Ep. 8 Janaeya POV

1209 Words
Nagpatianod ako kay Dm ng hilahin na ako nito palabas ng silid. Dinala ako nito sa underground ng mansion niya kung saan nagkalat ang tao niyang kasalukuyang nag ti-training sa iba't ibang anggulo ng pakikipag laban! Palinga linga ako at namamanghang nililibot ang paningin sa kabuoan ng lugar. May mga nag aaral kung paano mag asinta at ikabisa ang iba't ibang uri ng baril! Marami rin ang nasa loob ng cage na kasalukuyang nakikipag laban sa iba ibang larangan ng martial arts! Nagniningning ang mga mata ko habang pinapanood ang mga kababaihang napaka liksi habang nakikipag laban ng martial arts. Basang basa na sila ng pawis at may mga bahid na nang dugo ang mga mukha pero patuloy pa rin sila sa pag training! Marunong kang mag self defense baby? Napatingala ako kay Dm na ngayo'y nakikinood na rin sa pinapanood ko. H'wag mo nga silang tignan! Huh? Inirapan ko ito at hinila na sa ibang direks'yon. Ayaw mo ba'ng tumingin ako sa ibang babae? Panunukso pa nito na ikina ikot ng mga mata ko. Tsk alam na nga eh itatanong pa! Bubulong bulong ko habang napapangusong nakasunod dito. Mahina itong natawa at hinapit ako sa baywang. Lihim akong napangiti at napalitan ng kilig ang inis ko dito. Ano ba lubayan mo nga ako! Mahinang singhal ko. Tss ang selosa naman ng baby ko. Lambing nito. Dm!! Napatili ako ng walang pasabing binuhat ako nito at ipinaupo sa kanyang batok! Nagpakurap kurap ako sa bilis ng kilos nitong na iangat ako na parang isa lang paslit sa kanya. Nanginig ang kalamnan ko at para akong nahihilo nang maglakad na ito. Napakapit akong parang paslit sa kanyang ulo habang binabagtas ang hallway papasok sa training center. Si Dm mismo ang tumutok sa training ko ko at una nitong tinuro ang pagdepensa sa sarili. Sobrang hirap at sakit ng katawan ang inabot ko sa unang araw ng ensayo pero dahil desidido akong matuto nagpatuloy ako! Sa loob ng dalawang linggong araw-araw kong pag eensayo sa larangan ng martial arts ay napapasabak na akong makipag laban sa mga babaeng tauhan nito! Tuwang-tuwa si Dm na makitang mabilis lang akong natuto kaya't sinunod nitong itinuro sa akin ang paghawak ng baril! Noong una'y talagang nanginginig ang mga kamay ko sa paghawak pa lang ng mga 'yon hanggang sa nakasanayan ko na! Si Dm mismo ang nagturo sa'kin kung paano umasinta ng target at una kong pinagpraktisan barilin sa ulo ay ang mga alaga nitong inahing manok na nagkalat sa poultry farm! Sobrang hirap asintahin ang mga ito mapa pistol o with sniper pa ang gamit ko dahil maliliksing gumalaw ang mga ito! 'Di ko namalayan ang paglipas ng araw hanggang buwan at ngayo'y isang taon na pala ako sa pamamahala ni Dm! Naging mas malapit na rin kami sa isa't isa at ngayo'y hindi lang ako ang nakakakita ng tunay na kabutihan ng kanyang puso kundi maging sina Sarah Alona at Jane! Kasakasama ko na sila sa pagtatanggol kay Dm sa mga tauhan nitong kung maka kutya'y akala mo naman kaguwapuhan! Pero kahit naging mabait na sa aming apat si Dm nanatili itong mabagsik na mafia boss sa lahat! Patuloy pa rin ito sa trabahong 'yon at hindi ko naman siya mapilit na lisanin na lang ang magiging mafia at magsimula ng tahimik na buhay! Madalas din napapalaban ang mga ito at di maiwasang malagasan ng mga tauhan! Pinagpapasalamat ko na lang na magaling ito sa larangan ng pakikipag laban dahil ni minsa'y hindi ito nagagalusan sa bawat operasyon ng kanilang grupo! Hanggang sa dumating ang araw na kinakatakutan ko! Kasalukuyan kaming naglalampungan ni Dm dito sa silid habang nanonood ng tv ng biglang may sumabog sa labas ng mansion! Napatayo kami sa gulat at tinakbo ang veranda! Nagkakagulo na sa baba sa kaliwa't kanang pagpapasabog na nagmumula sa labas ng gate! Sinugod kami ng isa sa malalaking mafia na kalaban ng grupo ni Dm! Bigboss!! Bigboss!! Malakas na kalampag ni Kuya Bolton sa labas ng pinto. Kaagad kaming lumapit at pinagbuksan ito! Bigboss tumakas na kayo! Masyadong malakas ang pwersa ng kalaban at paniguradong kayo ang target na itumba!! Tumakas na kayo ni señorita ako ng bahalang humarap sa kanila!! Nanigas ako sa mga narinig at napakapit kay Dm. Hindi Bolton, ikaw ang tumakas. Itakas mo si Janaeya at ako ng bahalang humarap sa kanila. Kalmado pero may kadiinang utos nito. Hindi ayo'ko!! Umiling iling ako at napaluha sa sinaad nito. Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa akin. Pilit itong ngumiti at hinaplos ako sa pisngi! I'll be back baby, i promise. Ayo'ko!! Pasigaw kong asik dito! Bring her out of here Bolton i trust you. Anito sa kaharap at tumalikod na sa'min. Tumakbo ako at niyakap ito mula sa likuran. Ayo'ko!! Ayo'kong umalis sumama kana lang kasi baby hindi ko kaya! Humahagulhol kong pakiusap. Pumihit ito muling ikinulong ang mukha ko sa dalawang palad nito. I won't die baby, i promise. Dadalhin kana ni Bolton sa pamilya mo. But in your 20th birthday i promise you I'll be there to greet and claim you as my girlfriend. Hmm. Anito at madiing humalik sa noo ko bago sa labi. I love you so much Janaeya.... H'wag kang matakot, hindi ka pababayaan ni Bolton. Ngumiti ito at sinenyasan na si Kuya Bolton na umakay sa akin. Dm... Ngumiti itong tumitig sa akin at tumango na nagpapahiwatig umalis na ako. Hihintayin kita.... Darating ako baby. Darating ako. Tumalikod na ito at hinila naman na ako ni Kuya Bolton paakyat sa rooftop. Mabilis naming nilisan ang mansion ni Dm at si Kuya Bolton na rin ang naging piloto ng chopper na sinakyan namin. Umiiyak ako habang nakatanaw sa malawak na field at mansion ni Dm na ngayo'y kaliwa't kanan ang pagsabog at pagdaing ng mga napupuruhan! Nakabibinging palitan ng putok ng baril at mga pagsabog ang naghaharing ingay sa lugar. Hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo at ngayo'y palapag na kami sa rooftop ng aming mansion. Babalikan ko siya señorita... H'wag ka nang umiyak, naghihintay na ang pamilya mo sa baba. Magalang nitong saad habang inaalaayan akong bumaba ng chopper. Patuloy pa rin sa pagragasa ang mga luha ko at pakiramdam ko'y hindi ko na siya muling makikita pa. Kuya please.... Walang mangyayari kay Bigboss señorita h'wag ka ng mag alala. Hindi ko siya pababayaan kahit sarili kong buhay ay handa kong ialay para sa kaligtasan ni Bigboss... Napayakap ako dito at nakaramdam ng ginhawa. Alam ko namang si Kuya Bolton ang kanang kamay ni Dm pero 'di ko lubos akalaing ganito siya katapat sa amo. Sa lahat ng tauhan ni Dm si Kuya Bolton lang ang bukod tanging hindi ko narinig na nandidiri at pinagtatawanan ang itsura nito. Kaya't kampante akong hindi nito pababayaan ang amo. Salamat Kuya pakisabing hihintayin ko siya... Isang ngiti at pagtango lang ang isinagot nito at muli ng sumakay sa chopper pabalik sa mansion ng mga Madrigal na ngayo'y kasalukuyan ng sinusugod! Mapait akong napangiti habang nakatingala sa chopper na papalayo na sa kinatatayuan ko. Dm... Maghihintay ako baby... Napapihit ako sa likuran ng marinig ang dalawang boses na isang taon ko din hindi narinig. Janaeya hija?.... Lalo akong napaluha ng mabungaran sina Mommy at Daddy na ngayo'y umiiyak habang dahan-dahang naglalakad palapit sa'kin. Mom Dad....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD