Walang paglagyan ang hiya na nararamdaman ko. I can't look straight at her. Wala pa man siyang sinasabi ay ramdam ko na ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. Kanina pa nakaalis si Mr. Nieva at mukhang wala na akong lusot sa mga sinumbong niya tungkol sa 'kin.
"I-I'm sorry, Lola." I speak weakly. Marunong naman akong tumanggap ng pagkakamali at harapin ang mga consequences. Dasal ko lang na sana ay huwag naman gano'n kalala ang ipataw ni Lola.
"I only asked you one thing, Hera. But you still haven’t fulfilled. You disappoint me." Her voice was full of anguish. I felt guilty. Matanda na siya para makaramdam ng ganito.
I reached for her hands and squeezed them gently. Wala akong excuse, I betrayed her.
"Patawarin mo po ako, Lola. I promise, i-it won't happen again. A-aayusin ko na ang pag-aaral ko at hindi na rin ako mambu-bully. Just give me one more chance, Lola. Please?"
Napansin ko na bahagyang umawang ang labi niya pagkarinig sa mga sinabi ko.
"Y-you bullied your classmate?" Nanliliit ang mga matang tanong niya ulit.
"Didn't he.. tell you that?" Lalo akong natakot. Kung bakit naman kasi walang preno ang bibig ko sa pagdaldal!
"Oh my god, Apo! I didn't raise you like that! Kulang pa ba ang pagmamahal ko?" I could clearly see the sadness drawing on her face.
Wala akong maisagot. Para sa 'kin kasi normal lang naman yung ginagawa ko dahil binabayaran ko naman si Jessy. Masasabing binu-bully ko nga siya, pero I never hurt her physically.
"Hindi na talaga ito mauulit, Hera. I will be sending you back to Philippines this coming sem-break." Final na pahayag ni Lola saka siya tumayo at tinalikuran ako.
Hindi ko alam kung mali lang ba yung narinig ko o nabibingi na ako. Hindi niya naman sinabing babalik ako ng Pilipinas hindi ba? Bago siya tuluyang makalayo ay mabilis akong humabol sa kanya, I hug her tightly from her back.
"L-lola, I'm so sorry. I love you." Paglalambing ko. I hear her sigh. Hinawakan niya rin ang mga kamay kong nakapulupot sa beywang niya at tinapik iyon nang marahan.
"I love you too, Apo. Kaya gagawin ko kung ano ang nararapat para sa'yo." Makahulugan niyang tugon.
After that day ay inalis ko muna sa isip ang tungkol sa sinabi ni Lola. I knew she was just angry that's why she said that. She can't stand me. I know she doesn't want me to be away from her too.
Hindi ko na rin pinansin si Jessy. Palagi niya rin naman kasing kasama si Mr. Nieva. Magkahalong inis at inggit ang nararamdaman ko, dapat ay ako ang kasa-kasama ng gwapo naming professor. Maybe Jessy is kinder than me, but I know the fact that I am more beautiful than her.
Hindi lang matanggap ng pride ko na mas kapuna-puna sa bago naming professor ang classmate ko na bukod sa mahirap lang ay may kumplikado pang buhay. Palagi tuloy mainit ang ulo ko sa school lalo na kapag oras na ng turo ni Mr. Nieva.
Months passed, tuluyan ko na ngang nalimutan ang huling banta ni Lola sa 'kin. I also remained in the top class so I assume na limot na rin ni Lola ang tungkol doon. We are okey too, ginagawa pa rin namin ang mga nakasanayan naming gawin. We cooked, laugh, eat together, sharing stories, and I also loved to give her massage every night.
Last day of school days at sem-break na. I enjoyed my last days with my two cool besties. For the first time ay hinayaan na din ako ni Lola mag-overnight sleep sa bahay nina Cathy with Rina. We get drunk and enjoyed overnight as if there's no tomorrow.
Masaya akong umuwi sa bahay. I never thought na aabutan ko si Lola doon dahil kadalasan ay nasa opisina siya ng umaga at hapon na kung bumalik. It looks like she's really waiting for me to come over.
"Hi, Lola, no work?" Nakangiting bati ko sa kanya habang paakyat ako ng hagdan. Pero seryoso ang mukha niya. Nag-alala ako bigla.
"Your bag is ready, Your plane will be leaving this afternoon so you must be prepared." Walang kagatol-gatol na pahayag niya.
I stunned. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano magre-react.
"W-where to, Lola? M-may out of the country gala ba tayo?" Pinilit ko pa ring ngumiti kahit nagkaka-ideya na ako sa nangyayari.
"Ikaw lang ang aalis Hera. Remember what I told you? You will be going back to Philippines and learn your lesson there. Without any support from me." It seems that she is really determined to let me go.
"Pero lola.. isn't it too much as punishment? I mean.. I did it on my own naman, 'di ba? I changed myself." Naiiyak na saad ko. Hindi ko makita ang sarili kong nasa kawawang sitwasyon, na walang anumang tulong mula sa kanya.
"You must learn how to survived, Hera. You're not getting any younger. Doesn't mean I have businesses here, you will be living your life the way you want it too. You will never know the worth of every single penny if you didn't work hard for it. Hinahanda lang kita sa magiging kinabukasan mo, Apo."
"B-but.. how am I going to survive there until new semester, Lola?" 2 months din yun. Paano ako mabubuhay ng walang pera sa Pilipinas?
"Oh, I forgot to tell you. You will be continuing your study there and must finish it. Only then, I will let you come back here and take responsibility of my business. I will give you enough money until you realize what you must do in order to survive. You're on legal age so.." nagkibit-balikat pa siya matapos sabihin iyon.
Pakiramdam ko hihimatayin ako sa mga narinig ko. Nakakapanghina..
"Pero lola..."
"I'm sorry, Hera. You know I love you, right? Just do this for yourself. Hindi sa habang-buhay ay magkasama tayo ay malakas ako. I believe you are not going to disobey me this time. Makakaasa ba 'ko?"
Hindi ko na napigilang maluha. Gusto kong magdamdam kay Lola pero hindi ko kaya. Masyado ko siyang mahal para samaan ng loob. "You didn't even give me a chance to say goodbye to my friends." Mahinang saad ko.
"I do, I give you whole night, 'di ba?"
Doon ako napasimangot. "Lola naman.."
Marahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "You can do it, Hera. Ipakita mo sa'kin na karapat-dapat kang pagkatiwalaan."
I didn't answer. Ang alam ko ay ginawa ko naman lahat upang maging worth it sa pagtitiwala niya. Now I realize how hard to become my grandma's granddaughter.
Lulugo-lugo akong nagtungo sa kwarto ko at nahiga sa kama. Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuoan noon. Elegante at kumpleto sa gamit, may sariling aircon at heater sa loob. Ang banyo ko ay may bath tub, hot and cold shower, at TV. Masasabi kong napakaganda nga ng buhay ko sa puder ni Lola. Halos meron ako ng lahat ng hinahangad ng mga kabataan ngayon. Mga bagay na malapit ng mawala sa akin ilang oras lang mula ngayon..
Hinatid naman ako ni Lola sa Airport. Nakakalungkot lang na hindi ko man lang siya nakitang umiyak. Knowing that I will be far away from her for years, pakiramdam ko tuloy hindi niya na talaga ako mahal. Kagat-labi kong pinigil ang sariling mapahagulgol ng iyak.
"You will be staying at your mother's place. Magpakabait ka doon, ha? Oras na para maobliga naman siya sa 'yo. Anak ka pa rin niya." Sariwa pa rin sa isip ko ang huling bilin na iyon ni Lola.
Sa totoo lang, limot ko na kung ano ang ugali at hitsura ni mama. Bata pa kasi ako ng tuluyang mahiwalay sa kanya. Nag-asawa naman siya kaagad ng iba matapos ang isang taon na namatay si papa. Kaya simula noon ay nagpasya na si lola na kuhain na lang ako at ampunin. Naroon din daw kasi ang takot niya na baka may mangyaring hindi maganda sa akin dahil hindi ko naman tunay na ama ang kasama namin sa bahay.
Oa para sa iba pero iba talaga mag-isip si lola Belinda. Palagi itong advance mag-isip at lahat ay para sa ikabubuti ko rin naman. Kaya nga siguro hindi ko magawang tumutol sa kanya ng magpasya na siyang pabalikin ako sa Pilipinas. Naniniwala ako na hindi niya pa rin ako pababayaan, gusto niya lang ako maturuan ng leksyon at matuto na rin sa buhay.
Iyon na lang ang itinatak ko sa isip ko para naman hindi ako masyadong mahirapan. I have a positive personality at hindi ko hahayaang mawala yun sa'kin.
Mahaba ang biyahe, masakit sa likod at nakakaboring din. Gusto kong tawagan at i-chat ang mg kaibigan ko, kumustahin sila at ikwento na rin ang biglaang pagpapadala sa akin ni Lola sa Pilipinas pero hindi ko magawa. Bihira din akong dalawin ng antok, wala tuloy akong magawa kung hindi ang tumunganga sa labas ng bintana at panuorin ang mga ulap na nadadaanan namin.
"Nasaan na kaya kami?" Tanong ko sa'king sarili. Doon ko lang naisipang tingnan ang phone ko. Simula kanina ay hindi ko pa nati-check iyon, mabuti at full charge pa naman. Naisipan kong silipin ang gallery, ang mga picture na balewala ko lang na iniipon doon. Ngayon ko mas nalaman ang halaga nila, mabuti na lang pala at may babalikan ako kahit sa litrato na lang.
Nagulat pa ako ng makita ang isang bagong video doon. Mukha ni Cathy at Rina ang nakadisplay kaya agad ko iyong clinick.
Kuha ang video kahapon, habang nag-iinom kami sa bahay nila Cathy. Mukhang tulog na ako ng kuhaan nila ng video ang sarili nila. Nangiti ako, wala akong kaalam-alam na pinakialaman na pala nila ang gamit ko..
"Hello girl! I just wanna tell you that we're gonna miss you. Come home as soon as possible, Ok? We're just here, one call away if you need someone to talk. We know that life there was never easy but we know how tough you are. You can do it, fight, fight, fight.." si Rina iyon.
Ng iabot niya ang cellphone kay Cathy ay umiiyak na pala ito.
Kitang-kita sa camera ang pamumula ng mata niya at ilong. Hindi ko na napigilan ang luhang nais kumawala sa mga mata ko.
"First, I'm sorry for not telling you that we both know everything. We make a promise to Lola Belinda. We also try to change her mind but.. you know, she's like you. Hard headed and has one word." Natawa pa siya ng bahaw bago nagpatuloy sa pagrerecord.
"We're gonna miss you so bad, Hera. You know how much we love you. You are maybe far far away now that you're watching this but I want you to know that we will wait for you. Remember, we will be joining you on your business one day, so hurry up and come back, okey?"
Halos magbara na ang ilong ko sa magkahalong luha at sipon. Ang bigat sa dibdib. Ang mga luka-lukang iyon, kaya pala ako pinagmamadaling umuwi kaninang umaga, alam na pala nila ang tungkol sa pag-alis ko.
I shake my head and started smiling, pinagkaisahan ako ng hindi ko namamalayan. I feel blessed dahil kahit magkakaiba kaming tatlo ng ugali ay nagkasundo kami bilang magkakaibigan. I don't know if I can find true friends in Philippines but one thing is for sure, na walang katulad ni Cathy at Rina doon.
Tiningnan ko pa ang ilang larawan namin. Habang nag-i-scroll ay nakaramdam ako ng antok. Kaagad kong itinago ang cellphone at ipinikit ang aking mga mata. At last, makakatulog na rin ako ng maayos..
Nagising ako sa malakas na tinig na nanggagaling sa mikropono. Flight attendants are reminding us for seatbelt as we are now arriving at Naia Airport. Pupungas-pungas pa ako pero tsineck ko pa rin ang seatbelt ko, maayos naman iyon.
Sumilip ako sa labas ng bintana. Tanaw ko mula doon ang nagtataasang gusali sa paligid samantalang malawak at malinis naman ang runway na pagla-landing-an ng eroplano. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko. Napabuga ako ng hangin, this is it! Magbabago na talaga ang takbo ng buhay ko...
Maraming tao, kanya kanyang lugar na tinatahak. Samantalang ako ay tahimik lang na nagmamasid, napakagat-labi ako. Sana naman ay may sumundo sa akin gaya ng sabi ni Lola.
Nanlalagkit na ako, ang kapal naman kasi ng suot-suot ko. Hindi ko naman mahubad dahil b*a lang ang nasa loob noon. Wala akong magawa kung hindi ang ipaypay na lang sa mukha ko ang hawak na magazine habang naghahanap pa rin ang mga mata ko sa kumpol na grupo ng mga tao. May kanya-kanya silang banner na may mga pangalan ngunit wala ang pangalan ko doon..
"Hera!" Rinig kong malakas na tawag sa pangalan ko. Agad akong naghanap. Isang bagong mukha ang umagaw sa atensyon ko, babae siya, medyo maliit lang at may katabaan. Masaya siyang kumakaway sa akin...
"Siya na kaya ang.. ang mama ko?"