KABANATA 10: PAGHAHANDA

1178 Words
Matapos mag-almusal ay nagsimula na kaming mag-asikaso ni Uncle Arnold. Una kaming nagpunta sa barangay kung saan kilalang-kilala pala siya. "Nako, Arnold. Huwag mo sabihing ipinagpalit mo na si Kumareng Ange sa isang bata at napakagandang dilag?" Tukso ng isang lalaking nag-aasikaso sa amin sa office ni Mayor. Napangiti ako hindi sa sinabi niyang ipinagpalit kung hindi sa papuring natanggap ko. Alam kong maganda ako pero iba kapag sa ibang tao mismo nanggagaling. "Step-daughter ko yan, Pare. Baka may makarinig sa'yo, maniwala.." natatawang tugon naman ni Uncle. "Gano'n ba?" Anang lalaki saka dumikit ng bahagya kay Uncle at parang may ibinulong. Mahina man ay narinig ko pa rin kaya lalo akong napahagikgik. "Pwede ba 'kong manligaw sa Anak mo, Itay?" Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Uncle. "Sira-ulo. May asawa ka na at ang tanda mo na, Oy!" "Nako, baka maniwala naman sayo si Dalaga," tapos ay tumingin siya sa akin. " 'wag kang maniniwala dito sa tatay mo, ha? Binatang-binata ako." Pagtatanggol niya sa sarili. Ngumiti lang ako. Nakakaaliw silang pagmasdan. Medyo may edad na rin naman ang lalaki bagama't maganda ang hubog ng katawan nito at hindi maitatangging may hitsura din naman. Naniniwala akong may asawa na ito at siguro ay anak kung ang pagbabasehan ay ang daliri nitong may nakasuot na singsing. Napansin niya yatang sa palasingsingan niya ako nakatingin. Naiiling siyang tumawa saka tinapik sa balikat si Uncle Arnold. "Observant at matalino pala itong Anak mo, Pare. Hindi maloloko basta-basta." "Sabi ko naman sa'yo iba na lang ang lokohin mo, e." "Pero alam mo, pwede kitang ialok na secretary ni Kapitan. Kung gusto mo lang naman." Nakangiting saad niya sa akin. Namangha ako sa narinig. Kusa yatang lumalapit ang swerte sa'kin. "Talaga ho?" "Oo naman.." Pero ng tingnan ko si Uncle ay nabasa ko kaagad ang reaksyon ng mukha niya. "Hayaan niyo, pag-iisipan ko." Nakangiting tugon ko. "Sige, lapitan mo lang ako kung magbago ang isip mo, ha?" Tumango na lang ako bilang tugon. Maya-maya pa ay dumating na si Kapitan. Bakla pala ito at mukhang mas maarte pang kumilos sa akin. Kaagad niya namang pinirmahan ang papel na kailangan ko. Kinindatan pa ako ng lalaki bago kami tuluyang umalis ni Uncle. Naiiling na lang ako habang naghihintay kami ng sasakyan nu Uncle na magdadala naman sa amin aa NBI daw upang kumuha ng Police at NBI clearance. "Huwag kang papauto sa lalaking yun, Hera. Numero unong babaero yun sa hanay ng mga kagawad dito. Kawawa nga ang asawa nun, nagtitiis na lang sa ugali niya dahil wala namang ibang susuporta sa mga Anak nila kung hindi siya lang." Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Uncle. "Hindi rin naman po ako papatol sa mas may edad sa akin, Uncle." Natatawang sagot ko. "Hindi naman mahalaga kung mas matanda sa'yo. Ang mahalaga yung walang sabit at hindi babaero. Aanuhin mo naman ang matatamis na salita at pangako kung sa umpisa lang? Saka hindi ka yung tipo ng babaeng maloloko ng tulad ni Edgar." Natatawang pahayag ni Uncle. Medyo natuwa naman ako. Gano'n pala kataas ang tingin niya sa'kin. Well, tama naman talaga siya. Galing man ako sa modernong lugar at mga wild na kabataan, I still know my limits. Wala pa nga akong karanasan, puro kiss at hipuan lang pero hindi ko hinayaang lumampas ako sa higit pa roon. Nadala ko kasi sa isip ko ang paalala ni Lola na ako rin naman ang talo sa huli, which is true. Ilang beses kong nasaksihan kung paano malugmok si Rina pagkatapos niyang ibigay ang lahat sa kanya sa unang naging boyfriend. Hindi pala sapat na ialay mo na ang buo mong pagkatao para seryosohin ka ng isang tao. Uso naman yun sa America, pero hindi gaya ng ibang kabataan si Rina, palagi siyang nagmamahal at ayaw ng laro-laro lang. Si Cathy naman ang pinaka-conservative sa amin, hindi man halata pero grabe talaga ang pag-iingat niya sa katawan niya at sarili. Habang ako ang explorer at sumusubok na makipaglaro sa mga lalaki. Wala pa naman akong naging boyfriend. Fling lang at pampalipas oras tuwing trip ko magpainit. Natutuwa kasi ako kapag nakikita ko ang pagnanasa sa mga mata nila, pagkatapos ay iiwanan ko silang bitin. Pakiramdam ko rin naitapagtatanggol ko si Rina sa ganoong paraan kaya nai-enjoy ko ang paglalaro. Hindi ko lang alam kung magagawa ko pa iyon dito sa Pilipinas. Hindi ko kasi alam ang trip ng mga kabataan dito, baka kapag nakakita ako ng target. Pero sa kinakailangan kong gawin ngayon, baka hindi ko na maharap ang fling na iyan. Siguradong magiging napaka-boring ng magiging buhay ko dito.. Napabuntong-hininga ako nang malalim sa isiping iyon. "Ang lalim nun, ah?" Si Uncle. Nasa taxi na kami at patungo sa NBI. "Ah, pasensiya ka na Uncle. May iniisip lang ako." "Makakahanap ka kaagad ng trabaho. Sigurado ako diyan." Ngumiti na lang ako bilang tugon. Confident din naman ako sa bagay na iyon. Ilan na ba silang nagsabi na matatanggap ako kaagad dahil sa pinanggalingan ko? "Pagdating namin sa sinasabing lugar ni Uncle ay may ilang tao na ring nakapila doon. Medyo mahaba na rin ang pila samantalang napakaaga pa naman. "On time naman pala ang mga Pinoy, ang sabi kasi ni Lola one hour late daw tayo palagi especially here sa Pilipinas." Natatawang pahayag ko habang binibilang kung pang-ilan ako sa pila. "Tama naman ang lola mo. Pero hindi dito sa NBI. Yung iba dito na yata natutulog para makauna sa pila." Namangha ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Puro kalalakihan ang nauuna sa 'kin, mga binata at middle age ang edad. Iilan lang ang mga babaeng naroon. Ibig bang sabihin mas maraming aplikanteng lalaki kaysa babae? "Miss, gusto mo mauna ka na sa'kin?" Sabi ng isang binata na kaedad ko lang siguro. Malaki ang ngiti niya, halatang nagpapa-cute. Tumingin ako kay Uncle at tumango naman siya. "Sigurado ka ba?" Naninugurong tanong ko. "Oo naman, dito ka na sa unahan ko. Mamaya lang ay magbubukas na 'yan." Inginuso pa nito ang saradong building. Kimi naman akong ngumiti sa kanya saka nagpunta sa unahan niya. Ilang sandali pa ay bumukas na nga ang establisemento. Nagtayuan ang mga tao at nagkagitgitnan na sa pila. Nagulat pa ako sa biglang pagdagsa ng mga taong hindi ko alam kung saan nanggaling. Kaagad na hinanap ng mga mata ko si Uncle, kita ko naman siya sa tabi ng tindahan habang naninigarilyo at nakikipag-usap sa isang lalaking naroon din. Ng magsimulang magsalita ang isang boses sa microphone ay muling nagkagitgitan. Nangunot ang noo ko ng maramdaman ang matigas na bagay sa pang-upo ko, parang sadyang idinidikit iyon doon ay idinidiin. Nag-init ang magkabilang pisngi ko pati na rin ang ulo ko. Ngayon ko lubos na naunawaan kung bakit ako pinauna ng lalaki sa likuran ko. Ang akala ko ay titigil ito pero paulit-ulit pang idinidiin ang harapan niya sa akin.. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko, umiral nanaman ang mapanakit kong ugali. Humarap ako sa lalaki at galit na dinaklot ang hinaharap niya. Sisiguruhin kong makukuha niya kung ano ang gusto niyang matikman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD