Doctor-3

1032 Words
"Wala bang nabanggit sa iyo si Lolo about me?" Tanong ni Dr. Dylan sa kanya ng bumalik ito, at muling naupo sa sofa katapat niya. "Wala... po, Dr. Dylan," sagot niya. Kahit halos sasabog na ang dibdib niya. "But you know na ako ang magmamana ng Villa tama ba?" Tanong nito sa kanya. "Opo," sagot niya sabay tango. At sinulyapan ito. Nakatingin ito sa kanya. Wala siyang mapipintas kay Dr. Dylan. Talagang gwapo ito at malakas ang appeal. Iyung tipong hindi ka lang isang beses mapapalingon rito. Paulit-ulit mo itong susulyapan sa kagwapuhan. Isama pang napakalinis at napakabango nito. Although may bigote ito at balbas na bumagay naman sa gwapong mukha nito. "Paano mo nalaman na ako ang magmamana ng Villa?" "Naikwento po kasi ni Don Victor na kayo lang po ang nag-iisang apo niyang lalake. Kaya kayo ang may karapatang sa Villa," sagot niya, na pilit hindi pinapahalata ang kaba. "I see," sagot nito sabay tango. At hinila ang ilang papeles sa mesa. "You are 18 years old?" "Opo," "Nursing student sa San Miguel University?" "Opo," "2nd year?" "Opo," Sumasagot pa rin siya kahit nagtataka na sa mga tanong nito. At panay tingin nito sa papeles na hawak. Ano iyon bio data niya? "Any boyfriend?" "Ho?" Nagulat suya sa personal na tanong nito. "Tinatanong kita kung may boyfriend ka," sagot nito at tumingin sa kanya. Napalunok siya habang nakatingin sa mga mata nito. "Bakit ho.... I mea...." Hindi niya alam ang isasagot rito. "Meron o wala? Simple as that," tila nairitang sabi nito. "Wala po," tarantang sagot niya at nagyuko ng ulo. "Good," sabi nito. At binalik sa mesa ang hawak nitong papel. Sinulyapan niua ang papel, pero wala siyang mabasa. Nakita lang niyang may picture siyang nakalagay sa papel na iyon. Kumunot ang noo niya. Magtatanong sana ng muling magsalita si Dylan. "Alam na ng Nanay mo ang tungkol sa bagay na ito. Dahil bata kapa kailangan ng parents consent sa mangyayari," sabi nito. Lumalim ang kunot sa noo niya at sinulyapan ito. "Sabi ng Nanay mo ikaw pa rin daw ang magdedesiyon. Pero naipaliwanag na namin ni Atty. Guanzon sa kanya ang lahat kanina. At tanging sinabi lang niya ikaw daw ang magdesisyo," litanya nito. Wala s'yang naiintindihan sa sinasabi nito. "Ano po ang ibig niyong sabihin Doc. Dylan?" Kunot noong tanong niya. Hindi nag-alis ng tinging rito. Humugot ito nang malalim na paghinga. Saka tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito palapit sa mesa. Nakasunod lang siya ng tingin rito. Nakita niyang nagsalin ito ng alak sa baso. Mahilig din pala itong uminom ng alak katulad ni Don Victor. At hindi lang basta alak. 'Yung mamahaling alak pa. Matapos makapagsalin ng alak sa baso. Sinulyapan siya nito. At uminom sa baso habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam naman niya pangangapusan s'ya ng hininga. Habang nakatingin rito at hinihintay ang sasabihin nito. "I need to ask you one more question," sabi nito. Matapos uminom ng alak sa baso. Kunot noo naman siyang nag-aabang sa itatanong nito sa kanya. "Hindi ko ito tinanong sa Nanay mo. Beside personal question ito. And I think I have all the rights to know," sabi nito. Saka naupo sa mesang kahoy. "Ano po ba 'yon?" Kinakabahang tanong niya. "Are you still a virgin?" Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang tanong nito. Hindi makapaniwalang narinig niya ang tanong na iyon mula sa doktor. "Ano po?!" Gulat na tanong n'ya rito. Masyadong personal ang tanong nito. Wala siyang idea kung bakit ganoon ang tanong nito sa kanya. "I need to know kung birhen kapa o hindi. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, iba na. Mapupusok at hindi na pinangangalagaan ang virginity ng karamihan. Basta pag nag-init bibigay agad," litanya nito na hindi nag-aalis ng tingin sa kanya. Hindi naman niya alam kung ano ang isasagot. Naguguluhan kasi siya. Anong connect ng pagiging birhen niya sa paninilbihan ng ina sa Villa? "Hindi ko po naiintindhan Doc Dylan. Bakit niyo po kailangan itanong sa akin ang ganyang personal na bagay?" Kunot noong tanong niya. Pansin niya ang panginginig ng mga tuhod habang nakaupo pa rin sa sofa. Humugot ito nqng malalim na paghinga. At inubos muna ang laman ng kopita nito, bago nagsalitang muli. "May iniwang kasulatan ang Lolo ko. Nakasaad roon na makukuha ko ang buong Villa pag pinakasalan kita Hannah Flores," Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula rito. Seryoso ang mukha nito. Hindi ito nagbibiro o ano pa man sa sinasabi nito. "Pakakasalan kita Hannah, para makuha ko ang Villa. Sayang naman kasi kung sa iba pa ito mapupunta. Wala naman akong nobyang masasaktan kung magpapakasal ako sa batang tulad mo," litanya nito. Hindi pa rin siya makakibo. Tila lutang ang isip niya. Tila wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Parang ang labo ng lahat sa kanya. Siya pakakasal kay Dr. Dylan Santillan? Nagbibiro ba si Don Victor para ipakasal sa isang tulad niya ang matagumpay na apo nitong doktor? Isama pang si Dr. Dylan lang ang nag-iisang apong lalaki ni Don Victor, tapos ipapakasal pa nito sa kanya, na bata pa at hindi pa sapat ang edukasyon. Isama pang hindi siya galing sa marangyang pamilya. Hindi siya nababagay kay Dr. Dylan. Masyadong malayo ang estado nila sa buhay. Isama pa ang agwat nila sa edad Desiotso lang siya at kung hindi siya nagkakamali nasa bente otso na si Dr. Dylan. Sampung taon ang layo ng edad nila. Pero hindi naman doon pinagbabasehan ang isang kasal. Iyun ay kung may damdamin sila sa isat-isa. Aaminin niyang siya oo may lihim siyang pagtingin sa gwapong doktor. Pero si Dylan malabo iyon. Dahil sa itsura nito at profession paniguradong maraming babaeng naghahabol rito. Napakaswerte niya kung ganoong pakakasalan siya ni Dr. Dylan, pero imposible talaga. Hindi pa skya nakakarecover sa tanong nito kanina, about her virginity. Tapos sinabi nitong pakakasalan naman siya nito, para makuha nito ang mana. "Hannah, just answer my last question. Are you still a virgin?" Tanong muli nito. "Is that... I mean.. Kailangan mo pa... bang malaman iyan?" Kabadong tanong niya. Na ewan kung bakit pa niya natanong. "Yes. So are you. Or you are not?" Napalunok siya at tumingin ng deretso sa mga mata nito. "I.... am.... a virgin,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD