Hell 3

3202 Words
Zhui Krishel Chrysoc's Pov Finally! Start na nang class this school year at kasalukuyan na akong nandito sa loob ng dream school ko kasama ang aking bestfriend. Anyway, I am Zhui Krishel Chrysoc, 20 years old at isang scholar sa school na ito habang ang bestfriend ko ay si Zerhia Leone, 20 years old din pero galing sya sa mayamang pamilya kaya hindi sya tulad kong scholar. "Zerhia, tara na." aya ko. Nakasandal pa kasi sya sa kotse nyang matagal ko na ding pinangarap pero imposible kong makamit. Lamborghini Hurucan naman kasi iyon. Naghikab muna sya bago lumapit sa akin. "Para kang bata." Kumapit ako sa braso nya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa headmaster's office para kunin ang susi ng dorm at schedule. "Excited kasi ako. Syempre, nandito na ako sa dream school ko." "Kaya mong makakuha ng scholarship dito noon, bakit hindi ka nag-try?" tanong nya. "Unang reason, ayaw mo kasing magtransfer dito. Eh alam mo namang hindi tayo pwedeng magkalayo noh. At second reason, ngayon lang na-approved ang scholarship ko." "Sinabi ko namang ako na ang bahala, ikaw lang itong may ayaw." "Ay, yan ang ayaw ko noh." Sabi ko agad. "Ayaw kong isipin ng iba na porket bestfriend kita ay aabusuhin ko na ang kabaitan mo. Baka isipin din nila na kaya kita kinaibigan ay dahil mayaman ka." Inirapan nya ako. "Yeah, wala na akong sinabi." Nagsalpak nalang sya ng earphone sa tenga nya. Hindi nya talaga gusto kapag ganitong tinatanggihan ko ang mga tulong nya na may kinalaman sa pera kaya madalas, para matapos itong topic ay nagsasalpak nalang sya ng earphone sa tenga. Eh, ayaw ko kasing mabahiran ng kung anong negative comments ang friendship namin. Kaya hangga't maaari ay tumatanggi ako. Gusto kong patunayan sa lahat na kinaibigan ko sya dahil sa ugali at personality nya, hindi dahil sa kung anong meron sya. Zerhia respect my decision pero syempre, hindi nya itinatanggi na minsan, naiinis din sya dahil dun. Syempre, bestfriend daw nya ako kaya dapat lang na tulungan nya ako sa kahit na anong paraang alam nya. Inilibot ko ang tingin sa paligid at hanggang ngayon ay hindi ko pa din maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Nagsusumigaw lang naman ang karangyaan sa eskwelahang ito. Ang bawat building ay talagang pinagkagastusan ng malaki at sinigurong matibay. Hindi basta-basta ang bawat materyales na ginamit upang mabuo ang eskwelahang ito. At nakakatuwa na sa kabila ng karangyaan nito ay nagagawa nitong tumanggap ng isang tulad kong galing sa mahirap. Well, hindi din naman sila basta tumatanggap ng scholar. Talagang dumadaan ito sa mabusising proseso kaya nga sa halos dalawang taon kong paghihintay, ngayon lang naaprubahan ang scholarship form ko. Narating na namin ang headmaster's office at ako na ang kumatok pagkuwa'y binuksan ko ito. Sa loob nito ay nakita ko ang dalawang babaeng busy sa kani-kanilang laptop. "Ahm, excuse po." Agad kong nakuha ang atensyon nila at sinenyasan akong pumasok na kaya hinila ko si Zerhia papasok dito. "Ms. Zerhia Leone and Ms. Zhui Chrysoc." Iginiya nila kami paupo sa sofa'ng kaharap ng inuupuan nila. "Anyway, I am Shen and this is Frey, Hellion Academy's Headmistress. Well, Alam ko namang kilala nyo na kami. For formality purpose lang naman." Inilapag ni Shen ang student manual sa harap ko. "Zhui, nandito na ang lahat ng kailangan mong malaman regarding your scholarship. Ito naman ang card na gagamitin mo sa lahat ng establishment dito sa loob ng HA. It's unlimited at ang mismong school ang sasagot ng lahat ng gastos mo." Isang black card naman ang ibinigay nya sa akin. Yung kau Zerhia kasi, since hindi naman sya scholar, gold yung card nya. "At ito ang susi nyo sa dorm." Binigyan nya din kami ng tig-isang susi. Sa keychain nito ay nakasulat na ang passcode. "At ito ang identification card at schedule nyo." Iniabot iyon sa amin ni Frey. "At para naman sa limang badge na nasa lace ng id nyo, mababasa nyo iyan sa mga student manual." "I have a question." ani Zerhia. "Paano maging part ng Chess Pieces Officers?" Napalingon ako sa kanya nang itanong nya iyon. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon. "magkakaroon ng isang competition para sa lahat ng gustong maging member ng CPO and it will happn next month." sagot ni Shen. "For the other information, ipapaskil nalang namin iyon sa bulletin." Tumango nalang si Zerhia at tumayo kaya tumayo na din ako at agad nagbow tsaka sumunod palabas ng office. "Grabe ka talaga. Wala tayo sa bahay para umasta kang ganun." sita ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa dorm namin. "At bakit nagtatanong ka tungkol sa CPO? Balak mo bang sumali sa kanila?" "I don't need to chance the way I treat them just because they're the head of this school." walang gana nyang sabi. "At hindi ako sasali sa CPO. I am just asking for." Bumuntong hininga nalang ako at hindi na nagtanong pa. Sanay na ako sa kanya. Kumapit ako sa braso nya at hinila sya. "Bilisan na nga lang natin para makapagpahinga na." "Makahila. Alam mo ba ang daan?" tanong nya na ikinatigil ko tsaka bumaling sa kanya at alanganing ngumiti. "Hindi eh." "Tss." Sya na ngayon ang humihila sa akin. "Ano pa bang aasahan sayo? Eh wala ka namang sense of direction." Nagpout nalang ako habang nagpapatianod sa kanya. "Kasalanan ko bang madali akong maligaw?" Napailing sya. "Paano nalang kaya bukas noh? Hindi tayo magkaklase sa lahat ng subjects natin. Makarating ka kaya sa klase mo?" "Zerhia naman eh." Wala kasi talaga akong sense of direction at madalas akong maligaw sa kahit saang lugar ako pumunta. Kaya nga hindi kami naglalayo ni Zerhia dahil kawawa ako kapag nawala sya sa tabi ko. Bumuntong hininga sya. "Pag-aralan mong mabuti ang lahat ng pasikut-sikot sa school para madali mong mahanap ang bawat klase mo." _________ Nandito na kami ngayon sa elevator ng Capricorn Building kung nasaan ang unit namin ni Zerhia. Medyo kinakabahan nga ako habang palapit kami dun pero itong bestfriend ko, chill lang na nakikinig ng music. May kasabay nga kami dito sa elevator na babaeng nakasandal sa dingding nito at nakikinig din ng music kaso, isang earphone lang ang nakasuot sa tenga nya. nakapikit din sya kaya malaya kong napagmasdan ang mukha nya. Mukha nga syang manika at maamo ang mukha. Siguro naman, mabait din sya. Napaiwas ako ng tingin nang bigla syang magdilat ng mata at tumingin sa akin. nagkunwari nalang akong busy sa cellphone ko para maiwasan ang pagkapahiya. Ang ganda nya kasi talaga at parang pamilyar ang mukha nya. Hindi ko lang tanda kung saan ko nga ba nakita. Hanggang marating namin ang 30th floor and fortunately, ka-floor lang din namin yung babaeng tinitingnan ko kanina kaya bago pa sya makalayo at hinabol ko na sya. "Excuse me." Tumingin sya sa akin at medyo napaatras ako nang magtama ang mata namin. Malamig kasi syang tumingin at hindi ko maiwasang kabahan pero kailangan kong tapangan para makilala sya. "Ahm, ikaw ba yung isa pa naming makakasama sa unit?" Tatlo daw kasi bawat unit at dahil dalawa lang naman ang unit sa floor na ito ay naisip kong baka sya nga iyon. Kumunot ang noo nya. "Leone and Chrysoc?" Tumango ako. "AhH, yeah." Binuksan nya ang pintuan ng unit namin at hindi na ako nagdalawang isip pang pumasok habang hila si Zerhia. At hindi ko na naman naiwasang mamangha nang bumungad ang kabuuan ng unit. Black and white ang interior nito. Mula recieving are, bar area, living area na may malaking aquarium. Then kitchen and dining area na magkasama na at kumpleto na sa mga gamit. Tapos, may apat pang pintuan sa di kahabaang hallway. "Ang ganda." "Tss. Simple lang ito noh." ismid ni Zerhia na hindi ko na pinansin. Well, mayaman sya kaya talagang simple lang ito sa paningin nya pero para sa akin ay sobrang ganda nito. "Anyway, I'm Zhey. Nasa mga kwarto nyo na ang gamit nyo. Don't worry, hindi ko pinakialaman iyn. Akin yung kwarto na nasa gitna." Itinuro nya ang kwarto na may sign pang Z. "Yung nasa left side ang kay Ms. Leone at nasa right side ang kay Ms. Chrysoc." Pansin ko lang na puro Z pala kami dito. ang galing naman ng tadhana. "Kung may kakailanganin pa kayo, katukin nyo lang ako sa kwarto ko." Iyon lang at pumasok na sya sa kwarto nya. "I don't like her." inis na sabi ni Zerhia habang nakatingin ng masama sa pintuan ng kwarto ni Zhey. "Bakit? Dahil nasasapawan nya ang cold attitude mo?" pang-aasar ko na ikinairap lang nya tsaka mabilis na pumasok sa kwarto nya. Napailing nalang ako at bumuntong hininga. Dalawang babaeng may cold attitude pa ang makakasama ko sa unit na ito? Hindi kaya ako lamigin ng todo dito. Pumasok nalang din ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Hindi pa man nagsisimula ang klase, ay nakakaramdam na ako ng matinding excitement. Ano kayang mangyayari sa mga susunod na araw? Well, I just welcome you to my new school. Welcome to Hellion Academy. ********* Hunter Paul Moretz' Pov (Chess Pieces White Knight) Dahil bukas na magsisimula ang klase sa Hellion Academy ay napagpasyahan muna naming magrelax dito sa Fiendish. Medyo mahihirapan din kami sa pag-aadjust sa bagong program ng school kaya kailangang sulitin ang pagiging malaya. "Hanggang ngayon hindi ko pa din talaga alam kung bakit kinailangang alisin ang Death Game." sabi ni Whendy. "Malilimitahan tuloy ang galaw natin sa loob ng school." "Kailangan kasi nating mag-ingat." sabi ni Dylan. "Alam nyo namang may nangangahas na sa mga media na tumungtong dito sa Shiganshina. Hindi natin pwedeng hayaan na masiwalat ang mga nangyayari sa school." Tumango-tango ako. "Kapag kasi nabunyag ang existence ng mga kaganapan sa school, siguradong mapapahamak ang founder nun. Tapos sigurado ding sisirain nila ito at iyon ang pinakahindi natin dapat hayaan. Ang HA ang nag-iisang lugar na tumanggap sa buong pagkatao natin noh." "Yeah, hindi nga natin pwedeng hayaan iyon." sang-ayon ni Aerona. "Ang HA na nga ang naging tirahan natin sa loob ng halos apat na taon kaya hangga't kaya natin, dapat pangalagaan natin ito." "Ang seryoso nyo naman masyado." Pare-pareho kaming napaigtad sa biglang pagsulpot ng second in command ni Dark King na si Adhara. Nakaupo na ito sa tabi ko at hindi ko man lang naramdaman ang paglapit nya, kahit ang pag-upo nya. "Pwede ba, huwag kang parang kabuteng biglang susulpot sa kung saan." ismid ko. Sa lahat ng second in command naming mga CPO, sya ang pinakamahirap maramdaman kaya alam kong sa lahat, sya ang pinakadelikado. Ipagpasalamat nalang siguro namin na kahit ganyan sya kalakas ay hindi nya ito ginagamit laban sa amin. "Alam nyo kasi, hindi ko na kasalanan na hindi nyo ramdam ang presensya ko sa tuwing lalapit ako sa inyo." Kumuha sya ng isang bote ng beer at tinungga iyon pagkuwa'y muling tumingin sa amin. "Isa pa, hindi nyo kailangang mabahala sa taga-media na naglalakas loob tumapak dito sa Shiganshina. Hindi nila basta mapakikialaman ang HA." "Hindi din natin masasabi kaya dapat pa ding mag-ingat." ani Tristan. "Siguradong wala nang sasantuhin ang mga iyon. Isa-isa na nga nilang nilalantad ang mga nangyayari dito sa Shiganshina eh." "Kilala mo ba kung sino ang nasa likod ng mga media'ng iyon?" tanong ni Whendy na ipinagkibit balikat nito. "I still don't have the idea but I'm working on it. Nautusan na din kasi ako ni Dark King kaya kahit ayokong makialam, eh no choice na." aniya. "At ang alam ko, nag-iimbestiga na din sina Alhena at Aquila." Pare-pareho kaming natigilan nang marinig ang huling pangalang binanggit nito. "Kumikilos si Aquila?" Tumango ito. "Original CPO are claiming their ranks kaya hindi na dapat kayo magtaka na mabalitaang kumikilos ang mga underling nila." "Kung ibang underling iyon, hindi ako magtataka." sabi ko. "Pero kung si Aquila iyan na second in command ni Dark Queen, hindi pwedeng hindi ako mapaisip. Bumalik lang naman sya para sa sarili nyang problema kaya bakit naisipan nyang makialam sa mga nangyayari?" Tinapik nya ako sa balikat tsaka tumayo. "She's still part of CPO at habang nasa braso nya ang tattoo ng Dark Queen, poprotektahan nya ang school at ang grupo hangga't makakaya nya. Well, maliban nalang kapag nagkaharap na sila ng taong talagang binabalikan nya sa lugar na ito." Tinanguan nya lang ang iba ko pang kasama bago tuluyang umalis. "He's right." sambit n Dylan. "Iba man ang rason nya sa pagsali sa CPO, hindi pa din nun maitatanggi na ginagawa nya ang responsibilidad nya bilang Dark Queen." Bumuntong hininga nalang ako dahil hanggang ngayon, hindi ko pa din maintindihan kung bakit nga ba ganun nalang ang galit ni Dark Queen kay White Queen. Oo, nasa iisang grupo kami pero ang dalawang reyna namin ay may planong magpatayan. At hindi ko din maintindihan kung bakit hinayaan pa ni White Queen na maging miyembro si Dark Queen gayong alam naman nyang plano sya nitong patayin kapag naga room ito ng pagkakataon. Aish! Bakit ba pinagkakaabalahan ko pa ng pansin ang dalawang iyon? Bahala sila sa buhay nila. Malalaki na sila at siguradong alam.na nila ang mga ginagawa nila. Ang dapat kong isipin ngayon ay ang katotohanang ang babaeng minahal ko pala noon ay isa sa original member ng CPO. Nang makapasok kami sa CPO, wala kaming ideya na ang mga nakasama namin noon ay mga substitute lang. Ang buong akala namin, ang mga pinakaunang member nito ay patay pero last year, nalaman namin na buhay silang lahat at ipinasa lang nila ang mga rank nila dahil sa kani-kanilang personal na rason. At nitong summer lang, bago muling i-announce ang pagbubukas ng Hellion Academy ay nakilala namin silang lahat, maliban kay Dark Queen. Sobrang nawindang ang buong pagkatao ko nang makita sya matapos ang halos dalawang taon, idagdag pa ang kaalamang isa din sya sa CPO. At ang malala pa nito, mas nauna syang maging member sa akin. Ni wala syang nabanggit sa akin noong mga panahong magkarelasyon pa kami. Mapait akong napangiti nang maalala iyon. Bakit nga ba iniisip ko pa iyon? Nagawa nga nya akong iwan noong panahong kailangang-kailangan ko sya kaya hindi na dapat ako magtaka kung nagawa nya ding itago ang tungkol sa pagiging member nya ng CPO. "Hoy, tama na nga iyan." Napatingin ako kay Tristan na syang biglang umagaw sa hawak kong alak. "Hindi na maganda ang ngiti mo kaya umuwi ka na. Tandaan mo, hindi 19th of the month ngayon kaya wala kang karapatang magwala." Napakamot nalang ako ng ulo at tumayo. "Yeah, yeah. Uuwi na nga. Huwag na din kayong magtagal." Tinapik ko nalang sila sa balikat at naglakad na palabas ng Fiendish. Every 19th of the month, binibigyan ko ang sarili ko ng pagkakataon para ilabas ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagpapakalunod sa alak at pakikipaglaban sa cage arena ng Fiendish pero dahil hindi ito ang araw na iyon, mas mabuti nang magpahinga nalang. ********* 1st Someone's Pov "Sigurado ka ba sa plano mo? Paano kung ma-trigger ng presensya mo ang memories nya?" tanong ng kasama ko. Kasalukuyan kaming nasa rooftop ng isang mataas na building dahil naisipan ko lang namang mag-star gazing. Nakahiga ako sa sahig na nilatagan ko ng makapal na kumot habang sya naman ay nakaupo sa tabi ko. "At hindi mo ba naisip na baka makahalata sya? Sa distansya nyo, siguradong malaki ang tyansang makilala ka nya at mapatay agad." Bumaling ako sa kanya. "Bakit ba masyado kang nega? Wala ka bang tiwala sa plano ko?" "Huh! Nagtanong ka pa talaga?" Tinaasan nya ako ng kilay. "Sa tingin ko ba, itatanong ko yan sayo kung may tiwala ako sa plano mong iyan? Aba! Ikaw na yata ang naglalagay sa sarili mo sa kapahamakan." Napailing nalang ako at muling ibinalik ang tingin sa langit na puno ng bituin. "Sigurado ako sa ginagawa ko. Oo, alam kong delikado dahil matatalino at matatalas din ang pakiramdam ng mga iyon pero syempre, kailangan kong sumugal. Kung ganito ako kalapit sa lahat, magagawa ko ang mga dapat gawin." "Aish! Hindi ka na talaga nakakatuwa." Inis nyang sabi. "Tatawagan ko na talaga si Phoenix nang matigil ka sa kahibangan mo." Natawa ako sa sinabi nya at muli syang tiningnan. "Alam mong sinusuportahan ako ni Phoenix sa lahat ng ginagawa ko kaya kahit tawagan mo sya ang magsumbong ka, hindi uuwi iyon. Mas mahalaga ang inaasikaso nya sa US kaya shut up ka nalang." Ginulo nya ang buhok sa sobrang frustration tsaka bumuntong hininga. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Kung nandito lang sina Tryon at Tyra, siguradong hindi lang ako ang pipigil sa plano mong iyan." Hindi ko naiwasang makaramdam ng lungkot nang marinig ang mga pangalang binanggit nya. Matagal-tagal na din pala mula nang huli akong magkaroon ng balita sa dalawang iyon. "Ahm, sorry." Napansin nya siguro ang bigla kong pananahimik. "Hindi ko na dapat sila binanggit." Ngumiti ako tsaka bumangon at pinagmasdan ang buong paligid. "Ayos lang. At dahil nabanggit mo na din naman sila, may balita ka ba sa kanila? Limang taon na din mula nang huli ko silang makausap." "They're both fine and well. I'm sure, in no time, babalik na din sila." "Hindi na ako aasa." natatawa kong sabi. "Masyadong nag-eenjoy si Tryon sa panggugulong ginagawa nya sa WG kaya imposibleng bumalik sya dito lalo na't nagkalat na ang media sa syudad na ito." "Sa bagay pero malay mo, magbago ang isip nya." Umiling-iling nalang ako. Ako ang higit nakakakilala sa taong nakasama ko sa pagbuo ng grupong ito kaya alam kong hindi sya babalik sa syudad na ito. Hindi nya ipapahamak ang sarili nya, maging ang mga guards nya. At mas lalong hindi nya idadamay sa mga gulong ginawa nya ang CPO. "Oh sya, babalik na ako sa unit ko. Huwag ka nang masyadong magtagal dito dahil baka may makapansin pa sayo sa kabilang building." Ginulo nya ang buhok ko at narinig ko nalang ang mga yabag nya palayo sa akin. Muli akog nahiga at tumingin sa langit pero isang mukha ang bumungad sa akin. Nakatayo sya sa ulunan ko habang nakangiti sa akin. "Long time no see." "What do you want?" walang gana kong tanong. Umiling sya tsaka naupo sa ulunan ko at hinaplos ang buhok ko. "Wala naman. Na-miss lang kita at kung hindi pa sinabi ni Lexus na nandito ka, hindi kita makikita." "May tamang oras para sa pagpapakita." simpleng sabi ko. "Pero sa mga oras na ito, mas mabuting maging low profile muna para makapagmasid sa paligid." "Yeah, yeah. I know." naiiling nyang sabi. "Pero dapat, sinabihan mo pa din ako noh. Miss na miss na kaya kita." This time, nahiga na sya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. "Naiinggit na ako kay Lexus kasi sya ang una mong tinawagan para ipaalam na nandito ka na. Ni hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko. Hindi mo na yata ako mahal eh." Natawa ako sa kaartehan nya kaya pinisil ko ang magkabilang pisngi nya tsaka sya pinitik sa noo. "Masakit!" reklamo nya habang hinihimas ang pisngi at noo. "Grabe ka talaga magparamdam ng love mo noh." Nailing nalang ako. "Tigilan mo ako sa kadramaham mo, Kuya. Na-miss din kita at mahal na mahal kita kaya huwag ka nang makulit dyan. Alam mo kung bakit si Lexus ang una kong tinawagan." "Yeah, yeah." He rolled his eyes na mas ikinailing ko. Nahahawa na talaga ito sa kambal nya eh. "Wala kasing nakakakilala sa kanya samantalang sa'kin, sobrang dami na. Tsk. Ang epal kasi ng pekeng Dark Queen na yun. Kung hindi dahil sa kanya, malaya sana akong nakakapag-race sa Arch Fend." "Hay nako, huwag mo nang sisihin pa ang patay na." sabi ko. "Anyway, huwag mong aalisin ang mata mo sa babaeng yun, huh. You know how stubborn she is." "Well, may pinagmanahal eh." Sinamaan ko sya ng tingin nang ma-gets ang sinabi nya dahilan para itaas nya ang dalawang kamay sa ere. "Chill, 'kay?" Inirapan ko nalang sya tsaka muling ibinalik ang tingin sa kalangitan. Let's just enjoy the peacefulness of the surroundings dahil sa mga susunod na araw, nasisiguro kong magsisimula na ang larong pinaghahandaam nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD