ZEUS POINT OF VIEW “Kumusta, Ate Lena. Ayos ba? Effective?” Puno ng kuryusidad kong tanong sa kanya. Siya ang head manager at pinagkakatiwalaan ko when it comes to our income. Sa kanya din ako humihingi madalas ng payo at magiging desisyon ko na hindi naman talaga pumapalpak kahit minsan. Siya lang rin ang bukod tanging nakakakilala ng tunay kong katauhan. Masaya siyang ngumiti sa akin at nag-thumbs up. Nangiti na rin ako. Para akong nakahinga nang maluwag. Sana nga ay umepekto ang naisipan kong strategy para kay Hera. That spoiled-brat kid. Masyadong matigas ang ulo at walang ibang pinapakinggan kung hindi ang sarili niya lang. Kailangan niyang matuto at maging responsable. “Mabuti naman. Where is she now?” “Nasa office mo at naglilinis. Palagay ko naman may puso din si Hera, naki