CHAPTER 7
Dahil sa atensiyong ibinibigay ni Bryan sa akin, mas naging malalim na tuloy ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi na lang kasi simpleng crush lang. Mahal ko na yata siya. Maaring ito’y pupply love lang ito sa iba ngunit higit pa roon ang dating nito sa akin.
Mahilig si Bryan sa basketball at iba pang laro. Active kanyang lifestyle kaya naman marami rin siyang barkada. Sa tuwing nakahubad siya na nadadaanan ko pagakatpos ng kanilang practice ay panakaw akong tumitingin. Sumisikip ang dibdib ko kapang nakikita ko ang manipis na tubo ng buhok sa kaniyang dibdib hanggang sa tiyan. Napapalunok ako. Bahagyang parang may init na umaakyat sa aking kaibuturan. Ngunit alam kong hanggang paghanga na lang ako at mananatilin nakatingin lang ako sa kanya sa malayuan. Totoong mabait siya sa akin ngunit alam ko naman wala siya sa aking gusto dahil ako lang ang lagi sa kanyang nakatingin. Ni hindi ko siya nahuling nakatingin din sa akin. Siguro, kaya ganoon siya dahil nakikita niyang mahirap lang ako. Ang iniisip kong pagdarahop namin sa buhay ay nadagdagan pa ng suliranin sa puso. Lalo na tuloy akong nahirapan. Idinadaan ko na lamang ang lahat sa pangarap habang nagbabasa ako ng fairy tale stories sa aming library. Madalas kong inisiip na ako sa Cinderella at siya ang aking Prince Charming. Wala man akong step mom at step sister pero kung kahirapan lang din naman ang pag-uusapan baka makuntento na lang si Cinderella sa kanyang sariling kwarto. Mangingimi siyang kilalanin ako.
Mula noon, dahil alam ko namang hindi niya ako magustuhan talaga ay nagsimula na akong matakot na maidikit ang katawan ko sa katawan niya kung sinasakay niya ako sa motor. Lalo lang kasi akong nagugumon sa pagmamahal ko sa kanya na alam ko namang hindi niya kayang suklian. Hindi naman kasi pwedeng ako ang manligaw sa kanya. Hindi rin ako maaring umasa. Tama na yung inspirasyon ko na lang siyang pumasok ng maaga at araw-araw. Okey na sa akin yung isinasabay niya ako sa kanyang motor.
Naiinis na rin ako sa sarili ko kasi sa dinami-dami ng nagkakagusto sa akin ay siya pa rin ang gusto ko. Sa dinadami ng paghihirap namin ay ito pa ang inuuna kong iniisip ngayon. Dumaan pa ang araw at buwan, naging mas malapit na kami sa isa’t isa. Hanggang sa ako na ang naging takbuhan niya sa assignments namin, kopyahan niya sa mga hindi siya siguradong sakot sa mga exams namin at kung nasaan siya, siguradong naroon rin ako. Nguni tang lahat ng iyon ay sinusuklian niya ng kabutihan at hindi ko alam na mga pagkain. Mga pagkaing bago sa aking panlasa. Mga pagkaing hindi kung saan-saan nabibili. Mga chichiryang hindi naman galing sa Pilipinas. Chocolates na pagkarami-rami. Mga sandwiches na may mga kakaibang palamang sausage. Lahat ng iyon ay natikman ko dahil sa kanya at inunti-unti ko ang kagat para lasap na lasap ko ang sarap ng mga iyon.
“Saan galing ang mga ito?” tanong ko.
“Sa America. Padala nina daddy.” Simpleng sagot lang niya. Hindi niya alam na nanlaki ang aking mga mata.
“Ibig sabihin, imported ang mga pinagbibigay mo sa akin?”
“Kash naman ilang buwan ka nang nakakain ng mga ‘yan ngayon mo lang alam?’
“Hindi ko alam. Kung alam ko lang e di sana hindi ko inuubos para makapag uwi ako para kay Nanang.”
“Sige hayaan mo, damihan ko bukas para makapag-uwi ka kay Nanang mo.”
Tinupad niya ang sinabi niya. Kay nanang lang may problema.
“Baka iba nay an Kash ha? Bakit ka binibigyan ng ganyan kung wala siyang gusto?”
“Nang, mabait lang yung tao, saka ako naman gumagawa ng assignment niya at ilang mga project.”
“Sigurado ka?”
“Oho. Saka Nang araw-araw siya nagdadala.”
“Mayaman, imported e.”
“Paano moa lam na imported.”
“E, ganyan na ganyan nga ang mga kinakain nila doon sa bahay ng tatay mo. Hindi ako maalam magbasa pero marunong akong kumilala. Marunong din ako kumilatis kung may gusto yan nagbibigay niyan sa’yo o wala.”
“At anong kilatis ninyo Nang.”
“Gusto ka niya.”
“Hala si Nanang. Bata pa ako ‘no.”
Tinitigan niya ako. “Kilala kita. Anak kita e. Tigilan mo ‘yang kalandian mo, ayaw kong magaya kasa akin. Sige nga, abutan mo akong isang chocolate na ‘yan at lagyan mong pinggan na ito ng chichiryang ‘yan.” Nakangiti niyang sabi sa akin.
“Kunyari pa siya oh, andaming sinasabi gusto rin naman pala.”
“Imported e. Dali na, bigyan mo na ako.” Nauwi sa tawanan ang lahat.
Malaki ang ipinagbago ni Nanang. Kahit papaano ay nakakapagbiruan na kami. Hindi ko na ramdam pang pasan ko ang buong mundo. At kung papasanin ko man ito, alam kong may nanang akong siyang aagapay sa akin.
Isang hapon bago ang pagtatapos namin ng first year ay bumaba rin siya sa motor niya pagkababa ko.
“Bakit bumaba ka pa?” naguguluhang tanong ko. “Iihi ka ba?”
“Hindi.” Natawa siya. “Nakita ko kasi yung pangalan mo na first honor sa klase natin.”
“Oh tapos?”
Binuksan niya ang kanyang motor. May nakita ako doong mga paper bags. Kinuha niya at inabot niya sa akin.
“Ano ‘to?”
“Basta, buksan mo na lang mamaya.”
“Bry ano ba ‘to? Akin ba? Paninigurado ko lalo pa’t hindi naman talaga ako sanay na binibigyan.
Hindi na niya ako sinagot. Nakangiti lang siya sa akin.
“Parang sira ‘to, ano nga ‘to?”
Sumakay siya at pinaharurot na niya ang kanyang motor.
Hindi na muna ako naglakad sa pilapil pauwi. Binuksan ko muna ang ibinigay ni Bryan sa akin sa waiting shed habang wala pang tao. May mga nakikita akong naggagapas ng palay sa di kalayuan. Isang box at nakasupot na parang bagong uniform ang nakita ko. Binuksan ko ang box. Sapatos? Hindi ako makapaniwala. Sapatos nga. Nang buksan ko ang plastic ng mga bagong uniform ay may nahulog na nakatiklop na papel.
Sulat? Tama. Sulat nga.
Umupo muna ako sa waiting shed. Inayos ko munang ibinalik ang mga bigay ni Bryan sa paper bag. Para akong hindi makahinga sa sobrang saya.
“Hi Kash,
This is for you as a sign of my gratitude for helping me coping up with my studies. Yung mga dapat ako ang gagawa, ikaw na ang gumagawa. Salamat kasi nandiyan ka para suportahan ako. Ito na lang ang naisip kong ibigay kasi nakikita kong nakabuka na ang sapatos mo at binibitbit mo pa rin sa pilapil kapag naglalakad ka. Uniform na rin ang ibinigay ko para bukas pag-akyat mo sa stage ay may bago kang maisusuot.
I am always here po. Ingat. Hope you like it.
Bryan
Kahit iyon lang ang laman ng sulat niya sa akin ay natuwa ako. Napaluha dahil iyon ang unang pagkakataon na may nagbigay sa akin ng isang regalo. Matalino si Bryan tamad lang mag-aral. Inglisero nga eh kasi ayon sa kuwento niya, nasa America daw ang Mommy at Daddy niya kaya may kaya rin talaga sila sa buhay.
“Bakit sa public school ka pinag-aral. Mukha kasing mayaman ka e?” naaalala kong tanong sa kanya.
“Principal kasi dito sa school si Tito kaya gusto nina Mommy na dito na rin lang ako para mabantayan daw ako.”
“Mabantayan? Siguro loko ka noong Elemetary ka ‘no?”
“Sort of.”
“Hindi ka ba kinukuha doon?”
“Kinuha na ako doon. I grew up there. Pinauwi lang ako for a punishment. Hindi ko lang alam kung kailan ako babalik. Bakit ba andami mong tanong?”
“Wala nagtataka lang ako kasi parang hindi ka bagay na kasama namin dito sa public school.”
“Bakit naman. Pare-pareho lang naman tayo. Halika saluhan mo ako sa sandwich ko. Nagpagawa talaga ako kay yaya ng tig-dalawa natin para busog tayo.”
“Hayan ka na naman. Kaya minsan naiinis na yung iba nating kaklase sa akin kasi ganyan ka sa akin.”
“E, bakit mo kasi sila pinapansin, ang importante, ikaw at ako.”
“Ikaw at ako?” kinilig ako. Manliligaw na ba siya?
“Ikaw at ako, magkaibigan.”
“Anak! Anong ginagawa mo diyang nakangiti? Tara na!” si Nanang. Pinutol niya ang naalala kong minsang usapan namin ni Bryan. Nakita ko siyang palapit na sa akin sa waiting shed. Galing siya sa paggagapas.
Nagmano ako.
“Ano ‘yan?” napansin niya ang dala kong paper bag.
“Ibinigay ho ni Bryan?”
“Bryan? Sinong Bryan?”
“Kaklase ko ho.”
“Yung nagbibigay sa’yo ng mga pagkain?”
“Oho.”
“E, bakit ka raw binibigyan ng ganyan?”
“Pasasalamat daw ho?”
“Pasalamat na naman? Aba eh yayaman ka niyan sa paggawa gawa mo ng mga dapat ginagawa ng mga kaklase mo. Baka mapabayaan mo pati ang pag-aaral mo niyan.”
“Hindi ho Nang.”
Huminga ng malalim si Nanang. Banaag kong hindi niya nagugustuhan ang nangyayari.
“Patingin?” tinignan niya ang laman ng paper bag. “Baka naman may gusto siya sa’yo kaya siya nagbibigay ng ganito?”
“Nanang naman. Hindi ako magugustuhan no’n no. Sabi niya, kapalit daw ng pagtulong tulong ko sa kanya sa aming mga lessons.”
“Sana gano’n lang. Mayaman ba ‘yan?”
“Oho.”
“Kashmine ha, kung mayaman nga ‘yan huwag na huwag kang padadala sa mga ganyan nila. Kinukuha lang niyan ang loob mo at kapag nakuha na ang gusto sa’yo, sasaktan at iiwan ka rin niyan.”
Gusto kong magprotesta sa sinabi ni Nanang ngunit alam ko kung saan nanggagaling iyon. Dahil sa hindi maganda niyang karanasan sa walang kuwenta kong ama.
“Sige na, tara na at nang makapagpahinga ka na. Basta huwag mong ibigay ang iyong tiwala sa mga mamayaman na ‘yan. Ayaw kong maulit sa’yo yung nangyari noon sa akin, okey?”
“Sige Nang. Tatandaan ko po. Siya nga po pala. First Honor ako.”
“First Honor ka?” nakita ko ang pagkagulat ni Nanang.
“Opo Nang. Sa wakas po. Naging patas na ang laban. Hindi na ho donation at pera pera lang.”
“Talaga? Binabati kita anak. Buti na lang sa tatay mo ikaw nagmana at hindi sa akin.” Bahagya niya akong niyakap.
“Nang, matalino naman kayo. Hindi lang siguro kayo nakapag-aral dahil sa kakapusan pero alam ko matalino kayo.”
“Tara na anak. Basta masaya ako at ipinagmamalaki kita. Kahit pa magsasaka ang nanang at tatang mo e, matalino naman ang anak ko. Yaan mo, patuloy akong magsisipag. Igagapang kita sa hirap.”
Habang naglalakad kami ni Nanang pauwi ay nakita ko ang kanyang kabuuan. Lalo na siyang nangangayayat sa kata-trabaho sa bukid. Nasunog na ang kanyang balat. Tumanda ng ilang taon. Hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang pagod at hirap niya para sa akin ngunit nangangako ako sa kanya at sa sarili ko na magtatagumpay kami kahit pa walang suporta sa amin at nagiging pabigat lang ang aking lasinggero na amain.
Kinabukasan masaya ako dahil si Nanang ang nagkabit ng aking medalya. Kahit pa naka-tsinelas lang siya at luma ang kanyang damit ay nakita kong proud nga siya para sa akin. Hindi man kami kasing-yaman ng mga kaklase kong sinabitan ng medalya, ang katotohanang ako ang hinirang na pinakamatalino ay sapat na para ipagmalaki namin sa kabila ng aming kahirapan.