CHAPTER 48 Hindi na lang pag-aaral ang gagawin ko sa Manila, subukan ko ring hanapin ang aking ama. Kahit ng papunta na ako sa Manila at nasa bus ako, umiiyak pa rin ako ngunit nangangako akong sa pagbabalik ko. Sa muling pagkikita namin ni Nanang ay sisiguraduhin kong ang lahat ng iniliuha niya at paghihirap ay mahahalinhinan ng mga ngiti at halakhak. Naging mabilis ang paglipas ng panahon. Unti-unti nakalimutan ko na rin si Bryan. Maaring mahal ko pa rin siya ngunit mas tinutukan ko na ang aking pag-aaral. May mga naging crush naman ako dahil sa dami ng gwapo sa Manila ngunit hanggang doon na lang. Dahil hindi maganda para sa akin na nag-aaral ng medisina sa masikip, magulo at maingay na lugar ay lumipat ako sa mas malinis at tahimik na lugar. Bed spacer pa rin naman