CHAPTER 22 “Bitiwan mo ang anak ko! Kung hindi e pagtatagain kitang hayop ka!” sigaw ni Nanang na pababa sa hagdanan. Noon ko lang nakita yung poot sa mukha nito. Lumuwang ang pagkakasakal ni Tatang sa akin. Nabanaag siguro niyang hindi lang nananakot si Nanang. Itinulak niya ako at tuluyan akong napaupo sa damuhan. “Pasalamat ka nandito ang Nanang mo kung hindi e paglalamayan ka nang hayop ka! Makaalis na nga! Mga bwisit kayo!” “Umalis ka na at huwag ka na sanang umuwi hayop ka! Layas! Lumayas ka!” Inambaan ni Nanang si Tatang g taga ngunit alam kong panakot lang niya iyon. Ngunit itinulong niya ang amba niya. Pero nakailag si Tatang. Sinigurado niya kasing makakailag at hindi madaplisan si Tatang sa ginagawa niyang pagtaga-taga. “Aba papatayin mo talaga ako ah! Magtutuos tayo gag