Ep. 7 Janaeya POV

929 Words
Naniningkit ang mga mata ko habang palapit sa kusina kung saan kasalukuyang naglilinis sina Jane. Sumandal ako sa pintuan at nakinig sa pinag uusapan nila habang naglilinis. Paano kaya naatim ni ma'am Janaeya kayakap si Bigboss noh? Ani Alona. Pera pera lang 'yan marahil pikit mata na lang si ma'am sa bawat haplos ni Bigboss sa katawan niya! Sagot ni Jane sabay hagikhik nilang tatlo. Napakuyom ako ng kamao at mariing napapikit para 'di ko sila maingudngod sa sahig! Pera nga ba? Mukha kasing anak ng mayaman si ma'am Janaeya eh. Tingin ko natatakot lang 'yun sa kapangitan ni Bigboss! Saad ni Sarah sabay hagalpak ng tawa. Sino nga namang 'di matatakot kung si Bigboss na ang kaharap. Dagdag pa nito. Pero hindi eh... Iba 'yung nakita namin kahapon. Para nga'ng ang saya saya pa ni ma'am habang nakayakap kay Bigboss. Ani Jane na sinang ayunan ni Alona. O baka nagayuma na si ma'am sa kapangitan ni Bigboss hahahah! Muling banat ni Alona na ikinatawa na naman nila. Hindi na ako nakatiis at lumapit na sa kanila. Kaagad naman umayos ng tayo ang mga ito at yumuko pa sa'kin tsk. Ang saya niyo ah tapos na ba ang trabaho niyo? Sarkastik kong tanong na pinamewangan sila. Napayuko ang mga ito na tila nahihiyang mga kuting na kay babait! Oh bakit natahimik kayo? Hindi ba't ang saya ng kwentuhan niyo? Ituloy niyo na, dadagdagan ko pa! Gusto niyo rin bang malaman kung naghahalikan kami ni Dm at magkatabing matulog huh?! Madiing singhal ko sa mga ito. So-sorry p-po ma'am!! Panabay nilang tatlo. Napahinga ako ng malalim at pinaniningkitan ang mga ito. Bakas sa kanilang maiilap na mga mata ang takot at pagkapahiya. Listen girls... . Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. Hindi masama si Dm katulad ng iniisip niyo. Tao pa rin siya, katulad natin may pakiramdam. Marunong masaktan. Please sana ito na ang huling beses na pintasan niyo base sa mga nakikita niyo. Tandaan niyo ang sasabihin ko. Buksan niyo ang puso at isip niyo 'yan ang gamitin niyo para makita at makilala ang nakapaligid sainyo. Dahil madalas, kung anong nakikita ng ating mga mata siya'ng kabaliktaran ng katotohanan. Napatanga silang nakatingin sa'kin na 'di makapaniwala. Ngumiti ako at lalong lumapit sa harapan nilang tatlo. Yumukod ako at hinawakan si Alona at Jane sa ulo dahil pinagitnaan nila si Sarah. My sikreto akong sasabihin sainyo... Pabulong ko kaya't nagsiyuko rin ang mga ito para makinig. Napangisi ako ng gumuhit ang kuryosidad sa kanilang mukha. Mukha lang akong mabait na tupa, pero ang totoo.... Isa akong international serial killer. At si Dm ang target ko. Ani ko at kinindatan ang mga ito. Nanginginig ang mga ito sa takot nang makitang seryoso ako at pinatapang ang itsura. Ayaw niyo bang maniwala? Ngumisi ako at dinampot ang isang matalim at may kahabaang kutsilyo. Nanlalaki ang mata ng mga ito nang dahan-dahan kong dinilaan ang talim ng kutsilyo at mabilis itinutok sa kanilang leeg. Ma'am h-h'wag po.. Naiiyak na paki-usap ng mga ito. Sa susunod na marinig ko pa kayong pinipintasan si Dm, ako ang hihiwa sa mga dila niyo ng hindi niyo na mapakinabangan ang mga 'yan! Maliwanag?! O-opo ma'am!! Kandautal nilang sagot. Napailing na lang ako at muling ibinalik ang kutsilyo sa lagayan. Nakayuko pa rin ang mga ito na animo'y napako na sa kinatatayuan. Natawa ako sa loob- loob ko at nasindak ko ang mga ito. Ma'am gusto niyo pong kumain? Magalang tanong ni Alona at pinaghila ako ng silya. Ayo'ko kape na lang. Mataray kong sagot. Agad itong tumalima at ginawan ako ng kape sa coffee maker. Pinanatili kong mataray ang itsura ko kaya't bakas ang pagkataranta sa mga ito. Nangingiti akong bumalik ng silid ni Dm dala ang kape ko. Napahimas ako sa kilay kong mukhang nangalay sa ilang minutong nakataas habang tinatarayan ang mga ito. Success!! Congrats Naeya best actress famas award ang datingan mo! Tumuloy ako sa library at naabutan doon si Dm na prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair habang pumipirma sa sandamakmak na folders sa round table nitong yari sa malapad at magandang uri ng kahoy. Napasimangot ako ng ' di man lang ako tinapunan ng tingin. Palakad lakad ako sa harapan nito pero hindi namamansin. Ahmmm!!! Tikhim ko sabay haplos sa lalamunan at pasimpleng sinilip ito pero dead ma parin ako. Naubos ko na ang kape ko at makailang beses na akong tumikhim pero hindi parin ito namamansin. Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko sa inaasta nito. Padabog akong tumayo at nagmart'ya palabas ng silid nito. Nangilid ang mga luha ko at nagsimulang bumigat ang dibdib. Nagtungo ako sa veranda at tumunghay sa ibaba. Napakalawak ng paligid at nagkalat ang mga armadong kalalakihang panay naka all black at may sukbit na mahahabang baril. Napabuntong hininga ako at muling bumalik ng kwarto. Naagaw ang attention ko sa mahabang baril na nakasukbit sa taas ng bintana at natatabingan ng kurtina. Maingat kong tinulak ang pang solohang sofa at tumayo dito para maabot ang baril. Muntik ko pa itong nabitawan sa bigat nito kaya't naout balance ako. Napatili ako ng may sumalong matipunong bisig sa baywang ko. Mukha ni Dm ang nasilayan kong bakas ang pag aalala sa kanyang mga mata. Maingat ako nitong inilapag at kunot noong tinignan ang hawak kong baril. Ahm sorry, na curious lang. Nakangiwing sagot ko sa mga mata nitong bakas ng pagtataka. Gusto mo bang i train kita? Napakurap kurap ako sa sinaad nito. H-ha? Sabi mo serial killer ka, pero buhatin lang ang baril na 'yan dimo pa kaya. International huh? Narinig niya? Nandu'n ba siya? Kailan? Paano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD