KABANATA 7: WIFI

1044 Words
Habang nasa kabilang pintuan ay ramdam kong uncomfortable si Matilda. Kahit nga tahimik lang naman siya at walang imik, kitang-kita ko sa mga mata niya ang frustation. Nakailang katok pa kami at tawag bago bumukas ang pintuan. Isang matangkad at morenong lalaki ang bumungad sa amin. May hitsura naman at mukhang seryoso. Manly din. Hindi ko nga siya nakitang nakatambay sa labasan, siguro ay nananatili lang sa loob ng bahay. "Uhm, Yes?" Seryosong tanong ng lalaki sa amin. Ng mapadako ang tingin ko kay Matilda ay pansin kong nag-iba nanaman ang kilos niya. Parang namumula din ang magkabilang pisngi niya. Doon ako lubusang nagkaideya sa mga nangyayari. "Ah- k-kasi makiki-connect sana kami sa wifi." This is the first time that I see her smile. Ang ganda niya naman pala kapag ngumingiti. Maging ako ay napangiti na rin. "Gano'n ba," ani George saka binalingan ang hawak kong laptop at cellphone. "And you are?" Tanong niya sa'kin. "Ah- I'm Hera. Her step-sister." Magiliw kong sagot sa kanya. "Nice to meet you, Hera." Iniabot niya pa ang kamay sa 'kin upang makipag-shake hands. Kaagad ko naman iyong inabot at nakangiting tinanggap ang kamay niya. Ang kaso, biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Matilda habang nakatingin sa amin. "Uhm, wait lang, ha? Isusulat ko lang yung password." Nakangiting paalam ni George sa amin bago umalis sa pintuan. Hindi naman niya isinara ang pinto kaya mat'yaga na lang kaming naghintay sa labas. Pakiramdam ko tuloy lalo lang nag-init ang ulo ni Matilda sa akin. Kita ko na parang inis niyang isinandal ang likod sa pader at nakasimangot na tumutok ulit sa cellphone. Maya-maya lang ay muling sumilip sa pintuan si George. Nakangiti niyang inabot kay Matilda ang password na nakasulat sa papel. "Huwag mo na lang ipagkakalat ang password, ha?" Nakangiting saad niya. Pero hindi kinuha ni Matilda ang papel sa halip ay sinimangutan niya si George. "Bakit sa 'kin mo binibigay? 'Di ba ikaw pa nga naglagay ng password dito sa phone ko? Baka mamaya ipagkalat ko pa yan, e. Diyan mo kay Hera ibigay. Tutal naman mukhang sa kanya may tiwala ka na." Mataray na sambit niya bago tumalikod at iniwan kami. Nagulat pa 'ko ng bundulin niya ang braso ko nang lampasan niya 'ko. Muntik ko na tuloy mabitawan ang hawak kong laptop at cellphone. Talagang inuubos ng babaitang yun ang gapiranggot na pasensiyang nasa katawan ko! "Anong nangyari sa kanya?" Takang tanong ni George habang napapakamot sa ulo. Gusto ko ring singhalan 'tong lalaki na 'to. Manhid lang yata o sadyang insensitive. Sinabi na nga ni Matilda ang dahilan kung bakit ito nagagalit, tapos ngayon nagtatanong pa kung anong nangyari? "Obviously, nagseselos." Deretsang tugon ko saka kinuha ang hawak niyang password ng wifi. "Thanks." Pilit ang ngiting sumilay sa labi ko. Parang naging third party pa tuloy ako sa kalokohan ng dalawang 'to! Bago ako tuluyang umalis ay nakita ko pa ang pagguhit ng kakaibang ngiti sa labi ni George. Aba't pilyo pa ang loko. Muli akong bumalik sa bahay, huminga ako ng malalim at pinuno ng hangin ang dibdib ko. Siguradong susubukin lalo ang pasensiya ko lalo at magkasama kami sa iisang kwarto ni Matilda. "Patience, Self! Patience. Kailangan mong makisama. Sundin mo lang ang payo ng lola mo, Okey?" Mahinang bulong ko sa sarili. Pagpasok ko sa loob ay sabay na napalingon sa 'kin si Mama at Uncle Arnold. Puno ng pagtataka ang mukha nila pero wala namang nagtanong sa akin. Wala rin si Matilda sa sala. Nasa kwarto siguro. "Ok na ba? Nai-connect mo na sa wifi 'yang mga gamit mo?" Si mama iyon. "Ah-" itinaas ko ang hawak na papel. "Ibinigay yung password sa akin." Pansin kong nagkatinginan sila ulit ng makahulugan. Nagkibit-balikat pa si Uncle Arnold. Nakakainis talaga, parang may hindi ako alam na nangyayari. Kung sabagay, ano nga ba talaga ang alam ko e ngayon ko lang naman sila nakasama? "Pasok muna ho ako sa loob. May aasikasuhin lang ako." Magalang na paalam ko sa kanila. At last, makakausap ko na ng maayos sina Rina at Cathy. Kaso baka sa chat lang, ayoko namang marinig ni Matilda ang pagsusumbong ko sa dalawa kong kaibigan. Matilda's lying on her bed when I came in. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin which is better kaya umakyat na lang rin ako sa higaan ko at doon ikinonek ang phone at laptop ko sa wifi. Nagulat pa nga ako dahil may pangalang nakasulat sa ibaba ng wifi password. 'sss account: George Manalagi. Please add me on sss:)' Yun ang nakasulat kasama ang smiley emoticon. Wala naman akong balak na i-add si George. Palagay ko rin ay hindi naman para sa 'kin yun dahil kay Matilda niya nga unang inabot ang papel kanina. Kaya ang ginawa ko ay ibinato ko na lang sa lapag ang papel. Kinumos ko lang iyon ng bahagya. Alam kong titingnan rin iyon ni Matilda maya-maya. Pagkonek na pagkonek ng phone ko sa wifi ay doon lamang dumating sa 'kin ang 'sang katerbang messages mula kina Cathy at Rina. Puro pangangamusta at magsend daw ako ng picture ko, ang bahay na tinutuluyan ko at kung okey lang daw ba ang buhay ko dito. Napairap ako sa mga tanong nila. Iisa lang naman ang sagot sa lahat ng tanong nila. "I'm not fine." Simpleng tugon ko. Gaya ng inaasahan, mabilis silang tumawag at gustong makipag-video call. Sino bang ayaw silang makausap, inaalala ko lang na baka marinig ng maldita sa ilalim ko ang magiging usapan namin. Sa huli ay sinagot ko pa rin ang tawag, who cares in a first place? Hindi naman siguro puwedeng palagi na lang ako mag-aadjust para sa babaitang 'to! "Hera!" Masayang bulalas ni Cathy ng makita ako sa camera. "How are you? What happened?" Puno ng pag-aalala ang boses niya. Maya-maya pa ay sumali na rin si Rina sa usapan. "Girl, what happened to you there?" Tanong niya rin sa'kin. Kimi lang akong ngumiti. Gusto kong maiyak. Dati ako ang pinakamatapang sa aming tatlo, pero ngayon pakiramdam ko nami-miss ko na silang dalawa. Kung nandoon lang ako, siguradong nasa shopping center nanaman kami madalas at nagre-relax. "I miss you both." Seryosong sambit ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pamumuo ng luha sa mata nilang dalawa. Damn, I hate this kind of feelings!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD