Zhey Leguima's Pov
"Yeah, I know you. The only student who survive the war that happened inside HA last year na kasalukuyan nang pinaghahanap ng underlings ni White Queen."
"H-how?"
Nagkibit balikat sya. "Just a wild guess but because of your reactions, mukhang hindi nga ako nagkamali."
Shit lang! Ako pa pala ang nagpahuli sa sarili ko.
"I just had this feeling na nakilala at nakasama na kita noon kaya naisip kong baka nga, ikaw ang taong hinahanap nila." Ngumisi sya. "So, are you going to do what I said or ako mismo ang magbubunyag sa pagkatao mo para mapadali na din ang trabaho ng mga underlings ni White Queen."
"You piece of s**t!" madiin kong sabi. "Blackmailer."
"Kung hindi ka lumapit sa akin, hindi kita makikilala kaya kasalanan ko din ito." Inilahad nya ang kamay. "Give me your car's key. Si Dominic na ang bahala sa kasama mo."
Sinamaan ko sya ng tingin. "Hindi ko ipinapagamit sa kung sino lang ang kotse ko." Bahagya ko syang tinulak tsaka kinuha ang cellphone.
"At sinong tatawagan mo?"
"Wala kang pakialam!" bulyaw ko sa kanya tsaka tinawagan si Zerhia na mabilis namang sumagot. "Hello."
"Oh?" Nasaan kaya ang babaeng ito? Ang ingay kasi sa background nya eh.
"Nandito kami ni Zhui sa labas. Muntik kaming maaksidente."
"s**t! What?"
"Wala namang nangyari sa'min pero kailangan mong pumunta dito dahil naiipit ako sa gulo. Hindi ko maiwan si Zhui dahil tulala pa din." Napapikit nalang ako habang iniisip ang mga susunod na mangyayari. Ang tanga ko naman kasi eh. Hindi ako nag-iingat.
"Okey. Nasaan ba kayo?"
"Nandito sa labas ng dorm area. Pumunta ka huh." Hindi ko na sya hinintay pang makasagot at pinatay ko na ang tawag.
"Let's go." aya ni Henry.
"Matuto kang maghintay!" Inirapan ko sya tsaka lumapit na sa kotse ko at chineck si Zhui na mukhang natauhan na. "Okay ka lang ba? Walang masakit sayo?"
"O-kay lang ako." aniya.
"Buti naman. Pupunta dito si Zerhia para sunduin ka. Hindi na ako makakasama dahil sa gulong ginawa ko."
"Huh? Bakit? Anong nangyari?" Puno sya ng pag-aalala.
Napakamot ako ng ulo. "Inaway ko yung muntik makadisgrasya sa'tin kaya kailangan kong sumama sa kanila."
"Hala! Saan ka nila dadalhin? Anong gagawin sayo?" Nagsimula na syang magpanic kaya pinitik ko ang noo nya. "Aray!"
"Kalma lang, okay?" Bumuntong hininga ako. "Wala namang mangyayaring masama sa akin kung makikisama ako ng maayos. Magiging driver lang naman ako kaya huwag ka nang mag-alala."
"Sino ba ang inaway mo?" tanong nya habang hinihimas ang noo.
"White and Dark King." mahina kong sabi. Wala namang hindi nakakakilala sa kanila pero dahil naalog yata masyado ang utak ko kanina, ayan, hindi ko na naisip ang kayang gawin ng mga taong hinarap ko. Nalagay pa tuloy ako sa alanganing sitwasyon at nakilala pa ako ni Dark King.
Ilang sandali lang ay dumating din si Zerhia. "Okay lang ba kayo?" bungad nya na tinanguan namin ni Zhui tsaka sya tumingin sa akin. "Ano bang nangyari?"
Itinuro ko ang dalawang lalaki na nasa bandang likuran ko.
Tumingin din sya dun at bahagya syang namutla ng makita ang mga ito.
"Hindi na kasi ako nakapag-isip kanina kaya nakagawa ako ng katangahan." paliwanag ko. "Ipagpasalamat ko nalang na mabait sila ngayon at gagawin lang akong driver."
Ibinalik nya ang tingin sa akin. "Magiging okay ka lang ba kung sasama ka sa kanila? Hindi ka ba nila sasaktan?"
"Hindi naman siguro ako mapapahamak kung sasana ako. Kung gusto nila akong saktan, dapat kanina pa nila ginawa." Inabot ko sa kanya ang susi ng kotse ko. "Ikaw na'ng bahala sa Gallardo ko."
Tumango sya tsaka kinuha ang susi. "Mag-iingat ka. Kapag may ginawa ang mga gagong yan, tawagan mo agad ako."
"Sige, salamat." Tumalikod na ako sa kanila at lumapit na sa dalawang lalaki.
"Let's go." sabi ni Henry tsaka sumakay sa passenger seat ng black zenvo.
"You did a wrong move." seryosong sabi ni Dominic. "When you came back here, sinabi mong hindi ka gagawa ng kahit anong maglalapit sayo sa CPO."
"I know and I'm stupid for doing that." Bumuntong hininga ako. "Let's just forget what I told you. Mukhang kahit anong gawin kong pag-iwas at pagtatago, gagawa ng paraan ang tanginang tadhana para lang maibalik ako sa lugar na pilit kong tinatakbuhan."
"If that's the case, then, welcome back to hell, Zhey Leguima." He tapped my head tsaka pumasok na sa kotse nya.
Sumakay na din ako sa driver seat at binuhay ang makina ng kotse ni Henry.
"Drive. Lalabas tayo ng HA." sabi nya na agad ko namang sinunod.
Nakasunod ng naman ako sa kotse ni Dominic dahil sila ang nakakaalam kung saan nga ba ang venue ng race event na yun.
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong nya.
"Alam mong ako ang hinahanap ng underlings ni White Queen pero hindi mo alam ang pangalan ko?" Tinaasan ko sya ng kilay. "Ibang klase ka huh."
"No one knows your name kaya nga nagawa mong makapagtago dito sa mismong teritoryo namin eh. May palatandaan lang sila sayo at iyon ang ginagamit nila para hanapin ka." aniya. "So, tell me your name."
Bumuntong hininga ako. "Zhey Leguima."
"Is that your real name?"
"Yeah. I'm not that popular kaya kahit ginagamit ko ang real name ko ay hindi ako nate-trace ng mga naghahanap sa'kin." sabi ko. And the truth is, I made a deal with, White King.. Yeah, he knows about me either at sya din ang dahilan kung bakit nagagawa kong magpagala-gala sa buong HA nang hindi nahuhuli.
Well, we had a deal that he will do everything para hindi ako mahuli but of course, kailangan kong manahimik sa mga nalalaman ko at gawin ang lahat ng paraan para makaiwas sa sinumang CPO.
Pero ngayong may nakakilala na sa'kin, I think, I really need to face my destiny. Bahala na kung anong gawin nila kapag nalaman ng buong grupo nila ang tungkol sa akin.
Hindi na sya muli pang nagtanong at nanatili nalang kaming tahimik hanggang makarating kami sa isang malawak na race track. Around Shiganshina pa din naman kami pero hindi ito ang Arch Fend. Mas malawak at malaki kasi ang isang iyon kumpara dito.
Bumaba na kami ng kotse at tulad ng inaasahan, sinalubong kami ng iba pang CPO.
"Anong nangyari sayo, Dark King?" kunot noong tanong ni Hunter, ang isa sa White Knight. "Bakit paika-ika ang lakad mo?"
Bumaling sa akin si Henry, ang Dark King, tsaka ako simamaan ng tingin. "Asked that woman."
Nabaling din sa akin ang atensyon ng iba na ikinairap ko nalang. Wala akong planong makipag-usap sa sinuman sa kanila.
