When you’re at the peak of enjoying something, someone will ruin it for you. “KREIOS—” “Huli kayo! Naandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap. Char.” Awtomatiko akong lumayo kay Kreios nang marinig ko ang boses ni Chloe. Bakit ba ako kinakabahan? Leche. Napatingin kami sa kanila at hindi nga ako nagkamali. Naandito sila Chloe. “Why are you here?” Rinig mo sa boses ko ang inis sa biglaang pagpapakita nila. Kung kailan naman umaayon na sa akin ang lahat may darating para sirain iyon. Ngayon lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob magpakatotoo sa sarili ko tapos biglang naandito sila. Maybe, this is not the right time. Next time, for sure. Ulul, Hel. Wala nang next time. “Nakuha namin ang mensahe niyo kaya nanghigit kami ng kakilala namin na teleportation ang kapangyarihan a