Chapter 5: Big Night

688 Words
Francis "Girl, darating pa ba si Papa Drake?" tanong ni Megan sa akin habang inaayos niya ang costume ko para sa introduction. 15mins nalang at magsisimula na ang contest. Nakaset na rin naman ang lahat sa akin. Mula sa Swimsuit, Evening Gown, at maging ang utak ko nakahanda na sa possible Question mamaya kaso wala pa ang Escort ko. Wala pa si Drake. "Bakla, kilala ko iyon si Drake hindi niya ako kayang indianin. Besides, napag usapan na namin na kung di siya sisipot hindi ko kakaibiganin si Jolibee." Sagot ko sa kaniya. "Girl, hwag ka nang sumimangot baka mahulas ang make up mo." Sabi naman ni Trina. Thankful ako sa kanila na naglaan talaga sila ng oras at effort para tulungan ako sa contest na ito. Kung hindi rin naman dahil sa kanila di ako makakasali. Though, ayaw ko sanang sumali kaso sinabi ni Megan na sayang ang Ten Thousand pesos na premyo. Girl, 10k na iyon aarte pa ba ako? Akala mo naman talaga may laban ako e ano? Though, di ko naman first time na sumali sa ganitong klaseng Contest ay matagal na rin kasi iyong huling beses na sumali ako. Dumaan sa harapan namin si Nicole. Or should i say si Nikolas. Ang inggiterang kalaban ko sa ten twenty, sa luksong baka, Five tens, Pogs, at Dance showdown maging sa Beauty Contest. Kalaban ko na siguro habang buhay! "Oh girl, i heard na wala pa ang Escort mo? Paano ka niyang rarampa?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Girl, hindi naman ikababawas ng score ko ang di pagdating ng escort ko. Bakit, kinakabahan ka ba na uuwi kang Lotlot de Leon?" Lotlot De Leon means talo. "Che!" Nalang ang nasagot niya sa akin saka na niya ako tinalikuran. "Girl, si Zach ba iyon?" Turo ni Trina na nakabantay sa likod ng stage. Nagsisimula na kasing dumami ang tao sa paligid ng Covered Court ng Brgy. Sta Cruz at nasipat nga ni Trina ang gwapong gwapong mukha ni Zach. Napatingin si Megan sa akin. "Girl, naisip mo ba ang naiisip ko?" sabi niya at kinabahan ako. "No way! No! Hindi ako makakapagfocus, pota ka!" sabi ko kay Megan. "Kaysa naman na magmukha kang tanga na maglakad mag-isa? Ako nang kakausap sa kaniya, dont worry kaya ko na ito." sabi ni Megan. Magkaklase kasi silang dalawa ni Zach at knowing na may posisyon si Megan bilang student council, ewan ko kung anong tumatakbo sa isipan niya. Bahala siya! Tinitext ko parin si Drake. To Drake: Kung iindianin mo ako, atleast man lang magsabi ka nang di ako aasa. ? Tapos bumalik si Megan. "Okay na, may Escort ka na." sabi niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. "What?" "Girl, hwag oa okay? Pumayag na siya." dagdag pa niya. "How?" i still can't believe na ganoon lang kadali napapayag ni Megan si Zach na maging Escort ko at isa pa hindi ba galit siya sa amin dahil doon sa nangyari noong nakaraan? "Hwag nang maarte, go na. Nalipatan mo na." Sabi pa ni Trina habang palapit na nga si Zach sa akin. "Uhm, sorry kung inistorbo ka ng mga friends ko. Hindi kasi ata darating iyong nakuha kong Escort." nahihiya kong sabi sa kaniya. Ni hindi ko siya matignan sa mga mata dahil sa sobrang hiya. "Si Drake ba?" Biglang sabi niya. Napakagat ako ng labi at hindi kaagad nakasagot sa tinanong niya. "So, si Drake nga. Anyway, ang ganda mo tonight, mukha kang babae." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya sa akin. "A-ah?" nauutal na sabi ko habang dahan-dahan akong tumingin sa kaniyang gwapong mukha. "Ang sabi ko, kung tunay ka lang na babae niligawan na kita." bulong pa niya sa tenga ko. Halos hindi ako makahinga sa narinig ko mula sa kaniya. Bumilis ng triple ang t***k ng puso ko, at halos manghina nag tuhod ko. Totoo ba ito o panaginip lang? "Okay, see you later." sabi ko nalang. Then he kissed my right cheek bago siya umalis nang tuluyan and i was like, am i real? Is this real? If I'm dreaming, please don't wake me up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD