When I'm thinking about the past, there's a lot of things I want to change but one thing is for sure, I still want you to be in it. I don't want to lose you.
"HEL..."
"Hel!"
"Oh my Odin! Hel wake the f**k up!"
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata dahil sa panay na pagtawag ng isang boses sa pangalan ko.
"Ano bang ginagawa mo at natutulog ka pa diyan? Hindi ba dapat ay masaya ka at natalo mo na si Spade?" Agad na bumungad sa akin ang mukha nila Chloe. Spade? Did they just say Spade?
Napabangon ako nang maalala ko ang tungkol sa kanya. I defeated him.
Tiningnan ko ang buong kapaligiran ko at tama nga sila. Ito ang mga oras na natalo ko si Spade at tinangkang iligtas si Kreios.
Pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay hindi tamang naandito ako ngayon?
Nilingon ko agad ang mga kasama ko. "Si Kreios?"
Nagkatinginan muna sila bago tumungo. Alam ko na ang ibig sabihin ng mga mukhang iyan pero ayokong paniwalaan.
"Hel, hindi ba't..." napaiwas agad ako ng tingin sa kanila. Hindi na nila kailangan pang sabihin sakin dahil alam ko na. Dahil natalo ko si Spade, isa lang ang ibig sabihin 'non. Napatay ko na rin si Kreios.
Napahawak ako sa ulo ko bago tumayo at muling igala ang paningin ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang nangyari na ito? Bakit pakiramdam ko may mali—yes, something is wrong.
I was planning to saved Kreios but I didn't. I failed and that's so wrong. Damn it.
"Hey, we should go back to the main campus. Everyone's waiting for us at sa tingin ko we need to take care of our wounds na." Hinila ako nila Chloe kahit na ayoko pang umalis doon.
Habang hinihila nila ako paalis ay hindi ko mapigilang ikunot ang noo ko. Marami akong tanong. Wala akong masyadong matandaan sa mga nangyari bukod sa natalo ko si Spade, pagkatapos ano na?
"Nasaan ang katawan ni Spade? Atsaka sila Papa?" Napatigil sila sa paglalakad dahil sa pagtatanong ko. Ang alam ko ay naandito sila Papa kanina. Kasama namin silang makipaglaban kay Spade, hindi ba?
"Umalis na sila kanina pa, hindi ba? Ano bang nangyayari sayo, Hel? About naman sa katawan ni Spade, bigla nalang itong naglaho matapos mong matalo." Pagpapaliwanag nila sa akin.
Natigilan ako. Bigla nalang nawala ang katawan ni Spade? I see. Hindi ko man lang nakita ulit si Kreios.
Nagsimula na silang maglakad papunta sa campus. Huminga lang ako ng malalim bago sumunod sa kanila. Maya maya pa'y napansin kong lumalapit sa akin si Theo. Sumulyap ako sa kanya pero agad ding nag iwas.
"Hel," panimula niya. Hindi ako nagsalita at hinintay lamang ang susunod niyang sasabihin. "Nararamdaman mo rin ba? Para kasing may mali. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ako komportable at kanina pa ako hindi mapakali." Napatingin ako sa kanya. Theo looked uneasy. Hindi lang naman pala ako nag iisang nakakaramdam ng kung ano sa paligid namin ngayon.
"I can feel it, too. Something's strange. Hindi ko maintindihan bakit hindi iyon napapansin ng iba. Pakiramdam ko may kakaibang bumabalot ngayon sa academy matapos kong matalo si Spade." Sabi ko kay Theo.
Tumango tango siya. Napatingin kami sa mga kasama naming naglalakad sa unahan lang namin.
"Siguro dahil sa dark aura ni Spade na hanggang ngayon ay umaaligid pa sa school. Hintayin muna natin, baka kasi mawala din." Nilingon namin iyong biglang sumabat sa usapan namin ni Theo. We saw Luca. Nasa likod lang pala namin siya.
"You can feel it, too?" Tumango si Luca. Seryoso lamang siyang nakatingin sa amin. What's with him? Parang kakagaling niya lang sa matinding pag iyak, ah?
"Mas nakakapagtakang bigla nalang nawala ang katawan ni Spade. Hindi ko maalalang nakita natin iyong naglaho. Isa pa, wala akong masyadong maalala sa mga nangyari." Tama si Luca. Wala akong maalala nang matalo ko si Spade ay naglaho ang katawan niya. Parang sa alaala ko ay wala na agad siya and it feels weird.
"Anyway," sinulyapan ni Theo ang mga kasama naming naglalakad pa rin bago tumigil at tumingin sa amin ni Luca. "We should observe first bago tayo bumuo ng kahit na anong konklusyon. Sa ngayon, manahimik muna tayo."
Nasa harapan na kami ngayon ng main campus ng academy at nakita namin doon ang ilang estudyante at mga guro. I kind of remember them pero parang ang tagal na simula nang huli ko silang makita.
"I'm so glad ligtas kayong lahat." Masayang bati sa amin ng isang guro. Kung sino siya ay hindi ko matandaan. Damn, ang weird. Alam kong hindi ako mahilig mag saulo ng pangalan pero once na nakita kita malalaman ko kung sino ka. "Si Kreios?" Dagdag na tanong nito.
Nagkatinginan kami bago umiling.
"He didn't make it." Sagot ni Bellona. Ayokong magsalita. Ayoko munang pag usapan si Kreios ngayon.
Nabalot ang lahat ng katahimikan bago iyon basagin ng principal.
"I just checked the area. May ilang lugar sa academy na nasira including your dormitory. Sa ngayon nagpasiya muna kami na mag uwian kayo sa mga bahay niyo. The school bus will pick you up every morning at ihahatid naman kayo tuwing hapon." Pagpapaliwanag niya. Huminga ako ng malalim. Ang hassle naman.
"Suspended muna ang klase ngayon at pauuwiin na namin kayo. We need to fix things here. The classes will resume tomorrow." Nagsigawan sa saya ang ibang estudyante dahil sa sinabi na iyon ng mga guro.
Naramdaman ko ang biglaang paghawak ni Bellona sa braso ko. Nakangiti siya sa akin. "Let's go, Hel?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Tumawa lang naman siya. Pinagtatawanan niya ba ang reaksyon ko sa sinabi niya?
"Huwag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan, Hel. Syempre sasama ka sa akin pauwi sa bahay. Wala kang matutuluyan, hindi ba? Isa pa, hindi pwedeng pumunta ka ng Helheim ngayon. Mas hassle iyon. Sila Master Loki naman ay alam kong bumalik na muna ng Asgard para ayusin ang tungkol kay Master Odin. Habang hindi pa sila nabalik dito sa Midgard, sa amin ka muna tumuloy." Bakit ba ang dami niyang alam?
"Guys tara na. Hinihintay na tayo ng school bus natin." Agad kaming sumunod kila Theo.
Napatigil ako nang pasakay na ako sa bus. Muli kong tiningnan ang academy. Pakiramdam ko ay ang tagal na panahon na simula nang huli ko itong masulyapan. Bakit ganito? Matagal ba akong nakatulog para halos malimutan lahat ng nangyari? Bukod pa roon, si Kreios...
"Hel?" Napatingin ako kay Bellona bago tumango at sumakay ng bus. Ako nalang pala ang hinihintay nila.
Nang makarating kami sa bahay nila Bellona ay agad kaming sinalubong ng kanyang mga magulang.
"Hi anak." Niyakap nila si Bellona bago tumingin sa akin. Ngumiti naman sila.
"Hi Hel. Buti naman at naisama ka ni Bellona." Matipid nalang akong ngumiti sa kanila. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin.
Wala naman masyadong nangyari sa araw na iyon. Nang sumapit ang gabi ay kumain kami ng hapunan at nagpahinga.
Umaga na naman ngayon at hinihintay na namin ang school bus namin para makapasok sa academy. Sa totoo niyan ay inaatok pa ako. Ang aga naman kasing gumising ni Bellona pati tuloy ako ay nahahawa sa kanya. Ang hassle lang talaga ng ganito. Sana magawa na agad iyong dorm.
Nang tumigil sa harapan namin ang bus ay napahikab ako. Hinila na naman ako ni Bellona papasok doon. Bakit ba ang hilig niyang manghila?
Magkatabi kami ni Bellona. Sa may bintana ako umupo at sa likuran naman namin ay nakapwesto sila Luca at Theo. Mukhang sila na ang magkaibigan ngayon, wala na si Kreios, eh.
"Good morning," bati nila nang mapansin kami. Nilingon ko sila at napangiwi sa nakita ko. Nakangiti na naman sila. Hindi ba nangangalay ang mga labi nila kakangiti? Ako ang nahihirapan sa kanila, eh.
"Good morning, guys!" Masayang bati ni Bellona sa kanila. Napairap nalang ako dahil sa kaingayan nila. Damn, I just want to sleep.
Sa kalahating oras na byahe namin papunta ng academy ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang matulog. Samantalang ang mga kasama ko dito sa bus ay walang ibang ginawa kung hindi ang mag ingay. Napuputol tuloy ang tulog ko dahil sa kanila. Nakakaiyamot.
Nakarating na kami ng academy. Wala namang nangyari habang papunta kami rito. Isa pa, hindi ko rin naman malalaman kung may nangyari dahil tulog ako.
Agad kong inobserbahan ang academy. Buo at maayos na ulit ito. May ilan silang binago pero hindi iyon importante. Pakiramdam ko kasi iyong mabigat na pakiramdam ko sa academy ay naandito pa rin. Iba talaga ang pakiramdam ko dito. Matagal tagal na rin kaming naandito sa academy at ngayon ko lang naramdaman ito, not even when I fought with Spade. Iba talaga ito. Pakiramdam ko hindi dapat ako—kami naandito.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya agad ko siyang tiningnan. Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Dalia. "May problema ka ba, Hel? Masama ba ang pakiramdam mo?" Umiling ako. Tama sila Luca, hindi na muna nila dapat malaman pa. Mabuting kami kami nalang muna ang nakakaalam.
Umiling ako at naglakad na. Malapit na rin kasing magsimula ang klase.
Sa kalagitnaan ng klase ay hindi pa rin ako mapakali. Paminsan-minsan ay natutulala ako. Bumalik lang ako sa katinuan ko nang kuhitin ako ni Luca na nakapwesto sa likod ko.
"Don't overthink about it, Hel. We will figure it out. Sa ngayon, magpadala nalang muna tayo sa mga nangyayari." Huminga ako ng malalim bago sumang ayon sa kanya. Nagkakaganito siguro ako dahil sa pagkawala ni Kreios. Mas matatahimik siguro ako kung may katawan akong nakita kaya lang wala. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na may pag asang buhay pa siya.
"Class dismissed!" Agad akong tumayo at nag ayos ng gamit ko. Gusto ko na ulit umuwi at matulog nalang. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako.
Napatigil ako nang lumapit sa pwesto ko sila Chloe.
"Hay nako, hindi pa rin talaga ako sanay na bakante ang upuang iyon." Itinuro ni Alvis ang pwesto kung saan nakaupo dati si Kreios. Same, Alvis. Hindi rin ako sanay na bakante at walang nakaupo sa pwestong iyon. Hindi rin ako sanay na hindi siya makita.
I don't know. Simula nang mawala si Kreios ay parang balisa ako. Mas gugustuhin ko pa nga na makita siya kahit na lagi niyang sinisira noon ang araw ko. I have this feeling na parang nang mawala si Kreios, malaking parte sa pagkatao ko ang nawala.
"Masama bang isipin ko na baka buhay pa si Kreios? Oo, alam kong imposible pero hindi ba wala naman tayong nakitang katawan niya. Ang tanging alam lang natin ay bigla nalang siyang naglaho matapos matalo ni Hel si Spade. Parang ang hirap sabihin na wala na talaga siya. What if he's still alive." Bahagyang napaatras si Theo matapos niyang marinig ang mga sinabing iyon ni Dalia. Napatingin kami sa kanya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Bellona sa kanya. Napahawak si Theo sa ulo niya pero agad ding tumango.
"P-Pakiramdam ko kasi ay narinig ko na ang mga salitang iyan galing sa ibang tao. Hindi ko lang masyadong maalala kung sino at kailan." Umiiling iling siya. Everyone's acting weird, huh? Including me. "About Kreios..."
Napabuntong hininga ako. I don't want to hold on some false hope. Mas magandang tanggapin nalang namin kung anong reyalidad ang mayroon kami ngayon.
"He's dead." Matipid kong sabi sa kanila. Sabay sabay silang tumingin sa akin. Diretso ko rin silang tiningnan isa-isa. Hindi ko na kayang makinig pa sa mga pinag uusapan nila. Mas maagang tatanggapin, mas magiging madali ang buhay para sa amin lahat. "There's no way he can survive that. He died. Iyon nalang ang isipin niyo. Huwag na kayong umasa sa mga bagay na imposibleng mangyari. Mas masasaktan at mahihirapan lang kayo." Matapos kong sabihin iyon sa kanila ay umalis na ako.
Hindi na siguro ako sasabay sa school bus. Babalik nalang muna ako ng Helheim para mas makapagpahinga ako.
Nang makalabas ako ng campus ay nagpakalayo-layo ako at naghanap ng ligtas na lugar para buksan ang pintuan papunta sa mundo ko.
"Going somewhere, Hel?" Napatigil ako nang may kumausap sa akin. Nilingon ko siya at nakita ko ang isang lalaki. Hindi ko siya kilala, ni hindi siya pamilyar sa akin. Ganoon pa man, base sa uniform niya ay masasabi kong ahead siya sa amin ng isang taon. Nakangiti siya sa akin at halatang naghihintay na kausapin ko siya.
Hindi ko siya pinansin at agad na umalis doon. Maghahanap nalang ako ng ibang lugar para mabuksan ang lagusan papuntang Helheim.
Narinig ko ang marahan niyang pagtawa dahil sa pag alis ko. "Tingnan mo ito. Masyado kang suplada. So, the rumors about you are true, after all." Napairap ako. Ano naman sa kanya? Sino ba siya para kausapin ko? Kung tawagin niya ako at kausapin ay akala mo kaibigan ko siya ah. Dinaig niya pa sila Theo kung makipag usap sa akin. So annoying.
"I'm Travis by the way—"
"I'm not asking for your name. Now, get the f**k out of my sight." Naglakad ako ng mabilis pero ramdam ko pa rin na sinusundan ako ng lalaking iyon. Naiirita na talaga ako sa kanya. Ano ba kasing kailangan niya? Bakit ba may mga pinanganak sa mundo para lang maging epal?
"Hel—"
"Just leave me alone! Damn it." Naisipan ko nalang na magteleport para makatakas sa lalaking iyon. Nakakaimbyerna na talaga. Ayoko sa lahat makulit.
Nang masigurado ko na hindi na niya ako nasundan ay agad kong binuksan ang lagusan papunta sa Helheim. Sa tingin ko ay makakapagpahinga ako ng maayos doon kaysa dito. Pagnaandito kasi ako sa academy ay pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maayos.
Napakunot ang noo ko nang hindi ko nabuksan ang lagusan papunta ng Helheim. Anong mayroon? Bakit hindi ako makapunta sa Helheim?
Ilang ulit ko pa iyong ginawa pero hindi ako nagtagumpay. Napabuntong hininga nalang ako at naupo malapit sa isang puno. What the heck is happening? Bakit pati Helheim ay hindi ko na mapuntahan ngayon?
Niyakap ko ang tuhod ko bago tumingin sa kalangitan. I want to find him. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako umaasa kagaya ng mga kasama ko pero ayoko rin masyadong umasa dahil baka sa huli madismaya lang ako.
Tama naman ang sinabi ko sa kanila, walang sino man ang makakaligtas sa kapangyarihan ng espadang ginamit ko kay Spade and killing him means killing Kreios, too.
Gusto ko siyang hanapin pero paano? Saan? Ni hindi ko nga alam saan ako magsisimulang maghanap, eh. Kahit pa gamitin ko ang kapangyarihan ko, pakiramdam ko ay imposibleng mahanap ko siya.
Itinuon ko ang noo ko sa tuhod ko.
"Are you still alive, Kreios? Kung oo, bakit hindi ka magpakita sakin?"