Doctor-1

1601 Words
"Teka nga Hannah saan ka ba pupunta at bihis na bihis ka?" Tanong ng nanay niya ng lumabas siya ng silid na naka bestida. Bihira kasi siyang mag-ayos at masuot ng bestida kaya marahil nagugulat ang nanay niya sa kanya ngayon kung bakit bihis na bihis siya. "Wala lang po, bagong bili ko po kasi ito sa palengke kaya sinuot ko na po," sagot niya at sinimulang suklayin ang tuwid na mahabang buhok na kulay itim. "Huwag mo na nga akong bolahin diyan. Alam ko naman na nag-aayos ka lang sa tuwing tutungo si Dr. Dylan dito sa Villa," sabi ng ina. Sabay kurot pa sa kanya sa bewang. "Aray, Nay!" Hiyaw niya. "Nay naman," simangot pa niya sa ina. "Anak, nanay mo ko, kaya alam na alam ko ang mga kinikilos mo. Gusto mong mapansin ni Dr. Dylan ano?" Sabi sa kanya ng ina at pinaktitigan pa siya nito. Nahihiya siyang tumingin sa ina. Nahahalata pala ng Nanay niya ang pagpapa cute niya kay Dr. Dylan sa tuwing tutungo ang gwapong doktor sa Villa para pasyalan si Don Victor. Nakatira silang mag-ina sa malaking Villa ni Don Victor ang lolo ni Dr. Dylan. Isang kasambahay ni Don Victor ang Nanay niya. Ang nanay niya mismo ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng Don. Sampung taong gulang palang siya nang mamasukan ang ina sa Villa. Hindi sila taga bayan ng San Miguel. Napadpad lang silang mag-ina sa San Miguel para maghanap ng trabaho ang nanay niya. Swerte naman na nakapasok na kasambahay ang nanay niya sa Villa ni Don Victor. Kaya nanirahan na silang mag ina sa San Miguel. Si Don Victor na rin ang nagpa-aral sa kanya, mula elementarya magpa hanggang ngayon nasa kolehiyo na siya. Tinuring silang kapamilya ng mayamang Don. Sa San Miguel University pa siya pinaaral ng Don kung saan ang pinaka malaking ekswelaan sa bayan nila. Nursing student siya at nasa 2nd year college na. Isa sa mga pangarap niya ay ang makapag trabaho sa Santillan Saavedra Hospital sa may karatig bayan sa San Sebastian. Doon kasi nagtatrabaho si Dr. Dylan, bilang magaling na doktor. Isama pang may malaking share ang pamilya Santillan sa pinaka malaking ospital sa bayan ng San Sebastian. Iyan ang naririnig niya mula kay Don Victor. Magkasosyo yata ang mga Santillan at Saavedra sa ospital, kaya ganoon na rin ang pinangalan sa ospital. Dalawang linggo na mula nang pumanaw ang Don, dahil na rin sa katandaan. Tuluyan na kasing nanghina ang Don at nang maratay na lang sa kama. Kaya hindi rin nag tagal binawian na ito ng buhay. Ilang linggo na rin niyang hindi nasisilayan si Dr. Dylan. Mula kasi nang mailibing ang Lolo nito ay hindi na ito nagtungo pa sa Villa. Pero kagabi tumawag si Dr. Dylan sa nanay niya at nagsabing tutungo ito ngayong araw sa Villa. Sinabi rin nitong nais nitong kausapin ang nanay niya. Kaya naman nag-ayos siya dahil makikita niya muli ang gwapong doktor maya, maya lang. Excites na siyang masilayan muli si Dr. Dylan. Mula kasi nang magdalaga siya ay lihim na niyang nagugustuhan si Dr. Dylan. Pakiramdam kasi niya bukod sa gwapo na ito ay napakatalino pa nito. Biruin mo sa edad nitong bente otso may napatunayan na sa larangan ng medesina. Isa pa wala naman mali kung magka crush siya sa apo ng amo ng nanay niya. Crush lang naman, hindi naman siya umaasa, dahil alam naman niyang wala siyang pag-asa sa isang tulad ni Dr. Dylan. Gwapo, mayaman, matalino, magalang at mabait. Hanggang tingin lang naman siya at pantansya. Lalo na't halos sampung taon ang agwat ng edad nila nito. Desiotso na siya at bente otso naman si Doc. At syempre pati na rin ang agwat nila sa katayuan sa buhay. Malayong, malayo sa kanya ang batang doktor. Kaya hanggang tingin at lihim na paghanga lang siya. "Anak ayos lang naman na magka crush ka kay Dr. Dylan, hanggang doon lang naman iyon, hindi ba? Alam mo naman siguro kung sino si Dr. Dylan at kung sino tayo sa pamilyang ito," sabi pa ng nanay niya sa kanya. Nakaramdam siya ng bahagyang lungkot sa tinuran ng ina. "Alam ko po iyon Nay," sagot niya at pilit ngumiti sa ina. Kahit bahagyang kumirot ang dibdib niya. Malinaw pa kasi sa sikat ng araw na wala siyang pag-asa kay Dr. Dylan. Kahit na nga ang sariling ina ay alam iyon. Kaya hindi naman siya umaasa. Masaya na siyang masulyapan lang ni doc, at kung susuwertihin mangitian na rin nito. "Tara na samahan mo ko at tulungan natin si Manang Luring na maghanda para kay Dr. Dylan," anyaya ng nanay niya sa kanya. "Sige po," sagot niya. Lumakad na silang mag ina palabas ng dublex sa may likod ng malaking bahay sa Villa. Lahat kase ng nagtatrabaho sa Villa na stay in ay sa may bahay sa likod ng Villa nanunuluyan. Libre lahat pati pagkain, maliban pa sa pasweldo ng Don noong nabubuhay pa ito. Kaya naman napakaswerte nilang mga tauhan ng Don, sobra bait nito, at pamilya ang turing nito sa lahat ng tauhan sa Villa. Pagdating sa malaking bahay, agad na silang nagtulong-tulong para makapag ahin na ng pagkain sa malaking mesa sa komedor. Kasama daw kasi ni Dr. Dylan ang abogado ni Don Victor. Baka ang tungkol sa Villa ang pag-uusapan ng mga ito. Sa pagkakaalam kasi niya si Dr. Dylan ang magmamana ng Villa at lahat ng ano pang naiwan ng Don. Ito lang kasi ang nag-iisang apo ng Don na lalake. Alas onse na ng makarinig siya ng hugong ng kotse mula sa labas. Pasimple siyang lumakad palabas ng komedor, para masilayan ang pagdating ni Dr. Dylan. Tumakbo pa siya sa may sala at balak sanang sumilip sa may bintana nang bigla siyang madulas. Napatili pa siya ng malakaa na bumagsak sa malamig na tiles. "Aray ko," naiiyak na daing niya habang nakaupo pa rin sa sahig. Hawak-hawak ang paang nasaktan at balakang. "Aray naman. Bakit ngayon pa," bulong niya. "Yeah, andito na ko. Hintayin na lang kita." Narinig niya ang tinig ni Dr. Dylan na papasok na ng bahay. Hindi naman niya alam ang gagawin. Hindi siya makakilos ni hindi siya makatayo sa sakit. Anong gagawin niya? Makikita siya ng Doc na nakaupo sa sahig Nakakahiya. "Hey, what happened?" Tanong ni Dr. Dylan ng mabungaran siyang nakaupo sa sahig at namimilipit sa sakit. "Are you ok?" Muli nitong tanong habang titig na titig siya sa gwapong doktor, at hindi magawang makapagsalita. "Ah... eh...." Hindi niya alam ang sasabihin. Akmang tatayo siya nang biglang sumakit ang paa niya. Napatili siya sa sakit. Agad namang lumapit sa kanya si Dr. Dylan. "Na sprain ka ba?" Tanong nito. Nagulat siya nang hawakan nito ang paa niya. Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa Doktor na walang kaarte-arteng hinawakan ang paa niya. Buti na lang at malinis iyon, saka naglinis din siya ng kuku kanina, kaya ok lang. "Huwag na po Sir... a... ayos... lang po ako," nakuha niyang sabihin kahit kumakabog ang dibdib niya, at nanginginig ang buong katawan. Habang nakatingin rito. Nakayuko naman ito habang sinusuri ang paa niya. Kaya nakakuha siya ng pagkakataon para matitigan ito. Ngayon palang siya nakalapit ng ganito kalapit kay Dr. Dylan. Naamoy niya ang mamahaling pabango nito. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Ang tangos ng ilong at ang kinis ng mukha, para alagang derma. Kung sa bagay doktor ito, kaya marahil napakalinis nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib niya. Kahit naman sa malayo niya tignan si Dr. Dylan eh napapakabog pa rin nito ang dibdib niya. Paano kaya ang gwapo nito sobra at ang bango-bango pa. "Come here, I'll carry you," sabi nito na kinagulat niya. At bago pa siya makatanggi ay binuhat na siya nito. "Aaah.... Eeh," umurong ang dila niya sa pagkabigla habang buhat siya nito pa bridal style. Hindi malaman kung hahawak ba o yayakap rito sa pagkabigla. Naglakad ito palapit sa malaking sofa sa sala. Buhat-buhat siya na tila ba wala siyang kabigat-bigat. Nagawa naman niyang ikawit ang mga kamay sa batok nito, sa takot na baka malaglag, at syempre sayang na rin naman ang pagkakataon na makayakap siya kay Dr. Dylan. Hindi naman niya maiwasang hindi titigan ang napakagwapong mukha nito. Dati hinihiling lang niyang makita ng malapitan si Dr. Dylan. Pero hindi naman ganito kalapit na halos sasabog na ang dibdib niya sa abnormal na t***k, dala ng kaba at excitement. Kahibla na lang kasi ang layo ng mga labi nila sa isat-isa. Huwag naman sanang marinig ni Doc ang t***k ng puso niya. Nakakahiya. Baka mahalata nito na pinagpapantasyaan niya ito. Iniupo siya nito sa malaking sofa. Agad pa niyang inayos ang bestidang suot na bahagya tumaas. Naka panty lang kasi siya at baka makita pa ni Dr. Dylan bulaklakin pa naman ang suot niyang panty, nakakahiya, lalo na't mumurahin lang. "Ano bang nangyari nadulas ka ba?" Tanong nito. Napakislot pa siya nang hawakan nito ang paa niya at inikot-ikot iyon para mawala ang sprain. "O.... o... po," nanginginig na sagot n'ya habang nakatingin sa ginagawa nito sa paa niya. Wala talaga itong kaarte-arte sa paghawak sa paa niya. "Masakit pa ba?" Tanong nito at nag angat ng mukha para sulyapan siya. Nagtama ang kanilang mga mata. Ito ang unang beses na nakatinginan sila ni Dr. Dylan. At masasabi n'yang napakaganda ng mga mata nito. Napalunok pa siya, habang titig na titig ito sa kanya. Lalo naman lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib sa palalim na palalim na tingin nito. Para bang ngayon lang siya nito nakita. Tila kinikilala siya nito ng husto. "Are you Hannah Flores?" Tanong nito. "Ako nga po Dr. Dylan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD