Chapter 14 BRIE Halos mapatalon si Brie sa kinatatayuan nang marinig niya ang katok sa pintuan. Hindi pa nakakaalis si Tommy sa balkon at may isa pa siyang problema. Hindi malaman ng dalaga kung saan siya pupunta habang kagat ang daliri. “My god! This is a disaster! What to do, Eggsy and Ballsy? Mommy's in trouble.” she walked and then walked back to her bed. Tumingin siya kay Tommy na nakatayo sa may pintuan ng balkon at nakatingin sa pintuan. “Don't be such a fool! Get back here and hide!” angil niya sa binata na ngumisi pa bago sumunod sa kanya. Sinalubong niya ito at hinila sa damit. Saan niya ito itatago? Ang laki nitong tao. Sa cabinet! “Here! Faster! It could be Mommy or Daddy.” natatarantang sabi niya at kahit paika-ika ay napapabilis ang paghakbang niya. Tumayo siy