Drake
ALAM naman ni Francis na ayaw na ayaw ni Daddy na nakikita ako na pumupunta sa mga ganitong lugar. Though, iniisip ko na wala namang masama na manood at makisaya sa kanila. At higit sa lahat, wala naman silang masamang ginagawa.
Mabuti nalang at tumapat ang birthday ng katrabaho ni Daddy na taga Maynila at kailangan nilang pumunta doon.
"Are you sure na ayaw mong sumama sa amin? Pwede tayong dumiretso kanila Paul if you want." Paul was my closest cousin among of my cousins sa side ni Mommy.
Umiling ako. As much as gusto ko rin na makabonding si Paul kasi matagal tagal na rin noong huling beses ko siyang nakita at nakasama na maglaro ng basketball. He's the one who taught me and look at me now, I'm the Team Captain sa aming school. So i owe alot from him. Kaso, nakapangako na rin ako kay Francis at mamayang gabi na iyon.
"Yes, Mom. Wala ako sa mood." sagot ko habang yakap yakap ko ang isang throw pillow habang nanonood ng anime sa sala.
"Just promise na wala kang gagawing stupid things while we were out of the city huh." paalala pa ni Mommy sa akin. Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit habang nakatingin ng masama si Daddy sa akin at doon nalang ako kumalas ng yakap kay Mommy.
"Marie we need to hurry, baka matraffic pa tayo sa daan." Walang ganang sabi ni Daddy saka na siya naunang lumabas at dumiretso sa loob ng kotse.
"Hays, anyway i heard na ngayon gabi iyong contest na sasalihan ni Francis hindi ba, iyong pageant?"
"Po?" biglang tumaas ang balahibo ko. How did she know?
"Nagsolicit kasi iyong taga barangay yesterday mabuti na nga lang hindi si Daddy mo ang nakaharap nila at sinabi nila na kasali nga raw si Francis." Hindi ako nakasagot sa kaniya. Mabuti nalang sinave ako ng driver namin.
"Ma'am, kailangan na raw po nating umalis po." Napailing nalang si Mommy and then he kissed my left cheek as she said goodbye to me.
Doon lang ako nakahinga ng umalis na si Mommy. Tinignan ko pa sila sa may bintana just to make sure na tuluyan na silang nakaalis ng bahay at wala na nga sila. After that biglang tumunog ang phone ko and it was Francis.
"Hoy, mabuti naman at sinagot mo na. Hwag mo lang talaga akong indianin mamaya kundi sasamain ka sa akin Drake." Ramdam ko ang pananakot niya sa akin ng oras na iyon.
"Tss. Kung alam mo lang ang nangyari sa akin kanina."
"What happened?" ramdam mo sa boses niya ang pag-aalala.
"Akala ko mahuhuli na ako ni Mommy. s**t kasi, nagsolicit pala sila dito sa bahay kahapon mabuti na nga lang si Mommy ang nakaharap nila kundi." nasapo ko ang noo ko ng minutong iyon.
"Nakakaloka, so ano? G ka ba mamayang gabi?"
"I won't let you down, Francis. Just make sure na manalo ka diyan or else..."
"Else what?"
"Tss. Nevermind magpaganda ka ah?"
"Hoy Mister Sullivan, maganda na po ako dati pa." saka ko na binaba ang tawag niya sa akin.
Tama nga naman siya sa sinabi niya. Si Francis iyong tipo na bagay maging Lalaki at the same time babae rin. Gwapo si Francis, sabi niya nakuha raw niya iyon sa kaniyang yumaong Ama at maganda naman rin siya sabi naman niya nakuha naman niya ang ganda at talino niya sa kaniyang Ina which is tama naman din. Maganda si Tita Dolor noong kabataan niya.
After few minutes muling tumunog ang phone ko akala ko si Francis iyong tumatawag di ko napansin na si Sasha pala.
"Ang kulit, oo na nga pupunta ako sa pageant mo mamaya okay?"
Then i heard her voice.
"Babe? Sinong kausap mo?"
Tinignan ko ang phone ko at si Sasha pala ang tumawag. Lagot!
"Yes, Babe?"
"Saang pageant ka pupunta?"
Napakamot ako ng batok ko. Lagot ako nito. Hindi pa pala ako nakakapagpaalam sa kaniya.
"Uhm, doon sa Sta Cruz." sabi ko.
"Yuck! Doon sa cheap na Gay Pageant?" nandidiring reaksyon niya sa sinabi ko. Anong nakakadiri doon?
"Babe, kasali kasi si Francis doon." i told her.
"So, siya na naman? Hindi ba napag-usapan na natin ito? Iwas iwasan mo na iyang baklang iyan?"
"Babe, seryoso ka? He's my best friend!" Talagang inemphasized ko pa iyong salitang best friend.
"And I'm your girl right?" hindi na ako nakakibo.
"Babe naman, don't make this hard for me, okay?"
"No, Drake. You can now choose between the two of us. It's your choice, Drake."
"Sash." sumasakit na ang ulo ko. Bakit ba ang hirap ng pinapagawa niya?
"Tawagan mo nalang ako kapag nakapagdecide ka na, okay." Then she drop her call.
Now, I'm torn between the two of them. Help me Lord!