“I just put the coffee on my table,” mahinang paliwanag ko sa kanya. Ba’t ba ang init ng ulo ng lalaking ‘to? Pati ako dinadamay! Niluwagan niya ang necktie sa leeg niya at bahagyang pinalis ang long sleeve na suot. Galit pa rin ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang susunod na gagawin. Dadaanan ko kasi siya kung kukunin ko ang bag ko at sa hitsura niya ngayon, natatakot ako na baka bigla niya na lang akong haklitin at ibalibag kung saan gaya ng ginawa niya sa akin sa sasakyan noong papunta kami sa condo. Nagpakawala ako ng marahang buntong-hininga. “C-can I get my bag?” “Hah! And then, what?” kasabay noon ay ang pagtaas ng isang kilay niya. “I’m-“ “You know what, just… just stay here and wait for Lena.” Ramdam ko ang panggigigil sa boses niya.