Yesterday, I wished to see you, again. Somehow, they grant my wish but I didn't say with some random girl. Like what the f**k?
"My name is Kreios. Rank 10."
Are you freaking kidding me? Paanong naging rank 10 ang dating rank 2 ng klase? Wala akong pakealam sa ranking system, okay? Pero si Kreios ata ang pinag uusapan natin dito. Mapunta nga lang sa rank 2 ay hindi na niya matanggap.
"Hel, si Kreios." Bulong sa akin ni Theo. Alam ko at nakikita ko rin. Tama ang hinala ko, tama ang pinaniwalaan ko. He is alive.
Masaya na sana ako kung wala lang siyang epal na katabi. Sino ba iyong babaeng iyon? At bakit kung makalapit siya kay Kreios ay akala mo kung sino siya sa buhay nito. Ngayon alam ko na kung bakit unang kita ko palang sa kanya ay ayoko na agad sa kanya.
Tss, ano ba itong pinagsasasabi ko? Ano naman ngayon kung babae siya ni Kreios? Wala naman akong pakealam. Wala naman dapat.
"Kreios, welcome back!" Masayang bati sa kanya ng mga kaklase namin. Tiningnan lang ito ni Kreios at dahil sa nakita kong reaksyon niya ay agad napakunot ang noo ko. Bakit parang ibang tao si Kreios? Parang may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya? Mas walang buhay ito kumpara mo sa Kreios na kilala namin.
Hindi pinansin ni Kreios ang mga kaklase namin na bumabati sa kanya. Nakita ko ang lalong paglapit ng babae sa kanya. Hindi ko alam ang pangalan niya at wala akong balak alamin.
Humawak siya sa braso ni Kreios at agad namang tumingin sa kanya si Kreios. Nakita kong nagbago ang ekspresyon nito at para bang nag aalala siya para doon sa babae. The f**k?
Hinawakan ni Kreios ang kamay nito. Mukhang natatakot iyong babae dahil dinudumog si Kreios ng mga kaklase namin. Hello, school po ito para mahasa ka, hindi para mag inarte ka.
"H-Hel, o-okay ka lang ba?" Nanginginig na tanong ni Theo sa akin. Tiningnan ko siya at agad na ngumiti bago muling tumingin sa unahan.
"Oo naman. Okay lang ako. Bakit mo naman naitanong iyan—"
"Pinutol mo kasi iyong ballpen ko na hawak mo." Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa kamay ko. Mariin akong napapikit nang makita ko iyong ballpen ni Theo. Naputol ko nga.
"I'll replace it with a new one." Iyon nalang ang sinabi ko bago mag iwas ng tingin at humarap nalang sa may bintana.
"Okay ka lang ba talaga, Hel?" Ano ba namang klaseng tanong iyan? Obvious naman, hindi ba?
"O-Okay lang ako." Why am I stuttering? Tangina naman, oh.
"Kreios, you can take your seat. Doon ka sa dati mong upuan—"
"Pwede po bang pagtabihin niyo nalang kami ni Kreios?" Nagpintig ang tainga ko sa narinig doon sa babae. Sumilip ako saglit at napairap nang makita siya. Nakakainis na talaga.
"Ang harot naman ng babaeng iyon. Akala mo mahinhin pero mukhang nasa loob ang kulo. Sarap ipakulam." Narinig kong sabi ni Chloe na nasa likod ko lang. Hindi ko alam pero sumang ayon ako sa sinabi ni Chloe. Oh damn.
Pumayag iyong guro namin at pinaupo na sila na magkatabi. How sweet. Mga punyeta, langgamin sana kayo.
"Chill ka lang, Hel. Huwag kang masyadong mag init sa inis diyan. Pwede rin bang huwag mo silang masyadong titigan? Baka mamaya niyan mag-evaporate na iyong babaeng transferee." Natatawang sabi ni Chloe. Natawa rin naman sila Luca at Theo. "Malay mo pinagseselos ka lang ni Kreios—" napatigil siya nang lingunin ko siya habang sarkastikong nakangiti.
"Bakit naman ako pagseselosin ni Kreios? At bakit mo naisip na magseselos ako? We all know that we don't have such a relationship—"
"Weh? Sige, maglokohan pa kayong dalawa. Alam naman naming may nararamdaman kayo para sa isa't isa." Ngumiti sa akin si Chloe. Trip niya ba talagang pikunin ako. Well, good for her, I'm on my peak.
"Really? Saan mo naman narinig iyan, Chloe? I don't remember saying I have feelings for him." Tinaasan niya ako ng isang kilay dahil sa sinabi ko. Inirapan ko lang naman siya. "Isa pa, wala akong nararamdaman para kay Kreios. Hindi ko nga alam pakiramdam ng may magustuhan—"
"Sige lang, Hel. Lokohin mo pa ang sarili mo. Ang problema sayo, you're too naïve and dense, my friend. Ayaw mong aminin kasi bago sayo ang pakiramdam na may magustuhan but the truth is you have feelings for Kreios. Palagi ka ngang tulala nang mawala siya, hindi ba?" Inilapit ni Chloe ang mukha niya sa akin bago ngumisi. "Kung hindi ka talaga nagseselos diyan, ipaliwanag mo nga bakit mo pinutol ang ballpen ni Theo habang nakatingin kila Kreios at doon sa transferee na babae?" Tinaas baba niya pa ang kilay niya habang may nakakainis na ngiti sa labi niya. Kung gawin ko kaya siyang Mona Lisa? Iyong tipong wala siyang kilay.
Hindi ko nalang pinansin si Chloe. Bahala siya sa buhay niya. Muli ko nalang tiningnan kung nasaan ngayon si Kreios at halos magwala ang puso ko nang makita kong nakatingin din siya sa akin. Nawala naman agad ang nararamdaman kong iyon nang kumunot ang noo niya at nag iwas. Punyeta ka talaga, Kreios.
"THAT'S all for today, class." Matapos iyon ay nagpaalam na ang guro namin at umalis ng klase. Agad namang nagsisugudan ang mga kaklase namin kay Kreios at nagsimulang magbabato ng kung ano anong tanong. Lumapit na rin ako hindi dahil gusto ko kung hindi dahil doon din patungo sila Theo.
"Kreios saan ka ba nanggaling? Ang tagal mong nawala. Akala namin talagang wala ka na."
"Parang lalo tayong guma-gwapo, ah?"
"Girlfriend mo ba iyang katabi mo, Kreios? Ang sweet niyo, eh."
"Ha? Akala ko silang dalawa ni Hel—"
"Hoy, mag ingat ka nga sa sasabihin mo. Nasa likod mo lang, baka kung saan ka pulutin mamaya." Alam naman pala nilang nasa likod lang nila ako pero bakit ang lalakas nilang idamay ang pangalan ko sa mga walang kwentang tanong nila?
Sa dami ng tanong na ibinato ng mga kaklase ko kay Kreios ay ni isa doon ay wala siyang sinagot habang ito namang babaeng katabi niya na hindi ko alam ang pangalan at wala akong pakealam ay kapit na kapit sa kanya. Nakakapikon na talaga.
"Kreios," napatingin siya kay Theo nang tawagin niya ito. Bahagyang kumunot ang noo ni Kreios nang makita ito. "I'm glad you're okay pero ano ba talagang nangyari sayo?"
Matagal tagal ding tahimik si Kreios habang nakatingin lamang kay Theo bago ito magkibit balikat.
"You looked familiar but I don't remember you." Natigilan maging ako sa narinig mula kay Kreios. Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya?
Muling iniiwas ni Kreios ang mga mata niya sa amin na para bang wala siyang pakealam sa amin at muling ibinaling ang buong atensyon sa babaeng haliparot na katabi niya. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilang lumapit sa kinaroroonan nila. It's f*****g annoying.
"Cut the crap, Kreios. Tama na ang drama. Anong pinagsasasabi mong hindi mo matandaan si Theo?" Humarap siya sa akin dahil sa pagtaas ng boses ko sa kanya. Pinanliitan niya ako ng mata niya na siyang kinainisan ko. Ang kapal naman ng mukha niyang ganituhin ako.
"Hindi ako nagda-drama. Hindi ko talaga kayo kilala." Tumayo siya at nagsimula nang maglakad papalayo. Agad namang sumunod iyong babae sa kanya. Tumigil siya nang nasa may pintuan na siya. "And this is my first time in Mystique Academy. I don't remember entering this school in the past." Matapos niyang sabihin iyon ay agad niyang hinigit iyong babae. "Let's go, Trixy."
Seriously, what was that?
"Oh my Odin! Walang naaalala si Kreios?"
"Amnesia?"
"Baka masyadong malakas ang impact ng laban nila ni Hel sa kanya kaya nabagok at nawalan ng mga alaala?"
Nanatili akong nakatayo roon, dumbfounded and speechless. What the Helheim, hindi niya ba talaga kami maalala o ayaw niya lang na maalala kami?
Third Person's Point of View
"KREIOS, hindi mo ba talaga kilala ang mga iyon? Mukha kasing kilalang kilala ka nila." Nakahawak pa rin ang kamay ni Trixy sa kamay ni Kreios. Mabilis na naglalakad si Kreios kaya pilit siyang sumasabay sa bilis nito.
"Hindi. Pamilyar ang mga mukha nila pero hindi ko sila kilala. Baka nakita ko lang sila sa kung saan." Tumigil sa paglalakad si Kreios at agad na humarap kay Trixy. Ngumiti naman si Trixy nang makita niya ang mukha ni Kreios. "Saan mo nga ba ako nakitang sugatan noon?" Nawala ang mga ngiti ni Trixy at tila nag iisip.
"Sa totoo niyan ay hindi ako ang nakakita sayo. Sila Papa. Ang sabi nila sa akin ay nakita ka nilang walang malay sa labas malapit sa area ng academy na ito. Tinangka kong itanong sayo kung anong nangyari sayo pero pagkagising mo kasi ay wala kang maalala." Pagpapaliwanag ng babae.
Napayuko si Kreios at bumuntong hininga. "Yeah, I can't remember anything other than my name and my power to manipulate fire."
Maglalakad na sanang muli si Kreios nang mapansin niyang nakanguso si Trixy.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nito. Umiwas ng tingin ang dalaga.
"Wala naman. Nag aalala lang ako na baka kapag bumalik ang mga alaala mo ay ako naman ang makalimutan mo. Iniisip ko rin na paano kung may naiwan ka palang kasintahan dito o sa labas ng academy at bigla mo nalang akong iwan? Magiging mag isa na naman ako. Hindi ko mapigilang hindi malungkot." Bumaba ang tingin ni Trixy sa sahig, tila ba nahihiya siya kay Kreios.
Nagulat si Kreios sa kanyang narinig pero matipid siyang ngumiti dito bago guluhin ang buhok ng dalaga. "Hindi kita kakalimutan. Pwede ba naman iyon? Ikaw ang nag alaga sa akin noong nag aagaw buhay ako, hindi ba? No one can be compares to you."
Niyakap ni Trixy si Kreios dahil sa tuwang dala ng mga sinabi nito at halos abot tainga ang mga ngiti. Tinapik ni Kreios ang likod ni Trixy nang yakapin siya ng dalaga. Matipid din itong ngumiti dito pero agad din namang nawala dahil may biglang sumagi sa isip niya. Iyong isang babae sa klase nila na hindi niya magawang kalimutan ang mukha. Na kahit anong gawin niya ay tila ba tumatak ang mukha ng babaeng iyon sa kanyang isipan.
"NO WAY, Hel. Hindi natin hahayaan na masolo ng babaeng iyon si Kreios mo. Just no!" Mariing ipinikit ni Hel ang kanyang mga mata dahil sa pagsigaw ni Chloe.
"Kumalma ka nga, Chloe. Baka mamaya iyang notebook ko naman ang mapunit mo. Ano bang ginawang kasalanan sa inyo ng mga gamit ko?" Kinuha ni Theo iyong notebook niyang hawak ni Chloe bago ilagay sa bag niya.
Tahimik lamang si Hel at halatang malalim ang iniisip. Hinayaan niya lamang na magmaktol doon si Chloe.
"Hindi ko kayang kumalma, okay? Pakiramdam ko kasi ay may papalit sa trono ko. Basa ko ang mga ganoong babae. Mukha lang siyang mahinhin at tatahi-tahimik pero nasa loob ang kulo. She's a two-face bitch." Napapakamot nalang si Hel sa batok niya dahil sa ingay ni Chloe.
"Can you please shut your mouth?!" Natahimik sila nang biglang magsalita si Hel. Napatingin sila dito na para bang gulat na gulat sila. "Thank you." Dagdag na sabi nito nang matahimik ang paligid niya.
"Hel, sigurado ka na okay ka lang sa mga nangyayari? Hindi kaya may magawa tayo para maibalik ang mga alaala ni Kreios?" Pagtatanong ni Belona. Hindi naman siya sinagot ni Hel.
"Oo nga 'no? Baka may magawa tayo—"
Tumayo si Hel kaya tumigil silang lahat sa ginagawa nilang diskusyon. Napatingin sila dito. "Kung hindi niya tayo maalala, hindi ko na kasalanan iyon." Naglakad na papaalis si Hel.
"Hel, saan ka pupunta? May klase pa tayo—"
"Then make some excuse for me. Sabihin niyo na kinailangan kong umalis dahil may emergency or whatever." Umalis na siya ng tuluyan matapos ibilin iyon sa mga kasama. Nagkatinginan naman sila Chloe.
Humalukipkip si Chloe bago umupo sa isang bangkuan. "Kunwari pa itong si Hel. Halatang halata naman na nagseselos siya. Oh well, hintayin nalang natin hanggang kailan niya makakaya."