Hell 4.1

3222 Words
Zerhia Aquamarine Leone's Pov Hirap na akong huminga, hindi dahil sa sakit ko, kundi dahil sa kabusugan. Ang dami ko naman kasing nakain. Maliban pa dun sa kalahating kilong spaghetti na niluto ni Zhui, binigyan pa kami ni Zhey ng ramen. Pero mas matindi si Zhey. Naka-walong bowl lang naman sya ng ramen at hanggang ngayon, kumakain pa din sya ng chocolate nya. "May alaga ka bang anaconda dyan sa tiyan mo?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nandito pa kasi kami sa kusina at nakaupo ng magkaharapan habang si Zhui na ang naghuhugas ng pinagkainan namin. "Ang dami na ng kinain mo kanina pero parang hindi ka pa din nabubusog." "Malakas lang talaga akong kumain." aniya. "Lamon yan, Zhey. Lamon." natatawang sambit ni Zhui. "Pero infairness huh, hindi halata sa katawan ang katakawan mo. Sexy and fit." Tumangu-tango ako bilang pagsang-ayon. "Mabilis ang metabolism ng katawan ko at syempre, sinasamahan ko din ng exercise. 2 hours jog every morning then, nagji-gym ako at least twice a week. Wala din naman sa lahi ng pamilya ko ang tabain kaya heto, nae-enjoy ko ang pagkain ng kahit anong gusto ko." aniya. "No need for strict diet. Proper exercise will do to maintain healthy and fit body." "Ay, ita-try ko nga iyan para naman hindi na ako nagwo-worry kapag ganitong marami ang nakakain ko." ani Zhui. "Pero sayang si Zerhia, marami kasing pagkain ang bawal sa kanya at hindi sya pwedeng masyadong mapagod dahil sa sakit nya." Sumimangot ako. Oo na, ako na ang maselan. Kasalanan ko bang namana ko ang sakit sa puso ng Mommy ko kaya heto, maraming bawal sa akin. Hindi kaya madali lalo na't gusto ko ding kumain ng mga gusto ko. Pero syempre, dahil hindi naman ako pasaway, sinusunod ko ang bilin ng doctor ko to ensure my health. "If you're not capable of doing some exercise, then, you can also use different technologies that can burn fats." sabi pa ni Zhey while looking at me. "And in your case, mag-jog ka lang at least fifteen minutes, 1 hour after you ate. Pero kung ako ang tatanungin, dapat magpataba ka kahit konti. Para kang buto't balat na sa isang pitik ko lang, eh tatalsik agad." Napanguso ako sa sinabi nya. Harsh din pala ang isang ito pero she has a point. Payat talaga ako dahil kontrolado nga lang ang mga kinakain ko. Itatanong ko nga sa doctor ko kung anong pwede kong gawin para magkalaman naman ako. "Pansin ko lang na nawawala ang coldness mo ngayon, Zerhia." Natigilan ako sa sinabi ni Zhui kaya agad akong naupo ng maayos at sinamaan sya ng tingin pero tinawanan lang ako ng loka. "Totoo naman huh. Nasa harap natin si Zhey yet, ipinapakita mo ang childish part mo. May panguso-nguso ka pa." "Napansin ko nga din." sabi ni Zhey. "I really thought that she will ignore me dahil alam kong ayaw nya sa'kin." "Eh? Alam kong ayaw nya sayo?" gulat na tanongni Zhui na tinanguan nito. "Yeah. She's too easy to read kaya alam ko din na ayaw nya lang sa'kin kasi nasasapawan ko ang coldness nya at nai-intimidate sya sa'kin." Napanganga ako sa sinabi nya. Ganun na ba talaga ako kadaling basahin? O sadyang sya lang ang may kaya nun. Yung mga kapatid ko nga at mga kaibigan nila, hirap na hirap alamin kung ano ang madalas tumakbo sa isip ko tapos sya, isang araw palang kami magkasama pero napansin nya agad yun. Natauhan lang ako ng marinig ang pagtawa ni Zhui kaya inirapan ko silang dalawa. Pinagtutulungan nila ako. "Nawala din naman ang coldness ni Zhey sa atin huh. Tingnan ko, ang dami na nyang sinasabi." "Hindi naman ako cold makitungo sa mga taong alam kong magiging malapit sa akin." Tumayo sya tsaka tinapik ang balikat ko bago lumabas ng kusina. Nagkatinginan naman kami ni Zhui dahil sa sinabi nito. "Wow, at least magkakasundo tayo dito." ani Zhui. "Mahirap din yung magkakasama tayo sa unit tapos may malalaking gap sa pagitan natin." Tumango ako bilang pagsang-ayon pero hindi na nagsalita. Hindi ko din naman kasi alam kung anong ire-react ko dahil mula pagkabata, si Zhui lang ang naging kaibigan ko. Well, naging close din naman ako sa mga kaibigan ng mga kapatid ko but I didn't feel like we're actually friends. Si Zhui nalang din kasi ang nakasama ko mula nang mangyari ang bangungot sa buhay namin. "Ano na'ng plano natin?" tanong ni Zhui matapos mailigpit ang lahat. "Mahaba pa ang araw dahil hindi na tayo nakapasok sa klase natin." "I don't have any plans at gusto ko lang matulog." "Eh? Gusto ko sanang maglibot sa buong school para kahit paano ay ma-familiarized ako sa paligid at maiwasan ang pagkaligaw." Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. "Kahit naman pamilyar ka sa lugar at dinadaanan mo, naliligaw ka pa din kapag mag-isa ka kaya manahimik ka nalang dito." Kahit nga dun sa bahay na tinirhan namin ng halos limang taon, ehu naliligaw pa din sya kaya hindi ko na sya hinahayaan pang lumabas ng mag-isa. "Pero hindi naman pwedeng lagi nalang akong aasa sayo noh. Magkaiba ang schedule natin kaya malaking abala lang ako sayo." malungkot nyang sabi. "Then, mag-adjust ka. Every morning, sumabay ka sa'min ni Zhey para maihatid ka sa first class mo then, sa mga susunod mong klase, makisabay ka nalang sa mga kaklase mo nang hindi ka maligaw." sabi ko. "At kapag uwian, sumakay ka nalang sa school bus or tumawag ka para masundo kita." Tumayo na ako at nag-inat. Mukhang kailangan kong maglakad-lakad para bumaba agad ang kinain ko. "Lalabas lang ako." "Sa'n ka pupunta?" "Sa hell." sagot ko. "Gusto mong sumama?" Agad syang umiling. "Ikaw nalang. Hindi bagay dun ang anghel na tulad ko." At tumakbo na sya palabas ng kusina kaya napailing nalang ako. Malakas din talaga ang sapak ng babaeng yun. Nasa elevator na ako nang huminto ito sa 29th floor at pumasok ang lalaking pamilyar ang mukha sa akin kasama ang isang babae na kung makalingkis, eh parang linta. Napailing nalang ako sa nakita. Nagbago man ang program at itsura ng school, hindi pa din talaga nagbabago ang ilang estudyante ditp. Lalo na ang lalaking ito. Tsk. "Babe, bakit ba hindi tayo pwede sa unit mo?" tanong nung babae habang nakayakap sa kasamang lalaki. "Nasa unit ko sina Dark King at Dylan kaya sa ibang lugar nalang tayo." Well, hindi naman sa tsismosa ako noh. Pero naririnig ko talaga ang sinasabi nila agat hindi ko iyon maiiwasan dahil nasa elevator lang naman kami at malakas ang boses nila. Damn. I really hate this kind of scene, nakakasuka. Isinalpak ko nalang ang earphone sa tenga ko at tinodo ang volume nito para hindi ko na marinig ang nakakakilabot nilang conversation. Bahagya din akong tumagilid para hindi ko sila makita pero syempre, dahil salamin aang dingding nitong elevator ay nonsense lang dahil kita ko pa din sila. At napangiwi nalang ako ng makitang maghahalikan na sila kaya naman nang bumukas ang pintuan ng elevator ay agad na akong tumakbo palabas. Seriously? Hindi man lang nahiya sa'kin. Yikes! Kinikilabutan ako kapag naaalala ko yun kaya pumikit ako at umiling-iling. I'm not that innocent pero yung mga ganung bagay, sa private place dapat ginagawa at hindi lantarang ipinapakita sa iba. "Ouch!" Hinimas ko ang noo ko nang tumama ito sa matigas na bagay na nakaharang pala sa dinadaanan ko. Muntik pa akong matumba, buti nalang may umalalay sa'kin. "Are you okey?" Napadilat ako nang marinig ang boses na iyon tsaka tumingin sa nagsalita. At sa ikalawang pagkakataon, nakaharap ko na naman ang taong ito. "Are you okey?" muli nyang tanong. Hindi ako sumagot pero agad umatras palayo sa kanya na ikinakunot ng noo nya. Wala eh, hindi ko naman sigurado kung naaalala pa nga ba nya ako kaya mas mabuti nang huwag akong lumapit sa kanya. "Well, I guess you're okay." sabi nya tsaka tumalikod at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya. At wala akong ibang nagawa kundi titigan ang likuran ng lalaking iyon. Ang lalaking isa sa rason kung bakit nga ba pinili ko nang bumalik dito kahit alam kong hindi magiging madali ang lahat. ********** Zhey Leguima's Pov Hi, Zhey Leguima here. 20 years old and a transferee here in Hellion Academy. Wait, what? Did I just say transferee? Well, lahat naman ng estudyante dito, maliban sa CPO ay maituturing na transferee. Di ba nga, bagong program ang school na ito at lahat ng mga dating students dito ay namatay nang dahil sa gulomg nangyari last year. At bakit alam ko ang bagay na yun? Isang simpleng sagot. Nandito ako nang panahong iyon at malinaw sa memory ko ang bawat detalye ng pangyayaring iyon na ikinamatay ng maraming gangs. Siguradong sa mga oras na ito, alam na nilang may nakaligtas ng araw na iyon kaya hindi na ako magtataka kung nagsisimula na nilang halughugin ang buong mundo para lang mahanap ako. Alam ko kasi ang lahat ng sikreto ng HA at para pangalagaan iyon, kakailanganin nila akong patayin nang hindi ito makalabas sa iba dahil isang malaking balita kapag nalaman ng buong mundo ang nangyayari sa loob nito. Malalaking pamilya ang posibleng masangkot dito. Pero syempre, wala akong planong ibulgar sa iba ang nalalaman ko. Masyado kong mahal ang buhay ko at wala pa akong planong mamatay kaya mas pipiliin ko nalang manahimik at bumalik dito sa nag-iisang lugar na alam kong ligtas ako. Paano ako magiging ligtas sa teritoryo ng mga taong naghahanap sa akin? Simple lang. Imposible kasi nilang isipin na babalik ako dito. Hindi sila maghahanap sa lugar na kinalalagyan ng mga taong naghahabol sa pakay nila. Dahil para sa kanila, isang malaking katangahan iyon. Para ko na ding isinuko ang sarili ko sa kanila pero syempre, hangga't kayang umiwas, hindi nila malalaman ang koneksyon ko sa nangyaring gulo noon. At iyon ang dahilan kung bakit ko nga ba naisipang bumalik dito. Para lang magtago sa mga taong naghahanap sa akin. Hindi din naman kasi nila alam ang itsura ko kaya malaya akong nakakapaggala dito. Pero syempre, may clue sila kung paano ako mahahanap at iyon ang hindi ko alam kaya dapat akong mag-ingat, or else, mamamatay ako ng walang laban dito sa teritoryo nila. Ipagpasalamat ko nalang siguro na binago ang program dito. Bawal na ang pagpatay at siguradong wala din namang magtatangkang sumuway dahil alam nila kung gaano kademonyo ang dalawang hari ng school na ito. Bumuntong hininga ako at inilibot ang tingin sa paligid. Kasalukuyan akong nandito sa balcony ng kwarto ko at pinagmamasdan ang gubat na nasa likod nitong Capricorn Building. I feel something weird and I know, may posibleng mangyari na naman. Hindi ngayon but soon. Kauumpisa pa lang naman ng klase kaya masasabi pang normal ang lahat. Wala pang kumikilos pero marami na ang nasisimulang magmasid at naghihintay ng magandang pagkakataon para umatake. Napalingon ako sa kabilang building, which is Sagittarius Building at natigil ang tingin ko sa balcony na nasa 30th floor. Isang lalaki ang nandun. Nakatingin lang sa malayo habang may hawak na canned beer. I know that guy. We'll everyone knew him but I know him better. Napaigtad ako at nakaramdam ng kaba nang mabaling sa pwesto ko ang tingin nya at kahit nasa ganito kalayo ang distanya namin ay alam kong malinaw nya akong nakikita. Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ang isa pang lalaki sa balcony na yun at nabaling din sa akin ang tingin nya kaya naman agad na akong tumakbo pabalik sa kwarto ko. Geez! Hindi ka marunong mag-ingat, Zhey! Nasa teritoryo ka nila kaya dapat umiwas sa mga mata ng mga observers na nagkalat. Hindi dapat ako magpapakita sa taong iyon dahil posibleng sya ang makahuli sa akin. Baka masira pa ang pagtatagong ginagawa ko. "Aish! Ang tanga ko talaga." Inis kong sinabunutan ang sarili ko tsaka naupo sa gilid ng kama. "This is not the right time para makilala nila ako." Hindi porket hindi nila alam ang itsura ko ay magpapakakampante ako. Hindi nila ako dapat nakikita, or else, masisira ang pagtatagong ginagawa ko. Hindi pa din ako handang harapin ang mga taong iyon. Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang mahinang katok sa pintuan ko. "Zhey?" Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa'kin ang problemadong si Zhui. "Why?" "May ginagawa ka ba?" Umiling ako sa tanong nya. "Ahm, ano kasi.. Baka--baka pwedeng samahan mo ako sa Axel Mall. Kailangan ko kasing mag-grocery para sa mga supplies namin ni Zerhia. Hindi pa din kasi umuuwi ang babaeng yun mula nang umuwi kanina at kung aalis ako mag-isa, baka maligaw uli ako." nakayuko nyang sabi. "Sige." Napaangat sya ng ulo at ngumiti. "Talaga?" Tumango ako. "May bibilhin din naman ako." Kinuha ko na ang cellphone, car key at gold card ko tsaka nauna nang lumabas. Sumunod naman sya sa akin at pagpasok namin sa elevator ay agad syang kumapit sa braso ko. "Anyway, Zhey. Pwede bang Krishel nalang ang itawag mo sa'kin?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Why?" "Zhui Krishel Chrysoc ang full name ko at ipinapaalam ko lang yun sa mga taong gusto ko." aniya na ikinatigil ko pero hindi ko pinahalata. I remember something from that words pero agad ko din itong inalis sa isip ko. "Mabait ka kasi kahit medyo cold. Tapos tinulungan mo pa si Zerhia na hanapin ako kaya alam kong magiging mabuti ang kaibigan." sabi pa nya. "Okey." simpleng sagot ko. "May gusto nga pala akong itanong." Tumango sya. "Sure. Ano ba yan?" "Bakit dito mo naisipang pumasok? Hindi ba, taga-Trost City kayo? Marami namang school dun na 'di hamak na mas maganda sa HA." "Alam mo kasi, matagal ko nang pinangarap makapag-aral dito. I know, elite ang school na ito at masasabing hindi bagay ang tulad kong mahirap pero deep inside me, there something that tells me that I am belong here. Na mula noon pa, dito na dapat ako nag-aral kaya talagang bawat taon ay nagpapasa ako ng scholarship request and luckily, na-approved sya this year." kwento nya. "Si Zerhia, hindi ko talaga alam kung bakit ginusto nya ding mag-aral dito pero lagi nyang sinasabi na kung saan ako mag-aaral ay dun din sya." Tumangu-tango ako. Ibig sabihin lang nun, wala silang alam sa kung ano ang palakad dito noon, yet ginusto nyang makapasok dito. Mabuti nalang pala, wala na ang death game this year dahil kung titingnan si Zhui, para syang hindi makabasag pinggan. Lagi pang naliligaw kaya kung ang dating palakad ang nangyayari dito, siguradong madali lang syang mamamatay. Kay Zerhia ako nahihiwagaan. There something in her that makes my guard always up but at the same time, there also something that push me to trust and like her. She's not ordinary teenager, I'm sure of that because she has this kind of aura na nararamdaman ko sa nag-iisang grupo na kinatatakutan ng lahat. "Eh ikaw?" tanong nya. "Ang alam ko, taga-Cena City ka and that was almost 4hours drive from here. Marami ding magagandang school doon kaya bakit dito ka pumasok?" "May kinailangan lang akong balikan dito." sabi ko. "Balikan? Meaning, nag-aral ka na dito dati?" gulat nyang tanong na tinanguan ko. Hindi na ako nagbigay pa ng ibang impormasyon at hindi na din naman sya nagtanong hanggang makarating kami sa parking lot. "Woah, Lamborghini Gallardo." mangha nyang sabi nang makita ang kotse ko. "Rich kid ka nga talaga." Napailing nalang ako. Iyan palang ang nakikita nya huh. "That one is also mine." Itinuro ko ang kotse na nasa tabi ng Gallardo ko. "What the hell?" Nanlaki ang mga mata nya ng makita iyon. "D-diablo?" Bumaling sya sa akin. "Ikaw ang nakabili ng Lamborghini Diablo na nag-iisa lang sa bawat bansa." Pumasok na kami sa kotse ko. "Nakakagulat ba yun?" "Geez! No one knows who's the owner of that car kaya talagang nakakagulat na malamang ikaw ang may-ari nun." aniya tsaka ikinabit ang seatbelt. "I know that you're rich but I didn't expect that you're much more than that. Ikaw lang naman ang nagmamay-ari ng pinaka-limited car ng Lamborghini." "May mas limited edition pa ang Lamborghini Cars maliban sa Diablo." Pinaandar ko na ang kotse palabas ng parking. "Yung Veneno. That was only 4 at apat na tao lang din ang nagmamay-ari sa kanila sa buong mundo. Though, the gray one is still not sure kung nag-eexist nga ba dahil ang tanging nakikita palang ng lahat ay ang blue, red at black." "V-veneno." Para syang namutla nang sabihin iyon kaya hindi na ako nagtangka pang magsalita. Pareho nalang kaming nanahimik sa byahe. Pero bago pa man kami makalabas sa gate ng dorm area ay biglang sumulpot out of nowhere ang isang Black Zenvo ST1 sa harap ko at kung hindi ako nakapag-preno agad ay siguradong babangga kami dito. Halos masubsob ako sa manibela dahil sa lakas ng impact ng pagpreno ko. Agad ko namang nilingon si Zhui na mukhang nagulat din sa nangyari at mabuti nalang, mahigpit syang nakahawak sa seatbelt nya. "Hey, are you okay?" tanong ko sa kanya na mabilis nyang tinanguan pero nananatiling tulala kaya inis na akong bumaba ng kotse at nilapitan ang kotseng muntik makadisgrasya sa'min. Lumabas na din ang driver nito. "Miss, okay ka-- s**t!" Hindi na nya nagawa pang matapos ang sasabihin dahil malakas ko syang sinipa sa tuhod. "Muntik kaming bumangga dahil sa biglang pagsulpot mo tapos ganyan ang ibubungad mo? Malamang, hindi kami okay!" Muli ko syang sinipa at sa pagkakataong ito ay napaupo na sya sa sahig habang hawak ang tuhod. "Tama na, pwede!" sigaw nya. "At ikaw pa ang may ganang magalit?" Akma ko uli syang sisipain nang may biglang humablot sa braso ko at hinila ako palayo sa pesteng driver na yun. Nilingon ko naman ang humila sa akin at bahagya akong natigilan nang makilala kung sino ito. "What happened here, Henry?" tanong nito pero dun sya nakatingin sa lalaking sinipa ko. "Iyang babae ang tanungin mo, Dominic." inis na sambit ng pesteng Henry na yun kaya susugod pa sana ako pero hindi ko magawang makaalis sa pagkakahawak sa'kin. Bumaling naman ito sa akin. "So, tell me. Anong nangyari dito?" "Iyang gagong yan." Itinuro ko yung Henry. "Biglang sumulpot out of nowhere at kung hindi lang ako nakapagpreno agad, eh di bumangga kami sa kanya." "Aba't maka-gago ka huh." dinig kong reklamo ni Henry. "Baka hindi mo kilala kung sino'ng mga kaharap mo." Bumaling ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. "I know you but sad to say, I don't give a damn about you. It's your fault anyway, kaya may karapatan akong magalit at magwala." "Okey, both of you. Stop." maawtoridad na sambit nitong Dominic na hanggang ngayon ay nakahawak pa din sa akin. Hindi na nga kami umimik nung gago pero nagpapalitan pa din kami ng masamang tingin. Aba, hindi ako magpapatalo sa kanya noh. "Hey." Bumaling ako kay Dominic. "Ako na ang magso-sorry sa ginawa ng kapatid ko." "Sa susunod, sabihan mo yang kapatid mo na huwag barumbado sa ganitong kalsada!" bulyaw ko tsaka binawi ang braso at tumalikod para sana balikan si Zhui pero hindi pa man ako nakakalayo sa kanila ay may bigla na namang humablot sa braso ko at marahas akong iniharap sa kanya tsaka isinandal sa kotse. "Ano na namang problema mong gago na?" Oo, this time, si Henry naman ang humablot sa braso ko. Pero tangina lang! Masakit sa likod yung pagkakasandal nya sakin huh. "I know it's my fault for being reckless in this road but you need to pay what you did to me." Matalim nya akong tiningnan. "We still have race event to attend pero dahil sa ginawa mo, hindi ako makakapag-drive." "At kasalanan ko pa talaga." "Sino bang nanakit?" Tinaasan nya ako ng kilay. "So, you need to come with us and be my driver for that race." Napataas din ang kilay ko sa sinabi nya. "And what if I don't want?" "You don't know what I can do to someone who holds the secrets of the whole Hellion Academy." Nanigas ang buong katawan ko sa narinig. Ibig bang sabihin-- "Yeah, I know you. The only student who survive the war that happened inside HA last year na kasalukuyan nang pinaghahanap ng underlings ni White Queen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD