Zhui Krishel Chrysoc's Pov
Maagang umalis sina Zerhia at Zhey. Actually, magkasabay sila dahil pareho lang naman ang schedules nila kaya medyo napapaisip ako kung anong mangyayari sa kanila. Well, pareho silang cold at hindi masyadong palasalita. Hindi kaya sila mapanisan ng laway?
Tsk, hayaan na nga. Malalaki na sila kaya hindi ako dapat mag-alala. Ang dapat inaalala ko ay ang sarili ko gayong wala akong kasama. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makarating sa klase ko nang hindi naliligaw.
Pero syempre, kailangan kong subukan. Hindi naman kasi pwedeng umasa ako sa iba kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko tsaka isinukbit sa balikat ang bag. Huminga muna ako ng malalim tsaka lumabas ng unit at agad pumasok ng elevator.
At ilang sandali lang ay nandito na ako sa labas ng Capricorn Building kung saan kita ko ang kagandahan ng HA.
"Ang ganda talaga."
Hindi ko pa masyadong nalilibot ang school pero alam kong sapat na ang mga napuntahan ko dito para masabi kung gaano nakaka-amaze ang buong paligid nito.
Modern ang design ng mga building pero dahil sa mga nagtataasang puno at mga pinong damo sa mga gilid at field ay lumalabas pa din ang pagiging maaliwalas nito. Dama ang koh karangyaan pero makikitaan pa din ng kasimplehan. Isang bagay na alam kong dito ko lang makikita sa Hellion Academy.
Natigil ako sa paglalakad at natulala nang makita ang isang pamilyar na kotseng hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Blue Lamborghini Veneno
Pamilyar ito pero hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng matinding kaba habang nakatitig dito.
Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko nang magsimulang bumaba ang bintana ng driver seat nito hanggang tuluyan kong masilayan ang tao sa loob nito.
At ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan na nang matinding takot nang makita ko nang malinaw ang suot nitong maskara.
Oo, nakamaskara ang babaeng sakay ng Blue Veneno pero ang maskarang iyon kayang maghatid ng nakamamatay na takot sa sinumang makakakita.
"Chess Piece White Queen." Ang itim nitong maskara na may ginto sa gilid at marka ng piyesa ng puting reyna sa larong Chess ang nagpapatunay na sya ang taong ito.
Napahakbang ako paatras nang bigla nitong tumingin sa akin at akmang aalisin ang maska--
'beeeeppp'
Natauhan ako sa malakas na busina ng sasakyan at ngayon ko lang napansing nasa gitna na pala ako ng kalsada kaya bago pa makababa ang galit na driver na bumusina sa akin ay agad na akong tumakbo.
Pero bago pa ako tuluyang makalayo ay muli kong nilingon ang Blue Veneno na nakita ko kanina pero wala na ito doon. Sinubukan ko pa itong hanapin ngunit tuluyan na itong nawala sa paningin ko.
Bumuntong hininga ako at itinuon ang tingin sa tinatakbuhan.
Hindi na dapat ako magulat na makita ang taong iyon. This is Hellion Academy, teritoryo ng Chess Pieces Officers at malaki ang posbilidad na makita ko silang lahat sa bawat paglipas ng araw.
Huminga ako ng malalim at ikinalma ang srili ko. Wala akong dapat alalahain kaya dapat mag-relax lang ako.
Walang masamang mangyayari-- Huh?
Inilibot ko ang tingin sa paligid at napasapo nalang sa noo. "Sabi na eh, maliligaw na naman ako."
Nakarating na kasi ako sa bukana ng gubat at masyado na itong malayo sa mga building. Hayss. Kailan ba ako makakarating sa isang lugar nang hindi naliligaw?
Naupo ako sa lupa at inilabas ang mapa para sana malaman ko kung saan parte na ba ako ng school pero kahit anong gawin kong pagbabaliktad dito, hindi ko masabi kung anong eksaktong location ko.
Inis kong ginulo ang buhok ko. "Aish! Wala na ngang sense of direction, hindi pa marunong magbasa ng mapa. Seriously, Zhui!"
Iginala ko ang tingin sa paligid baka sakaling may makita akong clue pero mukhang malupit sa akin ang tadhana dahil puro puno lang ang nakikita ko.
"Waahhh! Nakakainis na talaga!"
"Shut up!"
Natigilan ako at tumayo nang marinig ang boses na iyon kasabay ng paglanding ng isang lalaki sa mismong harap ko na nanggaling yata sa punong nasa likod ko.
"Do you really need to shout?" masama ang tingin nya sa akin pero hindi ko iyon pinansin dahil masyado akong natulala sa kagwapuhan ng lalaking ito.
Pero agad ding lumipat ang tingin ko sa kaliwang braso nya kung saan nakita ko ang tattoo ng isa sa CPO.
"Chess Piece White King."
Kung kanina, ang White Queen ang nakita ko kung saan nakaramdam ako ng matinding takot pero ngayong ang White King naman ang kaharap ko, matinding kasiyahan naman ang nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na makakaharap ko agad sya sa pagsisimula palang ng araw ko dito.
"Next time, huwag kang sumisigaw kung saan-saan. Nakakaistorbo ka." singhal nya tsaka ako tinalikuran at akma na sanang aalis nang hawakan ko sya sa braso. Agad naman syang tumigil at tumingin sa kamay kong nakahawak sa kanya kaya agad ko syang binitiwan.
"Ahm, pwede mo bang ituro sa'kin kung saan ang daan papuntang Pieces Building? Kanina pa kasi ako naliligaw."
Itinaas nya ang kamay at itinuro ang direksyon sa kanan namin. "Straigh ahead, unang building na makikita mo. Iyon ang Pieces." At tuluyan na syang umalis.
Ang suplado nya pero ayos na din dahil sinabi nya kung saan ang daan kaya agad ko nang tinahak iyon.
Pero sa paglipas ng oras, mas lalo yata akong naligaw dahil wala na akong makitang building. Mga nagtataasang puno nalang nasa paligid ko.
Aish! Katanga mo talaga, Zhui! Sinabi na ang daan, hindi ka pa din nakarating sa pupuntahan mo.
"Kahit kailan ka talaga."
Lumingon ako sa nagsalita at napatalon ako sa tuwa nang makita ang pinakamamahal kong kaibigan. "Zerhia." Agad akong lumapit at niyakap sya.
"Mabuti nalang talaga, naisipan kong dumaan sa klase mo." aniya.
Kumalas ako ang yakap sa kanya at doon ko napagmasdan ang itsura nya.
Nakatali ang mahaba nyang buhok, basang-basa sya ng pawis at hinihingal kaya siguradong kanina pa nya ako hinahanap.
"Sorry." Alam kong hindi sapat iyon dahil sobra sya kung mag-alaala kapag ganitong naliligaw ako.
"Tara, ihahatid na kita sa klase mo." aniya na inilingan ko.
Kumapit ako sa braso nya at inalalayan sya. "Uuwi na tayo. Hindi na ako papasok dahil alam kong nahihirapan ka nang huminga. Pareho tayong mayayari sa kuya mo kapag pinabayaan natin yan."
Tumango sya at hindi na umangal pa nang alalayan ko sya habang naglalakad kami. Alam din naman nya ang limit ng sariling katawan.
Sa totoo lang, ang kalmado at cold na si Zerhia Leone ay may sakit sa puso. Kaya hindi sya dapat nagpapakapagod. Well, kasalanan ko din naman dahil nag-alala sya sa akin at hinanap ako kaya kailangan ko na syang maiuwi agad sa unit namin.
Kinuha nya ang phone sa bulsa pagkuwa'y iniabot sa akin na ikinakunot ng noo ko. "Call her."
Nakita ko sa screen ng cellphone nya na may naka-type ng number so, I press the call button at itinapat ito sa tenga ko.
"Hello." bungad ko nang masagot ang tawag.
"Zhui? Ikaw ba yan? Magkasama na kayo ni Zerhia?" Si Zhey pala ito at mukhang katulong sya ni Zerhia sa paghahanap sa akin.
"Oo, Zhey. Magkasama na kami pero sa unit na kami dideretso. Mas kailangan kong maiuwi dun si Zerhia."
"Oh s**t! May nangyari ba?"
"Sa unit ko nalang ipapaliwanag. Dun na tayo magkita." I ended our call tsaka inalalayan si Zerhia na makapasok sa kotse nyang naka-park dito sa bukana ng gubat na narating ko. "Ako na ang magmamaneho." Hindi ko na sya hinayaan pang umangal at agad kong hinablot ang susi sa kamay nya tsaka naupo sa driver seat. Siniguro ko muna ang seatbelt nya tsaka pinaandar ang kotse pabalik sa dorm.
Binilisan ko na ang pagmamaneho dahil nagsisimula nang mahirapan sa paghinga si Zerhia at sa tulong ng navigator ng kotse ay hindi na ako naligaw pa.
Mahigpit nyang hawak ang dibdib habang nariing nakapikit at ginagawa nya lang ito kapag hindi na talaga kinakaya kaya nagsisimula na akong mag-panic.
"Zerhia, konting tiis pa. Malapit na tayo."
Tumango lang sya kaya hinawakan ko na ang kamay nya.
At ilang sandali pa ay narating na namin ang underground parking ng Capricorn. Ipinark ko ang kotse di kalayuan sa elevator.
Muli ko syang inalalayan pababa ng kotse at halos binubuhat ko na sya dahil sa sobrang panghihina nya.
"Zerhia, please. Konti nalang." naiiyak na ako sa nangyayari lalo na't nagsisimula na syang mamutla.
Agad kong pinindot ang button ng elevator. Hindi ko ito tinitigilan hangga't hindi nagbubukas. Damn it! Makisama ka naman!
"Z-Zhui."
Nilingon ko si Zerhia at kasabay ng pagbukas ng elevator ay sya ding pagkawala ng malay nya. "s**t! Zerhia!" Nakayakap sya sa akin kaya hindi sya natumba pero dahil mas mabigat sya sa akin ay alam kong anumang oras ay mawawalan na din ako ng balanse. "Zerhia, wake up!"
"Miss, anong nangyari?"
Napalingon ako sa nagsalita. "Kuya, tulong naman. Nawala ng malay itong kasama ko." mangiyak-ngiyak na ako ngayon pero kailangan kong magpakatatag para kay Zerhia. At kahit nakakahiya sa lalaking ito ay lulunukin ko na ang pride ko para lang madala agad sya sa unit namin.
Hindi naman sya nagsalita pero agad din nyang binuhat si Zerhia at sabay kaming pumasok sa elevator. Pinindot ko ang 30th floor at napansin kong parang natulala doon ang lalaking may buhat kay Zerhia.
Hindi ko nalang pinansin dahil sa pag-aalala ko. Hanggang sa makarating kami sa 30th floor. Agad kaming pumasok sa unit namin at ang gulat na si Zhey ang agad bumungad pagdating sa sala.
"A-anong nangyari?" tanong nya.
"Sinumpong ng sakit nya." sabi ko at agad na pumasok sa kwarto ni Zerhia para kunin ang gamot nito tsaka muling lumabas kung saan naabutan kong nakahiga na ito sa sofa habang nakaunan sa hita ni Zhey. Lumapit ako sa kanila at agad ginising si Zerhia.
Nagmulat naman ito tsaka ko sya inalalayan mainom at gamot ang tubig tsaka sya muling nahiga. Ilang sandali pa ay naging normal na ang paghinga nya na ikinahinga ko din ng maluwag.
Sumalampak ako ng upo sa carpet at bumaling sa lalaking tumulong sa amin. "Salamat sa tulong."
"Walang anuman." sabi nya pero hindi inaalis ang tingin kina Zhey at Zerhia.
"Kaya mo na bang naglakad?" Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Zerhia na bumangon na. Tumayo ako para sana alalayan sya pero pinigilan nya ako.
"Kaya ako na " Tumayo sya at pumasok ng kwarto nya na ikinabuntong hininga ko. Ayaw nyang tinatratong mahina kaya hangga't kaya nya ay hindi sya humihingi ng tulong kapag ganitong sinusumpong sya ng sakit.
"Ahm, aalis na ako." paalam nung lalaking tumulong sa amin.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Salamat uli sa tulong."
Tumango nalang sya tsaka tumingin kay Zhey na nakasandal sa sofa at nakapikit. Pero ilang sandali pa ay umalis din ito kaya pinakatitigan ko si Zhey.
"What do want, Zhui?" she asked and didn't bother to open her eyes.
"Napansin ko lang ang tingin nya sayo. Para kasing kilala ka nya." sabi ko. "Kilala mo ba sya?"
Idinilat nya ang mga mata tsaka tumingin sa akin. "Wala namang estudyante sa eskwelahang ito ang hindi nakakakilala sa lalaking iyon. After all, member din sya ng sikat na sikat na Chess Pieces Officers." Tumayo sya tsaka nag-inat. "Ikaw na ang bahala kay Zerhia. Matutulog lang ako." Hindi na nya ako hinintay pang makasagot at pumasok na sa kwarto nya.
Bumuntong hininga nalang ako at nahiga sa carpet
Wala pang 24 hours mula nang tumungtong ako sa lugar na ito pero ang dami agad nangyari. Mukhang kailangan ko nang paghandaan ang mga susunod na mangyayari.
_________
Zerhia Aquamarine Leone's Pov
Oh my gad!
Unang araw palang ng klase pero nakaharap ko agad ang nag-iisang lalaking gusto kong iwasang makita. At ang masama pa, nakita nya ako sa weakest state ko. Damn! Bakit ba hindi nakikisama ang pagkakataon sa'kin?
Inis kong ginulo ang buhok ko at tumitig sa kisame habang inaalala ang nangyari kanina.
"Did he remember me?"
Marahas akong bumangon at inihilamos ang mga kamay ko sa mukha tsaka bumuntong hininga.
Kung anu-anong iniisip ko eh. Malamang, hindi na nya ako naaalala kasi kung oo, dapat kinausap na nya agad ako. Eh ang walang hiya, kung makatinngayon.
gin sa akin kanina ay parang hindi nya ako kilala.
Tumayo ako sa kama at pumasok ng cr. Hinubad ko ang lahat ng suot ko tsaka pumwesto sa ilalim ng shower.
I am Zerhia Aquamarine Leone, 20 years old, bunsong anak ng mayamang mag-asawa at iyan lang ang impormasyon dapat nyong malaman sa akin.
Wala kasing espesyal sa akin. Hindi ko naman ipinapangalandakan ang pagiging anak mayman ko dahil sa mundong kinalalagyan namin, hindi masyadong mahalaga ang pamilyang kinabibilangan namin.
As long as may sapat na pera at malakas, physically, emotionally at mentally, magagawa namin ang mga bagay na gustuhin namin at makakayanan naming maka-survive sa marahas na mundong pinasok namin.
Ang mundong tinakasan ko na noon pero pilit pa din akong hinihila pabalik. Ang mundong patuloy na gumagawa ng dahilan para mapilitan akong bumalik.
Ayoko na nga sanang pumasok sa eskwelahang ito dahil paulit-ulit ko lang naaalala ang mga pangyayaring gusto kong kalimutan pero wala na akong choice.
Kinailangan kong balikan ang Hellion Academy na minsan ko ding tahanan pero dahil sa pagiging makasarili ko ay iniwan at tinakasan ko.
Bumuntong hininga ako at tinapos na ang paliligo ko nang marining ang boses ni Zhui.
Nagsuot lang ako ng black longsleeve shirt at maong short tsaka binuksan ang pintuan para papasukin sya. "Bakit?"
Umiling sya. "Gusto ko lang makasigurong maayos ka na. Nawalan ka ng malay kanina eh." Naupo sya sa gilid ng kama ko habang ako naman ay nakaupo sa sofa at pinupunasan ang buhok ko.
"Okay na ako kaya hindi mo na kailangang mag-alala."
"Sorry huh." Yumuko sya. "Muntik ka na namang mapahamak dahil sa'kin."
"Zhui, alam ko ang posibleng mangyari sa akin pero hinayaan ko pa ding mapagod ako kaya kasalanan ko. Huwag kang oa dyan."
"Basically, kasalanan ko pa din kasi kung hindi ako naligaw, hindi mo ako hahanapin at hindi ka hihingalin. Eh di, hindi ka susumpongin ng sakit mo." aniya na ikinabuntong hininga ko.
"Alam mo, imbes na nagso-sprry ka dyan, bakit hindi ka nalang magluto ng makakain natin. Nonsense naman po kasi yang pagda-drama mo. Wala na tayong magagawa sa pagiging tanga mo sa direksyon kaya huwag mo nang isipin ang nangyayari sa'kin sa tuwing hahanapin kita kapag naliligaw ka." Yeah, medyo harsh talaga ako pero sanay na yan sa akin at aminado din naman syang tanga nga sya sa direksyon. "Tara na sa kusina. Nagugutom na ako." Hinila ko na sya palabas ng kwarto at dumeretso sa kusina.
"Ano bang gusto mong kainin?" tanong nya.
"Ikaw na ang bahala." Naupo ako. "Anyway, nasaan si Zhey?"
"Sabi nya nung una, matutulog sya pero ilang sandali lang, lumabas din sya dahil gusto nyang kumain ng Japanese ramen." aniya habang inihahanda ang mga ingredients ng lulutuin nya.
Actually, I hate Zhey. Masyadong strong ang personality nya to the point na naiintimidate ako and I really hate that I deal. Idagdag pa ang pagiging cold nya but on the other side, I also like her. Para syang elder sister ko kanina habang hinahanap namin si Zhui. Lalo na nung nakahiga ako sa hita nya habang hinahaplos ang buhok ko.
And that gesture reminds me of someone.
Agad kong iniling ang ulo ko para maialis ang mga bagay na sumisiksik na naman sa isip ko. Hindi ito ang tamang oras para isipin ang mga iyon.
"Zhui, I want some chocolates." I really love sweets. One of my sister loves baking at madalas nya akong ipag-bake ng chocolate cake pero masyado nang matagal yun kaya bihira nalang din akong makakain nun.
"Wala pa tayo nun. 'Di ba, konti palang ang nago-grocery natin." Hindi na nya ako nilingon pa. "Mamaya ka na maghanap nun kapag nakapunta na tayo sa supermarket."
"But I want it now." Nakanguso kong ipinatong sa mesa ang baba ko tsaka tumingin sa pintuan ng refrigerator. "Wala bang ganun si Zhey?"
"Marami. Mahilig din yata sa chocolate ang babaeng yun pero mukhang ayaw ipagalaw. Mga naka-seal kasi kaya huwag mo nang tangkain pa. Maghintay ka nalang." Lumingon sya sa akin. "Hindi pa natin gamay ang ugali nya kaya mas mabuting huwag tayong gumawa ng ikakagalit nya."
Mas lalo akong napanguso sa sinabi nya. Dapat pala, bago ako pumasok dito bumili na ako ng isang malaking maleta na puno ng chocolates para hindi ko na pinoproblema yun.
Napadiretso ako ng upo nang ilapag ni Zhui sa mesa ang dalawang plato na may lamang spagetti. It reminds me of that guy na mukhang nakalimutan na talaga ako Favorite nya kasi uto dati. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon pa ba.
"Stop reminiscing your past with that guy, okay?" Tinaasan nya ako ng kilay. "Akala ko ba naka-move on ka na sa kanya."
"I'm not saying anything so shut up." Inirapan ko nalang sya tsaka nagsimulang kumain pero natigilan ako ng ilapag nya ang isang pitsel na may lamang mango juice kaya agad ko syang sinamaan ngtingin.
Pero ang loka, nginitian lang ako at naupo sa katapat kong upuan. "Mas okay na yan para makalimutan mp na DIN sya." She emphasized the work din kaya mas lalo ko syang sinamaan ng tingin.
Minsan talaga, masarap sapakin itong si Zhui. Hindi marunong kumuha ng timing para sa mga pang-aasar nya.
Hindi ko nalang sya pinansin at ipinagpatuloy na ang pagkain.
At ilang sandali lang, narinig namin ang pagbukas ng pintuan tsaka pumasok si Zhey na may dalang mga bowl na may noodles.
"Zhey, ang dami naman nyan." Nilapitan ito ni Zhui at tinulungang ilapag sa mesa ang lahat ng ito.
Tiningnan ko sya at mukha syang natigilan habang nakatitig sa pagkain namin pero ilang sandali lang ay bahagya syang umiling tsaka isa-isang inilabas sa paper bag ang mga noodles nya.
"Sabay ka na sa'min." aya ni Zhui. "Pero bakit ganyan kadami ang binili mo? Mauubos mo ba yan?"
Tumango sya tsaka naupo sa tabi ni Zhui. "Pero yung dalawa, binili ko para sa inyo. Baka sakaling magustuhan nyo."
Naba-bother ako sa maya't-maya nyang pagsulyap sa pagkain ko kaya bahagya kong inilapit sa kanya ang plato ko na ikinakunot ng noo nya. "Kanina ka pa kasi tumitingin dyan kaya naisip ko na baka gusto mo."
Tipid syang ngumiti tsaka umiling. "May naalala lang ako dyan." aniya tsaka nagsimula nang kumain.
"Pareho kayo ni Zerhia. Naaalala nya din kasi sa pagkaing yan yung lalaking mahal na mahal nya eh. Kaso, mukhang kinalimutan na sya ng gagong yun." ani Zhui.
Tumangu-tango si Zhey. "Pareho nga. Yung taong mahal ko din kasi ang naaalala ko sa tuwing makikita ko ang spagetti."