Hell 2

3061 Words
Xeric Dominic Mirchovich's Pov (Chess Piece White King) "Napapadalas ang patayang nagaganap sa syudad ng Shiganshina at ang madalas na nagiging biktima nito ay grupo ng mga kalalakihan na sinasabi ng mga otoridad na namatay sa pagkakatamo ng malalalim na saksak at hiwa sa katawan." Bumangon ako sa kama at tumingin sa tv nang marinig ang balitang. "Hanggang sa ngayon ay wala pa ding lead ang mga pulis kung sino nga ba ang posibleng nasa likod ng patayang ito. At konektado din ba ito sa napababalitang away ng mga gangster na nanglalagi sa syudad?" Iyan nalang ang madalas balita ngayon kaya karamihan ang mga tao ay umiiwas na sa Shiganshina. Matagal nang ganoon sa syudad na'yon pero ngayon lang ito nabubunyag dahil ngayon lang din nagkaroon ng mga taga-media na may lakas ng loob harapin ang mga taong posible nilang banggain sa nagaganap dun. Nakakapagtaka tuloy kung bakit nga ba ngayon lang may naglalakas loob? Halos dekada na ang tinatagal ng lahat ng ilegal na operasyon sa Shiganshina pero ngayon lang ito nagsisilabasan? Sino ngayon ang kumakalaban sa kanila? Si Zaire kaya? Posible dahil ang gulo sa Hellion Academy ay hindi pa din napapabalita mula nang mangyari ito, limang buwan na ang nakakaraan. Pero pwede ding hindi dahil isang malaking sugal para sa kanya kapag nabunyag ang lahat ng nangyayari sa school. Mas marami ang madadamay lalo na't maraming tao din ang namatay sa loob at labas nito. Bumuntong hininga ako at ipinikit ang mata tsaka inalala ang nangyari nang gabing mawala sya. At ang totoo nyan, bago sya tuluyang umalis ay kinausap nya ako kaya naging magulo din ang takbo ng utak ko ng mga panahong iyon. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari noon pero matapos ng mga sumunod nyang e-mail ay mas naging malinaw na hindi ang unang gulo sa HA ang talagang problema sa grupo namin. May mas malalim pang dahilan at may mas malaki pa kaming kalaban na hindi pa namin kilala. Flashback... Hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip kung bakit nga ba may itinurok na gamot si Zea kay McKenzie nang subukan nitong puntahan si Zaire? At bakit nga ba ito umalis nalang bigla nang walang sinasabihan? Bakit nya nagawang iwan si McKenzie gayong handang-handa syang makipagpatayan para lang dito? Ang gulo! Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari at ang nakakainis, ayaw nilang sabihin sa amin gayong halatang may alam sila. Damn it! "Xeric." Napalingon ako sa balcony at nanlaki ang mga mata nang makita kung sino ang nadoon. Agad aong lumabas doon at hinarap siya. "Zaire." Nakaupo sya sa railing at nakatingala habang nakatitig sa madilim na kalangitan. "Marami kang tanong, hindi ba?" "Marami. Pero akala ko ba, umalis ka na? Anong ginagawa mo dito?" Ngayon ko mas napagmasdan ang kabuuan nya at masasabi kong ibang-iba nga ang totoong sya kaysa sa nakilala ko. She's not that childish and bubbly na parang laging walang problema. Well, siguro that was also part of her but still, mas malinaw ko nang nakikita ang buong pagkatao nya. Her blank expression and sad eyes that no one sees except sa mga taong talagang kilala sya. This is her. "Aalis din ako after this. I just need to talk to you." "Anong pag-uusapan natin? At ano ba talagang nangyayari?" tanong ko. "First, I really meant every threat na ibinibigay ko sayo. Gustong-gusto kitang patayin dahil nagawa mong pagtangkaang patayin ang kapatid mo pero dahil kabilang ka sa CPO, alam kong hindi ko pwedeng gawin iyon dahil malaking kawalan ka din sa grupo. But I didn't mean to pretent that I love you and I am sorry for that. I just have no other choice at iyon lang ang nakikita kong pinakamadaling dahilan kung sakaling malaman mong sinusundan kita. I am investigating you so I need to come up with a reason for every action that I made that time. And that threat is just a way para magawa kitang itulak nang sa gayon ay ikaw mismo ang umayos ng gusot nyo." "Bakit kailangan mo kaming pag-ayusing magkapatid?" "I create CPO to protect everyone who's important to each and every one of us." Tumingin sya sa akin. "Sa tingin mo, kung hindi maaayos ang gusot nyong dalawa, magagawa ba natin iyon? O baka tayo pa mismo ang gumawa ng ikapapahamak nila?" She has a point. Kung hindi nga siguro nya ginawa ang lahat ng iyon, baka nagpapatayan na kami ni McKenzie at baka nadamay pa si Daddy na ginawa naman ang lahat para hanapin sya. "Second, nakipaglapit ako sa CPO dahil may iniimbestigahan ako at iyon ang tunay na problema ng grupo. May gustong sumira sa atin at ang lead ko ay kabilang si Hillary sa mga taong iyon." Sabi nya. "I need to come up with more evidence nang sa gayon ay hindi ako magkamali sa mga taong papatayin ko." "May information ka na ba tungkol sa kanila?" Umiling sya. "Masyado silang magaling magtago kaya nahihirapan ako at iyon ang dahilan kung bakit kailangan kong umalis ngayon. May nakuha uli akong lead at iyon ang aasikasuhin ko. At kaya ko sinasabi ito ay dahil kakailanganin ko ang tulong mo." Kumunot ang noo ko. "Anong klaseng tulong?" "Hindi ko maaasahan ang iba pang CPO sa bagay na ito o kahit ang ibang original member nito kaya ikaw na ang kinakausap ko." Seryoso nya akong tiningnan. "You will be the one who take in charge sa lahat ng nangyayari sa Underground." "What?" Gulat akong napatingin sa kanya. "Ipagkakatiwala mo sa akin ang Underground?" Sinong hindi magugulat gayon ang ibig sabihin nito ay ipinauubaya din nya sa akin ang mga underlings nyang talaga namang mga well trained. At kasama din nito ang responsibilidad bilang leader ng CPO. Yeah, ang White Queen ang nagsisilbing leader ng grupo dahil maliban sa sya ang bumuo ng CPO ay sya din ang pinakamalakas sa aming lahat. Nire-respeto at kinatatakutan sya ng lahat lalo na ng mga original at naunang member ng grupo. "Tulad ng sinabi ko, ikaw lang ang maaasahan ko sa bagay na ito. Wala ni isa sa kanila ang may kakayahan para dito." "Y-you trust me that much." Walang pagdadalawang isip syang tumango. "After everything I know about you, I am sure that I can trust you enough to give you the whole authority in CPO and Underground." Napaupo ako sa bakal na upuang nandito at natulala. Buong akala ko, hindi nya ako pinagkakatiwalaan dahil sa ginawa ko kay McKenzie pero heto, ipinagkakatiwala nya sa akin ang mga bagay na kung mapupunta sa maling kamay ay posibleng ikapahamak ng marami. "I need your confirmation, Xeric. Tatanggapin mo ba o hindi?" Tumingin ako sa kanya. "May karapatan ba akong tumanggi?" "It's still your choice. I won't force you to do something that may danger your life." Yeah, being CPO and Underground's person in charge, malaki nga nag posibilidad na mapahamak ako pero kung ganito naman ang tiwalang ibinibigay sa akin ng babaeng ito, magagawa ko pa bang tanggihan? Bumuntong hininga ako. "Fine, I will do it. But you need to do something habang nasa malayo ka." Kumunot ang noo nya. "Ano?" "Take care yourself." Seryoso kong sabi. "Sa kabila ng mga nangyari at ginawa mo, hindi ko itatangging hindi nagbago ang feelings ko para sayo kaya mahalaga sa akin na hindi mo pababayaan ang sarili mo." Ngumiti sya at alam kong sa pagkakataong ito, ay totoo na ang ngiting ipinapakita nya sa akin. "You don't have to say that dahil hindi ko naman talaga pababayaan ang sarili ko." Ngumiti din ako. "Good to hear that. At para makampante ka naman kung saan ka pupunta, ako na din ang bahala sa pamilya mo kahit alam kong hindi din sila pababayaan ni Zeron. At syempre, kay McKenzie." Nawala ang ngiti nya at agad na umiwas ng tingin sa akin pero kitang-kita ko ang lungkot sa mukha nya. I know, she has something to do with that drug that they inject to my brother but I won't asked. Siguro, malalaman ko din naman ang sagot sa mga susunod na araw. "I need to go." Tumayo sya. "Thanks for this, Xeric." At tumalon pababa nitong balcony. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa langit. "I will do it just for you, Zaire. Just only for you." End of the Flashback... At tulad ng inaasahan, sa mga sumunod na araw ko nalaman ang mga sagot sa mga tanong sa utak ko tulad nalang ng gamot na itinurok ni Zea kay McKenzie na may kakayahan palang alisin ang alaala nito tungkol sa pinakahuling taong iniisip nito ng mga oras na iyon. Sariling invention nila Zea kasama ang mga kaibigan nya na mukhang successful dahil kinabukasan nga nito ay walang maalala si McKenzie tungkol sa kahit na anong may kinamalaman kay Zaire. Kahit ang ilan sa mga natirang CPO ay ginamitan namin nito lalo na sina Shania, Alexa at Blake na tumiwalag na sa grupo. At sa tulong ng pagiging in charge ko sa Underground, mas maraming impormasyon akong nalalaman tulad ng mga tunay na pagkatao ng mga nauna at original members ng CPO na nagdesisyon nang bumalik sa grupo at kunin ang sari-sariling rank. Wala nang masyadong naging problema sa grupo namin maliban sa mga taong naglalakas kalabanin kami dahil sa takot na maunahan sila ng White Queen na nag-iwan ng nakababahalang threat sa lahat. Pero hindi din naman agad sila nakakalapit sa amin dahil mabilis na kumikilos ang underlings ko at ni Zaire na parehong nasa command ko. At dahil madami ding impormasyon ang nailabas ni Hillary lalo na ang tungkol kay Zeron ay pinaiwas muna namin sya sa Underground at Arch Fend. Hindi nga lang naging madali dahil pasaway din ang lalaking iyon. Kung hindi pa sya nakatikim ng suntok kay Zea ay hindi sya makikinig sa amin kaya mas itinuon nalang nya ang atensyon sa pagpapagawa ng Hellion Academy na muling bubuksan sa darating na pasukan. Yeah, muli itong bubuksan pero isa na lamang itong normal school na meron mga sports at martial arts subject. Inalis namin ang mga weaponry subject at death game. At syempre, ipinagbabawal na ang pagpatay sa kahit na saang parte nito. Bago din ang design ng school at para daw ibagay doon, bago din ang magiging headmaster. Kaya sa pasukan na magsisimula 2 weeks from now, sina Shen at Frey na ang mamamahala ng school. Well, sana maging maayos dahil malakas din ang saltik ng magkaibigan iyon. Kinuha ko ang phone nang maramdaman ang pagba-vibrate nito tsaka sinilip ang screen. Isang message galing sa taong ilang araw ding hindi nagparamdam at napangisi nalang ako ng mabasa ang laman nito. Bumangon ako at hinablot ang leather jacket ko at lumabas ng kwarto. Kailangan nang masimulan ang mga plano lalo na ngayong nalalapit na ang pagbabalik nya At kailangan na nilang paghandaan ang araw na yun dahil nasisiguro kong magiging madugo iyon at ang lahat ng nagtatangkang banggain sya ay mabibigyan ng ticket para sa masayang trip papuntang impyerno. ********* McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Piece Dark King) "Zaire Miguel." Napabalikwas ako ng bangon at agad sinapo ang ulo ko habang inaalala ang babaeng nasa panaginip ko. Oo, panaginip lang pero magmula nang tumira ako dito kay Daddy at lagi ko itong napapanaginipan pero malabo ang mukha kaya hindi ko alam kung kilala ko ba ito o hindi. At iyon ang nakakapagtaka. Bakit ko sya mapapanaginipan kung wala syang koneksyon sa akin? Bumangon ako at pumasok sa banyo para maghilamos pagkuwa'y tumitig ako sa sariling repleksyon. Limang buwan. Ganun na katagal mula nang matapos ang gulo sa Hellion Academy na sinimulan ng pinakademonyong tao sa buong mundo, ang White Queen na hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam ng totoo nyang identity. Nang dahil sa gulong iyon ay mas napadalas ang patayang nagaganap sa Shiganshina na ikinababahala na ng marami pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit malabo sa alaala ko ang mga nangyari nang nakaraang taon. Parang marami akong nakalimutang mahahalagang bagay na kapag pilit ko namang inaalala ay sumasakit ang ulo ko kaya naguguluhan ako. Gusto kong alamin kung ano ba talaga ang nangyari ng mga panahong iyon pero pinagbawalan na ako ni Xeric. Sinabi nyang mas makakabuti kung ibuhos ko muna ang atensyon ko kina Daddy at Mommy Xhey na parehong bumabawi sa akin sa lahat ng panahong hindi nila ako nakasama kaya sinunod ko din ang sinabi nya. Lumabas na ako ng kwarto dahil nakaramdam na ako ng gutom. Sana lang may spagetti ngayon. Ilang araw na din akong hindi nakakain nun. "Hey, bro." bati ko kay Xeric na kalalabas lang din ng kwarto. "Saan ang punta mo?" Sa aming dalawa, sya ang palaging wala sa bahay at hindi ko alam kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan nya. Ang sabi nya, tsaka nalang ako magtanong kapag nakabalik na kami sa HA dahil iyon daw ang tamang lugar para pag-usapan ang kahit na anong may kinalaman sa pagiging kabilang namin sa CPO. "Sa Underground." Simpleng sabi nya. Pinakatitigan ko sya nang marinig ang pangalan ng lugar na'yon. "You're doing something dangerous, Dominic." "Matagal nang nasa delikadong sitwasyon ang buhay natin, Henry." Inakbayan nya ako at sabay na kaming naglakad pababa ng hagdanan. "Mula nang sumali tayo sa CPO, nakalubog na sa hukay ang isa nating paa kaya wag ka nang magtaka sa kung anuman ang ginagawa ko. At kung anuman iyon, tulad ng sinabi ko, sasabihin at ipapaliwanag ko sayo ang lahat pagbalik natin sa HA." Sabi pa nya. "Isa pa, wag kang mag-alala sa akin. Hindi ako ang magiging White King ng CPO kung madali lang din akong patumbahin." Bumuntong hininga nalang ako. Wala naman akong magagawa sa kung ano ang gusto nyang gawin. At hindi din naman porket kapatid ko sya ay may karapatan na akong pigilan sya sa mga ginagawa nya. "At hindi din naman nila ako kilala dun kaya malaya pa din akong nakakagalaw lalo na kapag hindi ko suot ang mask ko." "Bahala ka." Tinapik ko ang braso nyang nakaakbay sa'kin. "Siguraduhin mo lang na mag-iingat ka dahil pareho tayong malilintikan kina Daddy at Mommy." Alam nila ang ginagawa namin bilang member ng CPO at hind nila kami pinipigilan pero lagi nilang pinapaalala na kapag may nangyaring hindi paganda sa kahit sino sa amin ay kami mismo ang humanda dahil si Daddy mismo ang magpaparusa sa amin. "Of course. Sa ating dalawa, ako ang higit na nakakaalam kung paano nagiging halimaw si Daddy kapag galit kaya ako ang mas takot na mapausahan." Natatawa nyang sabi tsaka tinapik ang balikat ko. "Sige, aalis na ako. Ikaw na ang bahala kay Mom." At tuluyan na syang umalis habang ako ay dumeretso sa kusina kung saan naabutan ko si Mommy Xhey na nagbe-bake ng—ahm, chocolate cake? Kumunot ang noo ko habang pinapanood sya. Kailan pa sya nahilig sa ganyan? Eh ang pagkakaalam ko, kami lang ni Dominic ang kumakain ng chocolate cake na ibinibigay ni Tita Ruby kapag nagbe-bake ito. "Good morning, Mom." Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi tsaka naupo sa mataas na upuang nasa harap ng counter island. "Mukhang hindi maganda ang gising mo huh." Aniya habang patuloy sa paghahalo ng mga ingredients nya. "Napanaginipan ko na naman kasi sya." Open ako sa kanya sa lahat ng bagay lalo na sa mga gumugulo sa utak ko nitong nakaraang limang buwan. She treat me like her own child kaya nagawa ko din syang ituring na sarili kong nanay pero syempre, hindi nya mapapalitan si Mama. I just love them and I am lucky to have both them in my life. Saglit syang natigilan pagkuwa'y ipinagpatuloy ang paghahalo. "Ano naman ang nangyari sa panaginip mo?" "Her name." sabi ko at direstong tumingin sa kanya na tuluyan nang tumigil sa ginagawa at tumingin din sa akin. "Zaire Miguel." Mabilis syang nag-iwan ng tingin sa akin at napansin kong nagsisimula nang manginig ang mga kamay nya. That things makes me think that she knew something. "T-then? What happen after you hear her name?" "I woke up but I am sure of something." I still need assurance. Hindi ako pwedeng magkamali lalo na't alam kong may itinatago pa din sila sa'kin na alam kong tungkol sa babaeng yon. "I know her. Am I right, Mom?" Tuluyan nyang nabitawan ang mga hawak at napaupo. "K-Ken." "Don't worry, Mom. I'm not mad pero naguguluhan ako. Bakit hindi ko sya maalala? Bakit ko ba sya nakalimutan at bakit pilit nyong itinatago sa akin ang tungkol sa kanya." Sabi ko. "Sa loob ng limang buwan, hindi ako tinigilan ng panaginip na iyon, so please tell me everything." Bumuntong hininga sya tsaka hinawakan kamay ko. "I really want to tell you everything because I know that feeling na parang may nakalimutan ka na alam mong importante sa buhay mo. But your Dad and Xeric want you to have a normal life kahit panandalian lang habang wala pa kayo sa Hellion Academy. Kaya ipinasya naming wala munang sabihin sayo." "So, I really know her." Pero bakit hindi ko maalala kung paano at saan ko sya nakilala? Anong papel nya sa buhay ko? Anong nangyari sa'kin at bakit ko sya nakalimutan? "Please don't push yourself, Ken." Alalang sabi nya nang mapahawak ako sa ulo kong bigla nalang sumakit. Ganito lagi ang nangyayari kapag pilit akong inaalala sa nangyari nitong nakaraang taon. Parang pinipigilan ng sarili kong utak na maalala iyon. "To be honest, Mom. I have this feeling na masyado syang mahalaga sa buhay ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit ko sya nakalimutan." "Because she hurt you, Ken." Napatingin ako kay Mommy ng sabihin nya iyon. "Nagkakilala kayo last year sa Hellion Academy. New student sya at ginawa nya ang lahat para mapalapit sayo. She pretends that she loves you but that was all lie. Ginamit ka lang nya para masiguro ang kaligtasan nya pero matapos ang nangyaring gulo, bigla nalang syang nawala and you're so broken that time at marahil hindi kinaya ang utak at puso mo ang naramdaman mo kaya nakalimutan mo sya. Kaya mas mabuting tuluyan mo na syang kalimutan, Ken. Patuloy kang masasaktan kung susubukan mo pa syang alalahanin." Hindi nalang ako sumagot dahil kahit ako, hindi ko alam kung bakit nga ba pilit ko pa ding binabalikan ang mga bagay na nakalimutan ko na. Siguro nga, naging malaking parte sya ng buhay ko pero kung tama ang sinabi ni Mommy na ako mismo ang kumalimot sa kanya, mas mabuti ngang tuluyan ko na syang ibaon sa limot habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD