangyari sa kanya noong gabing 'yon? "Hoy, ikaw diyan na nakatayo." Napalingon ako sa taong nagsabi non. Nang makita kong nakatingin siya sa'kin itinuro ko ang sarili ko at sabay sabing, "ako po?" "Oo ikaw, sino pa nga ba?" masungit niyang sambit. "Huwag kang tumayo lang diyan, tulungan mo kami dito. Aba! Kita mong naghahabol tayo dito ng oras, tas nakatunganga ka lang diyan." Napayuko ako atsaka napakagat labi bago tumulong sa set. Tinanong ko ang ilang mga nagseset-up kung ano ang maitutulong ko na kaagad naman nilang tinugunan Walang pagdadalawang-isip na kumuha ako ng ilang kagamitan para sa set atsaka inilagay sa nakalaang pwesto ne'to. Nang malapit ng matapos ang set, dumating na rin ang photographer na hinihintay pa namin kanina. Kaagad namang kumilos ang grupo nila na assign sa pagkukuha ng mga litrato at nag set-up din ng mga kagamitan nila sa kabilang bakanteng tent. "Ang gwapo talaga ni Sir noh?" rinig kong bulong ng isang babae dito na kasamahan niya. "Single kaya siya?" ani naman nong isa. "Ewan ko, pero sana oo." May halong kilig naman na pagkasambit ng unang babae. Mukhang pinagpapantasyahan ata nila ang photographer ni Althea. Nabigla ako ng may humablot ng aking kamay."Bella, bakit ka nandiyan? Kanina ka pa hinahanap ni Miss A," sabi ni Olga. "Kasi sabi nong manager na tumulong ako, kaya eto," pagrarason ko sa kanya. Napasapo naman siya sa kanyang noo habang nakatingin sa'kin ng deretso. "Sana sinabi mo na consultant ka in Miss A, hindi ka isang normal na manggagawa dito sa shoot. Iba ang trabaho mo sa kanila," ani niya na ikinatango ko na lang. Sumunod ako kay Olga at pinuntahan si Althea sa loob ng tent niya. Napahinto ako ng makita ko siyang nakabihis na. Sobrang ganda niya at eleganteng tignan sa suot niyang brown pants, white laced corset, at brown blazer. Nakatali sa isang high ponytail ang kanyang mahabang buhok at nakasuot siya ng isang white stilettos. Napako ang aking tingin sa kanyang dibdib ng makita kong sobrang lobo ne'to tingnan dahil sa suot ng corset. "If you're a man, I'll definitely slap you on the face for staring at my chest too much." Napakurap ako sa sinabi niya at napatingin sa kanyang mga mata ng deretso. "I know they're kinda huge," Althea said proudly. Napatingin naman ako sa hinaharap ko bigla, sakto naman ang kanyang laki kaya hindi ako nai-insecure sa dibdib ko. Mas malaki nga lang ang kay Althea. Narinig kong napabuntong hininga si Olga sa gilid kaya sabay kami ni Althea na napalingon sa direksyon niya. Nasaksihan ko kung gaano siya ka dismayadong nakatingin sa kanyang hinaharap. "Hey Olga," pagpukaw ni Althea sa kanyang atensyon. "Don't be discouraged about your size, any cup size is beautiful." Napangiti ako sa sinabi niya, kahit na minsan nagiging suplada siya sa mga workers niya at kay Olga, hindi parin talaga maitatago na may kabutihan siya sa loob. "P-Pero kasi sobrang ano... Flat," mahina niyang sambit at napayuko. Althea approached her and lift her chin up, she stare at her face for a while and removed her eyeglasses. Napakurap naman ng ilang beses si Olga, halatang ina-adjust ang vision niya. "Flat is sexy, you're also pretty. You just need to wear something called, confidence," Althea said and winked at her before giving her eyeglasses back. "Let's go back to work ladies. Remember what I said, okay?" Tumango si Olga sa kanyang sinabi habang nakangiti. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapangiti sa nasasaksihan ko ngayon. Althea is such a great boss. Not all someone like her knows how to make his or her workers feel comfortable and boost up. Althea definitely knows how to use her words well. "I better get going, sumunod na kayo ha?" ani niya atsaka tuluyang lumabas sa kanyang tent. Nakita ko namang ilang ulit na napakurap si Olga habang nakatayo at nakatingin sa parte kung saan lumabas si Althea. She automatically approached me and held my hands with a wide grin plastered on her face. Hindi na ata mawawala ang mga ngiting 'yan sa labi