"Hoy, Leguima!" Inis akong bumaling kay Dark King nang isigaw nya ang apelyido ko. Badtrip talaga ang lalaking ito.
"Problema mo?"
"You know how to race, right?"
"Hindi." walang gana kong sagot na nas ikinasama ng tingin nya sa akin.
"Umayos ka ng sagot mo." madiin nyang sabi.
"Aba, nagtanong ka pa kung hindi ka lang din maniniwala." sigaw ko. Inuubos talaga ng lalaking ito ang pasensya ko eh.
"Sinungaling ka kasi!" balik sigaw naman nya.
"Alam mo naman palang marunong ako, bakit naisipan mo pang magtanong? Don't state the obvious, Mr. Mirchovich." Inirapan ko sya. "At pwede ba, huwag mo akong sigawan dahil isang kotse lang ang pagitan natin."
"Aba't--" akma pa syang sasagot pero pinigilan na sya ng Dominic, ang White King. "Tsk. Ikaw ang kumausap sa babaeng yan."
Lumapit naman sa akin si White King. "Mas pinapalala mo ang sitwasyon mo."
"Eh inuubos ng gagong yun ang pasensya ko. Pasalamat sya, ma--mabait ako." Nag-cross arms at napasimangot ako nang marinig ang mahina nyang pagtawa. Trip din ako ng isang ito eh.
"Okay, chill ka na." Tinapik nya ang balikat ko. "So, hindi mo pa naman nalilimutan ang pagre-racing, right?"
Nagkibit balikat ako. "I'm not that active on any race event after what happened last year kaya hindi ko sure kung mako-kontrol ko ng ayos ang kotseng ito." Tukoy ko sa Zenvo ST1. "Lamborghini ang forte ko kaya mahirap magsalita. At hindi mo naman siguro sinabi sa mga kasama mo ang kakayahan ko, right?"
Ngumiti sya. "Well, I just told them that you're the owner of Lamborghini Diablo who win the latest World Race Car Tournament."
"The f**k!" Matalim ko syang tiningnan. "Why did you do that?"
"Wala naman. Gusto lang kitang i-provoke para naman seryosohin mo ang laban na ito." Naiiling nyang sabi. "And looks like it works."
"Gago. Ikaw din ang nagpapahamak sa'kin eh." Ang sarap suntukin ng isang ito pero aiguradong mapapahamak ako ng wala sa oras kapag ginawa ko iyon. He's the currently leader of CPO kaya hawak nya din ang underlings ni White Queen.
"Just be serious in this race, Zhey. Hindi pera ang makukuha namin dito but an information tungkol sa taong nagpapadala ng media dito sa Shiganshina." aniya. "Alam mo namang isa din iyon sa dahilan kung bakit ka nga ba hinahanap ng underlings ni White Queen, right?"
Wala naman talagang pakialam sa akin ang CPO kahit pa nagawa kong maka-survive ako sa nangyaring gulo noon sa HA. They don't give a damn about me kahit pa alam ko ang lahat ng sikreto ng school na yun pero dahil sa mga pesteng media na iyan na naglakas loob tumapak sa Shiganshina, at ibulgar ang mga nagaganap dito, ayun, ako ang pinaghinalaan nilang nagbigay ng impormasyon sa mga ito kaya gusto nila akong mahanap.
"Kapag nalaman namin kung sino nga ba ang nasa likod ng mga media na iyon, nasisiguro kong titigilan na nila ang paghahanap sayo, so please, cooperate." sambit nya na ikinabuntong hininga ko.
"Fine. As if I have a choice." sabi ko. "Mas mabuti nang seryosohin ang race na ito. Baka kapag natalo kayo, si Dark King pa mismo ang magbigay sa akin sa mga underlings nyo." Nag-inat ako tsaka huminga ng malalim. "Sige na. Magsisimula na ang race." Pumasok na uli ako sa kotse at kinabit ang seatbelt tsaka sumubsob sa manibela.
Matagal na panahon nang mangyari iyon but that moment is the reason why I keep struggling in this cruel world. At nakakatawang isipin na ganito din ang nangyari ng araw na yun kung saan ako ang nakaupo sa driver seat.
"Just tell me if you can't do it." sambit ni Dark King na ikinaangat ng ulo ko tsaka tumingin sa kanya.
"Bakit? Kung hindi ko ba kaya, paaalisin mo ako?"
"Hindi din." Tsk. Wala talagang kwenta.
Umayos nalang ako ng upo tsaka muling huminga ng malalim. I don't have any choice so I think I need to face the reality.
Bumalik ako sa school na iyon kaya kailangan ko ding balikan ang mundo ko.
Just like what Dominic said earlier, "Welcome back to hell, Zhey."
**********
McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Piece Dark King)
Pinakatitigan ko lang sya habang nagmamaneho nitong kotse ko. Hindi kasi ako makapaniwala na ganito sya kagaling sa racing. At nagtataka din ako dahil sa aurang nararamdaman ko ngayon habang katabi sya.
Seryoso lang sya pero ramdam ko ang pagiging mapanganib nya. Masyado din syang malakas para sa isang ordinaryong babae dahil yung tuhod kong sinipa nya kanina ay makirot pa din hanggang ngayon.
Is she a member of a gang?
Ah, bakit ko pa nga ba natanong iyon? Nadatnan nya ang dating program ng HA kaya siguradong na-trained sya ng maayos. Para sa isang former student ng dating program, hindi na nga dapat ako magtaka na maramdaman sa kanya ang ganitong klaseng aura.
Pero bakit nga ba ni minsan, hindi ko sya nakaharap sa HA noon? Sa galing nya sa race car, imposibleng hindi sya mapansin ng sinuman sa CPO kaya dapat noon pa man, nakaharap ko na sya.
"The race is almost over. Bakit hindi ka pa tumigil?" I asked nang mapansing kotse ko at kotse ni Xeric nalang ang nasa race track ngayon. Natalo na ang kalaban habang tumigil na ang iba naming kasama.
"Don't talk to.me while I'm driving." masungit nyang sabi.
"Ano pa bang kabaliwan ang ginagawa mo?"
"Just shut up!" sigaw nya. "Damn it!" Napansin kong naunahan na sya ni Xeric kaya bumaling sya sa'kin. "Yung unggoy na yun ang kalaban ko kaya manahimik ka dyan." Inirapan nya ako at muling nag-focus sa pagmamaneho.
Hindi na ako umimik dahil seryoso na sya. Baka ibangga pa nya ng wala sa oras itong sasakyan ko noh.
And speaking of Xeric, base sa pag-uusap nila ng babaeng ito, masasabi kong alam nya din ang tungkol dito. At mukhang sya pa ang dahilan kung paano nito nagawang makapagtago sa mga underlings ni White Queen. At base sa narinig kong usapan nila kanina, wala itong kinalaman sa mga media na tumatapak dito sa Shiganshina. Sadyang napagbintangan lang sya dahil sya lang ang nakakaalam ng mga naganap sa HA noon.
Napahawak ako ng mahigpit sa seatbelt ng bigla itong magpreno at dun ko napansing nagawa pala nyang unahan si Xeric. Inis akong tumingin sa kanya pero agad ding nawala iyon nang makita ang ngiti nya. I don't know but I feel something in that smile.
Nag-inat sya tsaka tinanggal ang seatbelt at tumingin sa akin. "Pwede na siguro akong umalis noh?"
"Dumaan muna tayo sa ospital."
"Okay." Muli nyang pinaandar ang kotse palabas ng race track nang hindi nawawala ang ngiti sa labi nya. Ganun ba talaga sya kasaya na nagawa nyang manalo sa race laban kay Xeric?
Pagdating sa ospital ay inalalayan nya ako papasok doon. Nang makaupo sa kama ay agad na akong inasikaso ng mga nurse habang sya ay tunayo lang sa gilid.
"Anong nangyari dyan?" tanong ni Erin, she's HA alumni at doctor dito sa Arai Hospital. Former underling and a friend.
"That woman kick me." Itinuro ko si Zhey na nakasandal lang sa pader na malapit sa nurse station.
Nilingon nya iyon at bahagyang natawa tsaka sinumulang asikasuhin ang tuhod ko. "The great Dark King kick by a girl. Nakahanap ka nh katapat mo huh. Sino ba yan?"
"Schoolmate. Muntik ko silang madisgrasya kanina kaya nya ako sinipa at dahil may race kami ngayon, sya na ang isinama ko at pinagmaneho." kwento ko.
"Buti, naisama mo?"
"Sapilitan. Pero mukhang nag-enjoy din naman sa race." Kung kanina kasi, nakasimangot sya habang papunta sa venue ng race, ngayon naman ay naging maaliwalas ang mukha nya. At para syang bata na ngayon lang nakakita ng pasyenteng ginagamot dahil mangha sya habang nanonood sa mga ito.
"And now, ipinahawak mo ang zenvo mo sa iba?"
Bumaling ako sa kanya at sinamaan ng tingin dahil hindi ko gusto ang nakakaloko nyang ngiti. "Shut up, Erin."
"I didn't say anything." maang nya.
"But you're thinking of something." singhal ko.
Hindi na sya sumagot dahil kung sinubukan pa nya, baka hindi ko sya matansya. Sya naman ang sisipain ko.
"Matagal pa ba yan?" tanong ni Zhey na nakalapit na pala sa amin.
"Sandali nalang naman ito." sagot ni Erin.
"Malala ba yan? Makakalakad pa ba sya?" muli nyang tanong na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
"Gusto mong mamatay ng maaga?" Anong akala nya sa'kin, weak? Oo, masakit ang pagkakasipa nya pero hindi sapat iyon para mabalian ako ng buto.
Napaiwas nalang sya ng tingin tsakat ngumuso. May binubulong pa sya na hindi ko na pinansin dahil natapos na ni Erin ang pag-eexamine sa tuhod ko.
"Wala namang nabali or na-damage na buto kaya relax ka lang." Inakbayan nya si Zhey. "Hindi mo kailangang mag-alala sa isang iyan."
Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pamumula ng pisngi ni Zhey. Nag-aalala? Baka nagi-guilty dahil sya ang may gawa nito sa'kin.
"Konting pahinga lang iyan at huwag masyadong pwersahin. Kukuha lang ako ng saklay para hindi na madagdagan yang pilay mo." ani Erin tsaka umalis.
Tumayo ako pero dahil nabigla ang tuhod ko at makirot pa ito ay nawalan ako ng balanse. Muntik pa akong matutumba kung hindi lang ako naalalayan ni Zhey dahilan para maglapit ang mukha namin at magkatinginan.
"Sinabi naman ng doctor na huwag pwersahin ang tuhod mo, di ba?" singhal nya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
Nakatitig lang ako sa mata nya dahil sa hindi ko malamang dahilan, nakaramdam ako ng lungkot at sakit. Para kasing sinasabi ng mga ito na may isang nawala sa buhay ko at kailanman ay hindi na ito babalik pa.
"Zaire."
Agad akong lumayo sa kanya at muling naupo sa gilid ng kama tsaka umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang pangalang iyon pero ramdam ko pa din ang lungkot ang sakit habang inaalala ang mga mata ng babaenh ito.
Umiling-iling ako para alisin iyon sa isip ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam lalo na't wala naman akong naaalala na nawala sa akin. Hindi ako dapat malungkot o masaktan sa isang bagay na hindi ko alam kung nag-exist nga ba sa buhay ko.
Umalis din agad kami ng ospital nang maibigay ni Erin ang saklay sa akin at pareho na kaming walang imik ni Zhey habang nasa byahe.
"I'm sorry." she said to break our silence.
"It's fine." I don't know why she's saying sorry. Kung dahil ba ito sa ginawa nya sa akin o may iba pang bagay?
Pagdating sa parking lot ng Sagittarius Building ay nahiwalay agad na kaming naghiwalay ng daan. Palabas sya ng building habang ako ay papunta sa elevator.
"Ken."
Natigilan ako at bumaling sa paligid pero walang ibang tao dito kundi ako lang. Nakaalis na din si Zhey kaya inis kong ginulo ang buhok ko.
"Nababaliw na talaga ako."
**********
Xeric Dominic Mirchovich's Pov (Chess Piece White King)
Matapos ang race, agad na umalis sina Zhey at McKenzie. Habang ako, heto badtrip. Matagal-tagal ding hindi sumabak sa race ang babaeng yun pero nagawa pa din nya akong matalo. Tsk. Kahit kelan talaga sya.
Nandito na ako sa parking lot ng Capricorn Building at kasalukuyang hinihintay ang pagbukas ng elevator.
Medyo masakit na din ang katawan ko kaya gusto ko nang makarating sa unit ko para matulog. Marami-rami din ang nangyari sa gabing ito eh.
Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng elevator pero hindi agad ako pumasok ng makita ang babaeng sakay nito. At hindi na ako nakakilos pa nang bigla nyang hablutin ang kwelyo ko at marahas na isinadal sa pader.
"Where is she?" Just like before, hindi sya nagpapakita ng kahit anong emosyon sa mga mata nya at bagaman, kalmado ang buong katawan nya, naipaparamdam naman nya ang galit sa pamamagitan ng aura nya. "Nasaan si Zhey?"
"As you can see, she's not with me."
Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ko. "Kasama mo syang umalis kaya dapat, kasama mo din syang bumalik."
"Pero hindi ako ang nagdala sa kanya." Hinawakan ko ang kamay nya at dahan-dahan itong inalis sa kwelyo ko. "After the race, umalis agad sila ni Henry. So, kung anuman ang mangyari sa kanya, it's not my problem anymore."
Tuluyan na syang bumitaw pero hindi ko inasahan ang bigla nyang pagsuntok sa akin dahilan kaya ako napaupo sa sahig.
Damn it! Malakas pa din talaga ang suntok nya. Pumutok ang labi ko dahil dun eh. Tsk.
"I don't care if you're the Chess Pieces White King and currently leader of CPO so remember everything I will say. Oras na may mangyari kay Zhey, I will f*****g destroy this group na alam naman nating pinoprotektahan nyong lahat." madiin nyang sambit bago tuluyang umalis.
At wala na akong nagawa kundi ang pakatitigan sya habang palayo sa akin.
Matagal na panahon din pala ng huli ko syang makita at isa sya sa patunay na madaling magbago ang tao sa bawat araw ng buhay. Wala naman yatang sinuman ang magiging exempted sa pagbabagong nagaganap sa mundo.
Bumuntong hininga nalang ako tsaka ginulo ang buhok ko. Mas lalo lang akong na-badtrip. Natalo na nga sa race, nasuntok pa. Ang mas malala, pareho pang babae ang may gawa nun.
Aish! Bakit ba ang malas ko sa gabing ito?
Umuwi nalang ako sa unit ko nang makapagpahinga na nga. Sana lang, wala nang istorbo sa akin. Huwag na sana nilang dagdagan ang kamalasan ko sa gabing ito.
Pagdating sa unit ko ay hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw pero sapat naman ang liwanag ng buwan na pumapasok mula sa bintana ko para maaninag ko ang kabuuan ng unit ko.
At natigilan ako sa akmang pagpunta sa kwarto nang mapansin ang isang bulto ng tao na nakahiga sa sofa ko.
Binuksan ko ang lampshade sa gilid nito at napangiti nalang ako ng masilayan ang mukha ng taong ito.
No one knows how much I miss this woman and now, she's back.
Yeah, she's really back.
"Zaire."