Xeric Dominic Mirchovich's Pov (Chess Pieces White King)
Gabi na nang makauwi ako at tingin ko'y tulog na ang mga kasama ko sa bahay kaya plano ko na sanang dumeretso sa kwarto pero nakarinig ako ng hikbi mula sa office ni Daddy.
Agad akong lumapit doon at bahagya itong binuksan tsaka ko nakita sina Mommy at Daddy na magkayakap.
Umiiyak si Mommy kaya pumasok ako dito at nilapitan sila. "Mom, why are you crying?"
Bumaling sa'kin si Mommy at agad yumakap. "Ayoko na baby. Ayoko nang magsinungaling at lalong ayoko nang siraan sa kanya si Emerald."
"Wait, calm down." Pagpapakalma ko sa kanya pero mukhang hindi sya basta titigil sa pag-iyak kaya bumaling na ako kay Daddy. "Dad, what happened? Bakit nagkakaganito si Mommy?"
"Your brother remembered Zaire's name and he started asking your mom about her." Sambit ni Daddy. "And just like what Zaire said, siniraan sya ng mom mo kay Ken na alam mo namang labag sa loob namin."
Yeah, nang malaman kong napapanaginipan ni McKenzie ang mga nangyari sa kanila ni Zaire sa HA ay sinabi ko agad iyon kay Zaire. At ito ang hiniling nya sa'min. Na kung sakaling maalala na ni McKenzie ang pangalan nya, kakailanganin namin syang siraan dito para hindi ito magpilit pang alalahanin sya.
Alam nya kung gaano katigas ang ulo ni McKenzie at kung sakaling maalala sya nito ay siguradong hindi ito magdadalawang isip na hanapin sya sa kahit saang sulok ng mundo. Masyadong delikado para sa kahit sino sa amin ang mapalapit kay Zaire sa panahon ngayon dahil sa dami ng kalabang hindi namin kilala na nagkalat at pinaghahanap sya.
"Ayoko na talaga." Umiling-iling pa si Mommy habang nakasubsob sa dibdib ko. "Kapag nagtanong pa uli sa akin si Ken, sasabihin ko na ang lahat. Hindi ko na kayang maglihim at magsinungaling pa sa kanya."
"Mom, nalakimutan nyo na ba ang sinabi ni Zaire?"
"Xeric, masyado nang nai-stress ang mommy mo dahil ginagawa nya ang mga bagay na hindi nya gusto at alam mong hindi sya pwedeng ma-stress lalo na ngayong buntis sya." Sabi ni Daddy na ikinalaki ng mg mata ko.
"Buntis si Mommy?"
Tumango si Daddy. "She's 6 weeks pregnant at dahil hindi na din naman kami bumabata, maselan ang pagbubuntis nya. Sinabi ng doctor na mas kailangan natin ng doble ingat ngayon kaysa noon. Hindi sya dapat nai-stress ng sobra dahil makakaapekto iyon sa baby."
Binalingan ko si Mommy. "Mom, stop crying. Hindi mo na kailangang gawin yung favor ni Zaire sa atin. Kung sakaling tanungin ka man ni Ken, hindi mo na kailangang magsinungaling sa kanya. You can say whatever you want, just please stop crying." Mabilis kong pang-aalo sa kanya. Anak ng! Baka anong mangyari sa magiging kapatid namin.
Iniangat nya ang ulo para tumingin sa akin. "Talaga, baby?"
Tumango ako. "Yes. Kaya kalma na huh." Pinunasan ko ang mukha nya.
Ngumiti sya at muling isinubsob ang mukha sa dibdib ko. "Thanks, Baby Xeric. Hindi na ako iiyak."
"Good." Hinaplos ko ang buhok nya pero kumunot ang noo ko nang maramdamang inaamoy-amoy nya ako. "Mom? What are you doing?"
"Ang bango mo, baby. Dun ka sa tabi ni Mommy matutulog huh."
"What?" sabay nating tanong ni Daddy.
"Honey, hindi pwede iyon." Reklamo ni Daddy.
"Pero gusto kong katabi ang baby ko." Sabi ni Mommy at agad bumaling sa akin tsaka ngumiti. "Tatabi ka sa'kin huh."
"Mom? Hindi na pwede yun. Binata na ako oh. Tsaka hindi papayag si Daddy." I love my mom pero nakakahiya kaya sa kanila ni Dad kung makikisiksik pa ako sa kwarto nila.
"P-pero—"
Nataranta ako nang bigla na namang magtubig ang mga mata nya. "O-okey, fine. Payag na ako, Mom. Just... just don't cry."
"What?"
Bumaling ako kay Dad na masama ang tingin sa'kin. My dad has his rule na ang kwarto nila ay para sa kanilang mag-asawa lang dahil dun lang daw nya nasosolo ang buong atensyon ni Mommy kaya hindi na ako nagtataka na ganito ang tingin nya sa akin.
"Bakit? Aangal ka?" maangas na sabi ni Mommy na nakatingin na pala kay Daddy at bahagya nalang akong natawa nang maamo itong umiling sa asawa. My dad really loves my mom. "Good. Tapos tatabi din sa atin si Ken." Kumalas na sya ng yakap sa akin. "Tatawagin ko lang ang isa ko pang baby." At agad na syang lumabas ng office.
Naiwan naman kami ni Daddy na parehong naiiling.
"Mukhang mas mahihirapan ako sa pagbubuntis nya ngayon."
Bumaling ako sa kanya. "Ganyan si Mommy kapag buntis?"
"Weird sya kapag buntis. Kung anu-anong ginagawa at hinahanap." Ngumiti sya habang nakatingin sa pintuan. "Nung ipinagbubuntis ka nya, gustong-gusto nya laging nasa amusement park at sumasakay sa lahat ng rides hanggang magsara ito. Kaya nga nagpagawa na ako ng sariling amusment park sa bahay natin sa England."
Now I know kung bakit nga ba mula pagkabata ay boring na para sa akin ang rides ng amusement park. Kasi, nasa tyan palang ako ni Mommy, isinasakay na ako dun. Weird nga.
"Dad?" tawag ko sa kanya nang mapansing lumungkot ang mata nya.
Umiling sya tsaka tumalikod sa'kin pero napansin kong pasimple nyang pinunasan ang mata nya. "Wala ito. Puntahan mo na ang mommy mo. Tatapusin ko lang itong papeles para makapag-leave na ako sa opisina."
"Okey po." Lumabas na ako ng office at pumunta sa kwarto ni Ken kung nasaan si Mommy na nangungulit dito. But I am still thinking kung ano ang biglang naisip ni Daddy para maiyak sya ng ganun?
**********
McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Pieces Dark King)
Dahil sa kakulitan ni Mommy kagabi, wala talaga kaming nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan nyang matulog nang magkakatabi sa kwarto nila ni Daddy. Ipagpasalamat nalang namin na paghiga nya agad ay nakatulog na sya kaya hindi na nya napansin na sa sahig kami natulog ni Xeric. Hindi din kasi kami kakasya sa kama nila lalo na't malikot ding matulog si Daddy. Baka masiksik lang ang tyan nya kung tatabi pa kami.
At sa totoo lang, masaya ako dahil naging ganito ako ka-close sa kanila. Ayos na kasi akong tinanggap nila ako sa pamilya nila at hinayaang makasama si Daddy pero sobra-sobra yung ibinigay nila sa akin lalo na ni Mommy Xhey. Sabi ko nga, she treat me like her own son.
At nagkaroon kami ng simpleng celebration kasama ang mga malalapit naming kaibigan para ibalita sa kanila ang pagbubuntis ni Mommy.
"Buti ka pa, magkaka-baby pa." sabi ni Tita Ruby habang hinihimas ang tyan ni Mommy. "Ako, hindi na kaya hinihintay ko nalang kung sino sa mga anak ko ang unang magbibigay ng baby sa pamilya."
"Nako, mom." Inakbayan ni Zeron ang ina. "Wag ka na munang umasa sa akin kasi matatagalan pa tayo dyan. Si Zea nalang ang tanungin mo since sya ang may fiance na."
"Anong ako?" sagot ni Zea. "Yeah, he is my fiance pero nakakalimutan mong missing in action yun kaya mas lalong matatagalan sa akin noh?"
Simula nang tumira ako dito sa bahay ni Daddy, nagkasundo na kami ni Zea. Hindi na sya nagtataray kumpara nung unang beses na nagpunta ako sa bahay nila. Naging close ko din ang iba nilang kaibigan, maging sina Shen at Frey na itinuturing anak din ng mga Xermin.
Napahawak ako sa ulo ko nang may images na nag-flash sa utak ko.
Sa mga images na iyon, may kasama akong babae sa loob ng isang kotse. Ako ang nasa driver seat habang sya ay nasa tabi ko at may hawak na cellphone. Kumukuha sya ng picture naming dalawa.
Teka. Picture?
"Ken."
Nagitla ako at agad bumaling sa tumapik ng braso ko. Nakita ko si Xeric na kunot noong nakatingin sa akin.
"May problema ba?" tanong nya. "Kanina pa kita tinatawag kasi kakain na tayo pero tulala ka dyan."
Pinakatitigan ko sya at plano sanang magtanong pero bumuntong hininga nalang ako nang maalala ang sinabi ni Mommy kahapon. Umiling ako. "Iniisip ko lang kung anong magiging gender ng baby ni Mommy."
Tumangu-tango sya tsaka ako inabayan at sabay na kaming naglakad palapit sa mesang inilagay dito sa garden kung saan nakapatong ang mga pagkain namin. "Mas okey kung babae. Dalawa na kasi tayong lalaki."
"Kung babae, magkakaroon tayo ng malaking problema dahil marami tayong haharanging manliligaw." Naiiling kong sabi. "Sa itsura ba naman natin, hindi na maipagkakailang lalaking maganda iyon."
"I agree with that. Kaya dapat ngayon palang, paghandaan na natin. Pero kung lalaki naman, kailangan na nating magtayo ng training ground dito sa bahay para lumaki din syang tulad nating malakas."
"Sige." Sang-ayon ko. "At ako ang magpapangalan sa kanya."
"What?" Bumitaw sya sa akin. "Anong ikaw? Ako dapat noh."
"Mas matanda ako kaya dapat na ako ang magbigay ng pangalan." Agad kong iniharap ang palad sa mukha nya nang akma syang magsasalita. "That's final at wag ka nang kumontra. Isa pa, kasali sa pangarap ko ang makapagpangalan sa nakababatang kapatid."
Natigilan sya. "Seryoso?"
Ibinaba ko ang kamay ko at tumango. "Syempre, naghahanap din ako ng kapatid noon at ang sabi ni Mama bibigyan nya daw ako soon. Tapos, sinabi ko na kapag nagkaroon ako ng kapatid, ako ang magpapangalan kaso, alam mo naman ang nangyari kaya hind na natuloy iyon." Sabi ko. "Kaya wag ka nang epal dyan. Ako ang magpapangalan sa baby."
"Kung makapag-away naman ang dalawang ito, parang malaki na ang tyan ng mommy nila." Dinig kong sabi ni Daddy.
Nilingon namin sila at nakitang nasa amin na pala ang atensyon nilang lahat. Mga natatawa dahil sa pagtatalo namin ni Xeric.
"6 weeks palang si Baby. Mas excited pa kayo sa buntis eh." Natatawang sabi ni Frey. "Pero sige nga, ano bang naiisip nyong ipapangalan?"
"Zairyl Emerzie." Diretso kong sabi. Well, hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko. Bigla nalang naman kasi iyong pumasok sa isip ko pero hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon nila.
Pare-pareho silang natigilan at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Ahm, may problema ba? Panget ba yun? Hindi babagay?"
"Mas maganda yata kung ipapangalan mo nalang iyan sa magiging anak mo." Naiiling na sambit ni Daddy. "Halatang kinuha sa pangalan mo eh."
Sumimangot ako. Maganda naman iyon pero hindi nila nagustuhan.
"Dapat yung galing sa pangalan nila Mommy at Daddy. Sila kaya ang parents." Singhal ni Xeric sa akin kaya sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan lang nya ako. "Mag-isip ka ng iba. Pero tama si Daddy. Yung Zairyl Emerzie na yan, ipangalan mo sa anak mo."
"Tama na nga muna yang pagpapangalan na yan. Kumain na kayo." Sabi ni Mommy na agad na naming sinunod.
Kung ayaw nila, mag-iisip ako ng mas babagay. Iyon nalang muna ang pagkakaisipin ko para hindi na ako balikan ng bagay na gumugulo sa'kin.
**********
2nd Someone's Pov
"Hey. Bakit bigla mong naisipang mag-transfer ng school?" tanong ng kasama ko. "At talagang sa dream school ko pa talaga huh."
Tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. "Bakit? Ayaw mo ba?"
Saglit syang natigilan pagkuwa'y kamot ulong tumingin sa'kin. "Hindi naman sa ganun at nagtatanong lang ako noh. Biglaan kasi."
Yeah, biglaan nga talaga ang paglipat namin sa school na ito. Ni hindi nya din inaasahan na dito kami lilipat dahil ako na ang nag-asikaso ng mga papel namin para makapag-enroll dito.
Nagkibi balikat ako. "Wala namang particular reason. I just feel it. Isa pa, boring na din sa dati nating school at yung excitement na hinahanap ko ay siguradong maibibigay ng school na ito."
"Ay, sigurado yan." Sang-ayon nya. "Lalo na't karamihan sa subjects dito ay yung mga hilig pa nating gawin. Pero okey din sana kung sa Royale University tayo nag-transfer. Kaso, puro royal bloods ang belong dun."
Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba, mas gusto mo dito?"
Tumangu-tango sya. "Pero pinangarap ko ding mag-aral sa RU. Hindi naman kasi nagkakalayo ang HA at RU pero syempre, mas choosy lang ang RU at dun kasi, mas priority ang expertise ng isang students.. Habang ang HA naman ay mas general sa pagtuturo."
"So, gusto mong lumipat sa RU?"
"Gustuhin ko man, hindi din pwede noh. Hindi ako royal blood kaya hindi ako matatanggap dun." Kumapit sya sa braso ko. "Pero ayos na din dito. Mas feel ko naman ang HA dahil pakiramdam ko, belong ako dito."
Hindi nalang ako sumagot at ibinaling ang atensyon sa dinadaanan.
Kung malalaman nya kaya ang history ng school na ito, masasabi pa kaya nyang belong sya sa lugar na ito?
Kung malalaman kaya nya kung anong kademonyohan ang bumabalot sa lugar na ito, masasabi pa kaya nya iyan?
Hellion Academy.
The only school that gives the satisfaction of everyone's demon side. The school that allows the students to kill for their own happiness. The only school that accepts even the most evil person in the whole world.
Pero sa taong ito, binago na nila ang program dito at hindi ko alam kung bakit nga ba nila naisipan iyon.
Anong nangyari dito habang wala ako? Bakit nagsisimula nang bumalik ang mga original member ng grupong iyon? At bakit planong magsimula ng babaeng yun ng isang digmaan?
"Hoy." Muli akong bumaling sa kanya. "Anong nangyari sayo? Bigla ka nalang tumahimik dyan."
Umiling ako. "Iniisip ko lang ang mga pwedeng gawin kapag nag-start na ang pasukan. Alam mo namang hindi basta pinapayagang makalabas ang mga students dito maliban nalang kung naka-schedule ba o kaya ay may emergency noh."
"Hay nako, tsaka mo na isipin yan. I'm sure, maraming pwedeng gawin habang nasa loob ng school since kumpleto sila ng facility." aniya. "Hindi pa ba tayo uuwi?"
Umiling ako at bumuntong hininga. Hindi ko naman gustong umuwi sa tinutuluyan ko dahil sa memories na meron sa bahay na iyon na kahit masasaya ay may kirot sa puso ko. Pero wala akong choice dahil iyon lang ang matutuluyan ko sa lugar na ito sa ngayon.
Kaya nga lagi nalang akong gumagala at gabi na kung umuwi para hindi ko maalala ang lahat ng memories na iyon.
"Naaalala mo pa din ba sya?" tanong nya na tinanguan ko.
"I won't deny it. I always remember her everytime I enter that mansion. Alam mo namang kahit sa pinakasulok nun, sya lang ang naaalala ko."
Bumuntong hininga sya. "Mag-mall na nga lang tayo nang ma-distract yang utak mo. Ayokong nakikita yang malungkot mong mukha."
Hindi na ako pumalag pa nang hilahin nya ako dahil iyon naman talaga ang kakailanganin ko. Alam kong kapag umuwi agad kami ngayon ay maiiyak lang ako habang inaalala lahat ng memories namin.
Don't worry, Ate. Malapit ko na syang makaharap at sisiguraduhin kong pagbabayaran nya ang ginawa nya sayo.
**********
1st Someone's Pov
"Hanggang ngayon, lihim mo pa din pala syang binabantayan.." Dinig kong sambit nya mula sa gilid ko. "Wala ka pa bang balak magpakita?"
Umiling ako. "It's not the right time or baka wala na talagang tamang oras. Baka kasi mas masaktan pa sya kapag nalaman nya ang lahat." O pwede ding hindi na nya ako gugustuhin pang makita. Sa laki ba naman ng kasalanan ko sa kanya, hindi na nakakapagtaka iyon
"Truth always hurt so what do you expect but she has the right to know everything." sabi nya. "Isa pa, baka sakaling matigil din sya sa mga plano nyang nakakasagabal sa plano natin."
"Hindi nakakaapekto ang plano nya sa plano ko dahil hindi naman nya iyon magagawa hangga't hindi nya ako nakikita." Bumuntong hininga ako nang makitang nakaalis na sila dito sa park na ilang araw na nilang tinatambayan tsaka ako bumaling sa katabi ko. "Magkakaproblema lang kapag nagkasalubong kami ng hindi sinasadya. Siguradong hindi sya magdadalawang isip na sugurin ako."
"At siguradong ikaw ang mapupuruhan dahil hindi mo sya lalabanan." Naiiling nyang sabi tsaka ginulo ang buhok. "Sabihin ko nalang kaya sa kanya ang totoo para magbayad na ang totoong may kasalanan."
Sinamaan ko sya ng tingin pero binaliwala lang nya iyon. Anak ng tokwa ang lalaking ito! Hindi na marunong matakot sa mas malakas sa kanya.
"Bakit ba kasi sinasalo mo ang kasalanang hindi ikaw ang may gawa?" Muli nyang ginulo ang buhok kaya siguradong naiinis na din sya sa mga reasonings ko. Well, I don't really care kung magkaiba kami ng opinion sa problemang ito, basta susundin at gagawin ko kung ano ang gusto ko.
"You already knew the answer, Lexus. So, stop asking!" Pinitik ko ang noo nya tsaka naglakad palapit sa kotse ko. Kapag nagtagal pa ako dito, baka may makakita na. Sumugal lang naman ako ngayon dahil hindi ko din matiis na hindi makita ang mga taong iyon.
"Hey!" Sinabayan nya ako. "Then, hayaan mo din akong bumalik."
Natigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. "Eh?" Sa pagkakaalam ko, ayaw na nyang bumalik tapos, biglang magde-desisyon ng ganito?
Tumango sya. "Mas mabuti nang bumalik kaysa panoorin kitang hayaan ang sarili mong masaktan sa nangyayari."
Bumuntong hininga ako dahil base sa expression nya, kahit tumanggi pa ako ay hindi nya din tatanggapin. He's just saying na babalik na sya. He's not asking for permission. "Pero siguradong magagalit si Luanne kung babalik ka nang wala sya."
"She will understand." aniya. "Isa pa, sasabihin ko din sa kanya agad para hindi sya mabigla pagbalik nya. At hindi ko din hahayaan na sa iba pa mangggaling dahil mas lalo yung magagalit." Inakbayan nya ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Kaya isama mo na ako sa plano mo."
"Hindi pa ako pumapayag huh."
Malakas syang tumawa na parang nang-iinis kaya sumimangot ako. This people knew how to annoy me. Patayin ko nalang kaya ang isang ito noh? O mas mabuting ibitin ko nalang patiwarik at ipakain kay Loki.
"Chill, okey?" Ginulo nya ang buhok ko. "You know that I'm not asking for your permission, Queen. I'm just saying that I will get back what's mine."
"Yeah. Whatever." Inalis ko ang pagkakaakbay nya sa akin. "I already have a job for you. Ready ka na ba talagang bumalik?"
Tumangu-tango sya. "I'm always ready."
"Good." Tinapik ko sya sa balikat. "Follow me."