Bella's POV
Nang makita ko ang pool area, halos lumuwa ang mga mata ko ng malaman kung gaano ito kalaki. May regular pool, infinity pool at jacuzzi sa gilid. Pero mukhang gusto kong bumalik sa kwarto namin ng makita ko rin na medyo marami-rami ang naliligo ngayon.
"Exciting!" Beverly exclaimed. Napakapit ako ng mahigpit sa tuwalyang nakasabit sa aking balikat ng mapansin kong panay tingin ang ilang lalakeng naliligo sa aming direksyon.
"Mukhang bet ka nong isa oh, Olga," siniko ni Akisha si Olga sa gilid. Kitang-kita naman ang hiya sa mukha ni Olga dahil sa sinabi sa kanya ni Akisha.
Dahil gabi na, ang tanging nagbibigay lang ng ilaw namin dito sa lugar na'to ay yong mismong mga pool, at ilang lanterns na nakasabit sa malaking puno dito. May mini bar naman sa gitna ng pool at kitang-kita mula sa distansya namin ang mga nag-iinumang mga tao habang nakalubog ang kalahati nilang katawan sa tubig.
"Ano pa ba ang hinihintay niyo? Pasko? Tara na!" Beverly said. She grabbed Olga's hands and walks towards the shower area. Napalingon naman sa direksyon ko si Olga habang hila-hila siya ni Beverly sa kamay.
Ningitian ko lang siya atsaka sinenyasan na susunod lang ako.
"Ikaw Bella hindi ka ba maliligo? Sayang ang bikini ko kapag ididisplay mo lang diyan sa tabi-tabi," nakangusong ani ni Akisha sa akin. Napakamot ako sa batok habang nakamasid sa mga taong tumitingin parin sa direksyon namin.
"Don't mind them, mas lalo ka lang hindi magiging kumportable diyan. What you wear suits the place, so don't let them feel you uncomfortable. You had the body, girl!" she said and point out my body.
Bumuntong hininga ako atsaka tuluyang sumilay ang mga ngiti sa aking labi. Ningitian naman din ako ni Akisha pabalik atsaka tuluyang hinila ang aking mga kamay papunta sa shower area kung saan kakatapos lang din nila Olga.
As the water touches my skin, it drips down until the base of my feet. Basang-basa na rin ang suot kong bikin kaya mas naging dark ang kulay pula ne'to na ikinatingkad ng kulay puti kong kutis.
When my short black hair completely soaks in water, I automatically turn the shower off and face Akisha. Just like me, basang-basa na rin ang buo niyang katawan.
"Let's go?" she asked which makes me nod in response.
Kinuha ko ang tuwalya kong isinabit ko sa isang wall dito sa shower area atsaka kami bumalik sa pwesto namin kanina kung saan sina Olga naghihintay sa amin ngayon. I put my towel in the pool chair just like what they did.
Umuna nang pumunta sa tubig sina Olga at Beverly at masayang lumalangoy, hindi inalinta ang ilang pares ng mata na tumitingin sila. They don't give a damn about it, which I hopefully do as well.
"Hey," kaagad akong napalingon sa aking likuran ng biglang may magsalita. Halos sapo-sapo ko na naman ang aking dibdib sa gulat. Hindi na talaga to maganda, madalas na akong nagugulat kahit sa simpleng bagay.
I should minimize taking too much caffeine every day.
"Rijanyl, ikaw lang pala," I said and felt relieved as I saw him standing in front of me.
"You look great," he said that almost made my eyes widen. Tumikhim ako bago nagpasalamat sa compliment niya.
"Ikaw din," ani ko atsaka binigyan siya ng isang maliit na ngiti.
Nakaboardshorts siya na kulay navy blue at basa iyon, ngayon ko lang napansin ng tuluyan ko itong tinignan. Yung buhok niya rin ay basa at halatang sinuklay gamit ang mga daliri. Tumambad naman sa'kin ang pang-itaas niyang katawan, halatang naggi-gym na talaga siya. Malayong-malayo sa Rijanyl na ka batchmate ko noong highschool.
Kapansin-pansin naman ang mga babaeng nakapaligid sa'min na nakatingin sa kanya. Hindi ako magdududa na inalok na rin ni Althea 'tong si Rijanyl na maging model niya.
Narinig kong tumikhim si Akisha sa gilid kaya napatingin ako sa kanya. "Mauuna lang muna ako sa'yo, Bella," ani niya atsaka kumindat sa akin bago ngumisi at tuluyang umalis.
"So... Nagtatrabaho ka pala sa company ni Althea? Ngayon lang kita nakita sa danami-raming photoshoot na ginawa na namin," ani niya.
"Oo, bago lang ako bilang consultant niya at--" Napahinto ako sa pagsasalita. Kailangan ko pa ba sabihin ang isa pang papel ko dito sa trabaho ko?
"At ano?"Nagtatakang tanong ni Rijanyl sa'kin. Lumunok muna ako bago tuluyang nagsalita.
"Model niya," ani ko. Hindi naman nagulat si Rijanyl sa sinabi ko at ngumiti lang ito. "Pero kasi ano, hindi ko pa talaga tuluyang tinanggap ang trabahong 'yon," I said while rubbing my nape.
After Althea told me to become her consultant, nakapagisip-isip din ako na mas gusto ko ang trabahong 'yon kesa ang maging model. As much as possible, gusto kong magtrabaho sa likod ng camera dahil doon ako mas kumportable.
"Bakit naman? Althea won't ask someone if she didn't see any potential about that certain individual," he said and took the seat on the beach chair. Umupo na lang din ako ng sinenyasan niya akong maupo sa kabilang upuan.
Magkaharap kami ngayong naguusap sa isa't-isa. "Ano kasi... Ano..." I silently cursed at the back of my head for what I just did. Bakit hindi ko tuluyang masabi sa kanya ang rason ng deretso?
"I see, okay lang. You don't have to tell me the exact reason, no pressure," wika niya at napatawa ng bahagya. Even his gestures and the way he talks completely changed. Mas nagiging manly na siya ngayon.
A trait that all women want.
"Ikaw parin talaga ang Bella na nakilala ko noon. Yung Bella na mahiyain kahit may ikabubuga naman," he said straight to my face. Nakangiti siya ngayon sa'kin pero hindi labas ang buong ipin. Yung ngiting may halong paghanga.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang sinabi ni Lucas noon.
"That guy likes you. I'm a man too and I knew if a certain guy likes a girl based on the way he looked at her."
I shrugged my thoughts away and focus on talking to this man in front of me without any malice.
Althea's POV
Ugh! This is making me frustrated!
Reading his text messages right now made me think that I am somewhat very important and dear to him. Pero ang totoo niyan ay hindi naman talaga! I'm just the one who thinks about it that way.
And it absolutely makes me insane!
Fuck him and his mixed signals! Nang dahil diyan mas umaasa ako sa Vantot na 'yon! Kaasar!
Inis kong inihagis ang phone ko sa kama at padabog na umupo sa harap ng vanity table dito sa suite ko. Ako lang dito mag-isa, gusto ko sanang nandito rin si Bella at si Olga pero alam kong napakaunfair non para sa mga ilan kong manggagawa.
Ayoko naman na may iba silang masabi sa dalawa, I won't let that happen to the both of them. I won't also tolerate that kind of manner and behavior around my company. So in order for me to achieve that, I must treat them like my other workers if we were at work.
No favoritism must be involved during work.
Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa mukha ko dito sa salamin. I already removed my make-up earlier, so what I am looking right now is just my bare face.
Hindi naman ako pangit, sobrang kinis nga ng mukha ko. Flawless ako, maganda ang hubog ng katawan, matangkad din akong babae, proportioned ang hinaharap ko at ang aking pang-upo. I have a great vital statistics.
Men drool over me, yet here I am drooling for a man who doesn't want me in the first place.
"Pathetic," I said to myself. Napapikit ako bago tuluyang pinatay ang ilaw ng vanity table.
Tinignan ko ang aking suot na silk robe bago naglakad papunta sa aking kama at sumalampak doon. Naisip kong magpajama pero wag na lang, tinatamad na akong magbihis pa.
Titig na titig ako sa cellphone ko at umaasang bigla 'yon mag ring o di kaya ay may mag pop-up ng bagong message galing sa kanya.
Inabot ng ilang minuto ang pagtitig ko sa phone pero wala talaga! Napairap ako atsaka kinuha ang kumot at kinumutan ang sarili ko.
"Ambitious self! Asa ka ng asa sa taong 'yon! Why won't you get over with that man? Obviously, you're not that important to him. Hindi ka nga ininvite sa birthday party niya! Isang text o tawag sa araw na 'yon wala kang natanggap! Nagtetext lang 'yan sa'yo pag bored o di kaya wala siyang ibang makausap dahil unavailable ang mga babae niya!" sabi ko sa sarili ko habang inaayos ang nakalugay kong buhok.
"Habang ikaw, eto! You free your time just to be with that man. You prioritize him almost that you forgot most of your schedules during the day. You're too head over heels with that man, Thea!" singhal ko sa sarili ko.
Napabuga na naman ako ng hangin atsaka napanguso.
Bakit ba kasi mas magkakagusto pa tayo sa taong walang paki sa atin?
Bigla akong napabalikwas sa kama ng mag ring ang cellphone ko. Hinanap ko agad 'yon at tinignan kung sino ang tumawag.
Do NOT reply to this MAN is calling...
Biglang kumalabog ang puso ko ng makita ang caller. Bumaba ako sa kama habang dala-dala ang aking phone at nagpalakad-lakad sa loob ng suite na'to.
"What should I do? What should I do?" bulong ko sa sarili.
Ilang segundo na itong nagriring, should I answer it? Or nah...
Ugh! Whatever!
[Don't hang up the phone again.] Bigla akong kumalma ng marinig ko ang boses niya. Pesteng puso 'to! Ang rupok sobra.
"What do you want?!" singhal ko sa kanya sa kabilang linya. I might sound bitchy but I almost fainted when I heard him sigh. Damn that voice of him!
[Get down here.] Pagkasabi niya non, mas lalong kumalabog ang puso ko. What is he trying to say?
"A-Anong sabi mo?" nauutal kong sambit. I almost cursed myself for stuttering.
[Kapag hindi ka bababa, ako mismo ang aakyat diyan sa kwarto mo.] Pagkasabi niya non, nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Nandito siya?! Why did he come here?! And how did he knew my exact location? He doesn't know my whereabouts... Unless...
"That jerk," bulong ko.
[You saying something?]
"Wala! Heto bababa na," I said as if I am a criminal surrending myself.
[Good kitten...] I automatically hang up the phone and toss it again in the bed. Napakagat labi ako atsaka kaagad tinignan ang mukha ko sa salamin. Fck! Ang pula ng mukha ko! Masyado talaga akong halata.
I calmed myself before leaving my suite.
Bella's POV
Enjoy na enjoy kami dito sa loob ng jacuzzi, naiibsan ang lamig na kanina ko pa nararamdaman. Nakakatuwang pagmasdan ang tubig na kumukulo na para kaming niluluto sa loob.
"Sir Castellano, single ka ba?" tanong ni Beverly sa kanya. Nasa tabi ko si Rijanyl habang nag-eenjoy din sa tubig.
"Yes, I am," he said which makes Beverly smile from ear to ear.
"May pag-asa po ba ako?" she said while holding a bottle of beer in her hand. Namumula na rin ang pisngi niya.
"Hoy, lasing ka na talaga Bev," ani ni Akisha sa tabi niya.
Bahagyang napatawa si Rijanyl sa inaasta ni Beverly. Palagi na lang itong nakangiti, ilang bote na rin ng alak ang nainom niya.
"Actually, I already like someone else," he uttered. Sabay naman napalingon ang tatlong babaeng kaharap namin ngayon sa kanya.
"Unfortunately, she already had a boyfriend. I guess luck is not really on my side," Rijanyl said and smiled bitterly. Bigla siyang lumingon sa gawi ko na ikinagulat ko ng husto.
"Ay! Single na 'yan si Bella, Sir Castellano," napalingon ako ky Olga ng bigla niyang sabihin 'yon. "Pwede mo nang ligawan," she continued and winked at me. Pinandilatan ko naman siya ng mata sa sinabi niya.
I guess Olga is already tipsy.
"R-Really? I mean, you're single?" Tuluyan na akong hinarap ni Rijanyl, kitang-kita naman sa mukha ng mga kasamahan ko ang kilig at lapad na mga ngiti. Punyeta talaga!
Napalunok ako bago tuluyang tumango. Napaawang naman ang bibig ni Rijanyl bago tuluyang ngumiti at halos mawala na ang kanyang mga mata.
"I see..." ani niya at tumango-tango.
"Huli ka na namin sir ha, si Bella pala ang gusto mo," ani ni Akisha atsaka ininum ang hawak niyang beer. Sa kanilang tatlo, mukhang mas beterano si Akisha pagdating sa inuman. She can still speak and think well compare the two. Pumupungay na ang mga mata nila.
Nahagip ng aking paningin ang babaeng lumabas galing sa hotel ng resort. Mula dito sa distansya namin, hindi ako pwedeng magkamali na si Althea 'yon. Mukha siyang nagmamadali kaya hindi ko maiwasang kabahan.
"Saan ka pupunta?" Rijanyl asked when I get out of the jacuzzi.
"Magsi-cr lang muna ako," palusot ko sa kanya. Kaagad naman siyang tumango kaya dali-dali akong naglakad papunta sa direksyon kung saan ko huling nakita si Althea.
Napamura pa ako ng makalimutan ko ang tuwalya, pero kailangan ko nang magmadali dahil baka hindi ko na siya maabutan. Ewan ko, pero hindi talaga maganda ang kutob ko ng makita ko siyang parang nagmamadali.
I hugged myself when the night breeze suddenly touched my skin. Ilang tao na lang din ang makikita mo dito sa labas dahil mag-aalas diyes na ng gabi. Isasarado na ang pool area ng ganong oras.
Bigla akong nagtago sa isang puno dito sa resort ng makita ko si Althea papuntang parking lot. Wala ng masyadong ilaw doon kaya mas kinabahan ako, baka mapano pa siya.
Nagsalubong ang aking kilay ng may maaninag akong lalake na lumabas mula sa magarang sasakyan. Matangkad ito, kung tatansiyahin, hanggang baba lang ata si Althea sa kanya.
Nagkrus ang mga braso ni Althea habang nagsasalita, pero dahil sa distansya ko mula sa kanila, hindi ko ito marinig. Sumandal ang lalake sa kanyang kotse habang tinitignan si Althea na tila nagsesermon.
"Look who's eavesdropping," I gasped when I heard a very familiar voice.
I slowly turn around to see the man that keeps on bothering my thoughts these past few days. With his signature look and posture, who am I not to remember this man?
Deretsong nakatingin sa akin ang walang gana niyang mata. Napalunok naman ako ng makita 'yon na bumaba ang tingin sa aking sinusuot.
"You should be in the pool, not here minding someone else's business," cold niyang sabi habang nakapamulsa.
Dahan-dahan akong napaatras hanggang tuluyan na nga akong napasandal sa puno ng unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin.
I gasped when he leaned closer and put his hands against the tree over my head. Napapikit ako ng tuluyan na niya akong na corner. I shut my eyes too hard when his breath touches my face.
He's too close!
"Or maybe you want to be someone else's business tonight," he whispered in a low husky voice that brings a shiver down to my spine.
Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang buong tapang ko pero kaagad kong sinipa ang bagay na nasa gitna ng mga hita niya. He winced in pain and almost crumple on the ground.
"f**k," he cursed while holding his family jewels. He looked at me with gritted teeth and pain was written all over his face.
Kahit na nginginig ang buo kong katawan, nagawa ko paring ngumisi sa kanya.
"That's my business tonight," I said and left him in pain.