NAKITIRA si Paolo sa akin ng tatlong araw bago siya sinundo ng kaniyang asawa. My God, parang telenovela lang ang nangyari. Nag-iiyakan ang mag-asawa kaya minabuti kong umalis muna ng apartment upang bigyan sila ng privacy.
Kumatok ako sa apartment ni Kristine at doon nagpalipas ng buong araw. Tawa naman ng tawa ang babae kasi nakakaawa raw ako at nasipa sa sariling bahay. Kinarga ko siya at pinarusahan sa kaniyang sariling kuwarto.
A month later, nakatanggap ako ng tawag mula kay Mitch. "Pare, nakita mo ba?"
"Ang ano na naman iyan?" biro ko. "s*x video mo this time?"
Halos bumulong siyang sumagot ng, "s*x video mo."
"s**t, f**k!" Muntik ko ng maitapon ang phone sa gulat.
"I'll send you the link," sabi niya. "Sensya na talaga kung ako ang nagbalita sayo."
"May iba pa ba?" tanong ko.
"Sa porn sites na pinapasukan ko, dalawang videos lang," aniya, "kay Paolo at sayo. My God, kinakarma na ba tayo?"
"Mitch, huwag mong dibdibin 'to okay?" sabi ko sa kaniya. Si Mitch ang pinaka close kay John at hindi ko alam kung ano ang kapasidad niya sa pag handle ng very stressful situations pero ayokong matulad siya kay John.
"Don't worry I'm not suicidal. Iba ang outlet ko sa stress..."
Napasapo ako ng noo. Muntik kong makalimutang addicted si Mitch sa s*x at ang inaalala namin na baka mapahamak siya sa mga sexcapades niya.
Pinanood ko ang video link at napabuntong-hininga kasi klarong-klaro talaga ang mukha namin ni Jane sa video. Sinisigaw pa ng ex ko ang buo kong pangalan habang nakikipag rough s*x ako sa kaniya.
Nag ring ulit ang phone ko at nakitang si Kuya Diego ang tumawag. Don't tell me alam na nila?
"Kuya," bati ko, "napatawag ka yata."
"Well my lil brother I have some news for you." May ngiti sa boses niya.
"Ano?"
May ngiti sa boses niya. "I'm proud of you Errol."
"Ha? Bakit?"
"Ang galing mo pala sa bed sports." Humalakhak na talaga siya. "Mana ka talaga sa akin. Parang tumambling na 'yong mga posisyon niyo – "
Binabaan ko siya ng phone. What a jerk.
I was pacing in fear at napalundag ng may tumawag na naman ulit. s**t, alam ko na ang ibig sabihin nito.
"Hello, nakita ko ang video," mahinang sabi ni Paolo
Napaismid ako. "Nakita ko na rin."
"Did you try to contact her?" tanong niya.
"Hindi pa," sagot ko."Kamusta ka na?"
"Starting all over again kami ni Joy." Medyo relax na ang tono ni Paolo
"Swerte ka nga kaya ingatan mo siya at ang relasyon niyo," sabi ko.
"Pare, parang may pattern yata ah." Puna niya. "Sino kaya ang nagpalabas? Natawagan ko na rin si Jane at sabi niya nakatago lang naman sa mga folders niya 'yong ibang mga videos. Feeling niya na hack ang unit niya."
"Nahahalata ko rin..." amin ko.
"Pare, parang target ang mga bullies," pahayag niya. "I mean – ako at si Jane, ikaw at si Jane. Sino kaya ang susunod?"
"Pare, calm down okay?" May kaba sa dibdib ko. "Nagkataon lang siguro na andon ang mga videos natin sa unit ni Jane."
"Siguro nga." Napalunok si Paolo. "Basta pare ha, tayo tayo ang magdadamayan..."
I put down the phone and lay on my bed. May kirot sa puso ko at nahihirapan akong huminga. I closed my eyes and breathed slowly. "Kaya ko 'to...this is nothing..."
I contacted Jane at napagkasunduan naming magkita sa isang restaurant.
"Errol, honest talaga, hindi ako ang nag upload ng mga videos," iyak ni Jane. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Para akong kumuha ng bato at ipinukpok sa ulo ko kung gagawin ko 'yon."
"I didn't know about the videos," I gently said. "Kinuha mo ba 'yon para ma-iblackmail mo sakin?"
"Napasinok siya. "I actually...oh God, I'm so sorry..." Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa dalang panyo at humagulgol.
Sa totoo lang, hindi ko makuhang magalit sa babaeng ito. I mean as high school kids, immature naman talaga ang grupo namin. We partied a lot and f****d a lot. Nasagi lang talaga ang pride ko nung malamang tinira niya pala ang kaibigan ko. My pride was hurt a little bit but I wasn't angry with this woman.
Lumipas ang ilang minuto at tumahaan na siya ng konti. Mariin ang kaniyang mga daliring pinahid ang mga luha na sunod-sunod na tumulo. Her eyes were so swollen that it almost hid the violet pools. Even when she was a b***h in high school, she had lovely eyes.
My heart strings were tugged a little bit because I was guilty of something. I was Jane's boyfriend and I was fond of her in a twisted way of a randy boy's perception. I also tolerated her meanness towards others.
Kung pwede lang ibalik ang panahon...
She gulped down the cool glass of water before she whispered, "I can't have s*x without someone watching me." Nanginginig ang mga labi niya. "Feeling ko kasi may nanonood somewhere kapag may camera. I got turned on by that thought."
Muntik ng mahulog ang panga ko sa mesa. I did not know. For months kaming nag date, ni hindi ko alam ang fetish niya. f**k. Napasandal ako sa upuan at napabuntong hininga. "So, I'm expecting that there are other s****l partners in your videos?"
Humagulgol si Jane at napapakagat-labing tumango. "Si Mr. Roy Samarin..."
"f**k," I cursed under my breath. Si Mr.Roy Samarin ang aming guidance counselor in high school. He was religious and a happily married man.
Tumingala si Jane sa akin at pulang-pula na talaga ang mga mata niya. "Errol, he's a good person pero nilagyan ko ng drugs ang inumin niya nung may faculty party sila. Hinabol ko siya sa office niya at..."
I pinched the bridge of my nose. I acknowledged we were young f****d up individuals but the information still took my breath away. "Oh s**t! Jane bakit mo nagawa 'yon?" I could not help my self from blurting out.
Her tears were flowing. "It was a challenge, Errol. We just broke up that time and my pride was bruised kasi pinalitan mo agad ako after two days. I needed something to balm my ego."
"But you videotaped it," I told her.
"Karma 'to, 'diba?" Napalakas ang iyak niya kaya napatingin na ang waiter at ilang customers sa'min.
I wanted to give her a hug or even pat her hand but I refrained myself from doing so. Kaya kinuha ko na lang ang panyo mula sa bulsa ko at ibinigay sa kaniya. "We were such terrible people in high school Jane. Konsekwensya na 'to sa mga ginawa natin noon."
She bit her lip. "I wanted to change. Nasa estado na ako ngayon ng katinuan pero nangyari 'to. Neil would not want to marry me anymore."
I felt sorry for her. Despite all the horrible things we did back then, we deserved a second chance. We could not turn back the time and undo the things or correct the mistakes but we still deserved to hope for a better tomorrow.
Jane Prescott still deserved to start anew and to live a happily married life. I forego my apprehensions for physical contact and took her pale hand. It was wet from tears and it was cold. "Tatanggapin ka niya maging sino ka man kung mahal ka niya talaga, Jane."
"I want to be a better mother..." She sneezed. "I want to be faithful to my husband..."
"Jane, siguro magpatingin ka sa isang therapist," dahan-dahan kong sabi.
Nakita ko ang estado ni Paolo nang malaman ang tungkol sa s*x video. He was so devastated and scared of the thought that Joy might leave him. Nasaktan din ako nang makita ko ang ginawa ko non. It was supposed to be a private affair pero pinagpipiyestahan na ng publiko. I could not even fathom what my parents would say. Hindi ko kayang sabihan sila or hindi ko kayang makita ang reaction nila.
How much more si Jane? Mas agrabyado siya kasi kahit papaano, medyo konserbatibo pa rin ang tradisyon sa Namerna. At dalawang s*x videos pa ang kumalat.
"I wished na matatapos ang nightmare na 'to." Sinok niya. "But I feel that it's just the beginning..."
I looked at her without commenting anything even though I felt that what she said was true.
Dumiretso ako sa unit ni Kristine nang makauwi ako ng bahay. Humiga ako sa sofa niya sa salas at napatingin sa salamin. I was the one who broke the news to her a day after I received the news from Mitch. She was just silent then opened her arms to me.
"Kamusta ang pag-uusap niyo ni Jane?" tanong ni Kristine sa'kin habang inilapag niya ang isang tasang kape sa coffee table.
"Naaawa ako sa kaniya sa totoo lang," buntong hininga ko. Minasahe ni Kristine ang bandang paa ko at napangiti ako sa ginawa niya. "I think she's innocent in uploading the videos. She's just a lost girl in high school..."
"And a terrible bully," mahina niyang sagot na nakatingin sa coffee table habang hinihimas niya ang binti ko.
I sat and grabbed her. I cupped her face and squeezed her cheeks gently. "Hindi kaya ikaw ang nag-upload ng videos?"
Her baby blue eyes became darker as anger surged. "What?"
I smiled and kissed her lips soundly. "Joke lang."
Tinulak niya ako. "Ang pangit ng joke na iyan, Errol. I wouldn't have the heart to click that button you know."
Pinugpog ko ng halik ang mukha niya at mahinang sinabi, "I think I don't deserve you." I kissed the sensitive spots on her neck that made her giggle.
"Hindi nga," natatawang sagot niya. "Ano ba Errol, nakikiliti ako..."
May kung anong sumabog sa dibdib ko sa mga sandaling iyon. At parang hindi ko ma control ang tila tsunaming emosyon kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniya at napasubsob ang ulo ko sa may leeg niya.
"I love you..." bulong ko.
Naramamdaman kong napahinto si Kristine nang marinig ang sinabi ko. I sighed, "I'm not expecting anything at all..."
She grabbed my face and kissed me on my lips. "Thank you."
Then everything got emotional from my confession. Lips to lips, hands gripping hair, feet tangling and hips swaying. Feeling ko ang hininga ni Kristine ang aking kapatawaran.
Kristine Linda Bolivar was my salvation.
And when everything was said through actions, I caressed her shoulders and whispered, "I know this is too early but Kristine, will you marry me?"
Namilog ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. "What made you say that?"
"I feel it's the right time," sagot ko habang hinalikan ang ulo niya. "Hindi kita minamadali, gusto ko lang sabihin na ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan."
Narinig kong napahagikhik siya. "Errol you confessed that you love me and proposed to me sa isang araw lang."
Tumawa ako, "well, may discount kapag whole sale diba?"
She glanced at me and smiled. "Okay lang ba kung pag-iisipan ko 'to ng isang linggo?"
I smiled. "Okay lang pero mientras naghihintay tayo..."
"Ano?"
I stood and carried her on her bedroom. "Advance honeymoon."
But it turned to be the longest one week that I ever encountered in my life. Gusto kong araw-araw siyang kulitin sa sagot niya pero kinontrol ko ang aking sarili. Kaya eksaktong isang linggo mula nang mag propose ako muntik na akong mahulog sa upuan nang sabihin niyang, "Yes, I will marry you."
Feeling ko ako na ang pinaka-maswerteng lalaki sa buong mundo. I never expected that a simple answer could make a man bring down to his knees from too much happiness. I grabbed her and kissed her fiercely."Oh God..."
After the sweet loving, she ran her fingers through my hair and whispered, "Pero hindi muna ngayon and I still get to ride my bike."
I was too ecstatic with her answer that I could give her everything. Kahit pa sabihin ni Kristine na sasakay siya sa spaceship at lilipad ng Jupiter.
Nasa bahay kami ng mga Bolivar nang ibalita namin sa kanila ang plano namin ni Kristine. Expected na masayang-masaya si Tita Carol sa anunsyo. Niyakap pa niya si Mama Zennia at nagtitili silang dalawa na animo'y mga teenagers. Napapatawa lang si Papa sa kanila. Nakita kong hinila ni Tito Joel si Kristine sa isang sulok at nag-usap sila ng masinsinan. Kabado ako kasi hindi ko alam kung ano ang estado ko sa pananaw ni Tito kahit na kilala niya ako simula pa pagkabata. Iba naman kasi ang kilala ako as a friend's son at iba rin kung makikilala niya ako as a son-in-law.
"Dapat engrande ang kasal," pahayag ni Tita Carol. "May kakilala akong bridal designer sa Sunrise and she's really terrific."
"Mare, kelangan siguro nating i-settle muna ang dates." Tinapik siya sa kamay ni Mama Zennia. "Hindi naman tayo nagmamdali."
"Asus, bakit papatagalin pa natin, 'diba?" biro ni Tita Carol.
Napatingin si Mama sa akin at kumindat. s**t, hindi pa rin kami makakagalaw ni Kristine sa sarili naming kasal?
"Darling, third year college pa ang mga bata," sabat naman ni Tito Joel. "Dapat makapagtapos muna sila ng pag-aaral."
"Darling," singhap ni Tita, "sayang ang panahon."
"Mare, tama si Parng Joel." Sa uang pagkakataon ay narinig ko si Papa. "Dapat maging praktikal din tayo. Marami pang mangyayari at dapat hindi minanadali ang kasalan. Tutal kung sila ang magkakatulyan ay sila talaga kahit anumang balakid."
"Kaya nga dapat madaliin natin ang petsa," giit ni Tita Carol.
"Darling, hayaan natin ang mga bata kung gusto nila ang long engagement." Medyo may konting tigas na ang tinig ni Tito.
"Pero pano kung totopakin itong si Kristine?" Namilog ang mga mata niyang nakatingin sa asawa. "At pano kung bumalik si Kent?"
Fuck!
Natahimik kaming lahat sa bulas niya. Napalingon ako kay Mama at matamis na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin habang nakakunot-noo naman si Papa. Ibinaling ko ang atensyon kay Kristine na nakaupo at putlang-putla.
"Carol!" sigaw ni Tito at mariin na hinawakan ang braso ng asawa. "Pagkatapos na ng graduation sila magpapakasal. At silang dalawa ang magpaplano kung sino ang gusto nilang imbitahin at kung ano ang gusto nilang mangyari sa araw na 'yon."
Nanuyo ang lalamunan ko at dumarami ang pawis ko sa likod. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at nakikita ko ring na shocked ang mga magulang ko. Tumingin si Tito sa akin at napahinto ako sa paghinga.
He looked at me with great seriousness. "Hindi pwedeng i-live in ang anak ko, bawal din ang secret marriage at mas lalong hindi mo pwedeng buntisin si Kristine. Nagkakaintindihan ba tayo, Errol?"
Napalunok ako. "Ye-yes tito." I was actually thinking of those things. And now, I gave my word na walang bahid kong dadalhin si Kristine sa altar.
"Good." Biglang lumiwanag ang mukha ni Tito Joel habang inakbayan ang kaniyang asawa. "And babalik muna si Kristine sa bahay."
"Ho?" Napadilat si Kristine. "Papa..."
Nakita siguro ni Papa ang pagtutol sa hitsura ko kaya pinisil niya ang balikat ko. Tumikhim si Papa at nakangiting lumingon kay Kristine. "Mabuting sulitin mo muna ang pagkadalaga mo sa piling ng mga magulang mo, iha. Tutal kayo naman ni Errol ang magkakatuluyan at makukunsimisyon ka lang sa mukha ng asawa mo for the next one hundred years."
Tumango si Kristine at napangiti sa akin. I smiled back at her and mouthed, "I love you." Susuungin ko ang mga challenges para lang makuha ang forever sa piling ni Kristine.
Maraming bumati sa'min nang ipost namin sa Facegram ang engagement status namin ni Kristine. I received a call from Mitch congratulating me for my luck.
"Hayaan mo baka makakita ka rin ng para sa 'yo, Pare," nakangiting sabi ko.
"Ayoko munang mag relasyon," sabi niya. "I got Hepatitis B from s*x and I'm still waiting for the results if acute ba 'to or chronic na."
"What?" Medyo kinabahan ako para sa kaibigan kasi alam naming na baka magkasakit siya sa addiction niya sa s*x.
"I'm s-scared..." he stammered.
I could feel his fear through the phone. And I was f*****g sorry because I could nothing at all.
"So anong plano mo ngayon?" May bumara sa lalamunan ko at pilit kong lunukin.
"I'm planning to get a therapist," amin niya. His breath was shaky. "I-I c-can't fight my demons alone. I c-can't do this alone."
And Mitch cried and I was just standing at the other side of the line, listening to his gut-wrenching sobs.
"Hang on there, Pare." Hindi ko mapigilan ang sarili kong lumuha. Not again. Oh God, please not again.
"I'm sorry, Pare." His voice was heavy with emotions. It was as if all the regrets in his life blew its rage on him at the moment. "Please tell Kristine I'm very very sorry. Nagmamakaawa ako sa'yo."
"O-kay,"I rasped. Parang dinaganan ng isang gusali ang dibdib ko. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko kasi alam ko ang feeling niya. Gusto naming magbago pero bakit ang takaw ng kapalaran?
I wiped the tears from my eyes. "Ingatan mo sarili mo,Pare. Mahal ka namin."
"Love you too," sabi niya bago nagpaalam.
Life's full of surprises with lots of twists and turns. Siguro karma nga ang mga nangyayari sa amin. I didn't believe in superstitious bullshit pero parang totoo nga kung ibabase ang pattern sa pangyayari naming magkaibigan. Si John, si Paolo, ako, at ngayon si Mitch. Huwag naman sana si Erik. Siya ang pinakamatino sa aming lahat.
Tatawagan ko sana si Erik nang biglang nag ring ang phone ko, unregistered number.
"Hello?"
"Errol, nabalitaan ko ang tungkol sa engagement niyo ni Mars. Congrats!"
"Crunch?"
"Wala ng iba...anyway, ikaw ang sadya ko talaga," sabi niya pero hindi ko masyadong marinig kasi may ingay.
"Okay lang na tumawag ka sa akin mamaya kasi parang busy ka diyan," sabi ko.
Snip! Snip! Snip!
"It's okay, I'm just arranging some flowers para sa table ni Brody," sagot niya. "Anyway, I'm just calling to tell you na do not hurt Kristine kasi kapag ginawa mo 'yan...nakikita mo ba ang hawak ko, Errol?"
"Ah, Crunch? Nasa phone tayo..."
"Gunting ang hawak ko at ito ang mangyayari –" Snip! Snip! Snip! "sa precious jewels mo kapag sinaktan mo ang best friend ko."
"I won't hurt her Crunch..." I promised.
"I still remember what you did at the lake you know," bulong niya. "I would never forget that day, Errol..."
"Walang nakalimot sa atin Crunch," sagot ko. "Kasama ng mga kaibigan ko."
"What about those girls?" Her voice sounded curious.
Natameme ako. I never thought of them anymore – sina Angie at Nina. Nasaan na kaya sila ngayon? They were just another non-girlfriends who were willing to sleep with us kaya hindi ko inintindi ang mga damdamin nila after.
"I don't know Crunch," bulong ko. "Hindi na ako nakakuha ng balita sa kanila."
"Well I saw Nina here in Sunrise you know," balita niya, "at nag-usap kami ng masinsinan. Nagpapa counsel siya kasi na trauma talaga sa nangyari sa lawa. Muntik din dawng magpakamatay si Angie."
"What?" My eyes widened in surprise.
"Depression," sabi niya. "Kaya dinala ng parents sa States para doon na manirahan."
"Sorry..." Garalgal ang boses ko. This was too much. I just had an emotional conversation with Mitch at heto ako ngayon, tumatanggap na naman ng balitang nagdudulot ng sakit.
Tahimik muna kami ng ilang mga sandal bago bumalik ang sigla sa boses niya. "Anyway Errol, congrats ulit. At remember make up s*x is great."
Napasandal ako sa balkonahe ng aking pad at napatingin sa kawalan. Minumuni-muni ko ang mga pinag-uusapan nami ni Mitch at ni Apple. This was too much of a coincidence. It was like bad karma was chasing each and everyone who was involved at the lake incident.
I was bothered about if for a couple of days pero nawala rin nang wala na akong natanggap na masamang balita mula sa mga kaibigan ko. It was as if nothing happened at all. I was glad because I did not have any barriers to love Kristine widely and freely.
And days turned to many months in ecstasy until she told me that she would have her on-the-job-training at Velusca.
"Bakit kailangang sa Velusca ka pa mag OJT? Inis na tanong ko kay Kristine."Pwedeng dito lang naman diba?" Napasandal ako sa lababo sa kusina ng aking apartment. Bumisita siya sa'kin at sinabi ang desisyon niya. "In fact may mga rehabilitation centers naman tayo rito, 'diba?"
She sighed while mixing the soup on the stove. "Isa sa mga world renowned rehabilitation centers ang papasukan ko, Errol. Pinaghirapan kong pag-applyan 'yan and susulitin ko lahat ng opportunity lalo na't natanggap ako."
"Hindi kaya gusto mo nang mag back out sa kasal?" Gusto kong suntukin ang sarili ko sa biglang tanong. Why did I always resort to lashing words when hurting? This was not fair to her at all.
Namilog ang mga mata niya. "Errol, where's that coming from? We're not talking about wedding here, we're talking about once in a lifetime opportunity to grow within our fields. Pwede ka namang bumisita ron at uuwi naman ako rito pag kinakailangan."
"I'll be busy with my feasibility study Kristine," buntong hininga ko.
"Three months lang naman Errol." She took my hand and gently patted it. "I'll be back after."
Challenging na nga ang long engagement namin at I was tempted to take her on a secret wedding or ang buntisin siya pero nakapangako ako kay Tito Joel. At s**t, mawawala siya ng three months? Maraming pwedeng mangyari sa tatlong buwan.
'f**k you, Errol! Why were you being so pessimistic about this? Wala ka bang tiwala kay Kristine? O baka naman takot ka kasi nasa Velusca ang ex-boyfriend niya? Malaking bansa ang Velusca at maliit lang ang tsansa na magkita sila, 'diba?'
Thoughts of possibilities rushed through my mind but I was too scared to blurt them out. I was scared that Kristine would find my weakness too bothersome. Kaya kumuha na lang ako ng mansanas mula sa mesa at kinagat. "Mag-ingat ka roon. Tumawag ka sa'kin kung may gumago sa 'yo. Nandon din si Erik kaya pwede kang humingi ng tulong sa kaniya."
Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Salamat."
Kaya lumipas ang dalawa at kalahating buwang sa social media nalang kami nakikipag communicate. Feeling ko ang bagal ng mga araw at nababagot at kating-kati na talaga ako na makita siya in person. Pero I respected her decision at kailangang respetuhin ko rin ang sarili ko na bigyan ng tsansa ang relasyon namin kahit na long distant ito.
Busy rin naman ako sa feasibility study ko kaya medyo na minimize ang pagka-miss sa fiancé ko. Isang study hub malapit sa ParadU ang sinubukan ko at si Papa ang nag finance. Nakita kong nag click naman ito kaya na challenge akong bigyan rin ito ng tsansang lumago. Malay natin ito ang magiging kauna-unahang negosyo ko at kauna-unahang malaking responsibilidad na ipinagkatiwala sa akin.
"Uy ang ganda pala ng business mo, Errol." Nakangiti si Apple nang pumasok siya sa hub.
I haven't seen her for months kaya na sorpresa akong makita siya. "Salamat Crunch. Napadalaw ka yata."
"Andiyan si Brody sa shop bumibili ng accessories," paliwanag niya. May motor parts and accessories sa harapan ng study hub ko kaya hindi ako nagtaka sa balita niya. Patingin-tingin siya sa paligid at tumango. "Nabanggit kasi ni Mars sa akin na study hub ang FS mo. I-send mo 'yong link ng website mo para ma promote namin 'to sa Sunrise."
Malapad ang ngiti ko nang marinig ang business side. "Sure, no problem. May competition na naman ba kayong sasalihan?"
Umiling siya. "Pass muna kami since graduating tayo. Haha, sabihin na nating may superstitious ek-ek kaming sinunod."
Kumuha siya ng card mula sa breast pocket ng jacket niya at ibinigay sa akin. "I forgot to tell you na kung mag-aasawa kayo ni Mars mas mabuting malaman mo ang tungkol sa motor biking. Club iyan nila Brody."
"Hindi ka kasali?"
She wiggled her eyebrows. "I joined other clubs. Ayoko namang sa lahat ng bagay ay pareho kami ng gusto ni Brody. He still needs to be himself and I need to be myself. Gusto kong may sarili rin siyang circle of friends at iba naman sa akin. Para mas malaking circle of friends na tayong lahat."
Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kaniya ang mga katagang, "You seemed to be different from the girl that I knew since fifth grade."
Her grey eyes widened and she stared at me while processing the words I said. It was true. Ibang-iba na si Apple ngayon. Sa lahat ng mga na-bully ko noon, I think Apple turned out to be well.
But it didn't lessen my guilt towards her - towards them.
"I'm really sorry..." ito lang ang tanging nasambit ko. Alam ko rin na alam niya ang ibig kong sabihin.
"I am surprised of my changes as well." Her expression became soft and her eyeglasses shone from the light's reflection. "Well actually I changed since I met Brody. He's the one you know..."
"I understand what you feel." Tango ko. Iba talaga kung nakita mo na ang gusto mong makakasama habang-buhay. "'Yan din ang feelings ko para kay Kristine."
"And I got your mom's protection." She whistled. "So hindi na ako takot sayo."
Medyo natigilan ako sa confession niya pero hindi na nakapag react nang bumukas ang pinto sa entrance. Nakita naming pumasok si Brody at lumapit sa amin. Nagkabatian muna kami bago siya nagsalita ng, "Okay 'tong lugar mo, Errol."
"I told him." Apple's face glowed as she leaned on him.
"Wala pang ganitong style sa university namin sa Sunrise," sabi niya. "Just call me kung gusto mong mag open ng branch doon. I'm interested to venture with this type of hub with you."
Feeling ko talaga nasa ere na ako sa sinabi niya kaya napa shake hands ako sa kaniya. Nag-usap pa kami ng ibang bagay bago sila umalis. Tinawagan ko si Papa at ibinalita ang idea na magbukas ng isang branch sa Sunrise. Supportive naman talaga si Papa at nagbigay ng advice.
Excited din akong i-contact si Kristine para balitaan siya. Hindi ako makapaghintay kaya sinubukan kong tawagan siya pero out of reach. Pilit kong itago ang dismaya sa pagbabad sa trabaho. By the time I went home, I was excited when my phone rang. But I was more surprised when I saw Erik's name flashed on the screen.
"Pare kamusta?"
"I'm here at the hospital." May galak pa sa boses ni Erik. "Nadisgrasya ako."
Napalubog ako sa sofa nang marinig ang sinabi niya. Kumabog ang dibdib ko at tila hindi ako makahinga. Don't tell me...
"Don't worry, I'm really fine." May ngiti pa rin sa tono ng pananalita ni Erik.
"Anong nangyari?"
"Nabangga ko 'yong kotseng sinasakyan ko sa isang bakanteng waiting shed," balita niya. " I got ten stitches sa kaliwang kamay, Pare. Guess I'm lucky kasi right-handed si Mariang palad."
"Ulol, nakuha mo pang tumawa diyan," medyo galit kong sabi. "Hindi nauntog ang utak mo? Sayang naman ang pagka genius mo kung mauuntog lang 'yan."
"Hindi naman," sagot niya. "Medyo matatagalan ako rito sa hospital."
"Ha? Bakit raw?"
"Maganda 'yong nurse na naka-assign sa 'kin," biro niya.
"Huwag mo nga akong patawanin Erik," naiinis ko nang sagot. "Gusto mo bang tawagan ko si Tito?"
"s**t!" Biglang nag-iba ang timpla ng tono nito. "Please don't."
He and his father were not in good terms. Somehow nalaman kasi ni Tito 'yong mga nagawa ni Erik sa high school kaya disappointed masyado ang matanda at binigyan siya ng ultimatum. Si Tito rin ang nag desisyon na sa Velusca si Erik mag-aral ng college.
"Actually," singhap niya. "Nahagip rin ang ribs ko at thigh part. I might need a surgery on my hipbone."
"What?" bulas ko.
"Huwag ka ngang over acting sa reaction mo Errol," may ngiti pa rin sa tinig niya.
"Don't joke on me," sabi ko.
"Well, sa thigh part lang may fracture ng konti. I might need a rehab for a couple of months," paliwanag niya.
"Ano bang ginawa mo at nakuha mong banggain ang waiting shed?" Tumayo ako at binuksan ang ref at kumuha ng isang boteng beer. "Magaling ka namang driver, ah. Don't tell me inatake ka na naman ng anxiety?" Minsan kasi nagpa-panic attacks ito pero coincidence lang talaga na hindi habang nagmamaneho.
"Actually." Naging seryoso bigla ang tinig niys. "Ito talaga ang pakay ng tawag ko."
"May iba pa bang balita?"
"I was driving around the city when I saw Kristine," sabi niya. "Siguro dahil sa gulat ay nabunggo ko 'yong waiting shed."
"I told you before na diyan siya she's there on her on-the-job-training, right?" tanong ko. "I'm sorry kung hindi –"
"Pare, I saw her holding hands with Walking Stick."