Hell 1

3199 Words
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are only products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental Thanks.. __________ [a/n: Huwag po munang babasahin ang akdang ito nang hindi nababasa ang unang libro. Bsahin nyo po muna ang Hellion Academy (The Chess Pieces Officers) bago kayo magpatuloy dito upang maintindihan nyo ang buong kwento. Maraming salamat po.] __________ 3rd Person's Pov It's already 12 midnight at karamihan sa mga residente ng isang malaking syudad na tinatawag na Shiganshina ay mahimbing nang natutulog sa kani-kanilang mga tahanan. Ang ilan naman ay kasalukuyan nang o di kaya'y nagsisimula pa lamang sa kanilang panggabing trabaho. Habang ang ilan pa ay nagsasaya sa kanilang mga piniling lugar tulad ng bar. Pero sa abandonadong gusaling malayo sa kabahayan at may madilim na paligid ay nangingibabaw ang ingay na nanggagaling sa putok ng baril. Isang grupo ng mga kalalakihan ang nagpapaputok ng baril sa isang nilalang na nababalot ng puting cloak na hindi nila magawang tamaan man lang kahit isa. Mahirap sabihin kung babae o lalaki ba ang taong ito dahil nakatakip din ang kalahati ng kanyang mukha at ang cloak na suot nito ay may hood na syang nakataklob sa kanyang ulo. Pero kung lakas lang din naman at bilis ang pag-uusapan ay walang-wala ang kanyang mga kalaban dahil nagagawa nitong iwasan ang lahat ng balang pinapaputok sa kanyang direksyon. Nagagawa din nyang patayin ang sinumang magtatangkang lumapit sa kanyang pwesto. "Tangina! Bakit ba hindi pa yan mamatay!" inis na sambit ng lider ng mga lalaking ito. Marami na ang nalagas sa kanyang mga kasama at nagsisimula na syang makaramdam ng takot dahil sa dami ng kanyang grupo ay hindi man lang nila mapabagsak ang nag-iisang tao na syang kalaban nila ngayon. Tumigil sila sa pagpapaputok nang mapansing wala nang gumagalaw sa direksyon na kanilang binabaril at pare-pareho silang nag-iisip kung nagawa ba nila itong mapatay o sadyang nagtatago lang ito sa mga haligi ng gusaling kanilang kinalalagyan. "Silipin nyo. Kung buhay pa, siguraduhing tapos agad." Utos ng lider na agad sinunod ng dalawa sa kanyang mga tauhan. Dahan-dahang naglakad palapit doon ang dalawa. Nakikiramdam sa paligid habang ang iba ay nakamasid lang sa kilos ng kanilang kasama. Hanggang sa tuluyan itong makalapit sa makapal na haligi ng gusali. Pareho silang sumilip doon at para silang tinakasan ng hininga nang makita ang taong nakaputi. Bago pa nila maitutok ang baril ay agad sila nitong sinaksak sa ulo gamit ang dalawang katana'ng hawak nito na mabilis nilang ikinamatay. Muling naalarma ang lahat nang makita ang pagbagsak ng dalawa nilang kasama kaya muli nilang pinaulanan ng bala ang direksyon nito. Pero dahil sa madilim na paligid na sinamantala ng taong ito ay hindi na nila nakita na nagawa na pala nitong makalapit sa kinaroroonan nila at isa-isa na silang binabawasan. Hindi nila iyon napansin dahil patuloy lang sila sa pagbaril hanggang sa bumagsak ang huling tauhan at naiwan ang lider nila. Nagsimula itong makaramdam ng matinding takot para sa sariling buhay lalo na ngayong nag-iisa nalang sya. Hindi pa din sya tumitigil sa pagbaril ngunit sa pagkakataong ito ay kahit saang direksyon na nya ito pinapaputok at umaasang tatamaan ang kanyang kalaban. "Aaahhh!" malakas nyang hiyaw nang maputol ang kamay nyang may hawak ng baril. Agad sumirit ang dugo nya at kumalat sa sahig na kanyang tinatapakan na naging dahilan kaya sya nadulas at napahiga sa sahig. Pilit syang tumatayo habang dinadaing ang sakit ngunit naligo na sya sa sarili nyang dugo na syang nagpahirap sa kanya upang makatayo. Natigil lang sya sa paggalaw nang masilayan ang taong balot ng puting cloak na nakatayo hindi kalayuan sa kanya. "Pa-parang awa mo na. H-huwag mo akong papatayin." "Give me enough reason para makinig sa pagmamakaawa mo." Malamig na sabi ng taong ito at base sa boses nito ay isang babae ang nasa loob ng cloak na suot nito. Naglabas ito ng isang baril at itinutok sa nakahigang lider. "Kailangan ko ng matinong impormasyon kapalit ng buhay na gusto mong manatiling sayo." Pilit iniinda ng lalaki ang kanyang putol na kamay upang makapag-isip ng tama ngunit kasabay nang paglabas ng bilog na buwan ay tuluyan na syang binalot ng takot at pangamba dahil kitang-kita na nya ang kabuuan ng taong kinalaban nila. Ang suot itong puting cloak na may burda ng isang chess board sa gilid ng hood nito, ang itim nitong maskara na may ginto sa gilid at may nakaukit na puting reyna sa kanang bahagi. Maging ang braso nitong nakalabas sa suot na cloak kung kaya't kitang-kita din nya ang puring reyna na naka-tattoo sa balat nito. "W-white Queen." "Pesteng buwan yan, hindi marunong makisama." Mahina nitong buong habang umiiling. Wala sa plano nito magpakita sa sinuman sa panahong ito ngunit dahil may kailangan ito sa mga taong nakalaban na hindi agad nakuha ay wala itong nagawa kundi tapusin ang buhay nila. Bumuntong hininga nalang ito. "Nakilala mo din naman ako, mukhang wala na nga akong choice kundi patayin ka." "H-huwag!" impit nitong sigaw. "M-magbibigay ako ng impormasyon sayo. Kahit anong gusto mong malaman a-at hindi ko din ipapaalam na nakita kita." Alam ng lalaki na wala na syang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa kahit anong gustuhin nito at kahit taliwas sa patakaran ng grupo nila ang pagbibigay ng kahit anong impormasyon sa iba ay handa nya itong labagin masiguro lang ang kanyang buhay. Hindi sumagot ang White Queen. Nananatili lang itong nakatingin sa namimilipit na lalaki pagkuwa'y bumuntong hininga at itinago ang hawak na baril. "Magsalita ka. Depende sa lalabas dyan sa bibig mo ang magiging kapalaran mo kaya mag-iingat ka sa mga sasabihin mo." Mabilis na tumango ang lalaki. "Y-yung nangyaring car accident sa Arch Fend, 3 months ago na kinasangkutan ng isang Blacked Alpha Romeo Spider. Alam ng lahat na nag-iimbestiga ka sa nangyaring iyon pero walang nagtatangkang magsalita dahil maimpluwensyang grupo din ang kinabibilangan ng mastermind sa aksidenteng iyon." "Ituloy mo." Sambit ng White Queen. Alam nitong hindi aksidente ang nangyari at sinadya ang pagkakasira ng break ng kotse kaya mula noon ay nag-imbestiga ito ngunit tulad ng sinabi ng lalaki ay walang naglakas loob magsalita sa pinagtanungan nito sa hindi malamang dahilan. "Isa ang grupo ko na personal na nakakita kung paano sinira ng taong iyon ang break ng kotseng iyon bago ang karera. Malinaw kong nakita ang mukha nya at binanggit ng kasama nya ang pangalan nya." Sambit pa nya. "Kabilang din sila sa sindikatong bagong salta sa Shiganshina na tinatawag na EVIL at sila na nagpapaikot ng kalakaran ng droga sa buong syudad kaya walang nangangahas na kalabanin sila." "s**t!" mura nito tsaka nasapo ang noo. "Mukhang magiging kumplikado ang lahat. Tsk." Umiling-iling ito tsaka muling bumaling sa lalaki. "I will let you live but make sure na ang lahat sasabihin ko ay ipapaalam mo sa mga naglalagi sa Arch Fend at Underground." "O-oo. Ipaparating ko sa lahat." Naupo sya at hinubad ang jacket tsaka ito ibinalot sa naputol na kamay upang pansamantalang matigil ang pagdurugo nito. At kahit sinabi na nitong hahayaan syang mabuhay ay lihim pa din syang nagdadasal na maging totoo ang sinabi nito. "A-anong s-sasabihin ko sa kanila?" "Gang war will surely start as the Chess Pieces White Queen return, so be ready for that day. I am making sure that all of them will face the most terrible death in my own hands." Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay tumalikod na ang White Queen hanggang sa maglaho ito sa dilim at naiwang mag-isa ang lalaking balot ng takot ngunit abot langit ang pasasalamat dahil nagawa nyang makaligtas sa kamay ng isang nabubuhay na demonyo. Saglit syang nagpahinga pagkuwa'y dahan-dahang tumayo at umalis sa lugar dahil kailangan na nyang kumilos agad at sabihin sa lahat ang gustong iparating ng White Queen. Alam din nyang hindi magtatagal ay may darating na dito upang alamin ang ingay na nangyari. Sa hindi kalayuan, isang taong balot ng itim na cloak ang nakasaksi sa lahat ng naganap sa loob ng gusali. Nagawa din nyang marinig ang usapang ng mga ito kaya't hindi nya napigilang ngumisi habang sinusundan ng tingin ang nag-iisang lalaking nakaligtas sa kamay ng isang demonyo kinatatakutan ng lahat. "The situation is much dangerous than what we both expect pero hindi ko itatanggi nag-eenjoy ako sa mga nangyayari." Inalis nito ang hood sa ulo kung kaya't tinangay ng malakas na hangin ang itim at mahaba nitong buhok. "Dahil ang sitwasyong ito ang magbibigay daan upang makilala ko ang tunay na pagkatao mo, White Queen." Tumingala ito at itinaas ang kanang kamay na para bang inaabot ang buwan at doon tinamaan ng liwanag ng buwan ang mukha nito. Nakasuot ito ng puting half mask na may nakaukit na itim na reyna ng piyesa ng larong chess sa kanang bahagi nito. Ang kanang braso din nito ay may tattoo ng parehong imahe. "Original Chess Piece Dark Queen will return to her place so be ready for that day. I will kill you as soon as I reveal your identity." ********** 7 years ago; "So, all those training are because of this?" Marahas nyang inihampas sa mesang nasa harap ko ang papel kung saan ko isinulat ang nag-iisang planong binuo ko, limang taon na ang nakakaraan bago ako magsimula sa training. "Are you really out of your mind? Kahit sabihin pang na-master mo ang lahat ng klase ng martial arts at kahit ang paggamit ng iba't-ibang weapon, hindi mo pa din kayang harapin ang taong gusto mong banggain. You're just a kid that blinded by those negative emotions na naramdaman mo nang dahil sa pagkamatay ng mga kaibigan mo maging sa nasaksihan mong paghihirap ng taong mahal mo." "It's not about that, Tyra." Mahina kong sabi. "I'm not planning revenge. I just want to create a group with high-skilled members that will help me protect those important people in my life." Pinakatitigan ko ang papel na'yon. Matagal kong pinag-isipan ang lahat ng ito at sa pagkakataong ito, desidido na akong gawin ang lahat ng ito. "I'm not saying that I don't need you pero ayoko nang iasa sa iba ang buhay ko maging ng mga taong gusto kong protektahan. Ayoko nang maulit ang nangyari kung saan wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo habang ang mga kaibigan ko ay pilit akong pinoprotektahan na naging kapalit ng buhay nila. Ayoko nang may mawala pa sa'kin kaya ako naman ang poprotekta sa kanila." Tumingin ako sa kanya. "You understand me, right? Higit sa lahat, ikaw ang mas nakakaintindi kaya bakit ikaw ang pumipigil?" "Dahil delikado." aniya. "At ayokong mapahamak ka nang dahil lang sa kagustuhan mong protektahan sila." Naupo sya sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko para mapaharap ako sa kanya. "Muntik ka nang mapahamak 5 years ago tapos gagawa ka na uli ng ikapapahamak mo kaya bakit ako papayag sa plano mong iyan. Nandito na ako kaya hayaan mong ako ang pumrotekta sayo at sa mga taong mahalaga sayo." Hinawakan ko ang kamay nyang nasa balikat ko at inalis iyon. "I'm not asking your approval, Tyra and just like what I said, ayoko nang iasa sa kahit na sino ang sarili kong buhay maging ng mga taong mahalaga sa akin lalo na ngayong may kakayahan na akong gawin iyon. I'm just saying this for you to understand why I am doing this." "She right, Ate." Napalingon kami sa pintuan ng kwarto at nakita ko ang nakababatang kapatid ni Tyra na isa din sa kaibigan ko. "Yuki." "You're not doing what I am thinking now, Tryon." Madiing sabi ni Tyra habang nakatingin sa kapatid. "I am actually planning to do what you're thinking right now, Ate." Madiing sabi din ni Tryon. "Just like what she said, may kakayahan din akong protektahan ang mga taong mahalaga sa'kin kaya hindi ko din iaasa iyon sa iba. So, I am joining that group with or without your permission." "Syempre, hindi pwedeng hindi kami kasali dyan." At pumasok din sa kwarto ang kambal kong pinsan na tulad ni Tryon ay nakasama ko sa training sa loob ng limang taon. "I will tell this to your parents." Banta ni Tyra na hindi ko na pinansin. I know her for almost 9 years kaya alam kong hindi nya magagawa ang bagay na iyan. At kung sakali mang sabihin nga nya sa parents ko, alam kong hindi din nila ako pakikialaman. Mom and Dad will let me do what I want as long as masisiguro kong hindi ako mamamatay. "We know you, Ate Tyra." Natatawang sambit ni Margarett. "So, stop blackmailing us 'cause that is not going to work on us. Just let us create this group or if you want, you can join." "I can't believe that I am actually having this kind of conversation with the four of you." Napasapo nalang sya ng noo at umiling-iling. "You understand why we're doing this, Tyra." Singit ni Euren tsaka sya tinapik sa balikat. "Just support us and we will make sure that we will definitely not die because of this." At dahil si Euren na ang nagsalita ay wala na nang nagawa si Tyra kundi ang sumang-ayon sa plano ko. Well, sumang-ayon man sya o hindi, I don't really care dahil walang makakapigil sa akin para gawin ang mga planong noon ko pa binuo. Pero hindi lahat ng nasa plano ko ay nangyari at kahit na ganoon ay ipinagpatuloy ko pa din kung ano ang nasimulan ko. Wala nang atrasan. ********** Present; Month of May (5 months matapos umalis ni Zaire) 1st Someone's Pov "Are you really out of your mind? At talaga namang pinangatawanan mo ang pagkawala mo. Ni wala kang sinabihan sa kahit na sino sa amin kung nasaan ka ba talaga." Gigil nyang sabi habang nakapamewang sa harap ko. "Kung hindi nga lang dahil sa mga e-mail mo na puno ng utos at sa mga underlings mo na nagagawa pa ding maging kampante sa kabila ng pagkawala mo, eh baka talagang nabaliw na kami sa pag-aalala sayo." "You're annoying me, Lexus. Get lost." Walang gana kong sabi. Hindi na ako nag-abalang tingnan sya dahil naka-focus ako sa screen ng phone ko. "Aish! 5 months kang nawala tapos iyan ang unang sasabihin mo sa'kin?" Ibinagsak nya ang sarili sa sofang nasa harap ko. "Sakit mo sa ulo." "Gusto mo ako ang magtanggal nyang ulo mo nang hindi ka masaktan." Sino ba kasing may sabi na hanapin nila ako. Kaya ako umalis ng araw na iyon para mapag-isa at makapagplano ng maayos. Katangahan nga naman ang pinapairal. Tsk. Tsaka hindi ba nila naisip na kaya ako nag-i-email sa kanila para ipaalam na buhay ako kaya gawin nila ang utos ko. "Magseryoso ka naman!" bulyaw nya na ikinainis ko kaya malakas kong ibinato ang cellphone sa kanya na agad tumama sa panget nyang mukha. "Aww! Damn it! Bakit mo ginawa iyon?" Hawak nya ngayon ang mukha pero masama syang nakatingin. "Gago ka kasi. Nakita mo nang naglalaro ako tapos iistorbohin mo ako. Eh kung ang kamao ko kaya ang tumama dyan sa panget mong mukha!" balik bulyaw ko. Yeah, naglalaro lang ako pero dahil sa pagsigaw nyang yun, na-dead ang character ko. Badtrip! Ngayon ko pinagsisisihan ang pagpapapunta sa kanya dito kahit wala pa naman akong planong bumalik sa Trost o sa Shiganshina. "Lumayas ka na nga dito, baka maibato kita dyan sa bintana ng wala sa oras." Ibinaling ko ang atensyon sa screen ng laptop kung nasaan ang planong limang buwan ko ding pinag-isipan. "Damn! Dahil sa pesteng laro, ginasgasan mo ang gwapo kong mukha." Bulong nya na nagawa kong madinig kaya masama ko syang tiningnan. Agad nyang itinaas ang dalawang kamay sa ere. "Fine, sorry na." Inirapan ko nalang sya at binalik ang tingin sa laptop. "Bakit mo ba ako pinapunta dito?" "Para sana mai-relax ang utak ko dahil sa loob ng limang buwan, wala akong ibang pinagkaabalahan kundi ang planong ito. Pero dahil sinira mo ang paglalaro ko, lumayas ka na. Mas lalo akong nai-stress sayo." Muli kong sinimulan ang pagta-type. "Sorry na nga kaya tigilan mo na yan at magpahinga na." Kinuha nya ang laptop ko at may kung anong ginawa bago isinara tsaka inilapag sa tabi. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil masakit din talaga ang ulo. Sa limang buwan na pag-i-stay ko dito, wala akong ibang nakausap maliban sa mga delivery boy everytime na nagpapa-deliver ako ng pagkain. Mahirap na kasing may ibang makakita sa akin at malaman pa nila kung saan ako naglalagi ngayon. "They are all fine." Sabi nya at alam ko naman kung sino ang tinutukoy nya. "At tulad ng sinabi ko, kahit alam nilang buhay ka ay hindi pa din nila mapigilan ang pag-aalala sayo. Lalo na yung dalawang bruha na ako ang ginugulo araw-araw sa pag-aakalang may alam ako kung nasaan ka." Hindi na nakakapagtaka. Pero alam ko namang naiintindihan nila kung bakit ko ginawa iyon. Iyon nga lang, siguradong sasalubungin din ako ng sermon sa dalawang iyon. "Your brother did what you said. Umiwas muna sya sa Underground at Arch Fend. Tumigil din muna sya sa pakikipagkarera at mas pinagtuunan ng pansin ang pagpapaayos ng Hellion Academy. Bubuksan uli ang school at magiging open ito sa lahat dahil gagawin itong normal school. Aalisin lang naman ang Weapon Subjects at Death Game." Mabuti dahil kung hindi nya sinunod ang sinabi ko, baka napabalik ako ng wala sa oras. Hindi din kasi ako updated sa mga nangyayari sa kanila dahil iyon ang kailangan kong gawin para makapag-focus sa plano ko lalo na ngayong hindi ko pa lubusang nakikilala ang kalaban namin. "CPO will stay there and the original members are claiming their place." "Kahit sya?" Tumango sya. "Dumating sya, isang buwan mula nang mawala ka. Dun na din sya nag-i-stay sa bahay nyo kasama ang kaibigan nya. But you don't have to worry. Na-secure namin ang lahat at siniguro kong wala syang malalaman." Tumangu-tango ako. May tiwala ako sa kanila at alam kong kaya nilang gawan ng paraan ang lahat ng conflict na pwedeng mangyari ngayong wala ako sa lugar na iyon. Ngayon, mas kailangan kong pagplanuhan ang lahat dahil hindi din biro ang mga taong makakaharap ko oras na bumalik na ako. "Isa pang bad news." Diretso akong tumingin sa kanya. "Magmula nang makarating sa lahat ang banta mo, nagsimula na silang hanapin ka kaya asahan mong magiging madugo talaga ang lahat oras na bumalik ka. At sa pagkakaalam ko, Hellion Academy will be our battle field again." Ngumisi ako. "I already expect that thing, Lexus. Just do what I told you before and wait until I come back. Ididilig ko sa lupain ng HA ang dugo ng mga taong pilit kumakalaban sa akin." Ngumisi din sya pagkuwa'y tumayo at nag-inat. "I will expect a great battle this time and I think, this will be a great ride in hell." Yeah, so prepare yourselves, demons. Someone will definitely make your f*****g life a living hell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD