“You’re late.” Malamig na saad ni Zeus sa akin pagpasok na pagpasok ko sa loob ng opisina niya. “Huh? “Sinipat ko ang orasan sa braso ko. 1:05 pm pa lang naman. “5 minutes? Late na yun?” Takang tanong ko. “You should be here in time and must respect me. You are now officially my secretary so do as I say.” Seryoso ang mukha niya. Kung maiba-iba lang, siguradong matatakot sa kanya. “Bawat oras, minuto, at segundo mo sa loob ng kumpanya ko ay babayaran kaya magtrabaho ka nang maayos.” Oras na nga yata siguro para magseryoso. Tumikhim ako at tumindig nang maayos. “I’m sorry, Sir. It won’t happen again. The truth is I came on time, ang tagal lang kasi akong tinitigan ng babaeng galing dito sa office mo at ayaw umalis sa pintuan.” Kita ko pa ang paggalaw ng adam’s apple niya sanhi ng paglu