Ep. 9 Janaeya POV

1075 Words
Ilang sandali lang na magkakayakap kami ng mga magulang ko habang umiiyak ng may dalawang chopper ang muling naglanding dito sa rooftop namin. Napapahid ako ng luha at parang lulukso sa tuwa ang puso ko ng bumaba ang mga armadong kalalakihan na puro naka itim. Nakangiti kong sinalubong ang mga ito sa pag aakalang tauhan ni Dm pero unti- unti ring nabura ang magandang ngiti ko dahil hindi pamilyar ang mukha ng mga ito! Nilukob ako ng kakaibang takot! Takot hindi para sa sarili kundi para sa mga magulang kong nasa likuran ko. Napataas ako ng kamay ng itutok nila sa akin ang kanilang baril kasabay ng pagtili ni Mommy. No!! Please h'wag ang anak ko nagkakamakaawa kami!! Umiiyak nitong sigaw. Hindi ko magawang lumingon sa kanila dahil sa takot. Come with us if you don't want me to kill your parents infront you! Madiing banta ng pinakaleader ng grupo. Walang pag aalinlangang sumakay ako sa chopper kahit panay ang sigaw at pagmamakaawa ni Mommy na h'wag akong sumama. Dinudurog ang puso ko sa bawat hikbi at pagmamakaawa nito. Sabik na sabik na ako sa kanila pero nakahanda akong iwan sila para sa ikakabuti nila. Kahit kayang kaya ko namang itumba ang mga ito ng walang kahirap hirap pero hindi ko 'yon ginawa. Dahil kapakanan nila Mommy at Daddy ang mahalaga sa'kin. Dibale ng ako ang magdusa, h'wag lang silang masaktan ng mga ito. Kaya ko ang sarili ko at may tiwala ako sa kakayahan kong si Dm mismo ang nanghasa! Ilang sandali lang ay bumaba kami sa malawak na field. Nakahinga ako ng maluwang pagkabasa sa gilid ng mataas na bakod ang nakaukit na Madrigal's Private Property! Nagpatianod ako sa mga ito ng hilahin nila akong parang paslit papasok sa malaking bahay! Bumungad sa akin ang maraming tauhan ni Dm na nakahiga sa malawak na sala at dumadaing habang ginagamot ng ibang kasamahan! Nangilabot ako at nanginginig ang mga tuhod. Nagmistulang tubig sa ilog ang mga naghalo-halong dugo na umaagos sa sugat ng mga ito! Nagpalinga linga ako para hanapin ang taong pinakagusto kong makita. Pero bigo ako dahil nakita ko na lahat ng mukha dito ay wala ang taong hinahanap ko. Dm... nasaan ka na? Piping usal ko. Lalo akong nilukob ng inis at takot ng bumungad ang nakangising si Aldus sa hagdanan habang nakapamulsang naglalakad pababa. Inirapan ko ito ng taimtim itong nakatitig sa akin habang nakangising demonyo. How are you my princess. Anito na nagpatayo ng mga balahibo ko sa buong katawan! Kaagad kong tinabig ang kamay nito at umikot dito at pinilipit ang kamay nito patalikod sa kanya. Urgh f*ck you!! Daing nito. Bakas ang kirot sa pagdaing nito kaya lalo ko pang ipinagdiinan ang pamimilipit dito pataas sa kanyang likod na nagpaarko ng likuran nito! Nakangising buong lakas kong sinipa ito sa baywang at binitawan kaya't napasubsob ito sa sahig sa kawalan ng balanse! Kaagad din itong dinaluhan ng ibang tauhan naming makatayo. Nginisian ko ito lalo ng makitang puno ng galit ang kanina'y maaliwas nitong mukha. How dare you! Singhal nito. Kung ayaw mong masaktan h'wag mo akong hahawakan. Madiin at balewala kong sagot. Napahalukipkip ako at pasimpleng naglakad lakad sa mga taong kasalukuyang ginagamot para makalayo dito. Napahalakhak ito na naghari sa buong sala. Maya pa'y naramdaman ko ang pagsunod nito sa likuran ko. Kabado ako pero 'di ko pinapahalata dahil lalo ko lang 'yon ikakapahamak! At sinong pwedeng humawak sayo? 'Yong pangit kong pinsan na daig pa ang mga creatures sa ibang planeta?! Mapang uyam nitong saad na ikinahalakhak ng lahat. Nagpantig ang tainga ko at pumihit paharap dito. Walang alinlangang mabilis dumapo ang magkasunod kong sipa sa panga nito at niluksong parang pusa ang mukha nito! Naupo ako sa leeg nito at inundayan ng suntok ang mukha nitong nasa pagitan ng mga hita ko! Napaatras ito kaya't hindi ko nilubayan ang sunod-sunod na pakawala ng kaliwa't kanan kong pagsuntok sa mukha nitong ipinagyayabang! Natumba kami sa sahig at akmang aawatin na ako ng mga tauhan nito ng mabilis kong hinugot ang baril na nakasukbit sa tagiliran ni Aldus at pinagbabaril ang mga ito sa tuhod! Nanlilisik ang mga mata kong puno ng galit dahil ramdam kong walang alam si Dm sa pagdadala sa'kin dito! Nanggagalaiti akong nakipagtutukan sa mga ito ng tutukan rin nila ako ng baril pabalik! Napangisi ako at dahan-dahang itinutok kay Aldus ang sarili nitong baril! Napapitlag ito at namutla ang mukha sa aking ginawa. Put all your guns down! Madiing bulyaw ko sa mga ito pero hindi sila natinag. I said put all your guns down!! Walang kumilos sa mga ito kaya't lalo akong nilukob ng galit. Ayaw niyo huh? Iginiya ko ang baril at walang alinlangang kinalabit ang katilyo at pinadaplisan ang braso ni Aldus! Urghh!!! F*ck!! Namilipit sa daing si Aldus habang nakahiga pa rin ito sa sahig! Kaagad tumalima ang lahat at ibinababa sa sahig ang mga armas. Marunong naman pala kayong sumunod eh, ginagalit niyo pa ako! Oopppss sorry, natamaan ka pala? Dumulas kasi ang daliri ko eh... Nakangising pang uuyam ko kay Aldus na ngayo'y sapo na ang kanang brasong masaganang bumubulwak ng dugo! Matatalim ang mga mata nitong nanlilisik sa akin habang nagpapantig ang panga. Oh, don't look at me that way sweetie. Pinamilog ko ang mga mata ko sa kanya na animo'y gulat na gulat. Baka nerb'yosin ako at..... makalabit ko ang katilyo. Ikaw din, mapapaaga ang paglitis ni Juan at Pedro sayo pahatid sa impyernong kinababagayan mo. Pang -iinis ko lalo at nakangiting hinipan ang dulo ng baril. Itinutok ko ang daliri ko dito at isiniring parang baril sa kanyang noo. One wrong move Aldus and beeenngggg.. Aniko sabay pilantik ng daliri na animo'y binabaril ko ito. Bumulatay sa mukha nito ang takot sa aking ginawa. Tahimik ang paligid at tanging pagkaluskos at impit na pagdaing ang naghaharing ingay sa buong bahay. Ilang sandali pa'y may narinig akong hugong ng mga sasakyang nagsidatingan. Lalo akong nilukob ng takot pero hindi ako nagpahalata! Halos maubusan na ako ng hangin sa baga sa paghihintay na bumungad ang mukhang pinaka inaasam kong makita sa lahat. Nangangatog ang mga tuhod kong tumayo mula sa pagkakaupo sa couch ng bumungad ang taong hinihintay ng mga mata ko. Gusot gusot ang damit at buhok nito pero mapaghahalataang siya ang boss ng mafia'ng ito sa tindig at paglakad nitong parang isang hari. Nagsiyukuan ang mga tao nito maging ang mga nakahilata sa sahig ng maglakad ito sa harap nila. Dm....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD