bc

I'LL BE THAT GIRL (BXG)

book_age16+
4.3K
FOLLOW
40.7K
READ
family
brave
confident
drama
tragedy
bxg
coming of age
like
intro-logo
Blurb

Si Kashmine ay isang mahirap na probinsiyana. Dumaan sa maraming pagsubok sa buhay. Kahirapan ang siyang humubog sa kanya. Ang kahirapang ding iyon ang nagtulak sa kanya para magpursigi kahit pa sa kawalang pag-asa.

Sa kabila ng kanyang pagiging dukha, may katalinuhan, kagandahan at kataasan ng pangarap na siyang nagiging sandata niya para umangat. Isa lang ang pinangarap niya, ang sana dumating ang lalaking tatanggap at magmamahal sa kanya.

Sa kabila ng kahirapan ng Kashmine, dumating sa buhay niya si Bryan. Ang gwapo at milyonaryo niyang kaklase na siyang bumago sa kanyang buhay ngunit nang umalis ito papuntang America ay hindi muli pang nagpakita. may dumating na bagong pag-ibig, si Heine. Mayaman, mabait, matalino at saksakan ng gwapo. Si Haine na nga ang hinihintay ni Kasmine sa buhay niya. Ngunit may sikretong bumabalot sa pagkatao nito. Sikretong magdadala kay Kashmine para makilala niya ang totoong siya at ibigay ang lahat lahat na alam ni Heine na makapagpapaligaya sa babaeng minahal niya ng higit pa sa buhay niya.

chap-preview
Free preview
THAT POOR LITTLE GIRL
II’ll Be That Girl By: Pinagpala (JOEMAR P. ANCHETA) Unang Kabanata:   Minsan, ang sukatan ng pagiging tao ay kung ano ang estado mo sa buhay. Kahit nga ang karapatan ng lahat na mangarap ay dito na rin binabase. Kung mahirap ka, pinagkaitan ka na rin ng karapatang mangarap ng matayog. Ngunit hindi ba dapat kapag nasa laylayan ka, matuto tayong mangarap para iyon ang lakas natin upang umangat? Hindi ba kapag hikahos ka sa buhay, mas kailangan natin ang pangarap na siyang magtutulak sa ating para lalong magpursigi? Wala sa hinagap ko noon na ang kagaya kong probinsiya ay makatatagpo ng lalaking tiga lungsod na tatanggap at magmamahal sa akin ng lubos-lubos. Parang kulang? Sige lubusin natin. Wala sa palagay ko na ang kagaya kong pobre ay makakatagpo ng isang bilyonaryo na siyang magpaparamdam at magpapakita sa akin ng wagas na pag-ibig. Ang lalaking siyang magbibigay ng lahat lahat niya para sa aking ikasasaya. Ang lalaking magbabago sa kwento ng buhay ko at pupuno sa lahat ng kakulangan ng buhay ko. Bago natin siya makikilala ay mainam na balikan ang buhay ko bago pa man dumating ang prince charming na iyon. Katulad ng buhay ni Cincerella, hindi ba’t naibahagi muna ang pang-aalipin sa kanya ng kanyang b***h step mother at twin step sisters bago dumating ang Prince Charming niyang siyang nagbigay ng kaginhawaang karapat-dapat naman talaga para sa kanya? Kung mahilig kayo ng mga parang fairly tale stories ito, mukhang kuwento ng buhay ko ang hanap mo. Ako yung batang sa gitna ng kahirapan ay may matinding pangarap. Tanging pangarap ko lang kasi na makatapos sa pag-aaral ang sandata kong paglabanan ang lahat ng pagsubok. Wala pa kasi akong Knight in Shining Armour na tutulong sa akin sa aking landasin patungo sa aking minimithing tagumpay. Wala pang prince charming na aakay sa akin patungo sa kanyang castle. Ngunit kung si Cinderella na itinago’t inalila ng kanyang stepmother at stepsisters ay nagkaroon ng love life ako pa kayang sa bukid na malayang nakatatakbo sa pilapil ang di mapansin ng isang prince charming? Wala nang mas masarap pa sa pagmamahal ng taong mahal ka at mahal na mahal mo rin. Iyon bang alam mong kaya niyang ibigay sa iyo ang lahat ng gugustuhin mo. Handa niyang gawin ang lahat ng hinihiling mo. Yung tipong kahit hindi mo sasabihin ay alam niya kung ano ang tunay na makapagpapasaya sa’yo. Titiisin ang lahat, isakripisyo at kalimutan ang pansarili niyang kaligayahan para kaniyang minamahal. Sabi nila, masuwerte ka kung may darating na ganitong pag-ibig sa iyong buhay. Sabi nila minsan din lang ito darating at kung pakakawalan mo maaring hindi na muli pang babalik. Ako si Kashmine. Sisimulan kong ibahagi sa inyo ang buhay ko, ang aking masalimuot na landasin at ng buhay pag-ibig naming ng lalaking bumuo sa akin at ng aking nagkawatak na pamilya. Paano ko nga ba sisimulan ang aking paglalahad? Para mas malinaw ay babalikan ko ang lahat ng aking naging simulain. Magsasaka ang tatang ko. Magsasakang walang sariling lupa dahil binabayaran lamang siya ng arawan. Lahat ng puwedeng iutos sa kaniya sa bukid ay ginagawa niya kapalit ng 100 pesos niyang bayad sa maghapon. Noong bata ako, ang 100 pesos na iyon na kaniyang pinagpaguran sa maghapon ay sapat rin lang para sa kaniyang bisyong alak at sigarilyo. Kung may maiiwan man doon ay siya naman naming pambili ng kailangan sa kusina. Basta ang batas niya, hindi dapat maisakrpisyo ang alak niya at sigarilyo dahil katwiran nga naman niya ay siya ang nagpagod kaya nararapat lang na sa kaniya rin mapupunta. Katulong niya si Nanang sa bukid. Kahit pa sabihing nasunog na ng araw at tinuyot na panahon, banaag pa rin ang kagandahan ni Nanang. Batid kong sa kanya ko minana ang kagandahang iyon. Kagandahang hindi naalagaan dahil sa hirap ng buhay. Kagandahang sinisira ng pagdarahop. Kagandahang pinalamlam ng hindi magandang kapalaran. Dala ng impluwensiya ng mga tao sa aming baryo, si Nanang ay hayop din kung manigarilyo. Tambutso ang bibig sa paninigarilyo at sinasabayan din niya minsan ang Tatang sa pag-inom ng alak. Hindi nga lang sila magkaharap kung tumoma ngunit pagsapit ng gabi kapwa na sila lasing at magkakaroon ng mahabang sumbatan sa nangyayari sa buhay namin. Hindi ko naiintindihan kung ano ang kanilang pinag-aawayan. Mula kasi nang nagkaisip ako, madalas na ang kanilang mga iringan. Masasabi kong lumaki akong parang isang ligaw na d**o lang. Walang nag-aaruga, walang nagmamahal. Hindi ko naranasan yung lumaki na pinapaliguan ng mga magulang. Hindi ko matandaan na ako’y binihisan, ipinasyal sa bayan at binilhan ng damit at laruan. Malalaking at maluluwag na damit ang pinasusuot sa akin bigay ng mga kapitbahay na naaawa sa akin. Ang tanging laruan ko ay ang mga maliliit na kahoy na dinadamitan ko ng mga ginunting kong plastic ng chichirya. Sapat na sa akin iyon para maging maligawa. Iniisip ko na lang lagi na isa itong totoong manika. Isang Barbie Doll. Maaring kahoy lang sa paningin ng iba ngunit sa aking imahinasyon, ito ay isang nakapamahal at napakagandang Barbie. Iyon ang kinalakhan ko, ang tignan ang kung anong meron ako at mangarap na higit pa iyon. Kung ang ulam ko ay asin at mantika, iniisip kong kumakain ako ng adobong karne ng baboy. Iyon kasi ang madalas sabihin sa akin ni Nanang, huwag ko raw tignan na ganoon lang ang mga bagay na meron ako, tignan ko ng mas higit pa roon. Nang nagkaisip ako, ako na ang bahalang maglinis sa aking katawan kasama ng mga hubo’t hubad na mga batang nagtatampisaw sa ilog na para bang hindi natatakot ang aking mga magulang na ako’y malunod o tangayin ng agos ng ilog. Hindi ko napagdaanan yung pag-aasikaso na nakikita kong ginagawa ng mga magulang sa mga kalaro ko. Kapag kainan naman ay lalagyan na lang ni nanang ng kanin ang pinggan ko, hahaluan ng mantika o kaunting asin o kaya ay bagoong at ako na ang bahalang sumubo. Kung sa umaga naman ay masaya na ako kung may kape na isasabaw ko sa aking kanin. Pista na nga ring maituturing kung may ginisang sardinas na ihahain. Mula nagkaisip ako ay natutulog akong tanging pagbubungangaan at walang kamatayang diskusyon ang aking naririnig mula sa mga lasing kong nanang at tatang. Sanay ang tainga ko sa murahan nila. Parang naging drama na lang ito sa radio sa pandinig ko. Mahal kaya nila ang isa’t isa katulad ng mga nakikita kong mag-asawang kapit-bahay namin? Kung mahal nila ang isa’t isa, bakit ganoon sila magturingan? Bakit hindi ko makita ang pagmamahalan? Hindi ko kasi nakitang naglambingan sila. Kung hindi sila lasing sa tanghali, tama na yung pag-uusap nila tulad ng pagtatanong ni tatang kung may sinaing na at kung ano ang nalutong ulam, sasagutin naman ni nanang na tignan na lang ni tatang sa kusina kung ano ang nakahanda doon at kainin kung anong meron dahil hindi naman sila mayaman. Hindi nauso sa kanila ang magkakaharap na kumain sa hapag-kainan. Paano nga naman namin gagawin iyon kung wala rin naman kaming mesa. Ang kubong tinitirhan namin ay gawa lang sa kawayan at kogon. Yung tipong isang malakas na bagyo lang ang daraan ay tatangayin na ito sa kalumaan. Kung saan kami kumakain, doon na rin kami natutulog. Tabi-tabi kami kaya madalas kong nauulinigan na pinipilit ni Tatang si Nanang. Nararamdaman ko ang pagsampal sampal ni Tatang kay Nanang kung tumatanggi ito. Alam ko, bata pa ako pero madalas ng gahasain ni Tatang si Nanang. Dahil bata lang ako, anong alam ko kung r**e nap ala ang ginagawa ni Tatang kay Nanang? Umiiyak na lang ako noon sa kama ko. Kahit gusto kong saklolohan si Nanang ay wala naman akong magawa. Takot rin kasi ako Tatang. Ayaw kong sa akin mabunton ang kanyang galit. Walang kaming masabing palikuran kaya sa bukid o malawak na kagubatan sa likod-bahay lang kami nagtatago kung kami ay dumumi. Ingat na ingat nga ako sa pag-apak sa pangunguha ng mimiryendahin kong bayabas at sampalok dahil paniguradong makaaapak ako ng ebak hindi lang ng aming pamilya kundi pati na rin ang aming mga kapitbahay. Iniisip ko ngang ang matatamis na bunga ng bayabas at sampalok ay dahil sa taeng nagkalat sa palibot ng mga puno nito. Wala ring kuryente pa noon ang baryo namin kaya noong edad anim na taong gulang lang ako ay nakapaa pa ako sa madilim at masukal na daan para makidayo na makipanood sa CD ng may kaya at may sariling generator sa kabilang baryo. Kung may limang piso kang pambayad, papapasukin ka sa loob at kalimitan naman ay wala akong pera kaya naghahanap ako ng butas na puwede kong silipan para lang mapanood ko sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ng Pangako sa ‘yo, sina Bea Alonzo at John Lloyd at iba pang mga kinakikiligan kong artista. Tuwang-tuwa di ako sa 100 days to heaven at ginagaya ko ang batang si Madam Ana. Gusto kong maging kagaya ni Madam Ana paglaki ko. Matapang at mayaman. Dahil walang pambayad kaya madalas na sumisilip lang ako sa mga butas. Ngunit isang araw nang muli akong pumuwesto doon sa sinisilipan ko ay nasarhan na iyon ng napakakapal nilang kurtina kaya sinikap kong pumuslit para makapasok sa loob na hindi nagbabayad. Kapapasok ko pa lamang sa loob ay bigla na lang hinila ang manipis, malaki, butas butas at maduming kong blouse. Dinig na dinig ko pa ang pagkapunit niyon. “Hoy, asan muna ang bayad mo?” “Wala ho akong pera e.” “Magbayad ka muna bago pumasok.” “Wala nga ho akong pera ate.” “Tang-inang batang ‘to. Ang kapal ng mukhang papasok wala namang pambayad.” “Gusto ko lang ho sanang makipanood.” “Manood ka kung may pambayad ka. Wala ka palang pera e, bakit ka papasok? Balak pang pumuslit ng hayop na ‘to!” Hayop. Iyon ang turing ng mga mayayamang sa akin. Isang hayop lang at hindi tao. Hinila ako palabas, itinulak at dinuro-duro dahil lang sa limang piso. Nang namura na niya ako naipahiya sa mga tao saka niya pabagsak na isinara ang pintuan. Tinandaan ko ang mukhang iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon dahil siya ang kauna-unahang umapi sa akin. Kung yayaman ako, mababalikan din kita. Pakiramdam ko kasi noon ay parang hindi ako tao katulad ng mga nanonood sa loob. Dahil ba sa wala akong pera kaya wala na rin akong karapatang mapanood ang pinapanood nila? Umaatungal ang aso sa labas ng bahay nila. Kumakahol sa akin. Napaatras ako sa takot. Lumayo ako. Mabuti na lang at nakatali ito kaya hindi niya nasakmal ang butuhan kong katawan.Nabuksan muli ang pintuan nila at napangiti ako. Akala ko ako nga papapasukin ako nong tatay nung babaeng namahiya sa akin pero kinarga ng may ari ng bahay ang aso saka tumingin sa akin. “Ano pang ginagawa mo dito bata? Umuwi ka na sa kubo niyo, hoy!” “Pwede hong makipanood kuya?” pagmamakaawa ko. “Anong makipanood? Walang ng libre ngayon. Kung wala kang pambayad, huwag kang pumunta rito. Sige na, alis na diyan, bwiset!” Pagkatapos no’n ay pumasok na siya kasama ng aso. Mabuti pa yung aso kinarga at ipinasok sa loob ngunit ako na tao pinapalayas na masahol pa sa hayop. Sayang naman ang nilakad kong ilang kilometro. Isa pa natatakot akong mag-isang uuwi. Kailangan kong hintayin ang mga batang kalaro ko na nang mga sandaling iyon ay dinig na dinig ko ang kanilang mga tawa sa kanilang pinapanood. Noon ako napaluha. Unang pagkakataong iniluha ko ang aking kadaralitaan. Bago ako umalis ay nakita ko ang pinagkakainan ng aso, may pansit at ilang buto ng pritong manok na madami pang laman na sa katulad kong mahirap lang ay ulam na rin iyong maituturing. Napabuntong-hininga ako. Iisa ang tumatakbo sa isip ko no’n, naiinggit ako sa aso nila. Mas hamak pang masuwerte ito kaysa sa akin. Pagdating ko sa bahay namin nang gabing iyon ay nakita ko na namang nagrarambulan ang aking mga magulang. Umupo ako sa unang baitang ng hagdanan namin. Sanay na kasi ako sa kanilang sigawan at sakitan. Kung dati umiiyak ako sa tuwing nag-aaway sila, ngayon ay parang drama na lang iyon sa AM radio station na paulit-ulit kong pinapakinggan. Dahil malapit lang ang school sa amin ay sinabi ko kay nanang na mag-aaral rin ako katulad ng mga kapit-bahay namin. Walong taong gulang na kasi ako noon pero hindi pa ako marunong bumasa at sumulat dahil hindi naman ako nag-aaral. Mabuti na lang at magaling ang utak kong pumik-up. Nakikinig ako sa mga usapan nila kung nanood kami at tinatandaan ko ang mga mukha at pangalan ng mga artistang napapanood ko. “Kung gusto mong mag-aral, magtrabaho ka. Mag-ipon ka para sa pasukan ay makapag-aral ka.” “Paano ko naman ho gagawin ‘yon? Kailangan ba ng maraming pera Nang para mag-aral?” “Aba’y ‘antaas naman ng ambisyon mong bata ka?” si Tatang, “Ako nga, di marunong magsulat at magbasa, pati yang Nanang mo hindi rin marunong yan dahil noong panahon namin dito ay hindi uso yang aral aral na iyan. Saka ano namang kung makatapos ka ng Elementarya? Tignan mo nga ang mga kapitbahay natin nakatapos kahit High School, magsasaka at naghihirap pa rin naman sila kagaya natin. Kaya huwag mong kinukulit ang Nanang mo sa aral-aral na ‘yan ha? Malilintikan ka talaga sa akin.” “Pero bakit yung mga mahirap kong kalaro Tang, nag-aaral naman sila.” “Sila ‘yon. Huwag mong itulad ang sarili mo sa kanila. Malaki ka na, alam mo na kung ano ang nakabubuti sa iyo.” Singhal ni Tatang sa akin. “Hayaan mo na. Kung gusto niyang mag-aral e, di mag-aral. Sige na. Kung may pera ako tutulungan kita,” sagot ni Nanang na ikinabigla ko. “Sige ho nang, tutulong ho ako. Pag-iipunan ko ho ang pag-aaral ko.” “Ambisyosa. Kung di ka sana dumating sa buhay namin ng Nanang mo, baka di kami naghihirap ng ganito.” Pagpaparinig ni Tatang sa akin. Nasaktan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit madalas niyang sabihin iyon sa akin. Hindi nagsalita si Nanang para ipagtanggol ako. Madalas nakatingin si Nanang sa akin at bubunot ng malalim na hininga. Nakikita ko yung pangingilid ng luha niya sa tuwing kumakain akong walang ulam. Kung naglalaro ako ng manika na kahoy lang. Kung nakatingin ako sa mga kapit-bahay at naiinggit sa dirty ice cream na kinakain nila. Mahirap din lang sila pero sa tuwing tumutunog ang bell ng tinder ng ice cream ay nabibilhan sila ng kanilang mga magulang. Iba-iba ang kulay nong pinagpatong-patong na ice cream na iyon. Ano kayang lasa no’n? Titingin lang ako kay Nanang noon ngunit alam ko namang wala kaming pera kaya pagmamasdan ko na lang sila at inisip na ako ay kumakain rin. Para makakain ako ng halo-halo noon, kinapalan ko rin ang mukha ko sa kapit-bahay na ako na ang maghuhugas sa mga baso at kutsara para sa isang halo-halo. Maghapon niya ako pinaghugas at nang pasara na siya ay saka niya ako binigyan ng isang halo-halo bilang bayad ko. Ang sarap no’n. Ang sarap sarap na ayaw ko agad ubusin. Gusto kong unt-untiin ang pagsubo. Tagalan sa bibig ko ang lahat ng rekado. Ayaw kong lunukin kasi sayang yung kakaiba at bagong lasa nito sa bibig ko. Hanggang sa natunaw. Naging tubig. Ganoon pala ang halo-halo, naging tubig at nawawala yung lamig kapag hindi kinain agad. Dahil gusto ko talagang mag-aral ay sinimulan kong pumunta ng bukid. Kung binabayaran si tatang at nanang sa mabibigat na trabaho, ako naman ay sa magagaan lang tulad ng paglilinis sa pilapil, pamumulot ng mga kuhol at ilalagay sa isang sako dahil nga kinakain ng kuhol na ito ang malilit na sibol ng tumutubong palay. Ang bayad ko noong 50 pesos sa buong maghapon na nasa putikan sa gitna ng matinding sikat ng araw ay iniipon ko para sa susunod na pasukan ay makapag-aaral na ako. Nagmumukha na akong lalaki noon. Nasunog ng araw ang aking balat. Tumigas ang aking buhok. Ganoon naman talaga kapag mahirap ka, walang sinisino, babae man o lalaki, matanda man o bata ay kailangan gawin ang lahat para magkapera. Hindi na iisipin ang panlabas na ganda ang mahalaga ay may maipuno sa sikmura. Habang ako noon ay nasa bukid, inggit na inggit ako sa mga naka-uniform na mga kalaro ko na may mga bag na papasok sa paaralan. Tumitigil muna ako noon sa ginagawa ko. Pagmamasdan ko sila. Pipikit at iisiping isa na ako sa kanila. Ang sarap sarap talaga sa pakiramdam. Pag-uwi nila sa hapon ay naroon pa rin ako sa gitna ng putik samantalang sila ay nagkakantahan at naglalaro sa daan pauwi sa kanilang mga bahay. Hindi ko talaga maiwasang maiinggit lalo pa’t ang ilan sa kanila ay mga kalaro at kababata ko lang. Napapabuntong-hininga ako kapag nakikita kong inihahatid pa sila ng kanilang mga magulang at sinusundo kapag uwian. Hindi naman sila mayaman, mahirap lang rin sila kagaya ko ngunit nag-aaral sila at tahimik ang kanilang bahay sa gabi maliban sa malulutong nilang mga tawanan. Bakit ako parang walang nagmamahal sa akin? Bakit ako, parang ulila ako kahit buhay na buhay pa ang aking mga magulang? Bakit ni minsan hindi man lang kami nagtatawanan sa bahay? Napakarami ko noong mga tanong. Nilingon ko si Nanang na nagtatanim ng palay. Nakatingin siya sa akin. Alam kong alam niya kung gaano ko kagustong makatuntong sa paaralan. Nakita ko ang pagtalikod niya sa akin. Parang nagpunas siya ng pawis o ng luha. Lihim rin ba akong mahal ni Nanang? Inililihim ba iyon? Hindi ba dapat ipinaparamdam ng isang ina ang pagmamahal sa anak? Dahil may kaluwangan ang likod bahay ay sinikap kong humingi ng mga buto ng talong, kamatis at iba pang mga gulay sa mga kalaro ko na may mga ganoong nabubulok na gulay sa bakuran nila. Kapag kasi tapos na ang taniman ay bihira na rin ang nangangailangan ng babayaran na magtratrabaho sa bukid kaya iyon na ang naisip kong gawin habang maghihintay naman ng anihan ng palay. Magsisiyam na taong gulang na kasi ako sa pasukan kaya kailangan kong ihabol ang edad ko. Nalaman ko kasi na pitong taong gulang lang ang kapatid ng kalaro ko at nasa Grade 1 na. Doon daw ako magsisimula, sa pagiging Grade 1. Sa pagdaan ng panahon ay mabilis namang lumaki ang mga pananim kong gulay na para bang nakikisama sa akin ang kapalaran kahit wala akong pataba. Tubig lang sa ilog ang pinapandilig ko araw-araw. Nang namunga naman ay naging problema ko kung kanino ko iyon ibebenta dahil halos lahat ng mga kapit-bahay namin ay may mga gulay din sa likod-bahay nila. Maliban sa mga ilang tamad na walang ginawa kundi magtsismisan at maglaro ng baraha. Naisip kong dalhin ang mga bunga ng talong, ampalaya, sitaw at kamatis sa bayan. Higit isang oras ko rin nilalakad iyon sa masukal na kagubatan at talahiban bago marating. Kung dadaan kasi ako sa daanan ng mga sasakyan ay aabutin ako ng tatlong oras kaya doon ako sa shortcut dumadaan. Nahihirapan ako noong magbilang lalo na sa pera kaya minsan binubungangaan ako ng mga bumibili sa isang bayong lang na gulay na paninda ko. Presko kasi ang mga paninda ko kaya sa akin bumibili ang ilan pero dahil sa bakuran lang ako nagtanim kaya ilang araw uli ako maghihintay bago mamunga ng aking ititinda. Sa harap ng parlor ng isang baklang parang babae ako noon nagtitinda. Sa akin din siya bumibili at napansin nga niyang hindi ako marunong magsukli. Nang minsang wala siyang ginugupitan ay tinawag niya ako sa loob. Wala na akong ibebenta noon. Ang baklang iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit umayos ang buhay ko. Makikilala siya sa susunod na bahagi ng aking kuwento.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
260.9K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
439.3K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

My Son's Father

read
586.2K
bc

His Revenge

read
55.8K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
787.3K
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook