When I’m with him, time stops and the only sound you will hear is my heart, that keeps on beating so fast. “MARUNONG ka palang magdrive?” Hindi ko makayanan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko ay nilalamon ako nito at hindi ko ito gusto. Sa talambuhay ko ay ngayon ko lang ata hindi nagustuhan ang katahimikan. “Hmm, I don’t get it, too. Basta ang alam ko parang alam ko kung paano magmaneho ng kotse. Siguro naman makakabalik tayong dalawa ng buhay sa academy.” Napatingin siya sa akin bago marahang tumawa. Hindi ko na siya pinansin pa. Kung may mangyayari man, nakakasigurado akong hindi ako ang mamamatay. Tumigil ang kotse kaya naman napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “Pero alam mo, Hel? Mas magiging safe tayo kung magsi-seat belt ka.” Lumapit siya sa akin