Nangungusap ang mga mata niya. Mula ng makita ko siya, ngayon ko lang nakita ang pag-aalala sa buong mukha niya. Gayunpaman, parang alanganin pa rin siyang magsalita o humingi ng sincere na sorry. "Give it back." Maotoridad na utos ko sa kanya. "No." Buo ng determinasyong sagot niya sa akin saka lalo pang ikinubli ang telepono sa likuran niya. Hindi ako kumibo. Tiningnan ko lang siya nang masama at prenteng tumayo sa harapan niya. Tingnan natin kung sino ang Boss sa ating dalawa! "T-tatawagan mo ba siya para.. para sesantehin?" Walang kaabog-abog na tanong niya. "That's none of your business, Hera." Kahit kailan talaga, hindi niya alam kung saan dapat lumugar. Saan ka naman nakakita ng baguhang trabahante na ganito makipag-usap sa CEO? "Mali na ipinapasa mo sa ibang tao ang pagkakam