Chapter 7

2431 Words
Jane Linock ko ang aking sarili sa kwarto at tahimik na umiyak. Hindi ko makayanan ang sinabi ni Clyde. Hindi ko naman ginusto na maging ganito ako ah. Akala ko iba siya dahil sobrang bait niya pero grabe naman siyang manlait. Kahit siya ang kumupkop sa akin at nagligtas sa akin sa kapahamakan, hindi ko naman basta-basta na lang palalampasin ang ginawa niya. He’s ruthless, childish, and bossy. He’s an asshole. Naiinis ako sa lalaki at yinakap ang aking sarili. Pinikit ko ang aking mga mata na may sama ng loob sa binata. Hanggang sa unti-unti na lang akong hinila ng antok. Kinabukasan ay nagising ako sa tahol ng mga aso sa paligid. Siguro ay may aso ang mga kapit-bahay ni Clyde. Nag-inat ako at saka ko lang naalala na nandito pala ako sa bahay ni Clyde. Speaking of my parents, how are they? Are they okay? Paano ako hihingi ng tulong kay Clyde gayong ganoon ang tingin niya sa akin? Akala ko pa naman maaasahan ko siya pero mukhang hindi pala.  Bumangon na ako sa aking pagkakahiga at pinihit ang busol ng pinto bago ako lumabas. Kaso sakto namang pagbukas ko ay agad ko namang nakita si Clyde na tamang-tama naman na palabas din sa kanyang kwarto.  Nagtama ang aming mga mata at ako na ang unang umiwas. Matagal na akong nakikitulog kay Clyde. Siguro naman ay safe nang bumalik sa bahay mamaya. Kailangan ko lang hanapin ang mga magulang ko at kung baka ano na ang nangyari sa kanila. Nakatungo akong lumabas ng aking kwarto at akmang bababa ng hagdan nang tawagin ni Clyde ang aking pangalan. Alanganin akong lumingon at halos magulat ako nang naroon na pala siya sa aking likuran. Sa kagustuhan ko na lumayo sa kanya dahil ang lapit niya ay nakalimutan kong nasa may hagdan ako. Umatras ako at muntik na akong mahulog. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil mahuhulog na ako. Pero pagdilat ko ng aking mga mata ay mukha ni Clyde ang bumungad sa akin.  Halos mapasinghap ako at tinulungan ako ni Clyde na ibalanse ang aking tayo. Nahihiya akong umiwas ng tingin sa kanya. “Ayos ka lang?” tanong niya. “Ayos lang. Salamat,” sagot ko habang nakatungo pa rin. “Uhm, I’ll just cook some breakfast. Tatawagin na lang kita oras na luto na ang almusal.” Nauna na siyang pumanhik sa baba at sinundan ko lang siya ng aking tingin. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Pinakiramdaman ko ang aking dibdib na nasa may tapat ng aking puso at ang lakas ng t***k nito. Bakit ang bilis ng t***k nito? Isinawalang bahala ko na lang ito at sinundan si Clyde sa baba. Hindi naman pwede na siya ang aking paglutuin gayong pabigat ako sa kanyang pamamahay. Tutulong na lang ako. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko siyang abala nang nagluluto habang naka-sweat pants na lang.  Hala! Saan napunta iyong damit niya? Linuto niya kaya ito? Napalunok ako nang makita ko ang makisig niyang pangangatawan. Napansin niya ako at halos mapatalon ako ng mahina nang magtama ang aming mga mata. “Nagugutom ka na ba? Saglit na lang ito,” sabi niya sa akin sabay bumalik siya sa pagluluto at nanatili akong nakatayo sa aking pwesto.  Hindi ko maiwasang titigan ang kanyang katawan lalo na ang mga muscles niya. Pati iyong matambok niyang pwet ay hindi ko pinalagpas. Napalunok ako nang halos mamutawi sa aking isip ang kanyang alaga dahil hindi ko naman ito makita.  “If only I’m an ice cream, I’ve been long melted by your gaze.” Pinatay niya ang gasul at sabay tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin at ilinipat sa bowl ang linuto niyang chicken curry. Nahiya naman akong napatungo. Pakiramdam ko namumula na ang aking mukha dahil ramdam kong nag-iinit ang aking pisngi. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at hinanda na lang ang hapag-kainan. Nang mailagay niya ang mga pagkain sa lamesa ay nakasuot na siya ulit ng kanyang damit. Magkaharap kaming kumain at nakatungo akong kumakain. Ayokong makita ang mukha niya dahil nahihiya ako. “Jane, sorry about last night. I didn’t mean it like that. The gown suits you so well.” Umangat ang aking tingin at nakita ko ang sinsero niyang paghingi ng tawad. “I hope you can forgive me.” Linapag ko ang hawak kong kutsara’t tinidor at tinitigan siya. “Kalimutan na natin iyon. Wala na sa akin iyon.” Ngumiti siya at napangiti rin ako. Medyo gumaan ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Nagkwentuhan pa kami ng kunti hanggang sa matapos kaming kumain ng almusal. Habang umiinom siya ng tubig ay tinitigan ko siya.  “Clyde? Can I trust you?” tanong ko sa kanya. Alam kong nagtataka siya sa aking tanong pero tumango pa rin siya. “I need your help. It’s about my parents,” simula ko. Tinulungan ko na muna si Clyde na magligpit ng mga kinainan namin dahil mahaba-haba ang pag-uusapan namin. Nang mailigpit na namin ang lahat ng pinggan at mga kubyertos ay nauna nang umupo si Clyde sa sofa. Sumunod ako na umupo sa tabi niya at nagkaroon ng kunting katahimikan sa pagitan naming dalawa. Huminga na muna ako ng malalim bago ako nagsimulang magsalita. “Anong nangyari sa mga magulang mo?” tanong niya pero bago ko sabihin sa kanya ay kailangan ko na munang ipakilala ang aking sarili ng mabuti. “My name is Jane Sanchez. Nice meeting you.” Linahad ko ang aking palad sa kanya at agad niya naman itong tinanggap. “Nice meeting you too, Jane. My name is Clyde Roche,” sabi niya sabay pinakita ang kanyang maputi at pantay-pantay na ngipin. Tumawa ako ng mahina at nagsimulang mawala ang aking mga ngiti nang maalala ko ang mga pangyayari noong gabi na muntik akong masagasaan ni Clyde. “What’s wrong?” tanong ni Clyde sa akin dahil mukhang napansin niya na nag-iba ang timpla ng aking mukha. “The night you almost hit me with your car, I was running away from my kidnappers,” simula ko. Pagtingin ko sa kanya ay agad kong iniiwas ang aking tingin dahil kita ko ang gulat at galit sa kanyang mga mata.  “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya sa akin. “Simula pagkabata ay nagtatalaga ng bodyguard ang mga magulang ko sa akin. Noong una ay hindi ko naman ito kwinestyon ngunit nang nagkakaroon na ako ng muwang ay doon ko napansin na hindi naman ganoon kataas ang estado namin sa lipunan. My father is a pastor who spreads the good news to other people. My mother is an employee of a hospital. Hindi naman sila politician o mga artista para magtalaga sila ng bodyguard para sa akin. Naging ganoon ang takbo ng buhay ko hanggang sa nagkaroon ako ng trabaho. One night, while I was busy watching some videos in my phone, I heard a gunshot. Sa takot ko ay lumabas ako ng aking kwarto at doon ko nakita na nakabulagta ang aking mga magulang sa salas at wala nang malay. The next thing I knew, my whole world went black. When I got conscious, I find out that I was kidnapped by a group of men,” mahabang paliwanag ko kay Clyde. “That night you were kidnapped, were you wearing the same dress?” seryosong tanong niya at tumango ako.  Kitang-kita ko ang gatla sa gitna ng kanyang noo. He is bothered because of what happened to me.  “How did you escape from them?” he asked. Flashback “Sigurado ba kayo na siya ito?” rinig kong tanong ng isang lalaki sa kanyang kasama. It’s been days since I was kidnapped from our house. Hindi ko alam kung may nakapansin nang nawawala ako. Hindi ko man lang alam kung okay ba ang mga magulang ko. Are they still alive? “Siguraduhin niyo lang na siya ang hinahanap ni boss kundi mananagot tayo. Paano niyo siya nahanap?” rinig kong tanong ulit ng isang lalaki sa kanyang kasama. “Sure na sure na siya iyon boss,” pagkasabi niya iyon ay tinanggal nila ang piring sa aking mga mata.  Doon lumiwanag ang aking paningin at doon ko napansin na nasa isang lumang bahay ako. Nakatali ang aking mga paa at kamay habang may nakatakip na tape sa aking bibig. Puro lalaki ang kasama ko at wala man lang ni isang babae. Dinig kong sumipol ang ibang kalalakihan habang hinahaplos nila ang mukha ko. “Ang ganda nito boss. Sigurado akong kikita sila sa babaeng ito,” tumatawang sabi ng lalaki na humahaplos sa aking pisngi. Ngumisi ang isang lalaki at lumuhod sa aking harapan. “She’s worth a billion. Good job.” Pinakain nila ako pero tumatanggi ako palagi dahil baka may kung anong gamot silang linagay sa aking pagkain. Hindi ko na alam kung ilang araw na ang lumipas dahil madilim sa kung nasaan ako. Walang kahit na anong bintana o butas akong makita para malaman kung gabi o umaga na.  Isang gabi ay napagdesisyunan nilang uminom hanggang sa malasing sila. Maya-maya pa ay may nahulog na bote at nabasag ito sa aking harapan. Pilit kong kinuha ang isang parte ng nabasag na bote upang hiwain ang nakatali sa aking mga paa at kamay. Nang maabot ko ito ay dahan-dahan kong linaslas ang tali sa aking mga kamay. Nang magawa ko ito ay sinunod ko ang isa sabay inalis ang tape na nasa aking bibig.  Lasing na silang lahat kaya naman isa-isa kong hinanap sa kanilang bulsa ang susi sa pinto. Nang mahanap ko ito sa bulsa ng nagsisilbing boss nila ay dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto at sinusihan ito. Nang mabuksan ko ito ay tamang-tama naman na may nakapansin sa akin at agad akong sinita. “Hoy! Gising! Tumatakas iyong babae!” sabi niya sa kanyang mga kasama. Agad kong itinulak ang pinto at dali-daling tumakbo palabas. Doon ko lang napansin na nasa malagubat kaming lugar dahil wala akong makita ni isang bahay. Buti na lang ay gabi kaya kita ko mula sa malayo ang ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan. Tumakbo ako papunta sa kung saan ay may mga ilaw. Hindi ko na ininda kong magalusan ako o sumabit sa sanga ng mga halaman basta ang importante ay makalayo at makatakas ako sa kanila. “Bilisan niyo! Hanapin niyo siya!” rinig kong sigaw ng isang lalaki. Hindi ko tinigil ang mga paa ko kahit masakit na ito katatakbo. Wala akong suot na sapatos o proteksyon sa aking mga paa kaya ramdam ko ang bawat bato at maliliit na kahoy tuwing tatapak ako. Rinig ko ang paputok ng baril mula sa malayo pero hindi ko ito liningon dahil baka mahabol nila ako. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makita ko na ang kalsada kung saan marami nang kotse. “Nandoon siya! Habulin niyo, bilis!” sigaw ng lalaki sa iba pa niyang mga kasama. Sa kagustuhan kong makalayo ay diretso kong tinakbo ang kalsada at hindi nakita na nasa gitna na ako ng daan. Nagulat ako nang bigla na lang umandar ang kotse na nasa aking harapan at doon na ako napaupo sa kalsada. End of Flashback “Doon kita unang nakilala,” sabi ni Clyde. Tipid akong ngumiti sabay tumango. “Tama. Noong mga panahong iyon hindi na ako makatayo dahil sa pagod at takot na aking nadarama. Iniisip ko na lang na sana iligtas ako ng kung sino mang tao ang nasa aking harapan.” “Pero hindi mo ba nalaman kung sino ang mga dumukot sa iyo?” tanong niya sa akin. Napaisip din ako bigla. “Hindi. Wala akong ideya kung sino’ng boss ang tinutukoy nila.” “Tsk!” napalatak siya sa sinabi ko at halos guluhin niya ang sarili niyang buhok. “I need your help Clyde. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa mga magulang ko. Pwede mo ba akong tulungan na hanapin sila?” pakiusap ko at agad naman siyang tumango. “Walang problema. Just tell me their names, and I will do my best to look for them,” sagot niya na nagpangiti sa akin. Buong araw rin na iyon ay wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan tungkol sa sari-sarili naming buhay. Marami akong nalaman tungkol kay Clyde. I learned that he’s a businessman; he owns a school and an engineering company as well.  “Bakit wala ka pang nobya Clyde?” Mukha siyang nagulat sa aking tanong. He just smiled and avoided my gaze. “I don’t plan on having one yet.” Tumango-tango ako. “I see. Babaero ka pala.” “Hey!” sita niya sa akin. “Where did that come from?” Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil pinipigilan ko ang matawa. “Wala. Naisip ko lang kasi sa gwapo mong iyan wala man lang nagkakagusto sa iyo. Pwera na lang kung babaero ka at hindi makontento sa iisang babae.” Tinaasan niya ako ng kilay sabay sabi, “Not really. Well that was before, but now I think that may have changed a bit.”  Nagtaka ako sa sinabi niya at napatitig sa mga mata niya. He’s staring at me as well as I felt being captivated by his gaze. Hindi ko magawang iiwas ang mga tingin ko sa kanya. Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya at sobrang gwapo niya talaga. Napalunok ako nang parang nahihila ang mukha ko palapit sa kanya. “Hola Son!” sigaw ng Mama ni Clyde na biglang pumasok sa entrada ng bahay ng kanyang anak. Naghiwalay kami ni Clyde at sabay na napatingin sa kanyang ina na nasa pintuan at nakatayo. Nahiya tuloy ako bigla kaya napatungo na lang ako. “Oh, did I interrupt something?” tanong niya sa amin. Clyde cleared his throat as he stood up. “No, everything’s fine Mama,” he said. Lumapit naman ang kanyang ina sa akin saka tumabi sa akin. Pansin sa mga mata niya na alam niya na may gagawin kaming kababalaghan dahil abot tenga ang ngiti niya. Napalunok ako nang hawakan niya ang aking kamay sabay may ibinulong sa akin. “It’s okay honey,” she said. “I like you for my son.” She winks at me, and I blushed. “T-Thanks,” iyon na lang ang naisagot ko pero ang init ng mga pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD