CHAPTER 23 Dahil sa nakita kong suporta ni Nanang at dahil nahihiya naman akong mag-inarte pa kaya dali-dali na akong naligo. Paglabas ko ay agad na nila akong inayusan. May kung anu-ano silang ginawa sa mahaba kong buhok, may mga inilagay sa aking mukha. Nilinis nila at nilagyan ng ang aking mga kuko sa kamay at paa. Nagtulung-tulong rin silang bihisan ako. Sobrang saya ko nang dahan-dahan nilang inilabas ang napakagara at kumikintab-kintab na asul na gown. “Isusuot ko ha ‘yan?” naibulalas kong tanong. “Hindi para kay Alig Belen. Siya ang magga-gown,” pabirong sagot ng isang bakla na ikinatawa namin ni Nanang. Nang tuluyan nilang maisuot ang gown sa akin ay ramdam kong parang akong si Cinderella. Nang tinanggal nila ang inilagay nila sa buhok ko ay naging pakulot ang dating straight k