Chapter 5

1852 Words
Isn't hard to hear that your best friend can't even remember you? Theo's Point of View NATAHIMIK kami saglit nang umalis si Hel. Wala kaming ideya kung saan ba talaga siya pupunta. "Hayaan nalang muna natin si Hel. Hindi pa siguro niya matanggap na kinalimutan siya ni Kreios—HAHAHA!" Tumingin kaming lahat sa kanya nang malakas na tumawa si Raven. "Anong nakakatawa sa sitwasyong ito?" Seryosong tanong ni Luca sa kanya. Pinahid ni Raven ang mga luha sa gilid ng mata niya. Naiyak pa ata kakatawa si gago. "Kasi...ang cute magselos ni Hel." Napailing nalang ako at nag iwas ng tingin sa kanila. Hindi ko gusto ang nangyayari pero tama siya, ang cute ngang magselos ni Hel. Masyado siyang halata kahit ano pang pagtanggi ang gawin niya. Hindi rin naman nagtagal simula nang umalis si Hel sa klase ay siya namang balik nila Kreios at ng babaeng kasama niya lagi. "Parang linta naman ang babaeng iyon. Hindi ba siya marunong ng salitang space. Like duh." Puna ni Chloe nang makita ang dalawa. Hindi ko masyadong iniisip ang mga ganoong detalye. Nagpapasalamat lang talaga ako dahil buhay si Kreios. Sa ngayon, iyon lang muna ang mahalaga kahit hindi niya kami maalala. Sunod na pumasok sa klase ay ang teacher namin kaya naman nagsi ayusan na kami ng pwesto. "Good morning, class. Magche-check lang muna ako ng attendance." Nalintikan na. Ano nalang sasabihin namin kapag tinawag si Hel? "Hel." Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Pinaka una pa siyang tinawag. "Absent po." Naglakas loob na akong sumagot since seatmate ko naman siya. Halata namang nagulat ang guro namin dahil sa sinabi ko. "Ha? Nasaan si Hel? Ang akala ko ay pumasok siya kanina?" "Umalis po. Emergency daw po." Napatingin sa direksyon namin si Kreios nang isagot ko iyon. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay agad din naman siyang nag iwas. Ano bang problema niya? TAPOS na ang klase at nag aayos na ako ng gamit para makauwi na. Gusto ko na ring magpahinga. Hindi na rin naman bumalik si Hel simula nang umalis siya. Ano na kayang nangyari sa kanya? Sobra ba siyang apektado kay Kreios o sadyang may iba lang siyang iniisip? Kahit kailan talaga ay hindi ko mabasa ang takbo ng utak ng isang iyon. "Tara na?" Pag aaya ko sa kanila. Tumango naman sila at sabay sabay na sana kaming aalis nang lumapit sa amin si Kreios. Hinintay lang namin siyang magsalita. Pakiramdam ko kasi ay may gusto siyang sabihin. Nanatili lamang naman kaming nakatingin sa kanya. Bumuntong hininga si Kreios. "Iyong babae kanina, nasaan siya? Bakit hindi siya pumasok?" Si Hel ba ang tinutukoy niya? "Si Hel ba?" Pagkumpirma ni Bellona. Sabagay, si Hel lang naman ang hindi na pumasok sa klase naming ito, eh. Kaya malakas din ang pakiramdam ko na siya ang tinutukoy ni Kreios. Tumango si Kreios. "Wala. Umabsent." Matipid na sagot sa kanya ni Luca. Tumango lang naman siya. Inaasahan ko na aalis na siya dahil ganoon naman siya. Isang tanong, isang sagot tapos wala na. Kung wala na siyang kailangan ay iiwan ka nalang pero hindi siya agad umalis. "Totoo bang kilala ko kayo?" Napangisi ako. Ngayon ay mukhang interesado na siyang malaman ang tungkol sa amin. Tumingin muna ako sa mga kasama ko bago kami ngumiti at muling tingnan si Kreios. Tumango ako sa kanya. "Oo. Sa katunayan nga niyan ay malapit na magkaibigan tayong dalawa." Tumango tango siyang muli. "Pasensya na. Wala talaga akong maalala." "Oh my, may amnesia ka?" Pagsingit ni Chloe sa usapan namin. Nagkibit balikat si Kreios. "Well, you can say that." Magkakasabay kaming umuwi. Nagpapakwento rin kasi si Kreios sa amin tungkol sa kung anong buhay mayroon siya bago siya mawalan ng alaala. Nagbabakasakali kasi siya na baka raw bigla siyang may maalala. "Saan tayo magpapababa ngayon?" Nakasakay pa rin kami ngayon sa school bus. Nag iisip kung magpapababa ba sa kung saan o didiretso na sa kani-kanilang bahay. "Gusto kong kumain muna. Nagugutom ako." Sabi ni Dalia. Tiningnan ko si Kreios at si Trixy. Aayain ko sana. "Gusto niyong sumama muna sa amin?" Tumingin si Kreios kay Trixy at mukhang naghihintay ng isasagot. Umiling naman agad iyong babae. "May kailangan pa akong gawin." Sagot nito. "Pwede ba akong sumama sa kanila?" Nagulat si Trixy nang itanong iyon sa kanya ni Kreios. Lumapit naman sa pwesto ko si Chloe at may ibinulong. "Bakit kailangan pang magpaalam sa mahaderang babaeng iyan? Kainis." Pinatahimik ko si Chloe. Baka may makarinig pa sa kanya. "Do you want to?" Tumango si Kreios sa itinanong ng babae. Matagal tagal din bago ngumiti si Trixy. "Okay, sasama na rin ako." Aniya. "Akala ko ba—" "Makakapaghintay naman iyon, eh." Napangiti si Kreios sa sinabi ni Trixy. Ngumiti nalang rin ako kahit ramdam ko na sa may gilid ko ay may mga babaeng handa nang manuklaw sa inis. Sinabi namin sa driver kung saan kami bababa. Sinabi nalang din namin na nakapagpaalam na kami sa mga magulang namin para payagan niya kami. "I want spicy food!" Masayang sabi ni Dalia na siya namang ikinatuwa ng iba sa amin. Halos lahat kasi kami ay mahihilig sa maanghang na pagkain, si Hel lang talaga ang may ayaw. "Doon nalang tayo. Hot ang mga pagkain diyan." Napailing naman ako sa mga ginagamit na terms ni Chloe sa mga sinasabi niya. Kahit kailan talaga. Pumasok na kami sa loob. Lumapit ako kay Kreios para magkwento. "Madalang kami sa lugar na ito. Ayaw kasi ni Hel dito. Hindi siya mahilig sa mga hot and spicy food. Kayo ba? Okay lang kayo dito?" Tumango naman si Kreios. Naglakad na lang muna kami para maghanap ng bakanteng upuan nang marinig ko ang bulungan nila Chloe at Dalia. "Wala ba siyang balak bitawan si Kreios?" "Ni lumayo nga ata ay wala." Hindi ko nalang sila pinansin at naupo na sa bakanteng upuan sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ng mga kasama ko. "Kami na ang oorder. Ano ba ang inyo?" Pagtatanong ni Bellona. Agad naman naming sinabi sa kanila ang gusto namin at mukha namang natandaan nila kaya't nagpunta na sila sa may counter para umorder. "Ano pang gusto mong malaman? May mga katanungan ka pa ba, Kreios?" Tanong ko sa kanya. "Sayang 'no? Hindi sumama sila Luca. I wonder kung anong problema ng isang iyon. Over sa katahimikan ngayon." Malungkot na sabi ni Chloe. Pansin ko nga rin kay Luca ay lalo itong tumahimik. Hindi ko alam. "Base sa kwento mo sa akin kanina. Ikaw ay kaibigan ko, itong Chloe ay may gusto sa akin. Si Bellona naman ay dating seatmate ko. The rest ay nakakausap ko lang, tama?" Tumango ako sa sinabi niya. "Iyong isang babae na hindi natin kasama, ano ko siya?" Nagkatinginan kami ni Chloe dahil sa itinanong niya. Agad namang ngumisi ito. "Mygod, Kreios. Obviously, she's your lover." Bungisngis ni Chloe. Napailing naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ito. Kapag nakakita ng chance ay may sasabihing kalokohan. "Totoo ba?" Gulat na gulat na tanong ni Kreios sa akin. Gusto ko tuloy matawa sa kanya. "Your relationship with Hel is kind of complicated. It's hard to explain." Maya maya pa'y bumalik na sila Bellona kasama si— "Hel?" Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba ay may emergency siyang pupuntahan—yeah right, excuse niya nga lang pala iyon. Nakasimangot si Hel na akala mo ay may aatakihing kalaban sa sobrang intimidating ng aura niya ngayon. "Oh, buti at nahagip ka nila Bellona at Dalia, Hel." Masayang sabi ni Chloe. "Nakita lang namin siya sa may labas kaya agad na hinila ko. Mukha ngang galit pa." Natatawang sabi ni Dalia. Halata naman na hindi masaya si Hel dahil sa paghila nila. "Halik na, Hel, Tabi tayo." Pag aaya ni Chloe sa kanya habang tinatapik iyong katabing upuan. Umirap naman si Hel. s**t, gusto kong matawa. "Hindi na. Aalis din naman ako. May kailangan akong punatahan." Tumingin si Hel sa direksyon nila Kreios na kasalukuyan din naman na nakatingin sa kanya. Muli siyang napairap. "Isa pa, alam niyo namang hindi ako kumakain dito." Nagpaalam na samin si Hel at akmang aalis na nang magsalita ako. "Bakit parang nagmamadali ka?" "Wala lang. Aalis na ako." Matapos niyang sabihin iyon ay nakita kong nilingon niya pa sila Kreios bago tuluyang umalis. I see what you did there, Hel. Dumating na sila Bellona kasama si Alvis. Dala na rin nila ang mga pagkaing inorder nila. "Umalis na agad si Hel?" Pagtatanong niya bago ilapag iyong tray. "Yeah, alam niyo naman na ayaw niya sa lugar na ito. Tapos may mahadera pang sumama." Siniko ko si Chloe dahil sa sinabi niya. Tinaasan niya lang naman ako ng isang kilay. Magsisimula na sana kaming kumain nang biglang tumayo si Kreios at tumakbo papalabas. "Saan ang punta 'non?" Hel's Point of View KUNG alam ko lang talaga na kasama nila sila Kreios at ang babaeng iyon ay hindi na sana ako nagpadala kay Dalia. Lalo lamang tuloy nasira ang araw ko. "Hel," napatigil ako nang tawagin niya ako. Boses palang ay alam ko na kung sino siya. Hindi na kailangang manghula pa. Nilingon ko siya at hindi nga ako nagkamaling si Kreios iyon. Halatang hinabol niya ako dahil hinihingal pa siya. Bakit siya naandito? Hindi agad siya nagsalita dahil mukhang hinahabol niya pa ang kanyang paghinga. Sino ba naman kasing nagsabi sa kanya na sundan at habulin niya ako? Tanga lang. "Your name is Hel, right?" Tinasaan ko siya ng isang kilay. Hindi niya ako naaalala pero kung makaakto siya ngayon ay akala mo close kaming dalawa. Kapag hindi nga naman nakakainis ang mga tao sa mundo 'no. "Hindi ko alam kung bakit ba sa tuwing nakikita mo kami ay kumukunot nalang bigla ang noo mo. I don't remember if before I lost my memories, I did something wrong against you but, look, if that's the case I want to apologize. I'm sorry." Sincere ba siya? Bakit pakiramdam ko ay hindi. I rolled my eyes and crossed my arms bago tumingin ng diretso sa kanya. "Why are you saying sorry?" "Kasi pakiramdam ko ay naiinis ka samin? Baka lang may nagawa akong kasalanan sayo noon." "You know what? I hate it when people apologize for something that they don't even know. Ni hindi mo nga alam kung may kasalanan ka sakin o wala tapos hihingi ka ng tawad. Iyan ang dahilan bakit ang babaw ng ibig sabihin ng salitang patawad. Ginagawa niyo kahing hobby ang pagsasabi nito." Isa pa, kung naiirita ako sa kanila, wala siyang magagawa doon. Kahit humingi siya sakin ng ilang patawad, walang magbabago. "Kaya nga pwede bang sabihin mo sakin kung anong nagawa kong mali sayo? Did I offend you? Kasi sa totoo lang, kung ako ang tatanungin ay wala ang isasagot ko because I don't remember anything and that includes you." Napakuyom ang kamay ko pero mas pinili kong maging kalmado. "So, why not get back inside? Bumalik ka na sa mga kasama mo at huwag mo na akong kausapin pa. Wala rin naman akong oras sayo." Tatalikuran ko na siya nang magsalita na naman siya. Hindi niya ba makuha ang ibig kong sabihin? "Gusto kong malaman. Gusto kong maging aware ako sa nagawa ko sayo. Bakit ba nagagalit ka sakin—" "You want a clear answer? Gusto mo talagang malaman kung bakit ako ganito sayo?" Naglakad ako papalapit sa kanya at tiningnan siya ng diretso sa mata. "Dahil kinalimutan mo ako. Kinalimutan mo kaming lahat at ngayon umaakto ka na para bang hindi kami parte ng putanginang buhay mo!" Nang sabihin ko iyon kay Kreios ay agad akong umalis. s**t, what was that, Hel? Bakit hindi mo man lang kinontrol ang sarili mo? You shouldn't have said that! Geez. Idiot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD