Chapter 15 BRIE Sumilip si Brie sa gate at tinanaw ang kabuuan ng village. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil may hinahanap siya at may pakiramdam siya na nasa malapit lang si Tommy. It's weird but her heart can feel it. Parang hinatak ang mga paa niya na lumabas ng mansyon at magpaaraw sa labas ng bahay, bagay na matagal niyang hindi ginawa. Tatlong buwan niyang ikinulong ang sarili sa loob ng kwarto niya at sa bahay nila na kahit ang bakuran ay hindi niya magawang silipin man lang. Now it's different. Since last night, she's acting so pathetic. May trust issue siya kay Tommy, may tampo, may hinanakit pero naroon siya at parang tanga na may sinisilip habang hawak ang t'yan. “Pasilip-silip…” Napaitlag ang dalaga nang marinig ang boses ni Mariana sa likod niya. Hindi s