niya buong araw. "I will never, ever, resign in this position," says Olga, "I love my job!" she exclaimed like a little child which makes me laugh. "Miss A, compliments me I just can't believe it! It seems surreal," she said while looking up and her hands are compressed to each other against her chest. Napailing ako habang nakangisi sa kanya. Hinablot ko ang kanyang kamay atsaka deretsong pinatingin sa akin. "Mamaya na yang pagde-daydream mo diyan, may trabahao pa tayo," ani ko atsaka hinila siya palabas ng tent. Dumiretso kami sa eksaktong lugar kung saan ginaganap ang photoshoot ni Althea. Napakaprofessional tignan ng mga taong nakapalibot sa kanya habang nakaupo siya sa isang director's chair. Hindi naman inalintana ni Althea ang panahon dahil medyo makulimlim na, hindi na niya kailangan ng payong para maprotektahan ang maputi niyang kutis mula sa init. At dahil nga medyo umaanbon na, nagsilabasan na 'yong malalaking ilaw para kahit na ganon maganda paring ang kuha ng litrato. "We are all set," ani ng isang lalakeng nakatalikod at hawak-hawak ang isang camera na may malaking lente. Nakasuot siya ng trousers at puting longsleeves na nakarolyo hanggang sa siko niya. Teka, mukhang pamilyar ang kanyang tindig... Saan ko ba 'to nakita? I'm not really good at remembering people I met in the past, unless if she or he made a huge impact in my life. "Ang pogi talaga." Narinig ko na naman ang bulong ng isang babae sa likuran ko. Ito siguro ang chinichismisan nila kanina ng kasamahan niya. "Likod pa lang oh, yummy na eh," mahinang sambit naman nung katabi niyang babae. Napatingin ako kay Olga, at ganun na lang ang gulat ko ng makitang nakatulala siya sa lalakeng may dalang camera. Hindi talaga siya kumikirap hanggang sa niyugyog ko ng bahagya ang bawta balikat niya. "H-Ha?" "Ha-Hakdog. Ang sabi ko, nasaan ang susunod na susuotin ni Althea. Mas mabuting nakahanda na kaagad 'yon," ani ko sa kanya. "Ah, ganun ba? Nasa tent niya. Kukunin ko muna, dito ka lang," sambit niya atsaka tuluyan ng umalis. "Bella." Napalingon kaagad ako sa gawi ni Althea ng bigla niyang ako tawagin. Walang pagdadalawang-isip na naglakad ako papunta sa kanyang direksyon habang nireretouch siya ng artist niya saglit bago tuluyang kunan ng litrato. "Ano 'yon? May kailangan ka ba?" I asked politely. "Pwede mo bang kunin ang cellphone ko sa bag? I forgot to reply on my dad's messages earlier." Tumango ako sa kanya atsaka ngumiti. "Of course, no problem," ani ko at tatalikod na sana ng bigla niyang kunin ang kamay ko. "Ikaw na lang bahala mag reply sa kanya ha? Text him that I couldn't make it this time because of the weather. Tsaka may urgent meeting din ako mamaya," ani niya. "T-Teka, ako mismo ang magte-text?" medyo may kaba kong sambit. "Oo, wala yong passcode. Besides, I trust you, rereplyan mo lang naman si Dad," ani niya atsaka ngumiti kaya ningitian ko na lang din siya kahit medyo pilit. Hindi kasi ako sanay na galawin ang bagay na pagmamay-ari ng iba, lalong-lalo na ang cellphone. It makes me feel like I'm invading their privacy. "Thanks, Bella," says Althea and closed her eyes to give her artist a better access to her eyelids. Deretso lang akong naglakad mula sa set pabalik sa tent kung nasaan ang mga gamit niya. Kaagad naman akong napahinto ng may biglang humarang sa akin. Nagsalubong ang aking kilay sa ginawa niya kaya napatingala ako sa kanyang mukha. "Pwede bang huwag kang humarang sa dinada--" "Hey Bella," he said while smiling at me. Nalaglag ang panga ko ng makita ko siya ng harapan. Kaya pala sobrang pamilyar niya kanina, sobrang bobo ko para hindi kaagad siya makilala sa kanyang tindig. "Hindi ko inaasahang makikita kita rito," he said cheerfully. Nawawala naman ang mga mata niya sa tuwing ngingiti ito. He's showing his perfect smile at me and at that moment, I already knew why Olga and the other girls' reacted that way. "Rijanyl," I said calling his name almost in a whisper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD