“I still can’t believe that you are not here anymore, Hera. We miss you too, you know. J-just don’t make it hard for us, okey? Just be happy there, we know how tough you are.” Si Rina iyon. Samantalang si Cathy ay nagpupunas ng kanyang mata.
I really adore this two bitches, may ugali man kaming magkakaiba pero hindi iyon naging hadlang upang mas mahalin namin ang friendship na mayroon kami. I can feel how much they care for me, and because of that, mas tumataas ang confident ko at positive vibes.
“I’m sorry. You know I’m not this kind of friend, right? I just can’t help myself. But, yes, I can do this. Just be there for me, always, okey?”
“We are just one call away, Hera.” Sabay na bigkas pa nilang dalawa.
“I know.” Nangingiting tugon ko.
“Anyway, how was your mother, do you have any sibings?” si Rina iyon.
“Y-yeah,”
“And they like you, right?” si Cathy.
“I- I think so.” Napakibit-balikat pa ako.
“Hey, they must like you. You’re a cool sister.” Natatawang pahayag ni Cathy.
“You think so?”
“Uhm,” tumatangong tugon niya ulit.
Lumabi na lang ako, kung alam lang nila. Kung wala lang si Maldita sa ilalim baka kanina ko pa sinabi sa kanila kung gaano kataray ang step-sister ko. Mas witch pa yata sa’kin.
Ilang kuwentuhan pa at nagpaalam na rin kami sa isa’t-isa. Kahit papa’no ay gumaan ang pakiramdam ko at parang na-refresh ang utak ko. Matapos maayos ang mga accounts ko ay nag-check naman ako ng mga emails at update sa mga grades namin. Wala pa kasing final score at tops para sa huling semester.
Hanggang sa naisipan kong silipin ang laman ng bank account ko. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako sa maaari kong Makita doon. Ang alam ko ay may laman iyong 20,000 Dollar. Panggastos ko sa nalalabing bakasyon, sana naman ay hindi na binawasan ni Lola. Shared account kasi kami, isa iyon sa kasunduan habang hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral. Maging ang mga credit cards ko ay limited lang rin ang maaaring gamitin.
Halos manginig ang kamay ko habang itina-type ang password ko. Mabuti na lang at may mobile app ang banko namin ni Lola. Mas convenient at nagagamit ko sa mga online transactions.
Pumikit ako bago pintudin ang enter. Mada-direct na kasi ako sa amount ng natitira ko pang pera. Para sa ‘kin ay napakahalaga nito, sobrang halaga!
Tinakpan ko ang screen ng phone ko bago dumilat, dahan-dahan kong inalis nang paisa-isa ang bawat daliri kong nakatakip sa amount ng pera ko. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Sana naman may pang-malling ako dito. Kahit iyon na lang maging libangan ko habang naghihintay ng school year.
Unti-unting lumabas ang bawat numero, nagsimula ako sa pinakadulo, tatlong zero! Yes! Lalong lumakas ang kaba ko, sana talaga hindi nabawasan. Malaking halaga na iyon dito kung magkakataon.
Subalit one na ang kasunod ng tatlong zero. One? Puwede bang may butal na one?
Napabuga ako ng hangin, parang gusto ko na lang i-exit at huwag na ituloy tingnan. Parang ngayon pa lang ay maiiyak na ako. Nilakasan ko na lang ang loob at inalis na ng buo ang daliri ko. Halos malaglag ang panga ko ng makitang wala ng ibang kasama ang 1 na nasa unahan. 1,000 dollar na lang ang laman ng account ko!
“No!” mahinang bulalas ko. Nagsimula na ring bumagsak ang luha sa mga mata ko.
“Lola, bakit naman ganito?” masama ang loob na tanong ko sa kanya sa’king isip.
Pabagsak akong nahiga. Hindi ko mapigilang mapahikbi. Nakakainis, paano magkakasya yung iniwan niyang pera sa ‘kin?
“Makalabas na nga, ang ingay-ingay!” rinig kong sigaw ni Matilda. Hindi ko siya inintindi, masyadong okupado ng napakaraming tanong ang isip ko para patulan ko pa siya.
Hindi ako lumabas ng silid kahit madilim na. Hindi ko pa rin matanggap na talagang pababayaan ako ni Lola ng ganito. Kaya lang naman malakas ang loob ko na sundin ang nais niya ay dahil alam kong hindi niya ako matitiis, alam ko kung gaano niya ako kamahal.
Sinubukan kong tawagan ang cellphone number niya pero kulang daw ang load balance ko. Sinubukan kong mag-research kung magkano ang halaga ng load na kakailanganin upang makakontak sa America, madali ko naman iyong nahanap. Siguro ay mapapaki-usapan ko si Mama mamaya na load-an ang number ko. Kailangan kong maka-usap si Lola…
“Anak, kakain na ng hapunan.” Tinig mula sa labas ng pintuan matapos ang magkakasunod at mahinang katok.
“Sige ho, lalabas na ‘ko,” tugon ko.
Inayos ko ang sarili at saka nagpasyang lumabas. Nakahain na sa lamesa at nakaayos na rin sila ng upo. Habang si Matilda ay sa sofa nakapuwesto at doon kumakain mag-isa. May isa pang upuan na bakante na siguro ay para sa’kin. Doon siguro dati nakaupo si Matilda pero dahil narito na ako kaya sa sofa na siya pumwesto, nakakahiya man ay hindi ko na lang masyadong inintindi iyon.
Umuusok pa ang sabaw na nasa malaking mangkok. Agad akong natakam sa amoy ng sinigang. Matagal-tagal na rin nung huli akong nakakain noon, minsan lang kasi makaisip si Lola magluto ng Filipino recipe.
“Pasensiya ka na at sinigang na isda lang ang naihanda naming sa’yo, ha? Iyan lang kasi ang kaya ng budget namin ng tito mo. Hayaan mo, babawi na lang kami kapag may sobrang budget.”
“Nako, masarap naman ho ito,” pili tang ngiting sagot ko. Alam kong bangus ang isda na nakahalo doon, natikman ko na rin naman iyon pero hindi ko na maalala ang lasa. Kadalasan kasi ay puro karne ang niluluto namin ni Lola.
“Bakit, espesyal bay an para paghandaan niyo pa?” maya-maya’y rinig kong sabat ni Matilda.
“Matilda, ang bibig mo!” Mariing sambit ni Tito Arnold. Hindi naman kumibo ulit si Matilda.
“Ngayon lang kasi napunta ulit si Ate Hera mo dito sa Pilipinas, Anak. Saka, mayaman ang lola niya at hindi siya naghirap sa states. Baka lang nag-aadjust pa ang ate mo. Sana maunawaan mo iyon.” Malumanay na paliwanag ni Mama.
Kita ko ang pagtayo ni Matilda sa sofa, mukhang tapos na siyang kumain.
“Kailangan niyang makisama at masanay. Kung lumaki siyang marangya, bakit siya nandito ngayon? Saka wala ba siyang pera?” tapos ay lumapit siya sa tapat ko.
“Anak-“
“Hoy, Hera. Hindi ka espesyal dito. Kung gusto mo ng masarap na ulam, magbigay ka ng ambag para makabili ng masarap na ipapaulam sa’yo. Kasi hindi kaya nila Nanay at Tatay ang luho mo-“
“Matilda!” Dagling putol ni Uncle Arnold sa sinasabi ni Matilda. May galit at pagbabanta na rin sa tinig niya.
“Hmmp. May araw ka rin sa ‘kin.” Mahinang bulong niya pa. Padabog siyang pumasok sa loob ng kwarto at pabagsak na isinara ang pintuan.
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ano ang totoo kong nararamdaman. Pero gusto kong sigawan sa mukha si Matilda, akala mo naman kung sino! Sino ba siya sa akala niya para pagsabihan ako? Gayunpaman ay pilit akong kumilos ng normal.
Nagsimula na akong magsandok ng pagkain ko, nagulat pa nga ako kasi tinulungan ako ni Mama. “Akon na lang ho, kaya ko na ito. Ano nga ho pala yung ambag?” curious na tanong ko.
“Ah- wala yun, Anak. Pagpasensiyahan mo na si Matilda, pressure lang yun kaya gano’n ang ugali. Sana habaan mo pa ang pasensiya mo sa kanya.”
Pilit akong ngumiti. I doubt myself when it comes to patience. Siguro mapagbibigyan sa umpisa pero mabilis din akong mapuno at wala pang sino man ang nagtaray sa akin na gaya ng ginagawa ni Matilda. Ang mga school mate ko at kaklase ay ilag sa akin dahil sa katarayan ko kaya hindi isang rebeldeng bata lang ang makakapagsalita ng kahit ano sa ‘kin.
“I can’t promise you na hindi ko papatulan si Matilda, Mama.” Simpleng tugon ko sa kanya. Nagpakawala siya ng buntong-hininga saka kiming ngumiti sa akin.
“Naiintindihan ko. Sige na, kain na tayo.”
“Ano nga pa lang plano mo habang bakasyon?” Tanong ni Uncle Arnold sa kalagitnaan ng aming kain.
Hindi ko naman agad naunawaan ang nais niyang sabihin. Even I ask myself the same question.
“Tatapatin ka na naming, Hera. Nabanggit ng lola mo hindi ka raw niya bibigyan ng suporta habang nandito. Wala kaming ideya kung bakit niya yun gagawin pero sabi niya ay alam mo naman daw ang tungkol doon. Hindi ka naming mapag-aaral ng kolehiyo lalo at sa prestihiyosong eskwelahan ka pa pala dapat mag-enroll.”
Ini-expect ko ng sasabihin nila iyon pero kahit papa’no ay nakaramdam pa rin ako ng pagkataranta. Isa ang bagay na ito sa kanina pa gumugulo sa isip ko. Mukhang hindi ko nga talaga magagawang enjoy-in ang bakasyon.
“Ah- oho. Alam ko ang tungkol sa suporta at naiintindihan ko kung hindi niyo ako kayang pag-aralin. I can see that.”
“Pasensiya ka na, Anak. Sapat lang kasi sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya namin ang kinikita ng Tito mo. Mapapakain kita at mabibigyan ng matutuluyang bahay, pero yung ibang needs mo at wants, hindi ko talaga maibibigay. Pasensiya ka na.” Nahihiyang pahayag ni Mama.
Naiiyak nanaman ako. Pati ba naman ibang needs ko hindi nila kayang ibigay? Totoo ba talagang nangyayari ang mga bagay na ‘to sa ‘kin ngayon?
“Saan ho kaya pwedeng makapagload?” tanong ko.
“Bakit anak? Magkano ba ang kailangan mong load? Si Matilda kasi naglo-load yan. Isa sa raket niya.”
“500 worth ho sana.”
“Talaga? Tanungin ko siya kung may ganoon pa siya kalaking load, kung wala na sasamahan na lang kita sa labasan,” ani mama.
“Sige ho, salamat.”
Tinapos ko na ng mabilis ang hapunan. Marami din akong nakain, may sawsawan din kasing maanghang kaya mas ginanahan akong kumain.
Matapos iyon ay kinausap na nga ni Mama si Matilda. Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya ng kuwarto. “Anak, dito ka lang, ha? Palo-load-an ko lang si Matilda para ma-load-an ka niya. Para may kita naman siya maski papa’no. Sandali lang, ha?” aniya saka siya nagmamadaling lumabas ng bahay.
“Ayaw mo bang sumubok maghanap ng trabaho sa mga kilalang kumpanya dito, Hera? Galing ka pa naman sa magandang eskwelahan sa America, siguradong matatanggap ka kaagad. Para bago magsimula ang pasukan, may pera ka na at makakapagbayad ka ng tuition mo kahit walang padala sa’yo ang lola mo. Suggestion ko lang naman.”
Si Uncle Arnold iyon. Kasalukuyan siyang nagkakape habang naninigarilyo.
Ako, magtatrabaho upang makapag-ipon ng pang tuition? A working student? Ipinilig ko ang ulo sa nai-imagine na hitsura ko. Kahit kailan ay hindi ko naisip na magiging gaya ako ni Jessy!
Kakausapin ko si Lola, hindi ako maaaring maging working student! Hindi ko kakayanin yun. Kaya ng dumating si Mama ay sumabay na ako sa kanya sa pagpasok sa loob ng kwarto. Kusa ko ng ibinigay kay Matilda ang number ko upang load-an niya.
“Ma, saan kaya ako puwedeng tumawag kay Lola privately?” mahinang tanong ko kay Mama.
“Doon sa labas, Nak. Pwede din naman sa taas, maluwag doon at tanaw ang buong barangay natin. Samahan kita umakyat?” prisinta niya na ikinatuwa ko naman. Ng tuluyang pumasok ang load ay iniabot ko ang buong isang lib okay Matilda. Hindi ko na rin kinuha ang sukli at nagpasama na ako agad kay mama sa roof top.
Tama nga siya, dahil apat na palapag ay medyo mataas ang lugar na iyon. Tanaw nga ang kabuoan ng barangay dahil mababa lang naman ang mga kalapit na bahay. Puro bahay naman at eskinita ang matatanaw, hindi kagandahan para sa akin dahil sa dikit-dikit na bahay at kalat-kalat na mga bata at tambay sa labasan. Maliwanag rin kahit gabi na.
“O, pa’no. Maiwan na muna kita, ha? Alam mo naman ang daan pababa.”
“Oho, salamat.”
Tinanaw ko pa ang tuluyan niyang pag-alis. Ng masiguro kong ako na lang ang tao ay saka ako nagsimulang mag-dial ng numero ni Lola. Hindi naman tumagal at sinagot niya iyon.
“Oh, Hija napatawag ka?” Panimula niya.
Kahit pa buo na sa isip ko ang nais sabihin sa kanya ay natameme pa rin ako. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Nagsimula na ring bumuhos ang luha sa mga mata ko, hindi ko mapigilang mapasigok.
“Mahal ang international call, you must save your money.” Dagdag niya pa.
“Because you take away my vacation allowance.” Alam ko na nasa himig ko ang pagtatampo which is totoo naman.
“I already told you, Hera. Kukuhain ko ang allowance mo. Kailangan mo gumawa ng paraan to survive.”
“How lola? Hindi ako mapag-aaral ni Mama dahil sa hirap ng buhay nila. Maghanap ako ng work, maging working student ako, is that what you want me to do?” puno ng pagkamanghang tanong ko.
“Exactly. I know you’re brave enough.”
“What? Are you being serious right now? Paano ako makakapagpokus sa schooling kung may work na nakaka-distract sa akin.” Gusto ng mawalan ng lakas ng mga binti ko.
“Hmm, if there’s a will, there’s a way. Just don’t disappoint me, Hera.” Puno ng kaseryosohan ang tinig niya. “I’ll call you again if I already send your school papers.” Pahabol niya pa bago tuluyang namatay ang tawag.
Tulala kong tinitigan ang screen ng phone ko. Hindi ako makapaniwala, itinapon lang ba ako ni Lola dito? Hindi niya na ba ako mahal?
“Life is unfair, isn’t it?”
Napaigtad ako ng marinig ang buo at pamilyar na tinig na iyon ng isang lalaki. Napabaling ako sa kaliwa ko kung saan nanggaling ang boses.
“G-george?”