Marahan akong naglakad patungo sa gawi niya. Masaya siyang sumalubong sa 'kin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang excitement habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.
"Anak ko, ikaw na nga ba 'yan? Nako, napakaganda mo naman pala!" Masayang bulalas niya habang wala siyang tigil sa kapapaikot sa akin. There's no doubt, siya na nga ang mama ko.
Napansin ko ang mga tao sa paligid na nagbubulungan na habang nakatingin sa akin.
"Ahm, t-teka po. Ang awkward kasi.. look around, ang daming tao." Nahihiyang bulong ko sa kanya habang pilit siyang pinipigilan na Suriin ako.
Iginala niya naman ang paningin at tila napansin ang ilang tao na nakatingin na rin sa amin. Kimi siyang ngumiti at kinuha ang maleta ko.
"Pasensiya ka na, Anak. Masaya lang ako na narito ka na," aniya.
Hindi na lang ako kumibo at sumunod na lang sa kanya ng magsimula na siyang maglakad. Isang taxi ang tinutungo naming naghihintay na rin siguro sa amin. Ipinagbukas niya pa ako ng pintuan at pinauna maupo bago siya sumunod.
"Kamusta ka?" Rinig kong tanong niya habang nasa kahabaan kami ng biyahe.
Pero dahil busy ako sa hawak na cellphone ay hindi ko siya masyadong inintindi. "May paraan kaya para magamit ko ang phone ko dito?" Inis na tanong ko. Hindi ko kasi mabuksan ang mga account ko. Gustong-gusto ko ng kumustahin sina Rina at Cathy.
"Ah, siguro pwede naman nating ipa-open line yan. May bayad nga lang yun."
"Puntahan muna natin kung saan puwede ipa-openline 'to. Kailangan ko kasing mabuksan yung mga account ko," tugon ko pa rin ng hindi man lang lumilingon sa kanya.
"Perl, Anak. Ayaw mo ba munang dumeretso sa bahay at magpahinga? Hindi ka ba pagod sa biyahe?" Mula sa pagmamasid sa labas ng bintana ay nabaling ang paningin ko sa kanya.
"Nope. Nakaupo lang naman ako the whole time. Nakatulog din kaya I don't feel tired at all." Kibit-balikat na tugon ko.
"Gano'n ba. O siya, Manong pakibalik po kami sa bayan." Bilin niya sa driver. Kaagad namang tumango ang matanda saka ito nagmaniobra pabalik sa nadaanan namin kanina.
"Uhm, may cash ka ba diyan? May kataasan kasi ang presyo ng pagpapa-openline." Bulong niya sa'kin.
Doon ko lang naalalang silipin ang shoulder bag ko. Doon kasi nakalagay ang wallet ko at mga cards. Nakahinga naman ako ng maayos ng makitang may 1000 USD pa akong cash doon. Hindi ko alam kung magkano ang iniwan ni Lola sa Atm card ko pero sana hindi naman ganoon kababa.
"Tumatanggap ba sila ng dollar dito?" Tanong ko kay Mama.
"Hindi. Pero puwede tayo magpapalit." Nakangiting tugon niya.
Kimi ko siyang nginitian saka ako umayos ng pagkakaupo at matiyagang naghintay na makarating sa patutunguhan namin. Nagpapalit muna kami ng pera, ipinapalit ko na lahat ng cash na mayroon ako para naman magamit ko na rin. Nagulat ako sa laki ng halaga ng pera ko. Mukhang mas marami akong mabibili sa shopping center dito kaysa sa america!
Sa isiping yun ako lalong nabuhayan. Saan kaya may magandang mga malls dito?
Nasa 50 dollar din ang binayaran ko para sa pagpapaayos ng cellphone ko. I don't mind, umaasa akong sapat ang iniwang pera ni Lola sa akin hanggang sa magsimula ang school year. Ang sabi niya naman ay si Mama na ang bahala sa'kin ngayon. Siguro naman mapag-aaral niya ako ng kurso ko..
Inabot na kami ng tanghalian kung kaya naisipan kong yayain muna siya kumain sa pinakamalapit na restaurant.
"Ah- anak, ayaw mo ba sa carideria na lang? Masyado yatang mahal diyan sa gusto mo, pagkain na naming lahat ng mga kapatid mo ang isang order diyan." Nagulat ako sa narinig. Kasalukuyan kaming nasa tapat ng isang magarang restaurant. Mexican-american food ang ino-offer nila kaya sigurado akong masasarap din ang putahe doon.
She look nervous, parang ayaw niyang pumasok sa loob ng restaurant. "Mom, this is my treat so come on." Pagpipilit ko sa kanya.
"Paano yung... mga gamit mo?"
"Dal'hin natin. Wala naman sigurong problema diyan." Nakangiti kong tugon sa kanya.
Kita kong napabuga pa siya ng hangin bago napililitang pumasok sa loob. Nagpatiuna na rin ako para wala na siyang magawa at sumunod na rin sa loob.
Nakahanap naman ako kaagad ng upuan, halos kalapit lang rin ng pintuan. Kampante akong naupo at naghintay sa waiter o waitress na lumapit sa amin.
"Anak, ano kaya kung ikaw na lang ang kumain. Tapos... tapos yung para sa akin ibibili ko na lang ng pagkain namin ng mga kapatid mo sa carinderia." Bulong niya ulit sa akin ng makaupo siya. Parang sinisilihan din siya habang nakaupo. Hindi mapakali.
"Ilan ba yung mga kapatid ko na sinasabi mo?"
"Ano.. apat sila, ikaw ang panganay." Kaagad na sagot niya.
"Don't worry, magte-take out na lang ako ng para sa kanila." Nginitian ko pa siya upang kahit papa'no ay maging kumportable siya. At nakatulong naman iyon, mas naging panatag na kasi siya at tahimik sa kanyang upuan.
Hanggang sa maka-order na nga ako ng pagkain ko. Alam kong hindi siya pamilyar kaya ako na lang rin ang um-order ng makakain niya at maiuuwi na rin para sa iba niya pang anak.
Magana akong kumain. Hindi man kasing sarap gaya ng luto sa mga sikat na restaurant sa america ay okey na rin. Siguro nahaluan na rin ng filipino style ang pagkakaluto kaya medyo iba ang lasa sa nakasanayan ko.
Pansin kong na-enjoy at nasarapan din si Mama sa pagkain niya.
"Wow, Anak. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na baka. The best!" May kalakasang bulalas niya matapos sumubo ng beef steak.
Kusang gumala ang mga mata ko sa paligid. Hindi nga ako nagkamali, palibhasa tahimik na kumakain ang costumer doon kaya rinig na rinig nila ang naging reaksyon ng kasama ko. Napansin din yata ni Mama kaya nahihiya siyang nagyuko ng ulo.
"Sorry," mahinang usal niya na halos pasenyas na lang rin.
Napabuntong-hininga na lang ako saka nagkibit-balikat. Itinuloy ko na lang rin ang pagkain at tinapos na. Matapos makuha ang take out ay nag-iwan na ako ng bayad sa mesa kasama ang naging bill namin.
"Ang galante mo naman, Anak. Siguradong matutuwa sila sa tip na binigay mo."
"Maliit na halaga lang yun." Mahinang usal ko.
"Talaga? Para sa gaya ko kasi malaking halaga na ang isang libo. Aba, wala kang mapupulot na gano'n kalaking halaga sa kalye. Saka ilang araw kong pagtatrabahuhan ang halaga na yun, ano."
Naghihintay kaming muli ng masasakyan. Sige pa rin ang daldal ni Mama sa tabi ko habang ako ay pilit na inaayos ang mga accounts ko na buti na lang pala, e naitabi ko sa i-cloud. Limot ko na rin kasi ang ilang passwords na nagawa ko. Hindi ko rin tuloy maintindihan ng husto ang sinasabi ni Mama.
Basta ang alam ko, sumakay ako ng may humintong taxi sa tapat namin. Maging ang daan at lugar na tinahak namin patungong bahay ni Mama ay hindi ko na rin napansin...