Chapter 3: Fishball

882 Words
Francis SA mga nagtataka paano kami naging magbestfriend ni Drake? Isang straight na lalaki at isang malambot pa sa cotton candy na kulay pink na bakla. It was started with a Fishball. Grade Three. Malinaw na malinaw sa ala-ala ko. Recess noon nang lumabas kami para bumili ng fishball at itong bagong salta na si Drake na nasa higher section dahil sa isang sundalo ang Daddy at may kapit sa Principal kaya napunta sa Section One, samantala ako na kahit anong pag-aaral ang gawin ko, di ko maabot ang section one kasi kung hindi ka super talino, kailangan super yaman ka. Iyong tipong kaya ng pamilya mo na magpatayo ng rebulto o hindi kaya Gymnasium na kung saan ginawa nga nang pamilya ni Drake. Anyway, lunch break nga at nakita ko siyang lumabas though hesitate siya na bumili ng pagkain sa labas. Alam ko na ang mga katulad niyang rich kids ay binabaunan ng mga magulang nila sa lunch box nila, kaso marahil nahihiya itong si Drake na ilabas iyon baka asarin siya ng mga kaklase niya. Karamihan kasi sa mga bully ay nasa higher section. Iyong tipong grade school ka palang pero may mga gang-gang na? Nakakaloka diba? Pumila siya sa may nagtitinda ng fishball, he even asked me kung safe bang kumain ng tinda ni Manong Celso. Pangalan ng tindero ng Fishball, kwek kwek, tokneneng at kikiam at madami pang iba. "Mukhang wala naman akong mararamdaman, so i think it is safe. Bakit?" tanong ko sa kaniya, kaso mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya umatras siya at nasagi niya si Lance at natapon sa uniform niya ang sauce ng fishball nagalit ito at sa sobrang inis binuhos niya sa ulo ni Drake ang sauce ng kaklase niya at nagsimula nang umiyak si Drake nilapitan ko si Lance at sinipa ko sa bayag. Naimpit siya sa sakit at nag-iiyak, hinila ko palayo si Drake sa kanila at dinala ko sa may banyo pinahiram ko ang P.E. uniform ko sa kaniya tapos niyakap niya ako nang mahigpit. Mula noon, hindi na kami nagkahiwalay pa ni Drake. He even insisted his parents na sa same school kami mag-aral ng high school at noong una pinagtalunan pa nila ito kasi gusto nila na sa States mag-aral ng highschool si Drake kaso ayaw naman ni Drake hanggang sa nagsawa na siguro ang Daddy niya at pinayagan na siya in one condition, kailangan niya raw na umiwas sa akin. Ano, may nakakahawang sakit ba ako? "Hindi ko gets ang Daddy mo Drake, bakit ang laki ng galit niya sa mga Bakla? May nangyari ba sa kaniya noong kabataan niya na magpahanggang ngayon ay dala-dala niya?" Tanong ko kay Drake habang kumakain kami ng Adobo na luto ni Mama. Open si Drake sa bahay, parang pangalawang anak na nga ni Mama si Drake. May mga panahon nga na kapag maga-out of the country ang mga magulang niya at ayaw sumama ni Drake dito siya sa bahay makititira kaysa sa mga kamag-anak niya sa maynila na hindi naman niya kilala. "Hindi ko alam. Alam mo naman na hindi kami close ng Daddy." walang ganang sagot niya. "Okay, change topic na." Sabi ko sa kaniya. Ayaw na ayaw ko kasi na nakikitang malungkot siya. Ewan ko, siguro kaya kami pinagtagpo sa isa't isa kasi pareho naming kailangan ang bawat isa. "Masarap ba ang Luto ni Mama?" "The best!" sagot niya. "Bolero! Anyway, kamusta naman kayo ni Sasha?" "Ewan ko doon! Nagseselos siya sa iyo, kasi raw palagi raw tayong magkasama hindi ba niya maintindihan na bago siya dumating sa buhay ko, nauna ka na?" Kung hindi lang talaga kami magkaibigan, siguro nahulog na ako sa kaniya. Kaso hindi e. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko papatulan si Drake kahit ano pang mangyari. "Para kang gago, pinatulan mo naman ang pagka-eng eng noon? Well, tama ka naman." "Wait, Francis! Hmmm, do me a favor please!" hinawakan pa niya ang kamay ko at nainterrupt tuloy ako sa pagkain ng minutong iyon. "What?" tanong ko. "What if, kaibiganin mo si Sasha para hindi na siya magselos sa iyo?" umirap ang mga mata ko. Sa isip ko, jusko hindi ko nga siya gusto para sa iyo. Mas okay pa si Kate iyong ex niya na iniyakan niya kasi lumipad na pa San Francisco balak nga sana niyang sundan iyong babae kaso pinigilan ko lang at kung ano anong pagkukumbinsi ang ginawa ko para lang di siya sumunod doon sa ex niya. "Ah? Hindi ko maintindihan." sabi ko kunwari di ko nagets. "Parang ayaw mo naman ata e." sumimangot siya ng oras na iyon habang sinusubo niya ang Adobo na may kanin sa kutsara. Napabuntong hininga ako ng malalim. Saka tumingin sa kaniyang mga mata. Siguro gusto talaga niya na matigil na ang paghihinala ni Sasha sa aming dalawa. "Fine. Basta pumayag ka na maging escort ko sa Gay Pageant next week." "Next week na ba iyon?" "Opo Mister Sullivan!" Pagpapaalala ko sa kaniya. "E, alam mo naman na ayaw ni Daddy na pumupunta ako sa ganoon diba?" "Edi, no Sasha and friends." sabi ko sabay irap. Huminga siya nang malalim saka muling sumagot. "Fine." he said while rolling his eyes saka ako tumawa at hinampas siya sa braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD