Chapter 2: Adobo

908 Words
Drake PINANGAKO ni Francis na hindi malalaman nila Mommy na suspended ako kundi babawasan na naman nila ang allowance ko, or worst baka pati ang kotse kunin na nila sa akin. Hindi pa naman ako marunong magcommute. Hindi ko rin kasi maintindihan si Francis bakit humaling na humaling siya kay Zach gayong kahit anong gawin naman niyang pagpapapansin doon sa tao ay wala namang epekto ito. Alam ko na grade six palang crush na ni Francis si Zach. Noong graduation kasi iyak nang iyak raw ai Francis kasi nawawala iyong Valedictorian Speech na ginawa niya e nakasave raw iyon sa computer sa bahay nila kaya kinailangan kong bumalik sa bahay nila para magprint ng kopya. Tapos lumapit raw sa kaniya si Zach at tinanong siya kung bakit raw siya naiyak. At ayun, sinabi na nga niya ang problema niya tinawanan lang siya ni Zach na kinataka ni Francis. Sabi naman ni Zach hindi raw niya minimean iyong tawa niya, gusto niya lang raw ito mapasaya. Pero deep inside kilig na kilig ang gago. Paano ba naman, makausap mo lang ang ultimate crush mo okay na. Tapos, dumating ako hinila ko na siya kasi hinahanap na siya sa stage at ayun inabot ko sa kaniya iyong kopya ng speech niya tapos niyakap niya ako ng mahigpit, akala ko naman thankful siya sa ginawa ko, hindi pala. Kilig na kilig si gago kasi nakausap raw niya si Zach. Napakalandi talaga! Umaalingasaw ang masarap na amoy sa buong bahay. Alam na alam mo kung anong nakahandang ulam ng hapon na iyon, Adobo. Alam na alam talaga ni Mommy ang paborito ko. Comfort food ko talaga ang adobo, sa twing malungkot at may problema akong nararamdaman kakain lang ako ng adobo kahit anong luto pa iyan, mag iiba na ang mood ko. Pagpasok ko sa Dinning room ay nakahain na nga ang mga pagkain. Niyaya na ako ni Mommy na kumain habang si Daddy nakaupo na sa may pwesto niya at tila hindi maganda ang mood. Paupo palang ako nang bigla niyang binagsak ang dyaryong binabasa niya ng oras na iyon at napatalon ang puso ko sa gulat. "Juan, naman!" sabi ni Mommy na tila binabalaan si Daddy. "Kailan ka ba magtitino ah? Grade Nine ka na pero ugali mo pang grade six parin! Sa tingin mo talaga hindi makakarating sa akin ang balita ah? Bakit mo ginawa iyon, ah? Nanakit ka nang kapwa mo para ano? Para lang iligtas sa kahihiyan ng kaibigan mong bakla?!" "Dad, may pangalan po ang baklang sinasabi niyo at siya si Francis at hindi lang siya basta bakla! Bestfriend ko siya, Dad!" sagot ko sa kaniya. Biglang tumayo si Daddy at akmang hahampasin ako ng newspaper nang humarang si Momny. "Juan, calm down please! Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa iyo na good influence si Francis kay Drake." "He's still gay, and you don't get that Marie. Ano nalang ang iisipin ng mga team members niya, na may kaibigan siyang bading?" Muli akong sumagot. "Walang problema sa akin. I don't consider him as a problem Dad. If mayroon kang problema sa kaniya, ako ang kausapin mo. Goodnight po, have a nice dinner." Nawalan na ako nang ganang kumain ng oras na iyon kahit na takam na takam na ako sa luto ni Mommy pinigilan ko at dumiretso ako sa handanan. Habang paakyat narinig ko pa ang mga sinabi ni Daddy na kukunin na niya sa akin ang Kotse at babawasan ang allowance ko napailing nalang ako at pabagsak kong sinarado ang pintuan ng kwarto ko. Binagsak ko ang pagod kong katawan sa kama ko at tumingil sa ceiling. Inisip ko na bakit hindi fair ang mundo sa nga katulad ni Francis. Para sa akin wala namang problema sa kanila. Iniexpress lang naman nila nararamdaman nila. Pero, hindi ko magets na sa panahon ngayon marami paring homophobic na katulad nalang ng Daddy ko. I pick up my phone sa bulsa ng pantalon ko and i dialed his number. After few seconds, ay sinagot niya ang tawag ko. I sighed when i heard his voice. "Ang lalim noon, ah? Hulaan ko, nagtalo na naman kayo ng Daddy mo at ako na naman ang issue, tama ba?" Kilalang-kilala na talaga ako ni Francis. Isa rin iyan sa pinasasalamat ko na kahit buntong hininga ko palang alam na niya na may kakaiba akong nararamdaman. "I don't get his point. Francis, 2021 na and still sarado parin ang utak ni Daddy sa mga ganitong bagay." inis na sabi ko sa kaniya. "Drake, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na intindihin mo nalang ang Daddy mo, syempre nasa military siya at mga brusko at lalaking-lalaki ang mga kasama niya doon. Tapos nag-iisang anak ka pa, tapos lalaki pa, nagwoworry lang iyon na baka mahaluan ka ng dugong bughaw namin mga barbie." napangisi ako sa paliwanag ni Francis. Hindi ako makapaniwala na napakalawak ng pag-unawa niya sa lahat ng klase ng tao. Sana ganoon din si Daddy, kaso mukhang matagal pang mangyari o imposibleng mangyari iyon. "Ewan ko sa iyo. Hmmm, anong ulam niyo?" binago ko ang usapan kasi hindi ko na gusto na pag-usapan pa namin siya. "Pota ka, naamoy mo siguro na adobo no?" "Pwede makikain?" "Ano pa nga ba?" Dali-dali akong nagpalit ng damit at lumabas sa bintana saka tumalon at tumakbo palayo sa bahay. I'm sure, hindi naman nila ako hahanapin, wala naman silang pakialam sa akin e. Besides, adobo is life!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD