“What are you doing here?” Gulat na tanong ko sa kanya. Malayo ang tanaw niya at gaya ko, mukhang malalim din ang iniisip niya.
“I just like it here especially at night,” simpleng sagot niya.
Hindi na ako kumibo. Tumingala ako upang sumagap ng hangin, feeling ko kasi naso-soffocate ako sa bigat ng dibdib ko. Medyo tuliro pa rin ako sa mga nangyayari. Kung alam ko lang na ganito ang mararanasan ko, sana nakipagmatigasan na lang ako kay Lola huwag lang ako maipadala dito. Pero huli na, nandito na ‘ko at ang dapat kong gawin ngayon ay maka-survive upang makabalik ako sa dati kong buhay.
Ilang sandali pa ay nagpasya na akong bumaba at bumalik sa bahay.
“You know you can find work here, there’s lot of opportunity lalo na sa mga gaya mong galling sa ibang bansa at nag-aral sa magarang school.” Rinig kong saad niya pagtalikod ko.
Napahinto ako, paano niya nalaman iyon? Hindi ko naman nabanggit yun kanina sa tawag kung narinig niya man ang usapan naming ni Lola.
“Excuse me, but how did you know that?”
“I just heard. Iba ang lugar na ‘to, wala pa man yung tao kilala na nila.”
“Huh?” talagang nagulat ako sa sinabi niya.
“Don’t tell me pinagsabi ni Mama kung sino ako?” Siya lang naman ang naiisip kong magsabi noon, hindi naman ako makikilala ng mga taga-rito kung hindi dahil sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. “Maybe. Pride niya yun, e. Saka para alam rin siguro ng mga tao kung paano ka tatratuhin.”
“What do you mean?”
Humarap siya sa gawi ko saka deretsong tumingin sa akin. Maya-maya pa ay bumuga siya ng hangin saka umiling. “Never mind.”
Hindi na rin ako kumibo at nagpasya ng maglakad pababa. “Just search for an available job, may internet ka naman. You need it,” aniya pa.
“Thanks,” nakatalikod na tugon ko.
Okupado ng kung anu-anong bagay ang isip ko habang naglalakad pabalik sa bahay.
“Miss, ang ganda mo naman. Pwede ba kami manligaw?” tanong ng lalaking bigla na lang humarang sa daraanan ko. Nag-angat ako ng tingin at isang naka-topless na lalaki ang bumungad sa akin. Tanging boxer lang ang suot niya. Kulay dilaw ang buhok niyang tayo-tayo at may silver sa dalawang ngipin na nasa harapan.
Kahit medyo malayo ang pagitan naming ay amoy ko pa rin ang kakaibang singaw sa katawan niya at amoy usok ng sigarilyo. Hindi ko mapigilang mapangiwi. Maya-maya pa ay nakita kong may ibinulong ang katabi niyang lalaki sa kanya.
Napatango-tango ang lalaking may kulay ang buhok at saka ako sinuri mula ulo hanggang paa.
“Step-daughter ba kamo ni Ka-Arnold? Ano namang masama? Tropa naman kami, ‘di ba, Miss Beautiful?” Tinanguan niya pa ‘ko at nginisian na akala mo ay nagpapa-cute.
“Uhm, I’m sorry but I am not interested.” Mataray na sagot ko.
“Aba, english speaking,” natatawang tugon niya ulit.
“Fresh from US yan pare,” sulsol pa ng katabi niya.
“Kaya naman pala mataas ang standard.” Dahan-dahan pa siyang lumapit sa gawi ko kaya kusa din akong napaatras. Ayokong madikit kahit maliit lang na parte ng katawan ko sa katawan niya. Hindi pa man ay kinikilabutan na ako.
“Hindi ka ba naaakit sa akin, Miss beautiful? Hindi mo ba alam kung gaano karaming babae ang nagkakandarapa makatikim lang ng katawan ko?”
Nanlalaki ang mata ko habang papalapit s’ya sa’kin. Para akong mabibingi sa mga pinagsasabi niya, hindi ko akalaing may ganito kapangit ngunit may baon pa ring lakas ng loob para buhatin ang sarili niyang bangko.
“No, don’t you ever touch me,” banta ko sa kanya.
Pero ngumisi lang siya habang patuloy pa rin sa paglapit sa akin.
“Tumigil ka Buknoy!” Malakas na sigaw ng isang malaking boses. Kusang napahinto sa paghakbang ang lalaki. Nag-iba ang hitsura ng mukha niya at bumakas ang inis doon.
Ng silipin ko kung sino yun ay nakita ko si Uncle Arnold. Nakahinga ako ng maayos lalo na ng palapit na siya sa gawi namin.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na puwede ka namang pumasyal dito pero huwag na huwag mong kakantiin ang mga taga-rito lalung-lalo na ang mga taong malapit sa ‘kin?!” Mariing sambit niya sa lalaki.
“Wala akong ginagawang masama, Arnold. Tinatanong ko nang maayos itong anak-anakan mo kung pwede akong manligaw pero mukhang mataray at mataas ang standard, e.” Nakangising paliwanag niya kay Uncle.
“Hindi mo pwedeng pilitin ang kahit sino na gustuhin ka, Buknoy. Maligo ka muna. Hindi gaya ng mga babae mo si Hera.”
Kita ko na napahiya nang bahagya ang lalaki. Nagtawanan naman ang mga kasama niya. Maging ako ay lihim na natawa. Totoo naman ang sinabi ni Uncle, maasim na ewan ang amoy ng lalaki. Hindi ko ma-take!
“Sige na, Hera. Pumasok ka na sa bahay, pasensiya ka na sa kanila.”
Kimi lang akong ngumiti at tumango sa kanya saka nilampasan ang mga lalaki. Pero naramdaman ko ang paghipo sa pang-upo ko ng daanan ko ang tinatawag nilang buknoy. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Walang pasabi akong humarap sa lalaki, gamit ang buong lakas ko ay sinapak ko siya sa mukha. Hindi ko alam kung gaano iyon kalakas pero nakita kong napangiwi siya kasabay ang pagtagas ng pulang likido sa kanyang bibig.
“I told you, don’t you dare touch my body!” Hindi ko mapigilang magalit, dinuro ko pa ang bastos na lalaki. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko. Ng gumala ang paningin ko sa mga kasama niya ay halatang nagulat din ang mga ito sa ginawa ko.
“Sa susunod sa kulungan na pupulutin ang gaya mo!” gigil pang sabi ko sa kanya bago ako muling tumalikod at naglakad papunta sa bahay. Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanila maging kay Uncle Arnold hanggang sa pumasok na ako sa loob ng bahay.
Dumeretso ako sa kwarto at umakyat at tangka ng aakyat sa higaan ko pero nagulat ako sa pagharang ni Matilda sa dadaraanan ko.
“So, nagkita ba kayo ni George sa rooftop? Nakipaglandian ka ba sa kanya, ha? Alam ko ang mga karakas ng tulad mo, Hera. Alam kong mahaharot ang mga babae sa america at hindi malabong isa ka sa kanila.”
Muling nagpanting ang tainga ko sa narinig. Kailangan yata talaga pinapatulan ang kamalditahan ng batang ‘to.
“So, what’s your point? E, ano kung makipagharutan ako kay George? Bakit, boyfriend mo ba siya?”
Kitang-kita ko kung paano mamula maging ang tainga niya sa inis.
“Huwag na huwag mong tatangkaing landiin si George, Hera. Hindi isang tulad mo ang magugustuhan niya.”
“Yun naman pala, e. Then, what’s your problem? Natatakot ka na maakit sa akin ang crush mo?”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Naging aligaga ang kilos niya, bagay na alam ko ang dahilan.
“H-hindi ko crush yun, no. Pinagsasabihan lang kita. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo rito, hindi ka na mayaman at wala ka na sa America.”
“I know!” Medyo napalakas ang boses ko. Ano bang akala niya, hindi ko alam yun? Nakakainis!
“Huwag mo nga akong sigawan! Pa-english-english ka pa.” bulyaw niya rin sa akin.
“I’m not that fool, Matilda. At mag-eenglish ako kung kalian ko gusto. It’s none of your business. Kung hindi mo maintindihan ang sinasabi ko, then it’s your problem. At huwag mong sabihing taga-rito ka ay tatarayan mo na lang ako hangga’t gusto mo. Hindi ako pumapatol sa bata pero hindi rin mahaba ang pasensiya ko.”
Pagkasabi no’n ay umakyat na ako ng tuluyan sa higaan ko. Hindi na rin kumibo si Matilda at naramdaman kong pabagsak siyang humiga sa kama niya dahil kasamang umalog ang higaan ko sa taas.
Sa America, kapag ganitong oras ay masaya pa akong nagbababad sa laptop, kausap sina Rina at Cathy habang nanunuod ng kung anu-anong video clips. Pero hindi ko na magawa dito dahil na rin sa wala akong privacy. Nakakaiyak, I feel so bored!
Ilang oras ang lumipas at hindi pa rin ako makaidlip. Siguro dahil anong oras na ako nagising kanina. Naisipan kong sundin ang sinabi ni George, nagsimula akong maghanap ng mga opening na trabaho malapit sa area namin. Gaya ng sabi niya ay marami namang available. May ilan pang page na kailangan mo lang magpasa ng resume online at tatawagan ka na. Pero mas mainam daw na magpunta mismo sa office nila at personal na magpasa ng mga papel.
Siguro kailangan ko na rin ‘tong gawin talaga, habang may natitira pa akong pera. Hindi rin lang ako makatulog kaya nagpasya ako ulit bumaba ng higaan at lumabas. Sa sala ay inabutan ko si Mama at Uncle Arnold na nag-uusap habang nagkakape. Tumahimik sila ng makita ako.
“Ikaw pala, Hera. Hindi ka ba makatulog? Mainit ba?” si Mama iyon.
“Hindi lang po ako makatulog.”
“Halika, magkwentuhan tayo.” Nakangiti niyang yaya sa akin.
“May itatanong lang ho sana ako.”
“Gano’n ba, ano yun?”
“Ah- paano ho ba mag-apply ng trabaho?”
Takang nagkatinginan sina Mama at Uncle. Hindi yata sila makapaniwala na maririnig ang salitang iyon sa unang araw ng pagtapak ko sa Pilipinas.
“Desidido ka na ba diyan, Hera? Pwede ka naman magpahinga muna kahit isang buwan. Igagala ka naming ng mga kapatid mo. Ayaw mo bang enjoy-in mo muna ang pilipinas bago sumabak sa trabaho?” si Mama pa rin.
“Hindi na ho siguro. Kakaunti na lang ang natitira sa perang ibinigay ni Lola, kailangan kong makahanap ng trabaho bago pa iyon maubos. I can’t live without any money, Mama. Siyempre kailangan ko pang magtrabaho ng at least one month bago sumahod, ‘di ba?”
Nakangiti namang tumango si Mama. “Alam mo, parang ayokong maniwala sa lola mo na spoiled brat ka daw, mukha ka namang mature mag-isip.”
“S-sinabi ni Lola na spoiled-brat ako?” hindi ako makapaniwala na sisiraan ako ni Lola sa mismong Mama ko.
“Oo, para daw magawa kong pakisamahan ka.”
“What? She’s unbelievable!”
Oo, spoiled-brat ako pero alam kong ilagay sa lugar. Alangan namang mag-inarte ako dito e wala naman si Lola sa tabi ko para suportahan ang luho ko at mga gusto. Siguro kapag may sarili na akong pera!
Ipinaliwanag naman ni Uncle sa akin ang mga dapat kong dal’hin na mga papel. Napagkasunduan din namin na bukas nga ay tutulungan niya akong kumuha ng mga ilang mahahalagang papel para handa na raw ako at hindi na maaabala pa kapag nag-aaply na ng trabaho.
Alas onse na rin kami ng gabi natapos sa diskusyon. Magaan ang pakiramdam ko ng pumasok ako sa loob ng kwarto. Inabutan ko pang gising si Matilda at nagse-cellphone.
Hindi ko na siya pinansin at umakyat na lang sa higaan ko. Sandali pa akong nakipag-chat kina Rina at Cathy bago ako tuluyang inabot ng antok. Mabuti na lang at malamig pala tuwing gabi. Para na rin akong naka-aircon kahit pa nga electric fan lang naman ang gamit ko. Makakatulog ako ng maayos.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Mama, kailangan daw maaga kami ni Uncle Arnold upang hindi abutan ng mahabang pila. Police clearance ang kailangan naming kuhain, ewan ko kung para saan iyon, hindi naman ako nakatira dito ng ilang taon kaya paano sila makakakuha ng record ko? Nakakatawang isipin pero kailangan daw yun sa pag-aaply kaya sumang-ayon na lang ako.
Pinipilit niya pa akong magkape muna bago daw maligo. Para mainitan na rin ang sikmura ko pero hindi kasi ako sanay na nauunang kumain o uminom pagkagising, inuuna ko talagang maligo.
Dahil umaga pa naman kaya wala pang gumagamit ng banyo. Kahit nag-aadjust pa rin sa hitsura ng banyo nila ay tiniis ko na lang. Wala naman akong choice..
Hindi pumasok sa isip ko na para palang binuhusan ng yelo ang tubig dito ng ganito kaaga, maayos naman kasi ang pakiramdam ko. Warm na warm ang simoy ng hangin para sa akin paglabas ko kaya hindi ko in-expect ang lamig ng tubig. Hindi ko mapigilang mapasigaw ng ibuhos ko sa ulo ang unang tabo. Parang gumapang ang malamig na kilabot mula sa anit ko pababa sa mga kalamnan ko. Kaagad akong nanginig sa lamig..
Maya-maya pa ay sunod-sunod na katok mula sa labas ang narinig ko.
“Hera, ayos ka lang ba?” nag-aalala ang boses ni Mama.
“H-ho? A-ayos lang ako, Ma. M-malamig po pala ang tubig.” May kalakasan ding tugon ko.
Sandaling hindi kumibo si Mama, hindi ko alam kung natatawa lang ba siya o naaawa sa akin. “Yun lang ba, sabi ko naman sa’yo uminom ka muna ng kape, e. Huwag mo ng ituloy kung nilalamig ka, Anak.”
Sa tono ng boses niya, parang hindi naman siya naaawa sa ‘kin.
Hindi na ako kumibo, nabasa na rin ako kaya titiisin ko na lang siguro.
“Sige na. Iwanan na kita dito, ha?” muli niyang sigaw.
“Sige po.” Tanging tugon ko na lang.
Nakakahiya ako! Gano’n ba kalakas ang sigaw ko para marinig pa sa bahay? Paano pa pala sa mas malapit na mga kwarto? Hindi ko mapigilang matapik ang sarili kong noo sa isiping iyon..