Drake
From Francis:
Kung iindianin mo ako, atleast man lang magsabi ka nang di ako aasa. ?
"Babe, matagal ka pa ba? Baka wala na tayong abutan doon." Sabi ko kay Sasha habang inaantay siyang matapos magbihis ng oras na iyon.
Nakapag-usap na kami ng maayos at pumayag naman siya na maging Escort ako ni Francis sa Contest kung yun ay iiwasan ko na raw si Francis after ng contest. Masakit man sa para sa akin ang desisyon ko marahil naiintindihan naman ako ni Francis kapag pinaliwanag ko ito sa kaniya ng maayos.
"Kating-kati? Eto na." may inis pa sa tono ng boses niya. Saka na siya lumabas sa loob ng kwarto niya at inisip ko na. Sa loob ng halos isang oras ito lang pala ang suot niya? Akala ko nag gown siya or what, short na rip jeans at crop top na printed shirt at isang brown na sling bag ang suot niya inabot ng isang oras? Hindi ko talaga gets ang mga babae.
"Baket?" taas kilay niyang sabi sa akin. Ngumiti nalang ako at saka siya inakbayan at sabay na kaming bumaba mula sa kwarto niya. Mabuti at pinahiram kami ng kotse ng Kuya niya at dumiretso na kami sa venue ng contest.
Pagdating namin doon ay marami nang tao at Swimsuit Competition na, alam ko susunod noon ay Long Gown which is doon na ako lalabas para alalayan si Francis at laking gulat ko nang tinawag na ang pangalan niya at lumabas na siya mula sa backstage para sa Swimsuit. Aakalain mong parang babae talaga ang rumarampa sa stage.
"Si Francis iyan?" pagtataka pa ni Sasha kaso di ko narinig ang sinasabi niya dahil nakatutok ako kay Francis.
Shet!
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Nag-iinit ang katawan ko at tila unti-unting nabubuhay si Junior? Don't tell me, tinitigasan ako kay Francis? Tinakpan ko ng Sling Bag ni Sasha ang harapan ko.
"Babe, tara na sa Backstage baka inaantay ka na nila?" sabi ni Sasha saka niya ako hinila papunta doon sa backstage nang makasalubong namin si Trina.
"Oh, Trina saan ka pupunta?"
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.
"Oh, dumating ka? Uhm, di ka na namin kailangan." walang ganang sabi niya sa akin. Naguluhan ako sa sinabi ni Trina na inaantay na bumaba si Francis mula sa Stage nang bumaba na siya ay nagtama ang aming mga mata. Hindi ako makapaniwala na si Francis nga ang nasa harap ko, parang ibang babae ang tingin ko sa kaniya.
Nagulat din siya nang makita niya ako.
Hinila siya ni Trina.
"Girl, 5mins lang kailangan mo nang magpalit ng gown aayusan pa kita." sabi ni Trina na halatang aligaga.
"Francis…" tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita tapos biglang lumapit sa kaniya si Zach at inabutan siya ng bottled water.
"Oh, pare nandito ka pala." sabi niya sa akin. Hindi maintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako na ewan.
"Sana sinabi mo nalang na nakahanap ka na pala ng iba nang hindi ako nagmumukhang tanga!" galit na sabi ko saka ako nagwalk out. Sumunod naman si Sasha sa akin at nagtatanong kung bakit ako nagwalk out.
"Babe, ihahatid na kita pauwi." kalmadong sabi ko sa kaniya.
"Sinasabi ko na nga ba. See? He's just using you. Argh!" galit na sabi ni Sasha saka ako napailing at pumasok na sa loob ng kotse.
…
Nagchat si Francis sa akin. Ewan ko, ala una nang madaling araw at hindi parin ako kinakapitan nang antok. Napahawak nga ako sa Cellphone ko nang mapansin kong umilaw ito at nagchat nga si Francis ng oras na iyon.
Francis:
Hey Aso! Nanalo ako!
Drake:
Then, Congrats!
Francis:
Welcome.
Drake:
Ayun lang ba?
Francis:
Gusto ko lang naman sabihin sa iyo na nanalo ako, ayun lang.
Drake:
Nagcongratulate na ako, ano pang gusto mong sabihin ko?
Francis:
Bakit ang init ng ulo mo?
Drake:
Seriously, ganyan ka na ka dumb para hindi mo maramdaman?
Francis:
Drake, hindi ako si Madame Auring para hulaan kung anong nararamdaman mo, okay?
Drake:
Akala ko kasi kaibigan kita.
Akala ko gets mo na.
Francis:
Ah, tungkol ba ito sa Escort thing?
Oh, bakit parang kasalanan ko? Nagreply ka ba? Inisip ko kasi na hindi ka na darating, mabuti nalang nandiyan si Zach and he saved me. Thanks to him.
Drake:
Yeah, Your Baby Zach! Thanks to him!
Pero, dumating ako. Late man, dumating parin ako. I still didn't forget my promise to you, Francis.
Francis:
Pwedeng bukas na natin ito pag-usapan? I'm tired and maybe you are too.
Drake:
No, wala na tayong dapat pag-usapan.
We're done.
Francis:
What?
Blocked
Tapos hinagis ko ang cellphone ko at tinamaan nito ang salamin malapit sa Study table ko. Dumapa ako sa kama at tinabunan ko nang unan ang masakit kong ulo hanggang sa nakatulog na ako.