Ep. 10 Janaeya POV

1317 Words
Nasaktan ako ng dumating si Dm pero para lang akong hangin sa harapan niya. Ni hindi niya ako tinapunan ng katiting na pagsulyap kahit dumaan ito sa tabi ko. Nagtuloy tuloy itong pumanhik ng hagnanan kasunod ni Kuya Bolton na hindi ko rin nabakasan ng pagkagulat pagkakita sa akin. Nangilid ang mga luha ko at napakagat ng labi para pigilan sa paghulog ang mga luha kong naipon na sa aking mga mata. You'll regret this my princess. Ani Aldus habang sapo pa rin ang brasong basang basa ng sariling dugo! Isang matalim na tingin lang ang iginawad ko at tinalikuran na ito. Mahina itong napamura ng banggahin ko ang braso nitong may tama. F*ck! Lumabas ako ng sala at pumasok sa nakitang mini bar sa gawing kusina. Mapait akong napangiti at hinayaang tumulo ang nanunubig kong mga luha. Inabot ko ang isang boteng whisky at direktang tinungga ito. Gumuhit ang init at pait sa aking lalamunan na nagpangiwi ng aking mukha. Bakit hindi niya ako pinansin? Imposibleng hindi niya ako nakita? Napailing ako at muling tinungga ang bote. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng panlalamig sa kanya. Sa higit isang taon naming magkasama walang tampuhan o away na namagitan sa'min. Puro masasayang alaala lamang ang nabuo namin kahit pa pinipintasan at tinatawanan kami ng mga tao sa paligid. Ibang- iba si Dm pag nakaharap sa mga tauhan. Para itong haring leon na laging galit sa mundo kaya kinakatakutan. Pero pag kaming dalawa na lang ay para naman itong maamong kuting at napakalambing kung mag-aruga. Pero bakit ngayon para na akong ibang tao sa kanya? Hindi na ba niya ako mahal? Galit ba siya'ng nandito ako? Gulong-gulo ang isip ko sa kakaisip ng dahilan nito. Hindi ko namalayang naubos ko ang whisky na iniinom kaya't hilong-hilo ako. Umiikot ang paligid at pakiramdam ko'y nabubuwal din ako. Mahigpit akong humawak sa gilid nitong mesang kinasusobsuban ko at pilit minumulat ang nimimigat kong mga mata. Naalimpungatan ako ng may dumadamping basang bagay sa mukha ko. Makailang ulit kong tinatabig ito pero palaging bumabalik. Ano ba! Tinabig kong muli ang kamay ng kung sinong pumupunas ng mukha ko. Your being stubborn now baby. Napamulat ang namimigat kong mga mata at bumungad ang pamilyar na pigura ng lalake sa aking paningin. Naniningkit ang mga mata kong inaaninag ang mukha nitong malabo. Napakurap kurap ako at lumitaw ang pamilyar na mukha. Isang gwapong mukhang dalawang beses ko ng nasisilayan. Ang lalake sa picture frame na nakita ko sa library noong unang araw ko pa lang sa mansion ni Dm. Ang lalakeng minsan na ring dinalaw ako sa panaginip. At ngayo'y nandito na naman at dinadalaw ako sa aking panaginip. You came back. Bakit ngayon mo lang ulit ako dinalaw? Malambing at inaantok kong tanong. Yumakap ako sa batok nito at mas inilapit ang mukha sa mukha ko. Napahaplos ang hintuturo ko sa mala Greek God nitong mukha at kinakabisa bawat kurba nito. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi habang pilit nilalabanan ang matinding antok. Bakit ka naglasing? Alam mong halang ang bituka ng mga tao dito? Hindi mo ba iniisip ang kapakanan mo bilang babae? Mahina pero may kadiinang pagalit nito sa akin. Nalalanghap ko na ang mainit at mabango niyang hininga na pamilyar sa pang-amoy ko. Bakit pakiramdam ko'y kilala kita. Nanigas ito kaya lalo kong pilit iminumulat ang aking mga mata. Taimtim na nakatitig ang mga matang kabisadong kabisado ko ang itsura. Mga matang nagdudulot ng kakaibang kiliti sa puso ko sa tuwing nakatitig ako dito. Mga matang nalulunod ako sa bawat pagkislap ng mga ito. Dm.... Napahaplos ang dalawang hinlalaki ko sa mga matang 'yon at mapait na napangiti. Ano bang nagawa ko? Galit ka ba sa'kin baby? Napapikit ako ng humalik ito sa noo ko at niyakap ng mahigpit habang nakahiga ako sa kama. Hindi ako galit baby. Kailan ma'y hindi ko magagawang magalit sayo. Mahal na mahal kita, ikaw ang buhay ko. Ang nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo. Pero baby.....ikaw din ang kahinaan ko. Mga huling katagang narinig ko mula dito bago pa ako tangayin ng matinding antok. Urghh!! Napasabunot ako sa aking ulo sa matinding sakit na nanunuot dito. Parang pinipiga ang utak ko sa sobrang kirot! Naalala kong naglasing nga pala ako kagabi at hard pa ang ininom ko kaya ngayon hard headache din ang kapalit! Tumuloy ako ng banyo at kaagad tumapat sa ilalim ng malamig na shower. Mariin akong nakapikit habang panay ang paghilamos ng mga palad sa mukha. Parang binibiyak ang ulo ko sa tindi ng hangover ko. Kusang sumilay ang matamis kong ngiti sa labi ng sumagi sa isip ang panaginip ko kagabi. Pangalawang beses ko na siyang napapanaginipan. Sino ka ba? Bakit pakiramdam ko'y kilala ka ng puso ko? Napapitlag ako ng may malakas na kumatok sa pintuan. Sino 'yan?! Pasigaw ko habang nakatapat pa rin sa ilalim nitong shower. Hindi ito sumagot kaya't tinapos ko na ang panliligo kahit gusto ko pang magbabad. Lumabas akong nakaroba at pinupunasan ng puting tuwalya ang mahaba kong buhok. Natigilan ako ng mabungaran si Dm na prenteng nakaupo sa gilid ng kama katabi si Aldus. Natigilan din ito at napa-iwas ng tingin. Samantalang nagniningning ang mga ng katabing pinapasadaan ang kabuoan ko. Inirapan ko lang si Aldus at padabog na pumasok sa katabing walk-in closet nitong kwarto. Muli akong nakaramdam ng kirot sa puso dahil sa pambabalewa na naman nito sa'kin. Mapakla akong natawa at nagpahid ng mga luhang malayang rumaragasa sa aking mga mata. Matapos kong magsuot ng sweatpants na pinarisan ko ng plain black shirt ay lumabas na ako. Nasa ganoo'n pa rin silang posisyon. Nang-iinsultong tingin ang ginawad ko kay Aldus habang nakangising tinititigan ang naka sling arm nitong kamay. Biglang dumilim ang aura nito sa ginawa ko. Napatiim bagang ito at marahas ng tumayo. Napahalukipkip lang akong nanatiling nakatayo sa harapan ng mga ito. Tumayo na rin si Dm at matiim ang mga matang tumitig sa akin. Bakit mo siya binaril? Madiin at may halong galit ang tono nito. Because i want to. Balewalang sagot ko na ikinatagis ng panga nito. Kinabahan ako at napalunok dahil kita sa aura nito ang galit habang nanlilisik ang mga matang matiim na nakatitig sa'kin. At ang lakas naman ng loob mong barilin ang isa sa mga humahalili sa'kin?! Napapitlag ako sa dumagundong bulyaw nito. Namamasa na ang mga mata kong pilit nilalabanang h'wag silang maglaglagan. Pinatatag ko ang kalooban at buong tapang sinalubong ang nanggagalaiti nitong mga mata. And so? 'Yan lang ba ang itatanong mo? Sarkastik kong tanong at tinaasan ng kilay ang mga ito. Napahalakhak si Aldus at tinapik ang balikat ni Dm. I told you couz, ni walang bahid ng pagsisisi ang babaeng 'yan sa ginawa sa'kin. Mukha yatang lumalaki na ang ulo ng alipin mo at pati ikaw sinasagot sagot na rin. Napalunok ako sa sinaad nito. Pinagdiinan pa ang pagtawag sa akin ng alipin. Napaatras ako ng humakbang si Dm na puno ng galit ang mga matang dati rati'y nangungutitap sa tuwing nakikipag titigan sa akin. Marahas nitong hiniklat ang braso ko at mahigpit itong pinisil. Napangiwi ako sa sakit na dulot no'n pero hindi ako nagpadaig at matapang na sinalubong ang mga mata nitong parang bubuga na ng apoy sa akin! What you did is what you get! Madiing singhal nito at pinilipit nga ang braso ko. Napadaing ako at napaluhod sa ginawa nito. Napahawak ako sa braso kong mukhang binalian na nito sa sobrang kirot! Pabalang nitong binitawan at walang pasabing lumabas ng silid. Know your place my princess. Paano 'yan, lalo ka tuloy bumagay sa'kin. Pareho na tayong bali ang braso ngayon. Nakangising pang-uuyam ni Aldus at nginusuan pa ako na parang humalik bago tumayo sa pagkakayuko at sinundan si Dm. Impit akong napadaing at mahigpit na hinawakan ang braso kong namamanhid na sa pagbali ni Dm dito. Ano ba'ng nangyayari sayo baby? Paano mo naaatim gawin sa'kin 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD