Doctor-2

1323 Words
Matapos kumain nina Dr. Dylan ang ng abogado ni Don Victor. Tumulong siya sa kusina para magligpit ng mga pinagkainan ng mga ito. Hindi na rin naman kasi masakit ang paa niya. Salamat kay Dr. Dylan na agad napagaling nang mahiwaga nitong kamay ang paa niya. Kanina pa nga siya parang baliw na ngumingiti. Ilang beses na ba siyang nakurot ng Nanay niya, dahil sa tila lutang siya at nakangiti lang. Sino ba naman ang hindi lulutang isang katulad ni Dr. Dylan ang gumamot sa paa niya. Isama pang napakalapit nila kanina nito sa isat-isa. "Ako na po ang maghuhugas Manang Luring," sabi niya kay Manang Luring na tagapagluto sa Villa. Mas may edad na ito kumpara sa Nanay niya. "Ako na lang Hannah, paki punasan mo na lang ang mesa," sagot nito sa kanya. "Naroon na po si Nanay nagpupunas." "Wala, tinawag ni Sir. Dylan ang Nanay mo. Nasa Library sila kasama ang abogadoc sagot ni Manang Ising. "Nasa library din po ang Nanay?" Gulat na tanong niya. "Oo, pinatawag siya ni Sir Dylan. Kasama siya sa pag uusapan," tugon nito. "Pero bakit po kaya?" Nagtatakang tanong niya. Hindi kasi makapaniwala na pati Nanay niya kasamang kakausap sa abogado ni Don Victor. "Ngayon babasahin ng abogado ang kasulatan ni Don Victor. Baka may iniwan para sa inyo ng Nanay mo. Lalo na sa iyo, para sa pag-aaral mo. Alam mo naman na pamilya na ang turing sa atin ni Don Victor, lalo na sa inyong mag-ina," litanya nito. Napaisip siya. Baka nga kahit papano may iniwan ang Don para sa kanila. Para na rin sa halos walong taon na paninilbihan ng Nanay niya kay Don Victor. Napangiti siya kahit papano. Naisip na rin kasi nilang mag-ina kung paano na ang pag-aaral niya ngayong wala na ang Don. Hindi naman kaya ng sahod ng ina sa Villa ang buwanang gastusin sa pag-aaral niya. Lalo na't nursing ang kurso niya. At sa San Miguel University siya nag-aaral. Nasa 2nd year college na rin naman siya. Dalawang taon pa bago siya makapagtapos. Mahaba-haba pa at malaki-laki pa ang gagastusin kung sakali. Sa pagkawala ng Don mukhang nanganganib siyang makapagtapos ng pag aaral ngayon. Bigla tuloy siyang nalungkot. Umasa na sana nga may kaunting pabuya ang Don para sa kanilang mag ina, para kahit papano makapagpatuloy siya sa pag aaral. Makalipas ang halos trenta minutos hindi pa rin lumalabas ng library ang Nanay niya. Halos natapos na niya at ni Manang Ising ang mga gawain, hindi pa rin dumadating ang Nanay niya. Sumilip siya sa sala. Nakasara pa rin ang pintuan ng library malapit sa hagdan. Napasimangot siya. Iba-iba kasi ang pumapasok sa isip niya. Baka kasi paalisin na rin sila ni Dr. Dylan sa Villa. Lalo na't wala na ang Don. Wala na silang aalagaan pa. Pero wala naman sa itsura ni Dr. Dylan ang basta na lang magpapaalis sa mga tauhan sa Villa. Baka magkakaroon lang ng pagbabago, dahil ito na ang mag aasikaso sa Villa. "Ano kayang pinag uusapan kasi nila?" Bulong na tanong niya sa sarili. Humugot siya ng malalim na paghinga. Bakit kaya siya kinakabahan? Bakit kaya siya nakaramdam ng takot? Bakit hindi siya mapakali? Napapitlag pa siya nang marinig ang pagsara ng pintuan. Agad siyang lumingon sa library. Nakita niya ang Nanay niyang kalalabas lang ng library. "Nay," tawag niya sa ina at mabilis na lumapit rito. Malungkot ang mukha ng Nanay niya at nakalaylay ang mga balikat. Mukhang hindi maganda ang naging usapan sa loob ng library. Lalo tuloy siyang kinabahan sa nakitang itsura ng ina. "Nay may nangyari po ba?" Tanong niya sa ina. "Anak-" "Hannah." Tinig na nagmula sa pintuan ng library ang umagaw sa atensyon niya. At nabitin sa ere ang sasabihin sana ng ina. "Can we talk to you," sabi ni Dr. Dylan sa kanya. "Ho, Ako ho?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya. Sabay turo pa sarili "Yes, you. Please," sagot ng gwapong Doktor. Napatingin siya sa ina. Tumango ang ina sa kanya bilang pag sangayon. Na sumunod siya kay Dr. Dylan. "Sige na Hannah, sumunod ka na kay Sir Dylan," malungkot na tinig na utos ng ina sa kanya. "Pero Nay..," hindi niya malaman ang sasabihin. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa ina at kay Dr. Dylan na naghihintay sa may labas ng pintuan. Sa nakikita niya may problema. At mukhang damay siya. At sa itsura ng ina paniguradong masamang balita ang nalaman nito sa loob ng library. Kung bakit pati siya ay dapat kausapin ay hindi niya alam. Baka marahil dahil ginagastusan din siya ng Don. At ngayon ay matitigil na rin. Iniisip palang niya ang bagay na iyon nakaramdam na siya ng lungkot at pangamba para sa sarili. Baka nga hindi kasi siya makapagatapos ng pag-aaral. Walang sapat na pera ang ina para pag-aralin siya. Isama pang nasasanay na siya sa bayan ng San Miguel. Kung lilipat na naman sila ng bayan para maghanap ng bagong mapapasukan ang ina ay mahihirapan na talaga siya sa pag-aaral niya. Mukhang malaking pagbabago ang mangyayari sa kanila ngayong wala na ang Don. Malungkot siyang sumunod kay Dr. Dylan sa loob ng library. Naiwan ang ina sa sala na malungkot din at natulala. Pagpasok sa loob naroon ang Abogado ni Don Victor. Nakalatag sa mesa ang maraming mga papeles. "Maupo ka," sabi ni Dr. Dylan sa kanya. "Salamat po," nahihiyang pasalamat niya, at naupo sa sofa katapat ng abogado. Naupo naman si Dr. Dylan sa solong upuan paharap sa kanya at sa abogado na nag-aayos ng mga papel na nasa mesa. Kinakabahan siyang hindi maintindihan. Lalo na't panay sulyap sa kanya ni Dr. Dylan habang inaayos pa ng abogado ang mga papeles sa harapan nila. Kung kanina malakas na ang kabog ng kanyang dibdib. Mas dumoble ang lakas ng kabog ngayon. Sana na lang walang makarinig sa tila drum ng tambol ang lakas. "Hannah Flores right," basag ng abogado sa nakakabinging katahimikan. "Opo," mahinang sagot niya. At sinulyapan si Dr. Dylan. Seryoso ang mukha nito. Nakasandal ito sa kinauupuan. Naglalaro ang isang daliri nito sa mamula-mula nitong mga labi habang nakatingin sa kanya . Napalunok pa siya ng mapatingin sa mga labi nito. Parang ang sarap kasing halikan ng mga labi nito. Iniling niya ang ulo para sawayin ang ano mang iniisip. Hindi ito ang tamang oras para pag pantansyaan niya ang gwapong doktor. Mas dapat niyang isipin ang parating na kapalaran niya. "Ms. Hannah?" Tawag sa kanya ng abogado. "Ho?" Gulat na sabi niya. At nalipat sa abogado ang paningin niya. "Tinatanong kita kung may nabanggit ba si Don Victor sa iyo, tungkol sa Villa bago siya pumanaw?" Tanong ng abogado sa kanya. "Ah, eh.... wa... wala... naman.. po," ninenerbyos na sagot niya. At sinulyapan si Dr. Dylan. Nakatingin ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Agad siyang nagbawi ng tingin rito. Hindi matagan ang mapanuring mga mata ng gwapong doktor. Hindi tuloy siya lalong makakapag focus, dahil nakatingin sa kanya ang binata "May idea ka ba kung bakit namin kinausap ang Nanay mo? At ngayon ikaw naman?" Tanong ng abogado. "Wala po," sagot niya sabay iling ng ulo. Iyon naman kase ang totoo, nagtataka nga siya kung bakit kailangan silang kausapin mag ina. "Atty. Fred. Ako na lang muna kakausap kay Hannah," biglang sabi ni Dr. Dylan at napalingon siya rito. Nagtaas pa ito ng dalawang kilay sa kanya. "Iwan mo nalang ang mga papeles diyan. Ako na muna ang bahala sa kanya. Tatawagan kita pag nagkaintindihan na kami," patuloy nito. "Sige po, Dr. Santillan," agad na sagot ng abogado. At nag ayos na ng mga papeles na dadalhin nito at iiwan sa mesa. Napalunok siya nang magpaalam na ang abogado sa kanila. Tumayo pa si Dr. Dylan para ihatid ang abogado sa pintuan ng library. Habang hindi naman siya mapakali sa kinauupuan. Maiiwan silang dalawa ni Dr. Dylan sa loob ng library. Ano bang pag-uusapan nila at bakit mismong si Dr. Dylan pa ang nais kumausap sa kanya. Kinabahan tuloy siya lalo sa mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD