I want to see you. I want to hold you. I hate to admit it but I miss you.
"ICE CREAM!"
Hindi ko pa rin alam bakit ako sumama sa kanila dito. Hindi naman ako masyadong mahilig sa matatamis except if sweets have berries in it.
"May I take your orders?" Nakangiting bati sa amin ng babae sa counter dito sa ice cream parlor. Sinasabi ko na nga ba, dapat ay umuwi nalang ako.
"Vanilla!" – Chloe.
"Mango." – Bellona.
"Cookies and cream, yey!" – Dalia.
"Chocolate." Sabay na sabi nila Theo at Luca.
"Matcha." – Alvis.
Napairap ako sa kanila at humalukipkip. Tumakas nalang kaya ako? Hindi ko naman talaga gustong pumunta dito. Pinilit lang nila ako.
"Ikaw ba, Hel? Treat naman ni Theo." Natatawang sabi nila Alvis.
Huminga ako ng malalim. Tinatanong pa ba iyan? Wala naman akong gustong flavor. "Strawberry."
Bumungisngis si Chloe dahil sa sinabi ko. "Hindi ko akalain na mahilig ka pala sa strawberry, Hel. Ang girly mo ha." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong girl sa strawberry? Sa ayon lang ang gusto ng dila ko, eh.
"Gusto ko ang strawberry. Period." Inirapan ko si Chloe kaya lalo siyang natawa sa akin. Umiling nalang ako bago maupo. Nangangalay na ako kakatayo.
Nakahalungbaba lang ako habang nakatingin sa labas at hinihintay sila. Ang dami kong iniisip. Like, bakit hindi ako nakapunta ng Helheim? Bakit hindi ko mabuksan ang pintuang nakakonekta sa mundo ko? Ang weird. Hindi ko malaman kung ako ba ang may problema.
Naramdaman kong nasa tabi ko na sila dahi nagsimula nang umingay ang paligid ko. Sila lang naman ang nagpapa ingay ng mundo ko.
"Ilang araw na rin pala ang nagdaan 'no? Simula nang mangyari iyong kay Spade. Buti nalang at wala pa ulit nangyayaring masama sa loob ng academy." Ani Alvis. Tama naman siya. Simula nang mawala si Spade at Kreios ay wala nang kababalaghang nangyayari sa loob ng academy except sa mabigat na pakiramdam ko sa lugar na iyon—no, mabigat talaga ang pakiramdam ko sa kahit saan ako magpunta ngayon.
Bumuntong hininga nalang ako. Ayoko talaga munang mapag usapan si Kreios. Ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya at marami rin akong gustong marinig mula sa kanya pero mukhang imposible na iyon sa sitwasyong mayroon kami ngayon. After all, he's gone.
"Ganoon pa man, hindi dapat tayo magpasawalang bahala. May iba akong nararamdaman." Napatingin maging ako kay Theo. Akala ko ba ay huwag na muna naming sasabihin sa iba ang tungkol doon?
"Ha? Anong iba? Wala naman akong nararamdamang kakaiba, ah?"
Hindi na nila nagawang maituloy ang pag uusap nilang iyon dahil biglang dumating iyong mga ice cream na binili nila. Iniabot nila Bellona sa akin ang order ko pero tinitigan ko lang iyon. Wala talaga ako sa wisyong magpachill chill ngayon. Malakas ang pakiramdam ko na dapat may importante akong ginagawa kaya lang ay ano iyon? Wala akong maalala.
Muli akong tumingin sa labas. Napatigil ako nang may mahagip ang aking mga mata. Napatayo agad ako dahil sa nakita ko. Posible ba talaga itong nakikita ko? Pero hindi naman ako pwedeng magkamali.
Agad akong tumakbo palabas ng ice cream shop na iyon. Narinig ko pang tinawag ng mga kasama ko ang pangalan ko pero hindi ko sila pinansin. Kapag hindi ko siya sinundan ngayon pakiramdam ko ay hindi ko na siya makikita muli.
No, hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko ang nakita ko. Alam kong si—napatigil akong muli nang mapagtantong walang tao sa labas. Wala siya.
Namalikmata lang ba ako dahil kanina ko pa siya iniisip o sadyang nakita ko siya pero hindi ko naabutan?
"Hel," hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Sobra ang aking nararamdamang pagkadismaya. "Anong problema? Bakit ka biglang lumabas?" Huminga ako ng malalim bago siya lingunin at makita si Theo.
Umiling ako at yumuko. Damn. "Wala. Akala ko lang ay may nakita akong pamilyar na mukha. Looks like, nagkamali ata ako." Nagkamali nga ba ako ng tingin? Alam ko kasi, malakas ang pakiramdam ko na nakita ko talaga siya. I saw Kreios!
Lumingon-lingon si Theo na para bang hinahanap kung ano iyong nakita ko bago muling tuminin sa akin. "Pumasok na ulit tayo sa loob. Nag aalala na sila doon dahil bigla kang tumakbo."
Mariin kong ipinikit ang mga mata. Nang imulat ko ito ay napansin ko ang nakalahad niyang kamay sa harapan ko. Nagulat ako nang makita iyon pero mas kinagulat ko nang salubungin ako ng mga ngiti niya. "Tara na?" Tumango ako bago hawakan ang kamay niya at sumunod sa loob ng shop.
Alam ko naman na pinapagaan lang ni Theo at ng iba pa ang loob ko. Pare-pareho lamang naman kaming nahihirapan sa pagkawala niya.
"ANG sarap ng ice cream. Ulitin natin ito, ha?" Papauwi na kami ngayon. Malapit na rin kasing dumilim at alam kong magaalala ang mga magulang nila kapag hindi agad sila nakauwi. Wala namang mag aalala para sa akin—teka, sila Papa kaya kumusta na? Simula nang umalis sila matapos naming matalo si Spade ay hindi ko pa ulit sila nakikita.
"May maganda rin palang maidudulot iyong pagkasira ng dorm natin. Kahit papaano ay nakakapagbonding tayo." Natatawang sabi ni Dalia. No, actually, ako ay hindi natutuwa sa pagkasira 'non. Imbis na nagpapahinga na ako ngayon ay naandito ako at kasama nilang maglakad. Ako lang ata talaga ang hindi nag eenjoy.
Tumigil sa paglalakad sila Chloe at nilingon ako. "Hoy Hel, kanina ka pa tulala at walang imik diyan. Ano ba talagang nangyayari sayo? Tapos kanina bigla ka nalang tumakbo palabas na akala mo may hinahabol. Hindi mo naman ipinaliwanag sa amin ng mabuti." Hindi ako nagsalita. Bakit? Kailan pa ba ako naging madaldal para manibago silang tahimik ako ngayon? Isa pa, may karapatan akong hindi sumagot sa mga tanong nila.
Pekeng tumawa si Chloe nang hindi ako magsalita at sarkastikong sinabi sa akin ang mga katagang, "minsan talaga, nice talking kay Hel. Wala ka na ngang makukuhang sagot, wala pang ibibigay na ekspresyon. Ang saya saya."
Nagpaalam na kami sa isa't isa at naghiwa-hiwalay ng daraanan. Magkakaiba kasi ang way namin papauwi. Habang naglalakad kami ni Bellona ay wala pa rin akong imik. Iniisip ko pa rin ang nakita ko kanina.
"Hel, may problema ka ba?" Napatigil ako dahil sa tanong na iyon ni Bellona. Tumigil din naman siya at humarap sa akin. Dahan dahan ko siyang tiningnan ng diretso.
"Come on, you can tell me anything. Huwag mong sarilihin." Hinimas niya ang braso ko. Halatang nag aalala siya sa kondisyon ko.
"Bellona," dahil makulit siya, might as well tell her. "Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko sayong nakita ko si Kreios kanina?" Nagulat si Bellona sa sinabi ko. Expected. I was expecting that kind of reaction from anyone who will hear this.
"H-Hel, seryoso ka ba diyan? Saan? Kaya ka ba tumakbo kanina palabas. Kaya lang, alam naman nating si Kreios—"
"Alam ko." Hindi na niya kailangang ipamukha sa akin na patay na si Kreios at ako ang dahilan bakit hindi namin siya kasama ngayon. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at yumuko. "Pero kanina..." sabihin man nila na baka napaparanoid na ako pero alam ko kung ano ang nakita ko kanina. Hindi ako maaaring magkamali. My eyes will never trick me.
"H-Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi sa amin na patay na siya dahil walang makakaligtas sa kapangyarihan ng espdang ginamit mo para tapusin siya at kitang kita natin kung gaano kalakas ang pwersang tumama noon kay Spade. Kaya paano siya—posible ba talaga?" Napakuyom ang kamay ko. Alam ko naman lahat ng iyon at iyon din ang mga pinanghahawakan ko para hindi na ako umasa na baka nga buhay pa si Kreios kaya lang...may parte sa akin na asang asa na buhay si Kreios. May parte sa pagkatao kong ayaw bitawan ang paniniwalang iyon.
Naglakad nalang ulit ako. "Huwag mo nalang isipin ang sinabi ko ngayon. Alam ko naman na hindi mangyayari ang sinasabi ko. Baka namalikmata lang ako." Siguro nga dapat ay hindi ko nalang sinabi sa kanya. Dapat sinarili ko nalang ito.
Pinigilan ako ni Bellona kaya nilingon ko siya. Ngumiti siya sa akin. "Hindi Hel, gusto kong maniwala sa sinabi mo. Sana nga. Sana nga talagang buhay pa si Kreios." Hinawakan ni Bellona ang mga kamay ko. Sinundan ko lang naman iyon ng tingin. Halos pumikit ang kanyang mga mata dahil sa pagngiti niya. "I want you to be happy, Hel and I know for a fact that Kreios can give the happiness we cannot give. Kaya kung sakali mang buhay nga si Kreios, mas mapapanatag ang loob ko. I've done lots of horrible things to you two. I want you to experience the love you both deserve." I scoffed. Ano bang sinasabi ni Bellona? Ako magiging masaya kay Kreios? As if. Ayoko lang malaman na namatay siya sa mga kamay ko.
Huminga ako ng malalim. Pinaka masaya na nga atang nangyari sa buhay ko ay nang magkaayos kami nila Papa at ang magkapamilya kami ni Kreios.
Napahawak ako sa ulo ko nang para bang may pilit itong inaalala.
"Okay ka lang ba?" Hindi ako sumagot. Even if it's just a glimpse, I saw something and it's giving me a mixed emotion of happiness and sadness. Hindi ko maintidihan. May mga imahe ako ng tao na nakita pero hindi ko matandaang kilala ko sila.
Kinagat ko ang labi ko at umiling iling para mawala iyon sa isip ko. Sa dami ng iniisip ko hindi ko na malaman kung ano ba ang talagang parte ng alaala ko sa hindi.
"Hel, watch out—"
Napatigil ako nang matapunan ako ng kape sa damit ko. Awtomatiko kumunot ang noo ko dahil sa nangyari. Hindi ako naiinis na natapunan ako, naiinis ako dahil mainit iyon and I hate hot things.
Tiningnan ko siya at nakakita ako ng isang babae. Mas lalo akong nainis sa hindi malamang dahilan. May kakaiba lang akong nararamdaman sa kanya. Hindi pa man siya nagsasalita ay nakakasigurado akong ayoko sa kanya at ayoko na ulit siyang makita.
"Sorry." Aniya.
Hindi ako nagsalita at nanatili lamang nakatingin sa kanya habang naka-arko ang isang kilay ko.
Pinagmamasdan ko lang siya habang pinupulot niya iyong lalagyan ng mainit na kapeng dala niya kanina. Bakit siya humihingi ng tawad? Ako naman itong nakadanggi sa kanya. Though kasalanan ko, hindi ako hihingi ng paumanhin sa kanya. Sana man lang umilag siya para hindi na nangyari ito.
Nang mapulot na niya ang lalagyan ng kape ay agad siyang tumingin sa akin. "Okay ka lang ba? Hala nadumihan ko ang uniform mo." May maamong mukha iyon babae pero hindi ko ito gusto. Iyon 'yon tipo ng mukha na gusto kong sirain. Naiimbyerna ako sa hindi malamang dahilan.
Hindi pa rin ako nagsalita at nanatili lamang na nakatingin sa kanya. Pinag aaralan ko rin ang bawat kilos ng babae.
"Let me fix it—" akmang pupunasan niya ang uniporme ko ng panyong hawak niya ng pigilan ko siya. As if naman kasi na may magagawa ang panyo niya 'no.
"It's okay." Matipid kong sabi sa kanya. Napaatras naman ang kamay niya at dahan dahang tumango bago ngumiti sa akin. Tapyasin ko kaya ang labi niya, makangiti pa kaya siya sa akin? Grr, bakit ba ako inis na inis sa kanya?
Matapos ko siyang obserbahan ay naglakad na ako papalayo sa kanya. Sana lang ay hindi ko na ulit siya makita. Naiirita talaga ako sa kanya sa hindi malamang dahilan.
"Pasensyan na rin." Tiningnan ko si Bellona nang sabihin niya iyon doon sa babae. Matipid naman na ngumiti sa kanya iyong babaeng nakatapon sa akin ng kape. Bakit ba siya humihingi ng tawad? Wala naman siyang ginawang masama. Isa pa, may nagagawa ba talaga ang paghingi ng sorry? Parang wala naman. Sorry can't fix things, just saying.
Naglakad na papalayo iyong babae at agad naman akong nilapitan ni Bellona. Inirapan ko nalang siya. Ang problema sa kanya, masyado siyang mabait.
"Hay nako, Hel. Hindi ka man lang nagsorry. Partly, it's your fault." Sabi nito sa akin nang mahabol ako. Ayoko na sanang patulan pero trip ko lang ngayon.
"So?" Napanguso siya sa sinabi ko. Talaga bang balak niyang ipamukha sa akin na may kasalanan ako? Sino bang hindi umilag? "Isa pa, I hate her." Geez, I said it.
"Who?"
"That woman. She's giving me this annoying vibe na ayokong ayoko. I don't understand but the moment I saw her I just thought that I don't like her." Minsan lang ako may ayawan na tao, kahit si Chloe noon, hindi ganito ang naramdaman ko sa kanya. Naiinis ako sa kanya noon, oo, pero hindi ko siya kinamumuhian. As for that woman earlier, I hate her.
"Ano ka ba? Wala namang ginagawang masama iyong babae." Iyon na nga, eh. Wala pa man siyang ginagawang masama pero ayoko na agad sa kanya. Normally, to hate someone kailangan may nagawa muna siyang masama sayo pero iyong babae, wala pa man ay ayoko na agad sa kanya.
Hindi na ako nagsalita pa. Sayang oras at sayang laway ko. Wala na rin naman akong gustong sabihin sa kanya.
Nakarating na kami sa bahay nila Bellona. Papasok na ako sa loob nang bigla akong makaramdam ng kakaibang ihip ng hangin. Agad akong napalingon at napatingin sa paligid.
"Brace yourself, Hel. The real game is about to start."
Muli akong nagpalingon lingon sa paligid pero wala akong nakitang tao. Ang tangin napansin ko lamang ay ang papalubog na araw. Pamilyar ang boses na narinig ko pero hindi ko matukoy kung kanino at saan ko iyon narinig.
"Hel?" Binalikan ata ako ni Bellona sa labas nang mapansin na hindi ako nakasunod sa kanya.
Tiningnan ko siya at nagtanong. Nagbabakasakali ako na baka hindi lang ako ang nakarinig.
"May narinig ka ba?"
Nagtataka itong tumingin sa paligid bago umiling. "Wala naman. Bakit? Sinong magsasalita dito? Wala namang ibang tao, ah?" Napakuyom muli ang kamay ko. This is annoying. Pakiramdam ko ay may nakikipaglaro sa akin. Ganoon pa man, hindi ko siya hahayaang manalo.
NAKAUPO lamang ako sa pwesto ko habang nilalaro iyong ballpen ko. Ang tagal naman kasi ng guro namin, kanina pa kaya nagbell.
"Good morning. Sorry, I'm late. May ginawa pa kasi ako." Pakealam ko? Ano mang excuse niya, late pa din siya. Bakit, pag ang estudyante ba ang nale-late pinapakinggan ang excuse? Hindi.
"There will be new students who will join this class starting today." Tumingin nalang ako sa may bintana. Wala akong pakealam kung may bagong estudyante. Hindi ko rin naman sila kakausapin so anong saysay ng pakikinig?
Nakarinig ako ng yabag ng paa. Naglalakad na ata sila papasok ng classroom. Nagsimula na rin akong makarinig ng mga bulung-bulungan. Napatingin ako kay Theo dahil maging siya ay ang ingay. Katabi ko pa naman siya. Napataas ang kilay ko at akmang sisitahin siya nang makita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Gulat na gulat siya.
"Hi, my name is Trixy and I'm rank 36. Please be good to me."
Sinundan ko kung saan nakatingin si Theo at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko sa unahan. You're kidding me.
"My name is Kreios. Rank 10." Natigilan ako nang makita ko ang lalaking kahawig na kahawig ni Kreios. They also have the same f*****g name. Totoo ba itong nakikita ko? S-Si Kreios ba talaga iyon?
Napatingin ako sa babaeng nasa tabi niya. Nakangiti ito habang nakatingin sa buong klase. Agad kumunot ang noo ko. She's the same girl who spilled her coffee on my uniform.
Shit, kaya siguro ayoko sa kanya unang kita ko palang kasi may koneksyon siya kay Kreios at ano man ang koneksyon niyang iyon sa kanya ay hindi ko na agad gusto.
"R-Rank 10?" Halos sumigaw si Theo sa narinig. Natigilan din ako at muling ibinalik ang tingin kay Kreios.
What is the meaning of this? Si Kreios, rank 10?!